Thursday, June 25, 2020

Kanselado

Kumusta ang lockdown sa area niyo, mga ateng? Tatlong buwan na tayong nakakulong at ang dami na nangyari. Marami sa atin ay nawalan ng kabuhayan. Maswerte ang mga nakapag-ipon dahil may nahugot sa panahon ng pandemya. Hanggang ngayon, patuloy na dumadami ang bilang ng kaso. Malabo pa sa tubig kanal na ma-achieve ang sinasabi nilang flattening of the curve na Abril ko pa yata narinig. Anong petsa na???

Pride month ngayon at kanselado ang taunang martsa dahil bawal pa ang gatherings and events. But that doesn't mean we shouldn't celebrate. I've been watching several transgender-themed movies and documentaries to educate myself. I recommend Transamerica, Something Must Break and the Netflix original Disclosure. Siyempre, hindi mawawala ang pakikinig ng mga kanta nina Kylie Minogue, Christina Aguilera, Britney Spears, Celine Dion, Katy Perry, Madonna at iba pang gay icons. No pandemic will stop us celebrating our colorful lives.

Dahil bawal lumabas by Kim Chiu, dumagsa ang mga YouTube videos from different content creators. Kaaliw din manood ng mga buhay-buhay ng mga taong sikat sa social media world. Pero isa sa mga umusbong ang Zoom interviews with beauty queens. Todong na-enjoy ko ang interview ng Missosology kay Pia Wurtzbach lalo na sa part kung paano niya nakumbinsi si Madame Stella na Pinoy gown ang isuout sa Miss Universe. Isa pa ang Korona interview ni MJ Lastimosa. Totoo talagang she's very down to Earth and very kumare ang peg kaya isa siya sa well-loved Pinay queens.

Recently, umani ng batikos ang pag-guest ni Kevin Balot sa Queentuhan hosted by Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti and Carla Lizardo. Malinaw na sinabi niyang hindi niya bet sumali ang transgender women sa Miss Universe because she feels that it's not equality anymore. It's asking too much na daw. JUICE KOH! Sumakit ang ulo ko, sumakit ang bewang ko. KALOKA! And while listening to it, ang taray pa ng tono ni madame habang sinasambit ang mga salitang 'yan. YAY! It was also obvious that the host didn't expect that coming from her. Coming from a Miss International Queen. Sad. Bilang damage-control, heto ang kanyang statement via Twitter:


I'm not buying this because of some points. Una, hindi straight English ang usapan nila. They were talking in Taglish. Kung hindi niya kayang magsalita ng English, daanin sa deretsong Tagalog. I'm sure hindi aarte si Pia kahit Miss Universe pa 'yan! The choices of words used by Kevin during the interview was a little bit harsh sa transgender community na patuloy na nakikipaglaban sa pantay na karapatan. Transgender women wanting to join traditional beauty pageants is not a sign of disrespect or asking for too much right. Lastly, I feel that the point came from a privileged person given that she can pass as a straight woman. Iba siguro ang karanasan niya vs. those who can't pass kahit 'sangkaterbang pillar na ang nilaklak. At kahit hindi ka physically nag-transition, you can't deny to yourself that you're a woman.

Honeslty, I'm still educating myself until now. If I don't have enough information about a certain topic, I'd rather park it and will give you my point once I'm fully informed. Natutunan ko sa pagsusulat na mahirap magbitaw ng hilaw na opinyon.

Kevin was given a strong platform at sana nagamit niya sa mas nakakabuti. I don't believe in the "cancel culture" that we have in social media pero kapag nagkamali ang isang tao, I hope they learn how to be responsible and be accountable for that. Don't twist the situation and tell more lies because darling, we hear lies when we hear one. But I believe on her last statement, that she'll take this as a step to improve herself.

It's not too late, Kevin. Hope you become a better person after this issue.

Monday, April 13, 2020

Tandem

Exactly a month ago, an unthinkable happened to me. I wrote this the day after it happened to me. Hayaan niyong ibahagi ko...

