Showing posts with label sulat. Show all posts
Showing posts with label sulat. Show all posts

Sunday, October 25, 2015

Jogging (final part)

Photo from Sara Litardo
(Part 3 of 3) SECURITY OFFICE, 9:15pm, non-verbatim

Assisted by Marshall Dyosa*, we arrived at the front desk, with a lady officer and two other personnel at the next tables behind. The one seemed to be an officer with rank.

I started retelling some of the story but the front desk officer asked me to write it over this certain confidential form which I believe is a complaint form. I refused. I don’t want anything else to prolong and I don’t want to file any complaint anymore. All I want is just to go home. I know it might be stupid pero ayoko na patagalin pa yung pagstay ko dun sa station so I refused. Then one of the personnel at the back cut in and ask for what happened. He asked me to get seated to one of the table. He then asked me a retelling. He cut me somewhere in the story and said something and raised his voice to me:

Tuesday, October 20, 2015

Jogging (part 2)

NAKAKALOKA ang mga komento niyo sa buhay ni ateng jogger kaya 'di ko na patatagalin pa, heto na ang ikalawang bahagi ng kwento niya.

***

Photo by Yoshi Shimamura
(PART 2 of 3) CONCIERGE, 8:45pm, non-verbatim

ME: Miss, I lost my phone kasi kanina, pero I haven’t seen any security personnel around Terra 28th. Why is that? (In fact even the past two nighs, too.)
MISS: Ano po ba nangyari, sir?

Retells what happened. EVERYTHING WENT CALMLY.

ME: Actually this is the second time nangyari to sa'kin, pero that time, I saw the kid in action, and there is a patrolling security personnel so I was able to report it right away. But this time, I wonder why wala? I am no longer interested na makuha yung phone ko and wallet pero I just wanted to alert the marshalls and know why is there nobody patrolling around.
MISS: Sir magkaiba kasi kami ng admin eh. Pero tatawag ako ng security. Wait lang po ah. (Went away)

She arrived with two High Street security personnel. They asked me a retelling of the story. They radio-over BGC  security marshall around. Tagal na walang dumadating. Malamang wala talagang personnel dun sa Terra 28th kasi they could have responded right away to the radio of the High Street personnel. If that’s the case, there must be something wrong. After 10 minutes, a security marshall arrived in patrol motor. He asked me what happened. I asked the name nung marshall. Then I retold the story. EVERYTHING WAS CALM.

ME: Ayoko na sana pahabain pa and I want this off the record na lang pero I am telling you this kasi I want you to report to your office about what happened.
MARSHALL DYOSA*: Mas maganda po kung pumunta na lang po tayo sa opisina para magawan natin ng aksyon.

I didn’t want to prolong sana what happened kasi I wanted to go home na kasi there is a very important personal celebration I have and  I don’t want to kill the night- and you know what it is when you try not to spoil your mood. But instead I obliged. Mas mainam nga naman para magawan ng aksyon.

I thank the conciergein-charge and the High Street guards for accommodating my concern PROPERLY . I got the name of the concierge personnel, Ms. Diwata*. EVERYTHING WENT OKAY AT THE CONCIERGE.

Then, we went to the security office thru his patrol motorcycle. He was mentioning that the security marshall in-charge was in civilian.

*Nota: Iniba ko ang pangalan ng mga taong involved para hindi tayo ma-echos. GANUN!

Tatapusin...

Saturday, October 17, 2015

Jogging (part 1)

Sumulat ang isa nating shupatemba tungkol sa kanyang karanasan sa BGC. Hindi ito booking mga ateng kaya 'wag kayong ano diyan. Ngunit kahit na wala itong halong kahalayan, naniniwala ako na may kapupulutan tayong aral. Narito ang unang bahagi...

***
Photo from livehealthy.chron.com
Hi Ms. Melanie,

I am a fellow PUPian but it has nothing to do with PUP. Please maintain my confidentiality. This happened last October 8, 2015.

NOTE:
- I know I have lapses to over what happened.
- I also want to know what I could have done, and let others know what they can do in this kind of situations
- I may have grammatical errors too. Pardon me.

(Part 1 of 3) JOGGING AT TERRA 28th, 8:00pm, non-verbatim

Jogging at TERRA 28th is my fitness fix. I go every night in between 7pm - 9pm because it is the best schedule I can fit it into.

I usually leave my stuff at the lamp post near the patintero area. The one shaped like inverted letter J. If you frequent BGC Terra 28th, you know what it is. My bag contained an extra shirt, two small towels, my water jug, keys, cellphone, and coin purse with a small lighter inside - (no cards, no IDs, no big amount of cash since I just live nearby walking distance).

On my 5th lap, I noticed that my bag is missing.

I started looking around if somebody has my bag, accidentally or on purpose - whatever. I needed my keys at most so I can get inside the house. I started looking at the group of people. Went back to post, went around looking, went back to the post until a fellow jogger approached me:

JOGGER: Ano hinahanap mo? Bag na itim?
ME: Opo. Nakita niyo po ba?
JOGGER: Kinuha ng mga bata. Mga ganito kaliit (describes). Around 10 years old. Tatlo sila, nakapula yung isa. Pumunta doon (points at the direction of the on-going Alveo property construction).
ME: Salamat po. Kanina pa?
JOGGER: Around 20 minutes na.

