Showing posts with label kasiyahan. Show all posts
Showing posts with label kasiyahan. Show all posts

Thursday, January 1, 2026

Sama-sama

HAPPY NEW YEAR, MGA ATENG!

After a few years of not being so active eh nakarami tayo last year, thanks to the restoration project of old reading materials. Of course, hindi mawawala diyan ang personal kuda natin sa iba't ibang isyu. We just compressed it via Samu't Sari series.

2026 marks our 16 years together. Kung baby lang itey noong 2010, may senior high school na dapat tayo. NAKAKALOKA! But seriously, thank you kasi nandiyan pa rin kayo. I know some may have moved on, some are lurking once in a while, and some are still waiting for new blog entries. The world has changed since then, hindi ko lang makumbinsi ang sarili ko that it changed for the better. Ang hindi lang nagbabago ay ang todong pagmamahal ko kina Matthew Mendoza at Leonardo Litton. CHAR!

Matthew Mendoza for Chika Chika
Volume 1, Number 6
February 18, 1996
I realized din na ang laking parte ng gobyerno sa kasiyahan na ating nadarama. Kapag maganda ang ekonomiya, mura ang bilihin, efficient na transportasyon, makataong pasahod, murang pabahay, maayos na healthcare system: iba ang satisfaction. Like hindi ka lang masaya, proud ka pa maging Pilipino. Sadly, ang tagal ko nang hindi ramdam 'yan. Hopefully, 2026 will be a good year for all. Mas bongga kung may makukulong na mga senador at congressman. Plural huh!

Sama-sama nating simulan ang bagong taon na puno ng pag-asa ang puso. There's always be a challenge, hindi na mawawala 'yan. Pero 'ika nga ni Natalie Glebova, Miss Universe 2005...

"Always look at the glass half full instead of half empty."

Thursday, December 25, 2025

Hiling

MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG!

Habang nagkaka-edad tayo, tila ba patamlay nang patamlay ang diwa ng Kapaskuhan. Sa akin lang, hangga't ninanakawan tayo nang harap-harapan ng mga pulitiko at hindi natin nakukuha ang dasurv nating paglilingkod mula sa kanila, patuloy tayong mahihirapan araw-araw. Marami ang nangangarap na makaalis ng bansa pero hindi naman lahat kaya 'yan. Panahon na para isipin natin ang iba. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kaya nawa'y sa mga susunod na buwan at taon, may makikita tayong pagbabago. 'Yan ang tanging hiling ko ngayong Pasko.

Naghanda ako ng spaghetti at fruit salad, at bumili ng lechon manok, cassava cake at kaunting pansit. Kayo, anong handa ninyo?

♪ Tayo na giliw magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
'Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko ♫

Saturday, December 24, 2022

Kumukutikutitap

Kulang anim na oras na lang at Pasko na, mga ateng. Part of my not-so-daily routine ang ma-achib ang 6k steps at pansin na pansin talaga na malamlam ang kinang this year. Mabibilang sa kamay ang mga kabahayan na kumukutikutitap. Pati mga palengke ay iilan lang ang nagbenta ng parol. Anyare diz year? Miss ko na tuloy nung elementary ako't lahat kami ng mga kaklase ko eh pinagdala ni ma'am ng parol. Sinabit sa bintana, pintuan at 'yung pinakabongga ay sa kisame ng classroom ilalagay.

It may not be the grandest and most memorable year for us but let me greet all of you a VERY MERRY CHRISTMAS! Let's hope that next year will be better and brighter. Sa ngayon, pagsaluhan natin kung ano man ang nakahanda. Batiin ang mga kamag-anak at kaibigan, at kung religious, 'wag kalimutang magsimba at magpasalamat. Kung hindi man, let's enjoy the time off from work and celebrate this occasion. Basahin din natin ang buhay ni Shiela at kung paano niya ipinagdiwang ang Kapaskuhan 26 years ago...