***
Friday, the 13th of March 2020
Between 3:05 and 3:07 a.m.

Photo courtesy of Rappler
Galing sa trabaho at naglalakad sa aming lugar pauwi ng bahay nang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo na may suot na surgical mask ang huminto sa gilid ng daan. Bumaba 'yung nasa likod...

"Magtatanong lang po. Saan ba ang Caloocan?"

I was suspicious already that they were riding in tandem when suddenly he declared holdup. Napatili ako sa takot. I wanted to run on the other side pero nakarinig ako ng putok ng baril. Natumba ako sa daan.

"Eto na po, sa inyo na ang bag ko." sabay hubad ng backpack.

"Cellphone mo?" habang kinakapkap ang bulsa ko.

"Nandiyan na po lahat sa bag."

Tumayo ako at nagtatakbo sa pinakamalapit na guard house sa kanto.

"Na-holdup po ako."

"Kuya, 'wag ka dito." sabi ni ate guard.

Nakita kong umalis ang motorsiklo at tumingin pa sa gawi namin. Pagtapos ng ilang saglit, nagtatakbo na ako pauwi ng bahay. May tatlo o apat na nakakita and they said kanina pa nakaparada sa tapat nila ang motor. While running, I was constantly checking if tinamaan ako. God saved me.

After calling the banks to block my cards, changed my password to several online profile, and removing the device to my social media and email acount, I reported the case to the police. It's now under investigation. We tried to check the CCTV but it was too pixelated for us recognize their identity dahil madilim sa lugar nang pinangyarihan. Sira pa dahil patalon-talon ang recorded video.

I've been living around the area and walking that same street for 7 years now. I thought it will never happen but as they say, nakamamatay ang akala. As much as I want to remember their faces, how can I do that if they took advantage of our current situation?

I think God and La Mudra saved me. I'm grateful that I was given a chance to survive that crime. I hope the police will be able to arrest the suspects as soon as possible so that no one would experience what I've gone through.

I'm traumatized and can't sleep well. But I know, this too, shall pass.

***

Sa ngayon, nakakatulog na ako at minsan na lang naiisip ang nangyari. Hindi na rin ako nanghihinayang sa mga nakuha sa akin dahil mas importante na buhay ako. Kayang palitan ang materyal na bagay pero kung sa akin inasinta ang baril, maaaring hindi ko na naisulat ito. Marami pa akong gustong maabot at tuparin, hindi lang para sa sarili ko kundi sa mga umaasa sa akin. This is experience thought me to prioritize safety all the time and be alert especially when it's late at night. I just learned it the hard way but that's fine. Life's like that. 

Ingat palagi, mga ateng!

Sunday, April 12, 2020

Las OpiniĆ³nes 1.0

Kagulo talaga simula nang mag-lockdown noong nakaraang buwan. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Dumarami na rin ang namamatay samantalang mabagal ang usad ng number of recoveries. Kung umaksyon siguro ang gobyerno kaagad, hindi tayo aabot sa ganito. Sa may Pasay-MOA area lang, parang ikaw na ang dayuhan sa dami ng tsekwang makakasalubong mo. Infairness, ang lagkit nilang tumingin, parang pinagnanasaan akiz. Doon na lang ako rarampage after nitong quarantine. Baka sakaling mas malaki ang kita. CHOS!

Sa dami ng ganap, heto ang maikli pero makatas na opiniĆ³nes ko sa mga nagbabagang balita:

1. Itinatanggi na ngayon ni Ethel Booba na sa kanya ang Twitter account na kung ako ang tatanungin ay siyang naging daan upang sumikat siyang muli. Nakilala ang account sa maaanghang pero makabuluhang tweets tungkol sa iba't ibang issue. According to Ethel's Instagram account, peke daw ito at ginamit lang siya. After so many years, ngayon niya lang sinabi??? Hhmmm... feeling ko, may gumipit sa kanya. Nakapag-publish pa nga ng libro dahil sa witty charot tweets niya na nagkaroon pa ng book signing tapos hindi pala siya??? I wonder how, I wonder why...