I went to look at the next block which is the Alveo property construction. Di pa ako nakakatawid, may nakasalubong ako na dalawang bata. One toying around a lighter. I let it them pass kasi dalawa lang sila pero I went back to check if that was my lighter.

ME: Hijo patingin nga ng lighter mo.

Gives it to me. Small, black, with gold metallic casing at the top.

ME: Akin to eh! Asan yung susi ko? Yung bag ko?

The other one handed the keys over to me.

ME: Asan yung bag ko? Bakit kayo nangunguha ng gamit? May nakakita sa inyo. Nakapula daw yung isa!
KID 2: Hindi po pula yan! Pink yan!
KID 1: Hindi po kami nanguwa niyan kuya! Mga pulubi lang kami. Naglalakad dun sa ano… nakita lang naming yan dun sa ano… halamanan dun sa halaman.

We went to the low shrubs along the sidewalk. Points out my stuff. Nakakalat yung mga gamit ko sa mga halaman. Everything, except my phone and coin purse.

ME: Asan cellphone ko? Wallet? Pacheck nga ng bulsa niyo!

Both showed their pockets. KID 1 showed an empty pocket, the other kid showed another pair of keys.

ME: Bakit kayo nangunguha ng gamit? Alam niyo ba na taga DSWD nanay ko? (Which is true) Pwede kayo madampot niyan!

Natigilan sila.

KID 1: Eh tatay ko pulis.
ME: Tamang-tama! Alam niya ang proseso kung pano dumampot ng mga bata sa ganitong sitwasyon. Halika kayo. Sumama kayo saken. (Hoping to tag them along to any nearby security marshall around.)
KID 1: Bakit kami sasama? Hindi nga kami kumuha niyan! Dun tayo sa kuya ko… para magpatayan na lang tayo.

I sensed trouble. I thought: my life over a cellphone? No. So I insisted to tag them along without doing any harm. But since I cannot see any security personnel around, I had them just walked away. At least I had my keys. I am quite sure hindi ko na makukuha yung cellphone at wallet ko. Malamang tinakbo na nung isa nila kasama.

On the other hand, I realized, they still had another set of keys. So baka hindi lng ako ang nanakawan that night. So I went to look around for any security personnel to alert them. But nobody is around. Instead, I went to High Street, and saw the CONCIERGE beside TIMEZONE. I reported the situation.

Itutuloy...

Tuesday, June 9, 2015

Calling Card

Share ko sa inyo ang nakakikilig na lovestory ni Marie at kung paano nagugulumihanan ang puso niya kay office crush...

***


Ako din madam Melanie. Isang beklur at inlababo sa straight kong ka-workmate. Super baliw ako madam. Nagkaroon kami ng team building last May 23 at sinama ni otoko 'yung belat, monthsary kasi nila kinabukasan. Ayun, nagmaganda akong in-approach si girl, sabi ko hulog na hulog na ako kay otoko. Tapos nung mag-isa ako sa pool, na corner ako nung dalawa. 

Nag-usap kami. Nalaman ko na nagselos pala si girl at first. Ka-work din kasi namin siya pero 'di namin teammate si girl. Hahaha! Nag-share na talaga ako. Kakahiya.

Last week lang, sabi ni otoko, wit na daw sya excited 'pag nakikita si girl. Ako naman, wit knows paano magre-react kaya dedma. Then the following day, narining ko na lang nag-cool off daw sila. Though 'di sinabi sa akin. Nakakaloka pa, binigyan ako ng coffee kahit walang complimentary coffee sa vendo. Kilig much! OMG! Sorry, nag-share talaga ako. 

Pero tanong ko lang, push ko ba 'to? May nalaman din kasi akong chika na may history na pabooking si otoko. Chismis lang pero umaasa ako na 'di totoo. I was connecting the dots kasi noong hiningi number ko, ang term na ginamit niya "calling card" so ako, deadma. Patay malisya. 2 months ago na 'yun. Hanggang ngayon, 'di na niya ulit hiningi. Pero ganun pa rin kami. Twice ko rin pala siya nilayuan pero talagang kinakausap niya supervisor namin na pagtabihin kami. Tapos last week lang, out of the blue, nabanggit niya na Vans daw 'yung Waterloo nya. 'Di ko na naman alam gagawin ko kaya deadma lang. 

Naguguluhan na nga ako eh. 'Di ko maalis sa isip ko na baka 'yung pag-amin ko sa mag jowa ang reason kung bakit sila nag-cool off. Oh 'di kaya, na confuse na talaga si otoko. 

May pasok na naman mamaya. Hahaha! Matutulog na ako Niro. Sana sumagot ka madam. Update din kita. Tago mo nalang ako sa pangalang Marie. XOXO


***

Hi Ateng Marie,

KUNGRACHULEYSHONS!!! Gandang ganda ako sa'yo dahil mantakin mo, kahit nilayuan mo na, nirequest pa ni otoko na makatabi ka sa opisina. EH 'DI WOW!!!

'Wag ka nang maguluhan. Kung sa tingin mo, ume-effort si guy para sa'yo at feel na feel mo ang pagiging masikip kapag lumalapit siya, sino ka para tumanggi sa grasya? Madaming beklers diyan na todo effort mapansin lang ni crush. Samantalang ikaw, nandiyan na, nakakatabi at nakakausap, arti ka pa? Go! Enjoy and seize the moment!