Universal Komiks
Disyembre 26, 1996
Blg. 2216
Pablo S. Gomez Publications
Last Christmas Gift
Written by Alan E. Rosales
Art by Joven Gapuz

Tuesday, December 20, 2022

Magara

Sa Linggo na ang Kapaskuhan at talaga naman NAKAKALOKA ang Christmas rush! Traffic kahit saan at ang hirap sumakay. Ang haba ng pila sa EDSA Carousel dahil 'di sapat ang bus sa dami ng pasahero. Pati traditional jeep ay kulang na rin dahil naiipit sa kalsada gawa na ang daming private vehicles na bumabyahe. Ewan ko kung ako lang ba pero nang lumuwag ang COVID-19 restrictions, bakit parang dumalang ang e-jeep na pinagmamalaki ng nakaraang administrasyon? Kung ayaw niyo masayang ang oras niyo sa daan at hindi rin lang naman importante ang lakad, manatili na lang sa bahay dahil talagang hindi nakaka-fresh ang sitwasyon ng transportasyon ngayon.

Nitong nakaraang Miyerkules ay pumunta ako sa SM para mamili ng damit na susuotin sa year-end party ng departamentong kinabibilangan ko sa opisina. Bet ko sana sa H&M o Uniqlo pero juice ko po, pati dito ay ang haba ng pila. Kahit ang daming kahera, abot sa gitna ng tindahan ang linya. Ending, sa department store na lang ako bumili. Pagkabayad ay rektang uwi. Mahirap abutan ng rush hour sa daan.

Last Saturday naman ay dumaan ako sa PolyEast Records kiosk sa Fishermall para bumili ng CD. Kating-kati ang tainga ko na pakinggan ang kantang Kumukutikutitap ni Joey Albert. Ang festive sa feeling kapag naririnig ko 'yan kahit saan kaya naman bumili na ako ng kopya para idagdag sa aking koleksyon.

Excited na ba kayo sa noche buena at sa mga regalong matatanggap? Simple man o magara, may aguinaldo o wala, ang mahalaga ay ipagdiwang natin ang araw na ito para sa Kanya. Huwag kalimutang magpasalamat at magpakabundat!

Wednesday, December 25, 2019

Simbolo

Image from wallpaperaccess.com
Maligayang Pasko, mga ateng! Panahon muli upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa sabsaban. Simbolo ito ng pagkakaisa at pagmamahalan. Sana magsitigil muna ang mga paid online trolls sa paghasik ng lagim sa social media. KALOKA!

Madami na ang nabago, napalitan at nangyari simula noong una tayong magkakakilala. Pero isa lang ang masasabi kong hindi pwedeng magbago - ang kalandian natin. CHAR! Naglinis ako kanina ng mga old magazines at VCDs at bet kong mag-share muli ng mga sinaunang artikulo at pelikula tungkol sa ano pa nga ba - kalalakihan. Malungkot ang kahariang bahaghari kung waley sila kaya we will reminisce them in our future posts.

Wish ko ngayong Pasko na sana ay bago muna mag-share ang mga utaw sa social media ng kung anu-ano, validate muna nila kung legit or fake news. Lakas ng kapangyarihang itim ng mga trolls these past few days, weeks, months and years. Ang laki ng pondo para sa kanila. Iilan ang nakikinabang imbes na karamihan. Todong nakakalungkot na nakakagalit. Ay teka, baka madagdagan ang fine lines natin kakaisip sa kanila.

Isa pang hiling ko na sana ang ating mga magsasaka, mga aetas at mga nasa laylayan ng lipunan ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno (at hindi kung magkano ang maibubulsa nila). Ang sakit sa puso na madami ang naghihirap dahil sa selfish intentions ng iilan. Dear God, please help us.

And to you who's reading this, I wish you real happiness and contentment in life. You deserve it, ateng. Give it to yourself. 😉

At dahil Pasko, sabay-sabay nating awitin ang isa sa pinakasikat na awiting Pilipino...

♫ Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon, tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Ang kampana'y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba ♪

Friday, June 7, 2019

#ResistTogether

The Metro Manila Pride is just around the corner and the theme this year is #ResistTogether - for safe, intersectional, educational, & empowering spaces for LGBTQIA+ Filipinos.

The organization needs our help to make this a successful event just like last year. Ito ay gaganapin sa Marikina Sports Complex on June 29 at alam niyo naman, hindi biro ang gastos sa mga ganitong paganap. Pwede tayong makatulong with a minimum amount of 3 hams. Kung yayamanin ka, i-todo mo na sa 5 kwit ang donasyon. Sa bawat maitutulong, mayroong kapalit na merchandise kaya 'di na masama.

