Showing posts with label where on earth. Show all posts
Showing posts with label where on earth. Show all posts

Monday, June 26, 2023

Tinagalog

Where on Earth:

First Joy album by Melody
...is Melody?

Do you remember her, mga ateng? Siya 'yung kumanta ng mga tinagalog na international songs noong mid to late 90s tulad ng How Do I Live (Paano Ngayong Wala Ka?), My Heart Will Go On (At Kung Malayo Ka Man), For You I Will (Lahat Ito Para Sa'yo), Valentine (Tanging Ikaw Lamang), Finally Found Someone (Magpakailan Man) at marami pang iba. Tandang-tanda ko na pinatutugtog 'yan sa Kool 106 at palaging pasok sa OPM chart tuwing tanghali. Halos kasabayan niya sina Jessa Zaragosa at Renz Verano.

Bigla ko siyang naalala nang i-post ng CDs Atbp. sa Facebook ang dalawa sa mga cassette tapes niya. Itinigil ko na ang pagbili niyan noong late 2000s nang mag-transition ako sa CDs pero dahil nakatsamba tayo ng magandang player sa Marketplace recently, hindi na ako nag-atubiling bilhin ang tapes niya.

Tanging Ikaw Lamang album by Melody

Hindi ko alam kung nakailang album si Melody kasi wala siya halos result sa Google at hindi siya nakalista sa Discogs. Kahit sa YouTube at Spotify, hindi uploaded ang karamihan ng songs niya maliban sa First Joy album. I think debut album niya ang Paano Ngayong Wala Ka, followed by Tanging Ikaw Lamang then First Joy. Ang ganda ng boses niya, pang-legit na singer at ang linis lalo na kapag tumataas na ang nota.

Paano Ngayong Wala Ka album by Melody
Photo from eBay

Nostalgic sa akin ang mga kanta niya kasi very unique sa radyo ang tagalized songs. Sila lang ni Renz Verano ang naaalala kong kumakanta niyan. Iba ito sa MTB ni Michael V. na literal word by word translation ahahaha!

First time kong mapakinggan ang First Joy album last week at surprisingly, meron pala siyang version ng I Want It That Way ng Backstreet Boys at Will You Wait For Me ni Kavana. Heto, pakinggan natin... 


Tuesday, September 17, 2013

Mapintog

Where on Earth:

...is Francis Enriquez?

Nitong Hulyo lang nang mapanood ko ang Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan kung saan siya ang bidang lalaki ni Via Veloso. Walang bahid ang kanyang kasarapan. Black coffee with no sugar ang lasa mula sa kanyang wafung fes, mapintog na dibdib na may nakakagigil na utong pababa sa kanyang... sa kanyang... tubig nga at parang mabubulunan aketch. May mga nakasilip pang pansit canton. NAKAKAGUTOM! Kung siya rin lang, talagang ipapakagat ko ang aking rosas.

Ano pang pelikula niya ang napanood niyo mga 'teh?

Monday, June 24, 2013

Pambalot

Where on Earth:

...is Brad Turvey?

Naaalala niyo pa ba siya mga 'teh? Ang hunk-model na nakasama si Mandy Moore sa bonggang campaign ng Penshoppe 10,000 years ago. KALOKA! Ang tagal na pala nun. Panahon pa ng A Walk To Remember. Naging part din ba siya ng pagdadalaga niyo? Nako, naaalala ko pa na ginawa kong pambalot ng libro ang magazine pin-up niya noong ako'y college freshman. Eh sino ba naman kasi ang hindi magwawater sa taglay niyang kafogian. Swerti nga ni ateng Nancy Castiglione AKA Nancy Jane at naging jowa niya itey. Lalo na si lolah Pops Fernandez niyo. Pauso pa lang ang cougar noong pero in na agad ang ex ni Concert King.