I actually asked a straight guy sa Facebook kung paano ba sila pwedeng ma-fall sa isang gay. He said that if you have pure unadulterated intentions at hindi lang sex ang habol, hindi daw malayo na mahulog sila sa tulad natin. Sa makatuwid, kailangan mabigyan mo siya ng reason to fall for you. Be true to yourself, show that you care and be more friendly (with tapik and hampas on his shoulders hihihi!). Just know your limitations. Treat him as your daily inspiration at work. Wala na yatang mas gaganda pa sa feeling na kahit stress ka sa work, nawawala ito 'pag nakikita si crush. What more kung nakakausap at katabi mo pa. Ayyiiii!!! I'm so kilig for you!

Tsaka 'wag mo na rin isipin 'yung nangyari sa kanila ng jowa niya at kung ano ang history niya. The past cannot be changed, forgotten or erased. You just need to ensure that you'll be his bonggang future. ☺

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Sunday, November 17, 2013

Birada

Saturday, November 9, 2013
11:38 PM

Hi Miz Melanie!

I'm Ares and I've been an avid reader of your blog since 2010 & I have to say that you always made my day. Whenever I go online, isa ang blog mo sa lagi kong bini-visit to make sure di ko mamimiss ang sarap at katuwaan mong hatid. I admire your sense of humor and personality. You're actually one of the reasons kung bakit gusto ko din mag-blog.

Mahilig kasi ako sa fashion ever since bata pa ako. I love to watch fashion shows & I always make comments about them. I love how designers make exciting clothes & I really would love to share my passion for fashion sa pagba-blog.

Gusto ko lang humingi ng opinion mo. Last month, na-invite ako manood ng ilang shows sa Philippine Fashion Week. I really love the experience especially sitting there & watch the clothes in real life. Some of the designs are good, some of them... hmmm... I have to say are bad or needs improvement. 

Tuesday, October 8, 2013

Magbabawas, Magbabanlaw at Magpapaganda

Saturday, September 28, 2013
9:07 AM

Good morning Melanie!

Isa ako sa tagasubaybay mo sa TODO SA BONGGA.

Mayroon lang akong ibabahagi sa'yo tungkol sa na-experience ko itong week lang sa isang mall sa Monumento.

Nasa realty sales ako at ang home base ko ay sa Victory Mall.

Minsan sa tawag ng pangangailangan ay napa-CR ako sa 3rd floor ng mall. Sa hallway ay may nasalubong akong kumpol ng mga student na nag-uusap...

"Bakit nasa atin 'yun? Ang tagal-tagal pa."

Mga lalaking estudyante 'yun na nakasalubong ko bago pumasok ng CR. Nang nasa bungad na ako ay nakita ko ang isang beki na bihis babae, nagli-lipstick at naka-high heels. Ang tagal niyang pinturahan ang kanyang mukha sa malaking salamin. Deadma lang ako pagkatapos ay bumalik ako sa foodcourt kasi andun ang mga kasama kong babae. Naikwento ko sa kanila ang narinig at nakita ko. Nagkwento rin sila...

"Minsan nga may naka pila rin sa CR namin. Beki na bihis babae rin. Tinitingnan lang namin sya at naghihintay rin sa isang cubicle para umihi."

Ano ba ang advise mo? Sa aking palagay, dapat yata magkaroon ng isa pang CR para sa mga beki. Magiging tatlo na ang public CR sa Pilipinas. Hindi ako galit sa kapwa ko beki. Nabahagi ko lang ito dahil sa mga pananaw kung ano ang nangyayari sa loob ng CR kasama ang mga beki at straight na babae o lalaki.

Thank you!

***

Haller ateng!

Salamat sa pagsulat mo at paghingi ng aking opinyon sa isang bagay tungkol sa 'tin. Wit ko knows kung anong itatawag sa'yo. 'Di ka man lang nagpakilala.

Sa totoo lang, simple kung babasahin ang tanong mo pero nahirapan akez. Tungkol kasi sa karapatan ng isang indibidwal ang tinatanong mo... karapatang mamili kung saan magbabawas, magbabanlaw at magpapaganda. Kung sa ganang akin lang, kahit saan pwede basta kumportable ka. Mas maganda kung iaayon sa kung paano ka manamit. Kung feel na feel mo mag-takong at maxi dress, maiging sa girls CR ka. Kung bailamos o bihis lalake ang trip mo, 'di na kailangang i-memorize 'yan.

Ma-kwento ko lang ang recent experience ni Alicia, ang friend kong transgender. Nasa training na siya sa isang BPO sa Eastwood nang pagsabihan siya ng HR na 'di siya pwedeng mag-CR sa girls dahil sa kasarian niya. Wit pumayag ang vekla at humingi ng tulong sa bisor niya ngunit kamay na bakal ang pagpapatupad ng company rules. Dahil feeling violated sa karapatang pang-beki niya eh minabuti niyang umalis na lang doon. Well, kung sino nga daw ang inaapi ay siyang magwawagi dahil nakalipat siya agad sa isang kumpanya sa Ortigas. Mas mataas na ang sahod, 'di pa isyu kung saan siya weeweewee. PAK!

Maiba lang pero tungkol pa rin sa karapatan ng 'sangkabaklaan. Hanggat may mga bumubuto sa mga gunggong na mambabatas at umaasa lang sa kanilang staff, nga-nga tayo kung paano mabibigyan ng mas malaking espasyo sa Saligang Batas ng Pilipinas. Mauumpisahan na sana kung nanalo ang Ladlad Partylist pero 'di pa siguro ngayon ang shining moment nila. 'Wag tayong mawalan ng pag-asa. Malay nyo may kongresista naman diyan na may plano sa atin, natatabunan lang dahil sa samu't saring kontrobersiya ng Pinas na sinasawsawan ng senado at kongreso. AMP!