Sharing is also one way to help. Post mo lang sa social media accounts mo ang GoGetFunding link or pictures at malay mo, your friends and allies here and around the globe are willing to donate. I-engganyo ang mga friends na maki-join! Click the widget below to know more about the fund raising.


For more information about the Metro Manila Pride, please visit their official website.

Monday, January 1, 2018

Bandehado

And it's our 8th year anniversary, mga ateng! Eight years of love, laughter, bonding, kwentuhan, landian, batuhan ng opinyon, kasiyahan, kalungkutan, adventure, pakikibalita, pakikibasa, pakikikanta, pakikitikim ng masasarap na "patuhe" at iba pang pakiki na maisip niyo. AY! Pwede bang patiti na lang. Nakakalason ang pakiki eh. CHAROT!

Last year, kontrobersyal ang linyang "minor blogger" mula sa isang sisteret natin. Honestly, masakit siyang pakinggan. Sa ilang taon ko nang pagsusulat nang kung anu-ano, nuncang pumasok sa isip ko na merong minor or major blogs. Oo, may sikat, kumikita at kinikilala pero masyadong malaki ang mundo ng internet para limitahan mo sa dalawang kategorya. I believe na pantay-pantay tayo ng share dito. Kanya-kanyang audience lang 'yan. AND I THANK YOU!

Maraming salamat, mga ateng, for staying with me these past few years. Aaminin ko, ilang beses ko nang naisip na ihinto ang pagsusulat at isara na lang ang ating karinderya pero nakapanghihinayang ang ating pinagsamahan kaya bumabalik at bumabalik ako. Hindi man kasing bandehado tulad ng dati, patuloy akong maghahain ng ating mapagsasaluhan.

HAPPY 8th YEAR ANNIVERSARY,
TODO SA BONGGA!!!

Friday, January 1, 2016

Samahan

2016 marks our 6th year anniversary. TAGAY TAYO, MGA 'TEH! Mula sa kailaliman ng aking pukersha, ako'y todo-todong nagpapasalamat at sinamahan niyo ako. We've come a long mula sa simpleng pagbahagi ng opinyon noong nakaraang presidential election hanggang ngayon na magpapalit na tayo ulit ng pangulo. Andiyan kayo para makipagbalitaktakan, makialam at makigulo. Kasama ko rin kayo sa pagiging mature sa paghandle ng isyu. Kung dati ay ang dami nating sinasawsawan, ngayon ay piling pili na.

***
Karamihan sa atin ay may New Year's Resolution tuwing magpapalit ang taon. Pero natutupad ba? Ako... HINDI! I attended a mass kanina with mudrakels and pamangkin. Sinabi ni Father na hindi enough ang resolution, dapat samahan ng aksyon. For example:

Mag-aaral na ako nang mabuti
VS. 
Babawasan ko ang pagfe-Facebook para makapag-aral nang mabuti

May tama si Father! 'Wag puro pangako. Binalak kong isulat ang dapat kong baguhin ngayong taon pero nawalan ako ng oras. Bakit? Kasi adik sa kaka-scroll ng Instagram at Facebook feed. Dinagdagan pa ng Snapchat. 'Yung sasabihin kong sandali lang at baka may update, NAKA! Isang oras mahigit na pala ang lumipas. Pansin ko nga, kumonti ang mga librong nabasa at pelikulang napanood ko dahil dito. I think I should limit myself in this or else, baka ma-rehab akez. CHAROT!

Friday, December 25, 2015

Appreciate

ВЕСЕЛА КОЛЕДА!

Bulgarian translation 'yan of Merry Christmas. Please, 'wag niyo akez tanungin kung paano basahin at wit ko knowsline ahahaha! Trending kasi si Miss Bulgaria because of her full support to Pia when she was announced as the real winner of Miss Universe 2015. Filipinos really appreciated her and she was really happy about it!

Just like the picture above, let's not forget the real reason behind this day. It's not the grandiose noche buena, new gadgets, expensive gifts or aguinaldo that we received but the birth of our saviour. Noong nakita ko sa Google ang pic na 'yan, talagang na-appreciate ko ang simplicity. I think our lives should always be like this, simple lang.