Eto 'yung libro
Tulad ng ilan, sinubukan niya ang mag-showbiz. Naging mainstay sa Kapuso Network at lumabas sa pelikulang Pinay Pie. After niyang mag-VJ sa Channel V, ano kayang nangyari sa kanya? May mga asawa't anak na kaya siya o single pa rin? Sana naman 'yung pangalawa ang sagot sa katanungan natin para may pag-asa pa tayez de vaahhh?!

Saturday, December 29, 2012

Idols

Where on Earth:

...are the TV Idols?

Naalala niyo pa ba sina Ahron, AJ, Mark, Kiko at JE? Ang limang finalists ng TV Idol sa dating pantanghaling variety show na MTB. 'Di tulad ng Powerboys na sumikat din sa naturang show, Pinoy na Pinoy ang limang ito pagdating sa looks at ka-cute-an. Si AJ Dee na hunk at lean, si Ahron Villena na mestisuhin, si JE Sison (na pantasya dati ni super friend Tsari) na boy next door ang dating, si Kiko Matos na hitsurang teen, at si Mark Cortez na... na... kaanib pala natin. Todong nalerki aketch nang siya'y umamin. Kasi naman nag-pose pa siya dati at nagpakita ng malalagong damo sa Valentino magazine. Nasa Canada na yata siya ngayon.

Ahron is still active sa showbiz at bonggang nakakapagtrabaho sa tatlong major network ng bansa. Perks of being a freelancer. Isa siya sa Cosmo Men for 2011 at bongga ng bakatsi niya (click here to see). Nabulunan akez! Huli kong nasightsina si AJ sa Tweets For My Sweet, sitcom sa Kapuso network. Si Kiko ay all grown-up na with maskels at seksiness in his bod kaya pasok ang sarap niya sa huling edisyon ng Mossimo Bikini Summit. Samantalang nakulong naman si JE dahil sa droga. 'Wag mangamba mga 'teh dahil laya na siya at bagong buhay. 'Yun ang importante.

Teka, parang ako rin ang sumagot sa tanong ko ah. AMP!

Sunday, October 7, 2012

Dagsa

Where on Earth:


...is Patrick Guzman?

Do you remember this Amboy hunk? Napanood ko kasi ang Koronang Itim ni titah Snooky Serna at siya ang leading man doon. Naalala ko kasama siya sa pelikulang Selosa ni Rosanna Roces. Madami-dami siyang nagawang projects noong 90's, mapa-wholesome man o may temang kaseksihan. Hindi pa masyadong dagsa noon ang half-foreigner half-Pinoy looks sa showbiz kaya mabenta siya. Anlaki naman kasi ng borta na sinamahan pa ng wafung fes. I wonder if he aged gracefully. Hhhmmm...

Tuesday, May 8, 2012

Panaka-naka

Where on Earth:

Wil Sandejas, Joash Balejado and Jay-L Dizon
...are these indie boys?

Sikil ang kauna-unahang gay indie film na napanood ko sa big screen at isa si Wil Sandejas sa dalawang bidang ombre doon. Kumalat noon na may follow-up movie siya na Oliver ang title. Tungkol daw ito sa macho dancer noong 80's na kung anik-anik daw ang ginagawa sa entablado para lang mapasaya ang manonood. Sad to say, hindi napalabas ang pelikulang 'yan. Nagkaroon naman siya ng straight-to-video film na Sophomore at Senior. Paborito ko 'yung una kasi bongga sa pagkadaring si Papa Wil doon with his on-screen partner Froilan Moreno. Last time na nakita ko siya eh nung nag-partey ako sa Guilly's Tomas Morato. Yum yum pala siya sa personal, matangkad at moreno.

Second offering naman ng DMV Entertainment ang Heavenly Touch kung saan unang ipinakilala si Joash Balejado. Debut film pa lang niya, todong ipinakita na niya ang kanyang sarap at wit tayo nagreklamo diyan. Talaga naman naglaway tayo sa kanya lalo na't lalaking lalaki ang kanyang aura. Walang kiyems siyang nakipaglaplapan kina Marco Morales at Paolo Serrano. At kung napanood niyo ang pelikula, for sure tumatak sa isip niyo ang kanyang linyang "I love you choo". CHOS!