Nagmamasarap, 
Bb. Melanie

Thursday, June 13, 2013

Twinkerbells

Tuesday, May 7, 2013
12:41 PM

Halooo Bb. Melanie!

Nalurkey ako nung nakita ko yung post mo nung March 19 na "Balikbayan Package 2.0" kasi tumambad agad sa paningin kez ang pumi-peek-a-boo na Chika Chika picture ni fafah Juancho Mortel! Hindi kez nakeri atey! Kung knowsline mo lang kung gaano katagal ko nang pinagnanasaan ang hombreng iyan simula pa nung teenager akiz 48 billion years ago! Kung gaano ko ka-bet ang kabalbunan at ka-daddyhan ni Roy Rodrigo, ganun ko rin ikina-water-water ang kakinisan at pagka-twinkerbells ni Juancho Mortel! Kung mayroon kang mahahalukay sa iyong Balikbayan Package 2.0 na mga pictures ni Juancho at Roy o ni Rodel Velayo at Leonardo Litton eh pa-request naman sana ng upload dyan teh! Sana'y pagbigyan mo muli ang kahilingan ng matanders na becky na itey. More power sayiz mudrakels!

Nagmamahal, nagmamaganda at nagmamasarap rin,

Myles

***

Haller 'teh Myles!

Nakakaloka ang dami ng tandang padamdam mo sa iyong liham. Aliw na aliw akez habang binabasa ang iyong kahilingan. Ramdam ko ang iyong todong pagka-uhaw sa kakisigan ni Juancho Mortel kaya naman kinalkal ko ang Balikbayan Package at naghagilap ng masasarap na kuha niya kasama ng iba pa sa iyong nabanggit...

Wednesday, May 29, 2013

Prestigious

Friday, May 24, 2013 
12:26 PM

Good Day!

We would like to seek help in promoting BROMANCE My Brother's Romance starring Ms. Cristine Reyes and Mr. Zanjoe Marudo and directed by Wenn V. Deramas. This is a Skylight Films' offering and distributed by Star Cinema. A space in your prestigious page would be very much appreciated. Attached are the materials that you can use and please let us know if you need more.

Thank you so much po =)

Star Cinema ABS-CBN

***

Kung maka-prestigious 'tong sumulat oh! 'Kala mo totoo. CHOS! Oh baka gusto niyo pa humabol. Balita ko, highest indie film 'to ng Skylight Films at todong nakakatawa. Si Wenn V. Deramas ang direktor nitey pero wit daw starring ditich si DJ Durano. What happened kaya? Ayon sa tsismax, ang indie film fave na si Jeff Luna na ang new apple of the eye ni ateng. Introducing din siya sa pelikula. BONGGA! Level-up si fafah!

Saturday, April 27, 2013

Kumpol

Tuesday, April 2, 2013
12:58 AM

Hi again Bb. Melanie!

Nakita ko sa blog mo yung kumpol ng mga old magazines and I am dying to know if meron ka bang mga Carlos Morales, Jay Manalo, Allen Dizon, Carlo Maceda or Emilio Garcia sa mga yun. Paki post mo naman please? Nagsusulat din ako nung experience ko sa isang guy and hopefully, maipublish mo rin sa iyong blog. Salamat!

Gusto ring magmasarap,
Dianne

***

Haller Ate Dianne!

Anong petsa na ang pagtupad ko sa bonggang request mo. Sensya na at hindi ako kaagad nakapaglaan ng oras at panahon dahil nilalamon ako ng trabaho ko. Kung kay Ate Vicki mo siguro ni-request ito, matagal nang naisakatuparan. CHAROT! Ihanda mo na ang iyong sarili sa makikita mo. Maigi kung uupo ka sa tabo para hindi bumaha ng pukyutan sa sahig. Ready? 1... 2... 3...

Sunday, December 23, 2012

Tatlo, Dalawa, Isa

Dear Santa,

Dalawang araw na lang po at Pasko na. Naging mabait naman po ako kaya pwede po bang humiling? Gusto ko po sana pagsapit ng a-veinticuatro ng gabi, sila po ang magsisilbi sa akin sa Noche Buena...


Baka naman po sabihin niyo gahaman ako. Oh sige, kahit tatlo na lang po sa kanila.

Okay, dalawa na lang po.

Sige na nga po, isa lang. Basta 'yung pinakamasarap po ah!

Maghihintay po ako hihihihi ☺

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Sunday, December 2, 2012

Serbesa

Dear Binibining Melanie,

You acted like a slut last night. Pinatunayan mo na hindi ka sabik... hayok talaga. In front of your friends and some strangers. Hindi mo napigilan ang sarili mo. Kung anu-ano pa ang sinabi mo. Buti hindi 'siya' napikon sa'yo. Oh yes, he's cute, nice and accomodating. Chinito with delish bod. Sana hindi ka nag-take advantage de vaaahhh?! Dala na rin siguro na nilukuban ka ng espiritu ng serbesa. But that's not a valid excuse. Still, you acted indecent and out of morals. Now you have to avoid attending parties and drinking too much booze. Wala ka na ring face na ipapakita sa tao. Akala mo kung sinong 'tong malinis, puta din pala.