This year, I've learned to share more and it feels so good. Mas naging selfless ako. When I was younger kasi, I always focus on the things that I don't have and how to achieve it. Now that I'm getting more matured (ayaw ko ng older ahahaha!), I'm more appreciative of what I have.

Mga ateng, wala akong ibang hiling sa inyo kung MALIGAYANG PASKO! Nawa'y makamtan niyo ang inyong mga pangarap at tibok ng inyong mga puso. Mwah mwah tsup tsup!

Sunday, December 20, 2015

Pasyente

Mga ateng, you know I love teachers especially 'yung mga nagtuturo sa pampublikong paaralan kung saan samu't saring makukulit na bata ang araw-araw nilang kasama. Honestly, wala nang makakapantay pa sa tiyaga ng isang guro. Mahigit cuarenta na minsan ay umaabot pa nang lagpas cincuenta ang estudyante nila. Na-touch nga akez sa viral na balita kung saan isang doktor sa Cebu ang nag-waive ng professional fee nang maging pasyente niya ang kanyang paboritong guro...


Aaaaawwww!!! Ang bait ni dok. Iba siguro ang naging impact ni Ma'am Roble sa kanya kaya naging paborito niya. I wonder kung anong subject ang itinuro niya? Anyways, good job sa'yo Doc Dilbert. Ramdam ko ang good karma na paparating sa iyong kapalaran. WOW HA! Zenaida Zeva, statue?

Anyways, I would like to take this opportunity to greet a HAPPY HAPPY BIRTHDAY si Mc Wright, isa nating tagabasa at isa ring blogger. Medyo hindi lang siya nagsusulat ngayon kasi busy sa studies. Aside from his good looks (naks), he's also a teacher, mastering in Literature. Oh di ba?! Mga Shakespeare-shakespeare ang leveling! KALOKA! Dugo brain cells ko!


HAPPY BIRTHDAY, MC!!! ☺

Thursday, January 1, 2015

High Five

Kalahating dekada na ang ating kariderya! Maraming maraming salamat sa walang sawa niyong suporta sa ating mga putahe - mapa-pulitika man, musika, palabas, babasahin o 'di kaya masasarap na lalake. Kung nabuntis siguro ako noong 2010, ang laki na siguro ng beybi natin. 'Yun nga lang, baka 'di ko alam kung sino ang tatay. Ang dami kasing sperm donor ahahaha!

On a serious note, ilang beses ko nang pinag-isipan na isara 'to. Hindi na kasi aktibo ang ilang kasabayan ko. Pero likas yata akong manunulat. At sa tuwing nararamdaman ko na andiyan kayo - sumusulat, kumo-comment at nagmamasid, agad-agad na magbabago ang isip ko. Tsaka sayang naman ang ating pinagsamahan. Kita niyo naman, 5 years na tayo!

Gusto ko rin i-extend ang aking pasasalamat sa mga out of the country readers natin. Sabi nila, naiibsan kahit papano ang kanilang kalungkutan sa tuwing nagagawi sa ating karinderya. Aaawwww... such sweet words!

CHEERS TO US THIS 2015! More blessings, more blogs and most importantly... more more sarap. Let's high five mga 'teh! PAK!

Thursday, December 25, 2014

Materyal

VESEL BOŽIČ!

Totoo pala ang sinasabi nila na kapag tumatanda ka, umiikli ang mga materyal na bagay sa wish list mo. Gone were the days na gusto ko ng bagong celphone, damit o sapatos. Ngayon, I just wish for a healthier body, happiness, contentment, stability, safety and pure love. Oh my! Sign of ageing. AY! Binabawi ko na. Gusto ko pala ng iPad, Louis Vuitton at Manolo Blahnik ahahahaha! I am also wishing the same to all of you mga ateng. Material things can easily be bought but not the ones I've mentioned. Kaya kailangan ipagdasal natin nang husto.

I hope before we end this day eh nakapagpasalamat na tayo sa Kanya. Afterall, He's the reason why we have this yearly celebration. At kapag may selebrasyon, 'di mawawala ang karaoke. Ako na ang mauunang maghulog ng limang piso. Sabayan niyo 'kong kumanta nasaan man kayong lupalop ngayon. Alam na alam niyo 'to. Ready?