Ihuli natin ang pinakamasarap sa lahat, si Jay-L Dizon. Unang sumali sa Starstruck ng GMA 7 ngunit hindi pinalad na makamit ang bituin. Hindi siya sumuko at muling sinubukan ang showbiz sa pagpasok sa indie films. I ♥ Dreamguyz with Marco Morales (again) ang first movie. Ang sharap sharap niya talaga sa pelikulang 'yan na sa kasawiang palad eh last movie niya yata. Kumpara sa naunang dalawa, panaka-naka eh napapanood ko siya sa TV via Joey De Leon's Celebrity Samurai.

Wish ko lang gumawa ulit sila ng pelikula. Gay indie ulit para masaya.

Sunday, April 29, 2012

Rooftop

Where on Earth:


...is Harold Pineda?

Sino ba naman ang hindi nahumaling sa kanya noong late 90's - early 2000's lalo na't walang kiyeme siyang nagbuyangyang ng kanyang masarap na wankata? Hindi pa uso ang Internet noon kaya naman sa mga local gay magazines lang tulad ng Chika Chika, Valentino at X-Pose todong matutunghayan ang kanyang kahubdan.

Bago siya napasok sa showbiz eh bonggang winerva muna siya ng Ginoong Pilipinas. Nagkaroon siya ng ilang pelikula at isa diyan ang award winning na Pila Balde with Ana Capri. I'm sure eh nasight niyo na rin ang walang kupas niyang photoshoot sa rooftop kung saan marami siyang props tulad ng kulambo, water sprinkler, gigantic hose at ang paborito ko sa lahat, hawla ng ibon. Kahit mahigit isang dekada na yatang kinunan 'yon, ang sarap pa rin pagpantasyahan.

At dahil hindi ko alam kung where na him, let's reminisce his delightness sa pamamagitan ng artikulo niya sa Chika Chika Extra-Extra Vol. 1 No. 14 dated February 3, 2000 written by Dominic Rea.

(right click then open image in new tab for clearer view)

Sunday, April 1, 2012

Wala ba kayong mga kamay?

Where on Earth:

...are the Powerboys?

10 years ago ng sumikat ang linyang 'yan sa isang deodorant commercial. Limang lalaki na nakatapis lang ng tuwalya ang todo dance sa locker room habang lumi-lipsync ng kanta. Sa lakas ng impact niyan, nabuo ang grupong Powerboys. Sila ay sina Jay Salas, Geff Rodriguez, Greg Martin, Frank Garcia at ang parang leader nila, si Jordan Herrera. 

Eto lang yata ang bukod tanging grupo na walang itulak-kabigin sa mga miyembro. Lahat masarap! Regular silang napapanood noon sa Magandang Tanghali Bayan. Madalas eh half-naked ang drama nila. Nakakaganang panoorin habang lumalaps. 

Inspirasyon ko 'yang si Geff noong college freshman ako sa Accountancy. Sa kakapantasya ko yata, lumagapak akiz. Pamatay naman ang abs at accent nitong si Greg Martin. Keri lang naman si Frank Garcia at Jay Salas. Aarti pa ba me?

Pero si Jordan Herrera talaga ang pinakabongga. Runner-up sa Mossimo Bikini Summit 2002 at nagkaroon ng iba't ibang offer sa TV at pelikula. Matunog na matunog din ang name niya sa mga bakla. I wonder why? Hhhmmm...

Well, isang dekada na ang lumipas. Huli kong napanood si Jordan sa indie film na Big Night samantalang sa Sports Unlimited naman si Geff. Palagi niyang kapartner sa iba't ibang sports activities si Tisha Silang (may bitterness?). Occasional actor naman sa Kapuso si Frank Garcia na naging ex-jowa yata ni Sunshine Dizon. Wa na ko news sa dalawang natira. 

I-reminisce na lang natin ang kanilang kasikatan sa pamamagitan ng kanilang interview sa Starstudio Magazine noong September 2002. Right click at open in a new tab niyo na lang para mas malinaw ang image at text. 