Me with my friends last night
But don't be too hard on yourself. Lilipas din 'yan. Sabi nga ni Shanelle...
"Isipin mo na lang may mga bagay tayong nagagawa kapag nadala tayo ng ating kapusukan."
At ni Ateh Paul...
"Bakit? You think nahubaran ang pagkatao mo? Sabel is that you? 27 ka na 'day hindi 17."
Oh well sana gumaling ka na sa hangover mo. At next time, 'wag kang uuwi ng lango sa alak. Nakakahiya sa nanay mo.

Nagmamasarap,
Sarili mo

Tuesday, November 27, 2012

Ispisipiko

Hello Melanie,

I'm a huge fan of yours, your blog, your personal life and escapades. I'm Osias, discreet gay from Masbate. I'm gay but I can’t be loud because I'm a person with disability. I'm using a wheelchair since I was 17. I cannot act on my sexual preference because I'm scared of being judged by the public. But I'm open with family and close friends. I finished my college degree last April and I took AB Psychology. 

I'm planning to move in Metro Manila this coming January 2012 and hopefully I can find a job there. Any suggestion for a call center that accepts PWD? I really adore you because you act base on what you think. I really envy those gays who can express their orientation regardless of what people may think.  I’ll be hypocrite if I say I don’t like boys. 

Hope you will post more inspiring stories that you've achieved and succeed.

Osias =)

***


Haller 'teh Osias!

Maraming salamat sa iyong paglasap sa bawat handa dito sa aking vlagelya. Natutuwa ako na abot hanggang Masbate ang kapokpokan ko. CHOS! Nosebleed akez sa iyong sulat. Pinag-isipan ko muna kung magrereply din ba ako in English. Pero tulad mo, I'm scared of being judged by the public because of my English. CHAR!

I guess bata ka pa (early 20's) kaya scared ka pa na ma-judge ng mga utaw dahil sa iyong piniling sekswalidad. Keri lang 'yan. Hindi kumpleto ang buhay ng ating lahi kung hindi daraan diyan. Eventually, mamumukadkad din ang iyong bulaklak sa tamang panahon.

Tungkol naman sa iyong katanungan, dati akong nagtrabaho sa Epixtar sa Libis, Quezon City at sa pagkakatanda ko, meron akong nakakasabay sa elevator na naka-wheelchair. 'Yun nga lang, wala na sa call center industry ang kumpanyang aking nabanggit. Aktwali, hindi naman mapili ang mga call center sa Pinas. As long as you are qualified at napasa mo lahat ng dapat mong pagdaanan, magkakatrabaho ka.

Hayaan mong ang mga ateh natin ang tumulong sa'yo. Nawa'y mag-comment sila kung may alam silang ispisipikong call center na tumatanggap ng PWD.

I'll email you kapag may nalaman din ako.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Monday, September 17, 2012

Pag-ibig na ba ito?

maygan2000 commented...

Ditse maiba ako, pashare lang kasi wala akong mapagkwentuhan eh. I’m 45 pero alaga ko physical body ko kaya malayo sa 45 ang chura ko. Hindi gwapo lalong never na ngetpa. Sabi ni ermat kamukha ko si Edu Manzano. Tama na ang intro, at 45 eh virgin pa ako sa sex. Straight ako tingnan, chickboy ako at alam ng mga tropa ko. Tama na ang kweto basta bi ako. Sa tagal ng panahon mula pagkabata, itinago ko ang feelings ko. Hindi ko naranasang magmahal. Nagkaroon ako ng mga GFs pero front lang sila para sa aking identity.

Until last week lang may naka-chat ako na tulisan. Sabi niya for hire daw siya at inisip kong subukan kasi tumatanda na ang lolo mo. Baka hindi na gumana si junjun. Nagkita kami. Natatakot talaga ako kasi baka may makakita at hindi ko alam ang gagawin. Along the way ay ipinagtapat ko sa kanya na wala pa akong alam. Ni hindi ko alam paano mag check in sa motel. Natawa si mokong at sinabing siya na ang bahala sa akin. At nangyari  ang lahat pero never ko pinagkaloob ang puri ko sa kanya. Hindi ko talaga kaya.

Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, buong magdamag, hanggang sa gabi, pati sa trabaho ay siya ang nasa isip ko. Napapangiti ako mag-isa kapag naiisip ko siya. Nag-text ako sa kanya ng “kamusta ka” at “ok lang” ang maikling sagot niya pero parang nobela na ito sa akin. Ang saya-saya ko! Namimiss ko siya. Gusto ko siyang makausap palagi, gusto ko siyang makita palagi. Hindi siya maalis sa puso ko. Pag-ibig na ba ito? Hindi ko alam, tulungan mo ako parang mababaliw na ako kakaisip sa kanya.

***

Hi teh maygan2000!

Maraming salamat sa iyong suporta. Matagal-tagal ka na ring nagtiyatyaga sa mga putahe ko kaya naman imbes na sa comment section ko lang ito i-post eh ginawan ko na ng solo entry.

Well at your age I'm glad na sinubukan mong gawin ang isang bagay na I guess ikinatakot mo... ang gay sex. I don't know kung anong pumigil sa'yo sa loob ng ilang dekada pero welcome to the club!

