14 days ago eh nambulaga ang ATM card ko dahil maagang 'tong pinasukan ng 13th month pay. At dahil dalawang linggo na 'yon, marami akong tinikmang masasarap na lalaki. Bente pesos na lang ang natira. ECHOS! Ang trulili, bumili ako ng digicam. iPod sana kaya lang mas mura 'yun eh. Go ako sa SM North para maghagilap ng magugustuhan. Sa CameraHaus ako nakakita located at the lower ground floor of the main building. Sinabi ko talaga kung saan eksakto kasi may masarap akong nasight diyan.
Kunwari eh interesado ako sa instructions nung saleslady kung paano gamitin ang camera. 'Di niya alam na todong distracted ako sa sarap ni fafah. Arte ako na itetesting kung gagana pero ang totoo eh may gusto akong kunan...
Oh! Baka makahalata si ateng kung 'di siya kasama sa pica so hayaan na natin siya. Si fafah 'yung nasa gitna. Masarap di ba?! Features naman ng camera ang binida niya. Patuloy ako sa pag-arte thanks to Star Magic with matching lines na "wow!", "ang linaw", "maganda ang quality" habang nakatingin kay fafah. Tapos narinig ko ang Beauty Effect.
"Paano naman 'yun?"
"Ay ganito po 'yun sir. Joey, harap ka."
Sabay pindot si ateng. PERFEKTA! May close-up shot na tayo ni fafah at Joey pala ang namesung niya. Tapos na ang best actress mode. Pampakinis, pampaputi at pampa-glow ang Beauty Effect. Instant kagandahan ang resulta! Test ako ng panorama at video shot. Siyempre kasama pa rin siya...
Pagkatapos niyan eh 'di na ako nagdalawang isip bayaran ang item. Iniwan kami ni ateng para asikasuhin ang resibo. Tama lang dahil nakakaistorbo siya. CHAROT! Bago ako jumuwelay eh 'di ako pumayag nang walang parting shot si fafah...