Saturday, August 27, 2011

Saglit

Where on Earth:


is Chris Cayzer?

Una niyang pinatibok ang aking puso sa Bituing Walang Ningning. Regalo ko sa aking sarili ang unang niyang plaka mula sa Star Records. Matapos ng panandaliang saglit, siya'y tumalon sa Kapuso Network. Naging regular sa SOP na naging Party Pilipinas. Nagkaroon  ng panibagong album under Warner Music at muli, ito'y aking tinangkilik. Nang bigyan siya ng pagkakataon ng TV 5 para maging artista nila, BFGF at PO5 kaagad ang kanyang mga programa. 

Ngunit lahat ng ito'y naging panandalian lamang hanggang sa siya rin ay nawala na 'di ko namalayan.

Chris, aking Chris... nasaan ka nga ba?

Thursday, June 2, 2011

Pasabog

Where on Earth:

...is BB Gandanghari?

Habang pauwi watashi noong 'sang araw galing trabaho, palabas sa bus na sinakyan ko ang Mistah ni koya Robin Padilla. Lahat ng shupatemba niya ay kasama sa pelikulang ito kabilang na si Rustom Padilla. Machu-machuhan ang aura ni ateh Rustom at walang bahid kabaklaan. Perfek magtago ng kamison si ateng!

Rustom Padilla inside PBB house
Nawala siya sa mundo ng showbiz at nang bumalik, parang biktima ng gutom sa kapayatan. Pumasok siya sa bahay ni kuya bilang celebrity housemate at duon na namukadkad ang kanyang bulaklak. Paglabas niya, nagkaroon siya ng mga movies portraying gay roles (Zsazsa Zaturnnah & Happy Hearts).

Umalis siya ng bansa at natsismis na nagpa-sex change. Bitbit niya ang isang pasabog na statement nang siya magreturn of the comeback ulit. Rustom Padilla is dead. NAKAKALOKA! Siya na daw si BB Gandanghari. PAK na PAK!

Pero nasaan na siya ngayon?

Saturday, April 16, 2011

Nota

Where on Earth:


is Aleck Bovick?

Dahil sawa na akekels sa mga kanta sa aking playlist, hinalungkat ko sa aking isipan ang history ng mga peborit kong kanta. Tapos bigla kong siyang naalala. Ang babaeng naging kontrobersyal dahil sa pagkasungkit niya ng FAMAS Best Actress para sa pelikulang Tampisaw. Lahat yata ay nagtaasan ang kilay dahil kinabog lang naman niya sa kategoryang ito si Ate Shawie.

Madami siyang nagawang sexy movies tulad ng Hiram, Kerida at Masarap na Pugad (anong klaseng pugad yan?). Nakagawa din siya ng pelikula with Ate Guy entitled Naglalayag. Matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother at magkaroon ng anak kay Carlo Maceda, tumamlay ang kanyang karir. Lumobo pa ang kanyang figure. Huling beses na nakita ko siya sa TV ay sa Daisy Siete. Nanay ng Sexbomb ang role niya.

Pero bago pa 'yan, nagkaroon siya ng album na produced yata ni DJ Alvaro na diumano'y shivolee (tomboy). Natsismis pa nga sila before. Para siguro sa promo ng album niya.

Eto nga pala 'yung song. Feel kong pakinggan 'to 'pag loneliness at dramatic ang life. Naa-uplift ang spirit ko't lumiliwanag ang paligid. Nagkakaroon ng roses at ang mga paru-paro'y nagsisiliparan. Dali! Kanta tayo...

♫♪ Pagkat gusto ko ang titik ng mga kanta mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo
Gusto ko ang titik ng mga kanta mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo

In love ako sa nota ng mga kanta mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo
In love ako sa nota ng mga kanta mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo

Pag pinakikinggan ko, pinatitibok mo (4X)

Gusto ko ang nota, ang nota, nota mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo
In love ako sa titik, sa titik, titik mo

Gusto ko ng titiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitik...
♪♫

Click here to watch the music video.