Tuesday, December 23, 2014

Natira

Dear Santa,

Naging sobrang mabait ako ngayon taon kaya deserve ko na ma-grant mo ang wishes ko. Una diyan ang...


AY! Ambilis naman. 'Di ko pa nga nasasabi, granted na agad. Alam niya talaga kung sino ang magpapaligaya sa akin. 'Di lang one, 'di lang two, tatlo pa! Naka-boots pa ahahaha!

Hhhmmm... sino kaya ang uunahin ko sa inyo? Ang hirap mamili ah! Sige, itong nasa right na lang tutal parang nakikiusap ang dibdib niya na mahalin ko. CHAR!

At alam kong naging mabait din kayo mga 'teh. Sa inyo na 'yung dalawang natira.

Excited na ba kayo sa Christmas? Ako, nasasabik na sa Noche Buena. Time to make unli lamon. Sayang ang spaghetti at salad kung titikman lang. Laps kung laps talaga ito bukas! Basta 'wag kakalimutan kung bakit taon-taon may ganitong okasyon. Pray to Him and always be grateful :)

Monday, October 6, 2014

Hapit

Nag-farewell party ang kumpanyang pinasukan ko noong Sabado, October 4 sa Enderun Tent in Taguig. Walang theme basta wear your most comfortable outfit 'wag lang pambahay. Matagal-tagal na rin since the last time na nag-mujer akiz kaya naman nagpatahi ako ng bonggang damit kay La Mudra. May tela akong nabili nung last time na mamili kami kaya naghagilap na lang ako ng design sa internet. Dalawa lang ang gusto ko - long sleeves at dapat hapit sa hubog ng masarap kong katawan para ako'y paglawayan ahahaha!

Si Shy at ang kinaiinggitan kong balakang

Wednesday, April 23, 2014

Veintinueve

Espesyal ang araw na ito para sa akin kaya dapat lang na festive ang mood nating lahat. Huling taon na ni #2 sa unahan at papalitan na siya ni #3 next year. Gets niyo ba? Anyways, mag-virtual party tayo mga ateng. Paki-suot ang mga little black dress niyo sequined with glitters and Swarovski crystals. Kunwari napapaligiran tayo ng mga otoko sa dance floor at pinatutugtog ang napaka-wholesome na kanta ng Vengaboys...

♫ Boom boom boom boom
I want you in my room
Let's spend the night together
From now until forever
Boom boom boom boom
I wanna double boom
Let's spend the night together
Together in my room ♪

BOOM!

Friday, February 14, 2014

Excomulgado

Panay flowers and lovers ang masasalubong natin sa daan ngayong araw. 'Wag nang maging bitter kung member ka ng W.P.S.V. (waley papa sa valentines). Malay mo ma-excomulgado ka in the future at masabing S.W.M.J.N.A. (sa wakas may jowa na ako). Darating din 'yan sa swak na panahon. Nakakatuwang nakakainggit dahil panaka-naka ay may nakikita na akong mga shupatemba natin na proud na proud sa kanilang karelasyon. Todong nakaka-inspire sila. Kebs sa mapanghusga, basta masaya ka!

Bukod sa Sta. Mesa at Pasig, baka bongga traffic din ngayon sa mga massage parlor. Unahan tayo sa pila mga ateng lalo na sumakto sa sahod ang araw ng mga puso(n). 'Wag lang pabibitag sa inflation rate ng mga masseur at baka pati pambayad ng Meralco eh maibigay mo. CHARUZZZ FEFECO!!! 

Akala ko nga matatapos ang araw na 'to na dry akez. Buti na lang at may inihandang apatnapung dalawang segundong surprisa si fafah Sam Ajdani para sa atin...


Ayan, solb na ako! 