Hindi ako si Dra. Margie Holmes na eksperto sa ganyang paksa pero I'll tell you my opinion. Sa aking palagay, hindi pag-ibig 'yang nararamdaman mo kundi aftershock ng namagitan sa inyo ni ohms. Siya ang unang nagpatikim sa'yo ng paraiso ni adan kaya ispesyal kung ituring mo 'yon. Infatuated ka sa nangyari at hindi mismo sa kanya. Bago kasi sa'yo ang experience kaya punong puno ka pa ng emosyon.

Hayaan mo rin ang iba pa nating mga shupatembas na magkomento at isiwalat ang kanilang opinyon sa iyong sitwasyon.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Tuesday, September 11, 2012

Makulay

Saturday, August 25, 2012
5:27 AM

Haller Miss Melanie!

Pwede bang magrequest na i-feature mo ang 90's bold star na si Roy Rodrigo? Baka naman may mahahalungkat ka sa mahiwagang baul ng iyong mga koleksiyones ng lumang Chika Chika magazines na bonggang bonggang makukulay at malalaking litrato ng dating sexy actor na itey. Bet na bet ko siya noong bagets na klosetang badet pa ko, noong kasagsagan ng bold films ng dekada nobenta. Tumanders na aketch at lahat pero tulo laway pa rin ako pag nakakasight ako ng litrato nya sa internet. Winner na nga ang katawan, wagas lang ang pagkabalbon, tindi pa ng arrive! Kahit tanderkats na si Lolo Roy ngayon for sure may asim pa rin 'yun. Sana po eh mapagbigyan nyo ang request ko.

Thank you,
Myles

***

Haller Myles,

Maraming salamat sa iyong pagsulat at pasensya na sa delayed telecast sapagkat busy ang byuti ko nitong mga nakaraang araw. Subsob sa trabaho para may pangsubsob sa... sa... alam mo na 'yon. CHARAT!

Aking kinalkal ang baul ng Clasikong Coleksyon at todong naghagilap ng makulay na larawan ni fafah Roy Rodrigo. Sa kasamaang palad ay wa-i akong nasightsung. Ilang piraso lang kasi 'yon. Ngunit 'wag mangamba sapagkat may nakita ako, black and white nga lang at may kalabuan pa. Pagramutan mo ang tangi kong nagawa para sa iyong hiling...

(pindutin para lumaki)
 
Mga Hubaderong Hindi Bastusin
by Melchor Bautisa
Chika-Chika Extra-Extra
Vol. 1 No. 7

Nananawagan ako sa mga ateng natin diyan na may mabubuting puso at busilak na kalooban (sipsip), kung kayo ay may natatagong yaman tulad niyan at nais ibahagi sa 'sangkabaklaan, email niyo lamang sa akin ang mga imahe.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Saturday, April 14, 2012

Pechay

Hi Bb. Melanie,

I'm Alex, an OFW here in HCMC Vietnam. I've been reading your blog for more than a year now. I love everything about you and your blog. I often say to myself "parang ako lang" when you tackle things, may it be personal, social issues, kalandian and more.

Batid ko (if I'm not mistaken), like me, ikaw ay isa ring less-usong bakla, meaning, baklang pa-girl, baklang mas pipiliin pa rin na magpahaba ng buhok, magpumulit na magsuot ng heels sa lahat ng pagkakataon.

Now, my whole point of writing, first, is to thank you for writing such a wonderful blog which I never fail to check every waking morning, second, is to ask you a little favor.

I'm planning to undergo Male to female Sex Reassignment Surgery, matagal ko na to pinag iisipan. Alam ko na bago ako ma-operahan, I need to undergo a Hormone Replacement Therapy first which should be done under a professional supervision of an experienced doctor.

ko sana magtanong sa'yo kung may kilala kang doctor diyan sa Pinas na pwede tumulong sakin (with regards to Hormone Therapy). Wala akong idea kung kanino lalapit. I tried to check online pero wala naman akong substantial information na nakita. Baka meron kang kakilala, or baka may kilala mga friends mo.

Any information would be much appreciated Bb. Melanie.

Thank you so much and more power!

Your avid fan,
Alex

Image from letsplantsomething.wordpress.com

Haller Alex!

I'm so glad na isa na namang OFW ang nahalina't natuwa sa aking blogelya, kapatid ko pa sa pananalig!

Well, totoo ka diyan sa less-usong bakla sapagkat mas bet ko pa rin ang magkaroon ng 36-22-36 na vitals stats kesa 6 pack abs. CHARAT! Hindi ko lang siguro keri ang magpaka-discreet kaya eto ako't loud na loud.

Nalerki ako sa iyong inquiry. Well, alam kong matagal mo ring pinag-isipan 'yang Sex Reassignment Surgery. At one point in my life, pinangarap ko rin ang pagkakaroon ng 'pechay baguio'. Kung magpapaligaya yan sa'yo, go go go!

Regarding sa Hormone Replacement Therapy, wala akong personal na kilala pagdating diyan. Tinanong ko si Mikee, isa kong kaibigan na maraming kakilalang baklang kontesera. Isa sa mga close friends niya ang diyosang si Marianne Arguelles. Search mo kay kuya Google ang larawan niya.

Ang tinutukoy mo ba eh ang pagtuturok ng hormones sa katawan para lumambot ang features mo ala-Anne Curtis? Kuda niya kasi, pwede ka naman daw bumili ng hormones at sa health center ka na lang magpaturok. Pero if you need a professional help, may knows siya. Email kita ng details on how you can reach Mikee.