 


Gusto Ko Ang Nota is taken from Aleck Bovick's Prinsesa album.

Wednesday, April 13, 2011

Again

Where on Earth:


is Cogie Domingo? Again.

Pagkatapos niya tayong bonggang paiyakin sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya last year at todong pasabikin sa indie film na Muli, mukhang MIA na naman si fafah Cogie. Invisible na ulit siya sa showbusiness.

May mga chika dati na may AP siya at nalulong sa sugal kaya medyo lumaylay ang kanyang karir. 'Di ba't na-involve pa nga siya diumano sa babaeng konektado kay titoh Chavit? Pero nung mapanood ko ang interview niya sa Juicy, nagbago na daw siya at tuluyan ng magbabalik showbiz. Anyareh?

In all fairness naman sa kanya, bukod sa pagiging foging artista eh magaling siyang umarte. Sana naman ay hindi siya nagbalik sa dati niyang gawain (kung totoo man ang tsimax).

Tuesday, December 21, 2010

Tulay

Where on Earth...

is Sabrina M?

Do you still remember her?


Kasagsagan ni Rosanna Roces bilang TF Queen nang siya ay umentra sa showbiz. Una niyang pelikula ang Karanasan: The Claudia Zobel Story na sumemplang sa takilya. As far as I can remember, kasabay na pinalabas nito ang isang pelikula ni Osang at 'yon ang mas pinilahan. Pero hindi diyan nahinto ang paggawa niya ng sexy films. Nasundan ito ng iba pang pelikula tulad ng Ma'am Turuan Mo Ako, Totoy Mola, Dalawang Eba sa Paraiso ni Adan, Laging Sariwa Ang Sugat, Divino: Anak ni Totoy Mola at marami pang iba.

Poster of her first movie

Kontrobersyal ang away na namagitan sa kanila ni Hazel Espinosa. Todong siraan live on TV ang eksena ng dalawa. If my memory serves me right (naks! English yan), sinabihan ni Sabrina si Hazel ng baku-bako ang fes nito. Bilang ganti, sinabihan naman siyang pustiso ang penpen.

Ang huling tsismis na nasagap ko about her ay nakatira na daw ito sa ilalim ng tulay at tuluyang nang naghirap. Sa dinami-dami ng movie projects niya nung 90's, wala man lang siyang bonggang naipundar.

Saan na kaya siya ngayon?

Saturday, October 2, 2010

Ken Escudero

Where on Earth...

is Ken Escudero AKA Alvin Asuncion?

Sikil ang first ever gay indie film na napanood ko kung saan kasama niya sina Wil Sandejas at Ashley Silverio. Sino ba naman kasing bekbek ang hindi naantig ang puso at naka-relate sa trailer ng pelikulang ito? Isama mo pa diyan ang todo sa seksing promo pictures nila ni Wil na nagkalat sa internet.

Sumali din siya sa iba't ibang contest like Ginoong Pilipinas, Mr. International at ang pinaka-bongga... Be Bench.

But just like any other guy sa buhay ng bading, siya'y dumaan at di na nagparamdam. Sayang at ang sarap pa naman niya. Siya pa man din ang kauna-unahang indie actor na pinantasya ko.

Thursday, August 26, 2010

Raymund Lim

Where on Earth...

is Raymund Lim?

Naaalala niyo pa ba siya mga shupatemba? The hot chinito guy sa Provoq Voyeur eklaboom video. Kahit 2006 pa yun inilabas, sarap na sarap pa rin ako sa panonood habang siya'y nagluluto nang naka apron lang. Susme! At dahil nabulag ako before sa kakapantasya sa kanya, bumili pa ako nung 1st issue ng Climax magazine (or coffee table book ba yun?). Halos umiyak ako sa presyo pero worth the price naman ang mga pictures kung saan ibinahagi niya sa atin ang kanyang ngik ngak ngok plok plok plok.

I terribly miss him. Saan na kaya siya ngayon?