Magma-mop lang ako't bumaha dito

Wednesday, January 1, 2014

Cuatro

...ang huling numero ng kasalukuyang taon at 'yan din ang edad ng blog na 'to. 'Di tayo tatagal ng ganito kung wala ang bonggang pagmamahal niyo. Marami akong nakasabayan at ilan sa kanila ay nag-iba ng interes. Wit ko sila masisi dahil mahirap magmintina ng karinderya. But I choose to stay dahil umuumbok ang puso ko sa tuwing may tumitikim ng luto ko. Kaya hangga't may isyung sasawsawan at lalaking pagpi-piyestahan, asahan niyong tuluy-tuloy ang kainan. Kita niyo naman at may mga ads na sa paligid. Wish ko lang dumami pa 'yan!

Wednesday, December 25, 2013

Celebration

FELIZ NAVIDAD MGA SHUPATEMBA!

Mainit man o malamig ang inyong Pasko, enjoy niyo lang ang araw na ito. Magpakasasa tayo sa masasarap na putahe na nakahain sa mesa. Bukas na ang diet. Pwede rin next year na kung gusto niyong i-extend ang paglaps hanggang New Year celebration. Basta make sure na masaya kayo ngayon. At 'wag kakaligtaang magpasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagdarasal. Sandali lang 'yan kaya kung 'di mo pa nagagawa eh 'wag nang mag-hesitate. Give love and thanks this day

Wednesday, September 25, 2013

Cosmo Bachelor Bash 2013

Una kong sinabi na 'di ako makakapunta sa Cosmo Bash ngayong taon pero dahil likas na makati akez eh nabali 'yan. Last minute na halos nang mag-subscribe ako for 1 year ng Cosmo Mag para may libreng dalawang tiket. 'Di naman umaray ang tampipi ko dahil kahati ko si friend Jaime.

The day before the big night (September 23) ay todong trinangkaso ako. OMG! Baka 'di ako makapunta kaya lumaklak ako ng BioFlu at paracetamol, nagpahid ng Vicks at pinausukan ang aking katawan. Masamang elemento LUMAYAS KA! At nanaig ang aking kakatihan. Kahit medyo matamlay pa, go lang sa World Trade Center.

Wala pang 8PM eh andun na kami at pasado alas-nueve na nang kami ay makapasok. Pinalawak ang venue. Siguro para maiwasan 'yung nangyari last year na andaming 'di nakapasok kahit may tiket.

Wala nang arti pa at sinimulan nang makipagpica sa mga promo ohms ng CK, Kojie San at Smart. ANSASARAP! May tagos agad sa fanti ko. ECHOS!

Nasa kanang bahagi kami ng stage ng mga kasama ko. Sa kasamaang palad ay wala pang kalahati ng programa eh bumigay na ang baterya ng camera ko. AMP! Kaya hayaan niyong mangupit ako ng pics sa Cosmo website para sa inyo...

Garantisadong sarap basta si John Spainhour
Mukha lang badtrip si Brent pero masaya siya during the show
A boy is now our toy. Ooopppsss 'wag ka magalit Andi
AFAM! AFAM! Para sa magandang kinabukasan!
Loudest cheer  from the crowd is for TomDen loveteam
Literal na nagpakain ng saging si Rayver. KALOKA!
Cosmo Bash o Candy Cuties?
Epic fail na twerk
Nagpahimas talaga si JC De Vera. Sobrang gwapo pala niya sa personal!
Pinuno niya ang napkin ko...
....pinasabog naman niya ang kepyas ko
Madami pa dito: BachelorBash2013

Hello din kay ateng Joseph na kumalabit sa pakalat-kalat kong byuti sa event. Maraming salamat sa suporta!

Tuesday, September 3, 2013

BER months na!

Todong masaya talaga ako kapag parating na ang apat na buwan na nagtatapos sa tatlong letra na 'yan. Madaming special at regular holidays na paparating kung saan magsasama at mabubuo ang mga pamilya. Walang sawang magku-kwentuhan at magkakainan.

Courtesy of mae-onlyndaphils.blogspot.com
Mga Pilipino nga daw ang pinakamaaga at pinakamahabang mag-celebrate ng Pasko kaya ngayon pa lang eh bonggang nagpapatugtog na ng mga paskong awitin kung saan-saan. 'Di mo tuloy maiwasang mapangiti. ANG SAYA SAYA!

I'm wishing all of you mga ateng to have a blessed and happy last 4 months of the year. Kung ano man 'yang hiling niyo, matutupad 'yan in God's time kaya don't ever give up. Smile and be optimistic all the time