2. While browsing YouTube, sunud-sunod ang recommendation vlogs mula sa members ng Pacquiao family. Na-curious aketch kaya nang i-click ko, wiz naman nakapagtataka na thousands ang followers at milyon-milyon ang views. Isa sila sa prominenteng pamilya sa larangan ng sports at ngayon, sa pulitika. Very active sila mag-shoot at edit kahit naka-quarantine huh! Mukhang taking advantage of the situation bilang karamihan ay nasa bahay at isa sa mga past time ng mga utaw ay mag-internet. Naaliw ba kayo sa pakulo nila? Ako, I smell something being cooked. Parang matitikman natin 'yan sa 2022. ABANGAN.

3. Nakita niyo na ba ang TikTok videos nina Cabinet secretary Karlo Nograles at ex-Presidential spokesperson Harry Roque? NAKAKALOKA!

4. Maraming residente ng Quezon City ang dismayado kay Mayora Joy Belmonte. Medyo hindi kasi ramdam ang presence niya sa panahon ng sakuna tapos nagkalat pa sa social media. To be fair naman, mukhang overwhelmed ang lola natin dahil sino ba ang mag-aakala na aabot tayo sa ganitong sitwayson. Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang inasal at nagpapadala na ng bonggang relief goods. Magkakaroon na rin ng swabbing booth sa ilang ospital para makaiwas sa COVID-19 exposure ang ibang health workers at makatipid na rin sa PPEs o Personal Protective Equipment.

5. Ramdam niyo ba ang 275 billion peysosesoses na budget ng gobyerno para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19? Ako hindi pa pero sana, maambunan na. Mga ateng, pakisindi nga ang kandila sa altar at ulit-ulit nating sambitin "pera ni Tatay, magparamdam ka... pera ni Tatay, magparamdam ka..."

6. Isa ba kayo sa mga bonggang nag-react kay Alma Aquino na isang beneficiary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagsabing pang-isang linggo lang ang 8 kiaw sa pamilee niya? Honestly, na-shock din akiz pero wit muna ako nag-post ng reaksyon. Gusto ko sanang mapanood muna ang buong balita bago kumuda pero hindi ko makita. Sa akin lang, hindi kami pareho ng buhay ni Ate Alma. Maaaring mas marami siyang kapamilya na may iba't ibang pangangailangan. Who am I to judge?

'Yan na muna. BABU!

Monday, April 6, 2020

Macho Dancer 3.0: Sibak

Ang dami na nating pinagdaanan sa taong ito! Wala pa tayo sa kalahati pero pang-isang dekadang hamon na yata ang ibinabato sa atin. Kumusta naman kayo, mga ateng? Sana ay okay kayo at nasu-survive ang araw-araw. Tengga ang karamihan ngayon sa bahay maliban sa ating magigiting na frontliners. Salamat sa ibang kumpanya na pumayag sa work-from-home setup at patuloy tayong kumikita. Ang ilan sa atin ay todong nag-aantay sa pa-relief goods ni mayor mula sa barangay at kung papalarin, nawa'y qualified sa ayuda ng DSWD. Iisa lang naman yata ang hiling nating lahat, ang matapos na ang delubyo ng COVID-19. Madiskubre na sana ang gamot at bakuna laban dito.

Bilang pamatay-bagot, binalikan ko ang ating koleksyon ng mga pelikula. Isa sa mga isinalang ko ang Sibak, Midnight Dancers. Una ito sa trilogy ng macho dancer trilogy na directed by Mel Chionglo. The other two are Burlesk King and Twilight Dancers na irereview din natin because why not?