At dahil pinost ko na rin lang ang sulat mo dito sa aking blog, marami sa ating mga shupatemba ang maaaring makabasa nito. Malay mo, may kakilala sila na professional na tutulong sa iyo. 'Yung hindi ka naman malalagay sa panganib. Kaya mga 'teh comment lang kayo ah!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Saturday, February 25, 2012

300 (final part)

Narito na ang huling bahagi sa isang yugto ng buhay ni Ateh Lucas. 

Basahin dito ang part 1.

Inside the motel, we just got 3 hours. I dont want to detail kung anu ang nngyari basta ang pangit ng experience ko sa kanya while we were having sex. He gave me blowjob pero ako, wala lang. Di kasi pwede kasi sa partner ko lang yun ginagawa. Lalaki tlaga siya siguro kasi di tumigas ang tool niya the whole session and I know pinipeke niya ang ungol niya hahhahha so pinabayaan ko lang. Mabait naman kasi ako, di ako mapilit. I'm just wondering lang kasi parang pinapabilis niya na labasan ako. Nung nilabasan ako, nagsabi siya ng "ewwwww" at nagbihis agad. Siyempre alert din ako at nagbihis kasi nung narinig ko yun, I know something will happen na masama. Then nagsabi siya agad na "pre, may extra bayad ung pag blowjob ko sayo ha". Siyempre nagulat ako. I asked him how much, he said 1,500 daw. Parang nahigh blood ako. We argued dun sa loob ng room. Kung 1500 ang extra then 300, mga 1800 pala lahat. Wow! Medyo tumaas ang boses ko pero sa bandang huli naging mahinahon naman ako. Siguro mga kalahating oras ang usapan namin sa loob, pawisan na ako sa takot kasi pinapakita niya na sakin ang patalim niya. May patalim pala ang gago at akmang tinututok sakin. That was so traumatic. Sinabihan ko siya na 1,100 lang pera ko, may kulang pa na 800. Sabi niya di daw pwede. So niyaya ko siya na samahan ako sa ATM para makapagwithdraw para matapos na. Wow! Di pwde daw baka tumakbo ako sa labas. Hay, I know I was trapped that time. Tinignan niya ang wallet ko, wala na nga siyang makuha. He suggested agad na iwan ko daw ang cellphone ko para balikan ko daw siya at mag withdraw ako. Siyempre di ako pumayag kasi baka siya naman ang umalis pagbalik ko at yun nga tinutukan niya ulit ako ng patalim sabay sabi na labas pasok daw siya sa bilangguan at may problema daw siya sa family niya at huwag ko na daw dagdagan. After 10 minutes ulit, binigay ko na lang kasi natatakot na ako. Pinalabas niya ako sabay sabi huwag magsumbong sa counter. Nung nakalabas na ako, tinitignan niya ako. Nahalata ng counter boys na balisa ako at tinignan yung kwarto. Nagsumbong nga ako sa kanila. Biglang lumabas yung callboy at parang galit pa sakin. Sabi ng counter boys, dun lang daw ang callboy with my cellphone sa kanya sa counter at babantayan daw nila. Bumaba ako para makahiram muna ako sa mga stores outside ng motel. I even left my shoulder bag with my iPad2 inside para makahiram lang ng pera kasi ang layo pa ng BPI ATM which is located sa Isetann. Pagbalik ko ng motel, wala na siya and I asked the personnel of the motel bakit pinakawalan nila. Sabi nila, nagpaalam daw ito at susundan daw ako. So ibig sabihin, wala na ang Nokia N8 series ko.

Lesson learned: Huwag masyadong magtiwala sa taong di mo kilala. This was my first time to hire a callboy at ito pa ang kinalabasan. OK lang naman sa akin. Its a matter of having my life back. Its a wake up call to learn to love ourselves and be true to our partner all the time. I'm bringing this to gay community para alam ng lahat ang nangyayaring modus sa loob ng Isetann mall at Recto areas. I know i need to file and report sa police kaso nga ayoko ko na ng gulo pa and as I mentioned baka ma expose pa ang identity ko sa public. 

Right now, my phone was already blocked by NTC. He can still use the camera and music pero sa commuincation di na. Im still thankful na walang nangyari sakin. Material and worldly things lang yun at mapapalitan din agad. Thank you po. God bless!

Thank you Ate Charo,

Lucas

***

Maraming salamat 'teh Lucas sa matapang mong pagbulatlat ng iyong karanasan na marami sa ating lahi ang makakarelate. Hindi kita masisisi kung hindi mo napaglabanan ang temptasyon ng kalibugan lalo na't sila ang lumalapit at kung minsan ay nagmamakaawa pa. Marupok tayo diyan pero hindi ibig sabihin na hindi natin kayang paglabanan. Let's look at the brighter side of the story: nawala man ang ketay mo, at least buhay ka. Alam mo na rin ang kahalagahan ng salitang "loyalty" kapag may jowa ka.

At sa ilan pa nating shupatid na bet talaga ang pagha-hire ng sholbam, hindi ko kayo mapipigilan diyan. Ang tanging maitutulong ko ay basahin niyo muna ang bonggang tips ko dito. As much as possible, iwasan ang mga lugar kung saan madami sa 'sangkabaklaan ang nabiktima na. Mag-research sa malawak na mundo ng Internet o di kaya magtanong-tanong sa mga beki friends.