Sibak, Midnight Dancers (1994)
Tangent Films International
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Alex Del Rosario, Gandong Cervantes, Nonie Buencamino, Maureen Mauricio, RS Francisco, Soxie Topacio, Perla Bautista and Lawrence David 

Tungkol ito ng tatlong magkakapatid na macho dancer - sina Joel (Del Rosario), Dennis (Cervantes) at Sonny (David). Sa Club Exotica sila bonggang sumasayaw at tume-table sa mga customers. Kapag bet sila i-booking, may mga kwartong avail sa second floor. Manager nila dito si Dominic (Topacio) na pinatalsik si Dennis dahil palaging late. Ayun, napabarkada sa mga magnanakaw. Si Joel ay may asawa (Mauricio) at anak na, may jowang sisteret pa (Buencamino). Open naman ang dalawa sa setup nila. Mahal nila si guy eh. Bunso ng pamilya si Sonny na naging ka-MU si Michelle (Francisco), isang transgender woman na nagtatrabaho din sa parehong club.

"Titigil na ako sa pagko-callboy. Sabi nila walang mawawala sa atin dahil mga lalaki tayo.
Hindi totoo 'yon. Gabi-gabi, kung sinu-sino kasiping nating mga lalaki. Ni hindi man lang natin kilala.
Ni hindi man natin gusto. Binabayaran lang tayo para sa katawan natin."
Diyan muna uminog ang istorya bago nagkandaleche-leche nang kupkupin nila si Bogart na isa palang kawatan at itinakas ang pera ng mga kasamahan. Nambabae din ang tatay ng magkakapatid, na-raid ang Club Exotica at sinalvage si Dennis ng mga parak. Last na pagsubok ang pagsugod ng mga kasamahan ni Bogart sa bahay ng magkakapatid. Nagkataong nanay (Bautista) lang nila ang nandoon at sinaktan. In the end, nahabol at napatay sila nina Joel at Sonny.

Taong 1994 ipinalabas ang Sibak, mga panahong patok pa ang macho dancers at gay bars. Meron pa rin naman niyan hanggang ngayon pero karamihan kasi, online na ang palitan ng transaksyon - massage (with or without extra service), escort, o direktang sex for hire. According to Wikipedia, na-ban daw ito sa Pilipinas. I think the working title was Sibak then Midnight Dancers was the international title. Paki-correct nga ako, mga ateng, if ever mas may alam kayo sa nangyari. 9 years old pa lang naman kasi ako noon so busy pa sa Sailor Moon. CHAR!

Kahirapan ang sentro ng pelikula. Easy money ang makukuha sa pagsasayaw at pagbebenta ng laman. Kahit may option ang magkakapatid na magkaroon ng ibang trabaho, nasanay sila sa madaling kitaan. Pero sabi nga sa ingles, "easy come, easy go". Nagustuhan ko rin na ang daming ganap sa pelikula but not to the extent na dragging na. Hands down pa rin kay Ricky Lee sa paggawa ng makabuluhan at matinong script. Hindi pilit ang mga salitang ginamit.

Mabigat sa damdamin ang istorya kasi kung minsan ka nang nakaranas ng kahirapan, mararamdaman mo ang pinagdaanan ng mga karakter. Hindi mo sila masisisi kung bakit kinailangan nilang kumapit sa patalim. I may not agree na makipagrelasyon sa iba habang may asawa't anak ngunit nangyayari 'yan sa totoong buhay eh. I particularly liked the relationship between Sonny and Michelle. Minsan lang kasi talakayin sa mga pelikula noon ang relasyong man to transgender woman. Iba pa ang pananaw noong 90s eh. Hindi rin nauwi ang relasyon nila sa awayan, hiwalayan at patayan. Mapapa-#SanaAll ka talaga!

If you want to watch the movie, it is available online via YouTube. Sana lang legit itong na-upload. CHOS!

Rating: 4/5 stars

Saturday, February 22, 2020

Minulat

Nakikiisa ako sa Kapamilya Network para ma-renew ang franchise nila sa kongreso upang patuloy na makapag-broadcast ng balita at entertainment sa masang Pilipino. Alam naman natin na ginigipit sila ngayon dahil hindi in favor sa kanila si Tatay Digong. Well, well, well, hindi yata nila nasukat ang impluwensiya ng mga Kapamilya artists na maaaring ma-impluwensiyahan ang mga utaw. Pwera diyan ang mga solid DDS na sina Ka Tunying, Noli De Castro and the likes. 'Di ko talaga sila bet ever!

Speaking of Kapamilya, last year ay lumikha nang malakas na ingay ang seryeng Mga Batang Poz na mapapanood exclusively sa iWant, ang online app ng ABS-CBN. Naipalabas pa nga ito sa mga sinehan at napakaganda ng reviews. Minulat nito ang kamalayan ng mga tao sa kung ano ang kasalukuyang estado ng HIV/AIDS sa bansa. Base na rin sa nabasa ko sa social media, na-push nito ang ilang kabataan partikular na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na magpa-HIV/AIDS test.

Mga Batang Poz
by Segundo Matias, Jr.

Of course, we got excited with the cast - Awra Briguela, Mark Neuman and the newcomers Paolo Gumabao and Fino Herrera. Na-love at first sight yata ako kay Fino. Paka-gwapo! Not to mention his almost-perfect physique. Ang mga pandesal sa tiyan, mga ateng, nagmumura! 


The first part of the series was uploaded in YouTube. Nakakaintriga! This was based on the book with the same name written by Segundo Matias, Jr. After watching the first part and Luis's story on iWant, I decided to read the book.

Fast forward to the current month, katatapos ko lang kanina mabasa sa UV Express ang libro and I must say it's so good. Napakaganda ng pagkakasulat - simple, madaling basahin, direct to the point at hango sa pananaliksik. Feel na feel ko 'yung alter world sa Twitter pati na ang mga sexual escapades ng mga alter accounts. 'Yung pagiging mapusok nila sa pakikipagtalik na kahit unprotected, go sila. Ipina-educate din sa mga mambabasa na ang HIV ay pwedeng makuha kahit iisa lang ang katalik mo - dahil hindi mo alam kung ikaw lang ba ang nakaka-sex niya. Ganooon!

Nakatutuwa din ang pagkakaibigan nabuo sa apat na panginahing karakter - sina Chuchay, Gab, Enzo at Luis. Para silang mga totoong tao na nakilala mo na sa buhay mo. Maaaring kapatid, kaibigan o kakilala. I particularly like Gab's story. Ramdam na ramdam ko siya. May suprise sa dulo at kung bet niyo malaman kung ano 'yon, read the book or watch the series.

Wala na akong ibang masabi kundi napakaganda nito. Unang beses yatang magkaroon ng ganitong serye at balita ko, may part 2 daw. Ngayon pa lang ay excited na ako kaya abangan natin!

Friday, February 7, 2020

Dinugtungan

Patuloy na pumapanig si Tatay Digong sa Tsina at nakiusap na 'wag isisi sa kanila ang paglaganap ng 2019-nCoV. Inuna pa talaga niya ang feelings ng mga Tsekwa kaysa sa mga Pilipinong napa-praning sa sakit na dulot nila. Sa kanila nagsimula, 'di ba? Tapos sila itong walang habas mag-travel sa kung saan-saan dala ang virus na ngayon ay ikinababahala sa buong mundo. Hindi ko sila sinisisi dahil sino ba naman ang gusto magkasakit? Ang sa akin lang, napakabagal umaksyon ng gobyerno natin. Kung noong una pa lang ay nag-ban na sila ng travellers from China, eh 'di sana hindi tayo sumapit sa ganitong halos magdadalawang daan na ang under observation. As if naman napakaganda ng healthcare system natin.

Two years ago, pinaiyak tayo ng pag-iibigan nina Elio at Oliver sa Call Me By Your Name. Ang tagal bago ako pinag-move on nang dalawa. Hirap talaga kapag hindi happy ending eh. CHAR! Mukhang nakaramdam naman ang author na si Andre Aciman at ginawan nang karugtong ang istorya nila. October last year nang lumabas ang nobelang Find Me.

Hindi kaagad ako nagkaroon ng kopya nito dahil limitado ang supply sa National Bookstore kaya sa Amazon UK ako napabili. Dumating naman before Christmas but I saved it as my January 2020 book.