Maidagdag ko lang, huwag na huwag kayong papayag na ang sholbam ang pipili ng lugar na pagpaparausan. Ipakita sa kanya na todong kontrolado mo ang inyong negosasyon. Ikaw ang magbabayad kaya dapat siya ang sumunod sa iyo. Kapag nagpakita ng kabargasan, iwanan mo na.

Hindi rin masamang magtaka kung bakit sa mahal ng bilihin ngayon eh may mura pang "laman" na kinakalakal. Talagang nakakaakit ang presyong abot-kaya pero isipin muna ang maaaring maging konsikwensiya.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Thursday, February 23, 2012

300 (part 1)

Basahin at damhin ang karanasan ng isa nating shupatemba na kapupulutan ng isang mahalagang aral.

Hello Madam,

I'm your avid reader and marami akong nakukuhang leksyon, infos, updates sa iyong blog. Salamat!

I'm Lucas (not my real name) 24 yrs old, who happened to be bisexual, had a partner for 2 years now, and still hiding sa family at society natin. Inshort, closeted.

Anyway po, sumulat ako sayo to share of what I had experienced last week sa Recto banda. This is somewhat a warning na rin sa buong gay community.

Last February 15 around 1 pm, galing sa LRT Recto, naisipan kong pumunta ng Isetann Mall, quite curious about this mall, inshort gumala ako and did surfing sa isang net cafe sa loob. After nun, sa 2nd floor ata ng mall nun, habang lumalakad ako while having a call with my friend sa phone ko palabas ng mall there was a guy (call boy) na tumitingin sakin. So mabait naman tayo at tumingin din ako sa kanya at ngumiti (friendly lang naman kasi ako). Tuloy lang ako sa paglalakad tapos namalayan ko na lang sumusunod na siya. I ended my phone conversation and talked to him. I know his callboy kasi malandi. Sa totoo lang, I dont have plan naman to hire any callboys kasi nga may partner na ako at satisfied na satisfied kami sa isat-isa. There is no reason to hire him. When we were talking sinabihan ko na siya na ayoko kasi nga may lakad pa ako. It took us 30 mins kasi naman sunod ng sunod sakin at nagmamakaawa na sakin na kunin ko na siya. From 500, he lowered his service fee to 300 kasi daw kailangan niya talaga. He will use the money daw para makauwi na sa Bulacan. Sabi pa nga niya, pinaligaya niya na ako, nakatulong pa. Charity works daw hehehhe. Sa madaling salita, kinuha ko siya kasi naawa na rin ako. He looks good naman at maganda ang katawan - body built. Umikot kami to find any motel. Ang tanga ko lang, siya ang pumili. So ayun na, I got 2 attempts na huwag na ituloy at kumain na lang kami kaso iwan ko ba. Mapilit talaga siya at siguro nalibugan na rin ako sa kakapilit niya. Hahaha...

Click here for the final part

Tuesday, February 21, 2012

Extra

Dear Hayden Kho,


Ngayong nagsawa ka na sa daing at tuyo, bakit 'di mo subukang tumikim ng tender juicy na, may extra hotdog at itlog pa?

KAMI 'YOOON!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie 

Saturday, December 3, 2011

LOL!


Dear Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte,

MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa tulay na inyong ipinagawa na ilang buwang nakatengga. Tinatanaw po naming malaking UTANG NA LOOB ang alay niyo. Sa wakas, hindi na kami makikipag-patintero sa mga bus at trak na dumadaan sa Mindanao Avenue. Sana po naki-join kayo sa amin before. CHOS!


Ibang level po ang kasiyahang dulot ng INYONG proyekto. Natutuwa po kami at naisip NIYO na gawin ang tulay tao na ito para sa ligtas na pagtawid.

Oo nga po pala, ang GWAPO at GANDA niyo sa karatulang ito. Infernezzz, naisingit pa ang PAGMUMUKHA ninyo. Hindi pa yata sapat na ang laki-laki na ng mga letra ng pangalan niyo. Ayaw din magpatalo ni kapitan at MAS MALAKI ang fecture niya. Baka ma-insecure kayo.

Muli, sampu ng residente ng barangay na ito, MARAMING MARAMING SALAMAT PO at ang galing ninyo. Alam ko pong marami pa kayong proyekto na ipapatupad na selyado hindi lang ng inyong pangalan kundi kasama na ang pagmumukha ninyo.

Isa pa po... MARAMING SALAMAT PO!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Tuesday, May 24, 2011

Masidhi

Dear Ate Teysi,

Mahal ko si Kevin. Mahal na mahal. Masidhi ang damdamin na aking alay para sa kanya ngunit ito'y hindi niya batid. Nahihirapan po ako ng husto. Parang sasabog na ang aking dibdib sa sikip. Sana'y mapayuhan niyo ako.


Nagmamasarap,
Bb. Melanie

♫♪ Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Pagka-iingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot nang mundo
Ang gusto ko ako`y
Lagi nalang sa piling mo ♪♫

Interlude

Para sa iyo Bb. Melanie,

Simple lang ang sagot sa iyong problema. Magpakulo ka ng tubig sa takure sabay lagyan mo ng Diatabs tapos laklakin mo. Mukhang hindi ka lang natunawan sa pinagsasabi mo. Ibuhos mo na din sa katawan mo ang tira para matauhan ka.

Nagmamahal,
Ate Teysi