The story focused on the life of Elio and his father, Samuel, years after Oliver left Italy. Naghiwalay ang mga magulang ni Elio at nakapangasawa nang mas bata ang tatay niya, si Miranda. Nagkaroon siya dito ng kapatid. Siya naman ay nagkajowa rin sa katauhan ni Michel na ang edad ay halos doble nang sa kanya. Mahilig talaga sa matanda itong si Elio, 'noh? Sabagay, mas experienced and knows how to handle twinks like him. CHOS!

Halos patapos na ang libro nang talakayin ang buhay ni Oliver. 'Yung awang-awa tayo kay Elio sa ending ng CMBYN dahil sa pang-iiwan sa kanya. 'Yun pala ay ganoon din kalungkot si Oliver. Hindi nga lang tinalakay sa libro at pelikula.

Ayoko na masyadong mag-kwento about Find Me but for me, it was not as impacting as the first one. Pero dedma lang kasi maganda pa rin naman. Ang pinakamahalaga, dinugtungan nito ang pagmamahalan nang dalawa. Ang tanong lang eh happy ending ba? Kung gusto niyong malaman, tara na't kumuha ng kopya.

Most of us felt that January was super long. Naramdaman ko din 'yan. Sa pagpasok ng Pebrero, marami ang umaasang magiging mas magaan ito lalo na at tinagurian itong buwan ng pag-ibig. May jowa man o waley, basta maging healthy, 'yan na lang ang tanging hiling ko para sa 'ting lahat.

Sunday, February 2, 2020

Macho Dancer 2.0: Mabenta

Matapos ang ilang linggong pagdagsa ng mga Intsik sa ating bansa, isang kumpirmadong kaso ng n-CoV ang naitala ng DOH. Kaya naman todong mabenta ngayon ang face masks at alcohol to the point na nagkakaubusan na ng stocks. Dahil hindi agad nagpahinto ng flights mula China ang gobyerno, marami ngayon ang dismayado. Alam naman natin na bago pa mangyari ito, puno na ang mga pampublikong hospital sa bansa. Paano tayo nakasisigurong handa ang ating gobyerno kung sakaling madagdagan ang confirmed case/s? While this is happening, let's all protect ourselves and follow this precautionary tips from DOH. Umiwas gumala kung saan-saan kung hindi naman kailangan. As much as possible, manatili muna sa balur at mag-Netflix and chill. At sa mga walang pang paylet sa streaming service na 'yan, 'lika'yo't mag-DVD marathon.

Stardancer (2007)
Indi Films International
Directed by Ihman Esturco

I bought this copy last December during my holiday haul. Akala ko indie film ngunit subalit datapwa't ito'y isang dokyu sa buhay ng pitong macho dancer. Kwento muna sila kung paano sila napasok sa pagsasayaw, para kanino sila nagta-trabaho, mga customer na ang kanilang nakadaupang-palad, at plano sa hinaharap. Infairness naman sa mga sagot nila, malaman at may pangarap. Doon lang actually umikot ang dokyu na wala pang isang oras ang itinakbo.

May interview din sa may-ari ng isang gay bar. Kwento siya kung paano sila pumili ng magiging stardancer. Ayaw man natin ay may bilatsinang umeksena at parokyano daw siya ng gay bars. Gumagastos daw talaga siya para sa aliw na binibigay ng mga otokong sumasayaw. Talaga lang huh? Ramdam niyo ba ang pagiging insekyora ko? HMP!

"Hindi habambuhay ay sa gay bar ako nagtatrabaho. 
Kukupas at kukupas ang itsura."
Mabalik tayo sa mga otoksung. Habang tumatagal ang palabas, pakonti nang pakonti ang suot nila habang gumigiling. Hanggang ang ilan ay nakita na ang dapat makita. 'Yun na! Ang experience after mapanood eh para ka na ring pumasok sa gay bar with matching interview portion. Medyo natabangan ako sa laman, parang ginawa lang para kilitiin ang marurupok nating damdamin.

Rating: 2/5 stars