For the longest time, walang bakas ng Sabik sa Halik, ang launching movie ni Priscilla Almeda, sa internet. From Abby Viduya, diyan siya pinakilala sa kanyang bagong pangalan at tinaguriang TF Princess ng Seiko Films. Kahit black and white copy ng movie poster ay wala sa Google kaya naman isa 'yan sa mga hinagilap ko sa National Library last week. Hindi naman tayo nabigo dahil ang dating lost media, ngayon ay natagpuan na...
Monday, March 23, 2026
Sabik
Sunday, February 22, 2026
Versatile
Tuesday, December 16, 2025
Masiba
Hindi pa tayo tapos sa ating Nini Jacinto fever dahil this time, isang artikulo naman tungkol sa Talong ang ating nahalungkat. Wititit akong mahilig sa gulay na 'yan pero kung ibang 'talong' ang iniisip niyo, aba masiba ako diyan. Ay! Tayo pala, CHAR! Ngayon ko lang din nalaman na hindi pala 'yan ang original title ng pelikula. Kung ano 'yan, heto't alamin natin...
Written by Ernie Enrile
People's Tonight
July 1999
Sunday, June 29, 2025
Magkasunod
Gumora ako sa TriNoma kahapon para humabol sa Reel Pride na handog ng Ayala Malls Cinemas at Viva Films. Dalawang magkasunod na pelikula ang pinanood ko, ang Macho Dancer at Pusong Mamon.
Meron na akong Strand Releasing DVD ng Macho Dancer which I believe is the uncut version of the movie pero hindi pa ito restored which is why kahit alam kong nachop-chop na ng MTRCB ang local version eh kebs, I want to experience it on the big screen. At hindi naman sayang ang pineylet ko dahil napakaganda ng kalidad. May mga minor line scratches at dirt pero barely noticeable. Digitally enhanced lang ito at hindi full restoration (makaiba sila). I don't know kung scanned from negative or positive print ang pelikula pero mukhang naalagaan ng Viva Films ang source material.
Sa pekeng VCD ko naman unang napanood ang Pusong Mamon. I can say it's one of the best queer films na meron tayo. It was ahead of its time and still relevant if papanoorin ngayon (especially with the rise of conservative Christianism). While watching the film, you can feel that it was made with sensitivity. Hindi pilit ang aktingan at cringefest ang batuhan ng linya. Mind you, A-listers lahat ng bida pero wala ka halos maramdaman na 'di nila bet ang kani-kanilang mga karakter. Napakasarap ni Albert Martinez sa tuwing lumalabas sa screen! Isa pang komento ko habang nanonood, ang ganda-ganda ng love nest nila ni Eric Quizon. The kitchen and overlooking view from the balcony is a dream!
Unang kong napansin ang grainy look ng dalawang pelikula. Ang linaw at buhay na buhay ang balat ng mga tao. The colors are bright even at night. 'Yung saktuhan lang at hindi masakit sa mata. The background images are crisp and clear.
Kapag close up ang shot, kitang-kita ang pores at masasabi mong napakaganda ng mga artistang nagsipag ganap. Wala halos retoke, taong-tao, hindi robot, hindi sinaksakan ng fillers ang iba't ibang parte ng fes. And their teeth! Natural color, size and shape. Veneers could nevah!
Even the fashion from those era were cute! Napakakulay ng buhay bago nauso ang neutral pieces na uso ngayon. Bring back the yellow, bright red, sky blue and different shades of green! At feeling ko, isusuot ko pa rin ang damit ni Jaclyn Jose nang una silang magkita ni Allan Paule sa parke.
Hanggang July 1 na lang ang Reel Pride mga ateng kaya habol na!
Monday, June 23, 2025
Saturday, June 21, 2025
Who Is Your Favorite FAMAS Winner?
Sunday, June 8, 2025
Kinalkal
Paborito ko ang sexy films noong mid-90s to early 2000s kasi madalas na poverty porn ang tema. Laging api-apihan ang bida na kung hindi probinsyana ay nakatira sa squala lumpur. Madalas na artista diyan sina Ana Capri, Aya Medel, Klaudia Koronel at marami pa. Isa sa pinakatumatak sa akin si Sabrina M. kasi bonggang ipinang-sabong siya sa nagrereyna noon na si Rosanna Roces. 'Yun nga lang, hindi masyadong tinangkilik ang kanyang launching movie, ang Karanasan: The Claudia Zobel Story.
Recently ay kinalkal ko ang 'balikbayan package' at nakita itong mga artikulo tungkol sa dalawang bida ng pelikula...
June 16, 1995
Tuesday, September 19, 2023
Babuyan
Para sa ika-tatlumpung anibersaryo ng Society of Filipino Archivists for Film o SOFIA, isang pelikula ni Ishmael Bernal ang kanilang itinanghal sa Cinematheque, Manila kagabi, 18 September, ang Gamitin Mo Ako. First time kong malaman ang pelikulang 'yan nang i-post ng grupo sa FB ang kanilang announcement. At sa tuwing may film showing sila, lagi akong dumadalo. Gustong-gusto ko kasi ang talk pagkatapos ng palabas. Ang dami mong matututunan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Nais ni Josie na makatapos ng kolehiyo pero ayaw ng kanyang ina. Matapos ang kanilang pag-aaway na may kasamang lubluban sa kaning baboy, pinabalik din siya sa pag-aaral. Ending, naglandian sila ni Ador (Martinez) na tauhan nila sa babuyan. Nabuntis, nagalit ang ina at sapilitang pinalaglag ang bata.
'Di pahuhuli si Toyang kung kalandian ang pag-uusapan dahil boytoy niya si Sammy (Tantay). To be fair, mahal talaga siya ni Sammy at hindi mahindian. Ito pa ang nagbibigay ng pera sa kanya. SANAOL! Ginawa nilang puta si Josie at nagsama-sama sa iisang bubong.
Kung sanay tayo na laging mahirap ang role ni Daria Ramirez, p'wes iba dito dahil madatung at senswal ang lola niyo. Kalandian siya ni Sammy at ginawang manager sa casino si Toyang.
Nagpakasal si Josie sa isang mayamang lalaki at nagpunta ng ibang bansa. Matapos ang ilang taon, pest control at pagbebenta ng LPG ang naging negosyo nina Toyang at Sammy. Infairness, going strong ang dalawa kahit naghirap matapos iwan ni Ingrid (Ramirez). Memorable ang eksenang sawa na sa galunggong si Sammy at naglitanya ng iba't ibang klase ng isda na pwede din lutuin. Camp kung camp!
Umuwi ng Pilipinas si Josie para maghiganti sa dalawa. Pinatuloy niya sa kanyang mansyon ang dalawa at ginawang tsimay. Pinakulong si Sammy samantalang inatake sa puso si mudang. Sa sobrang paghihirap ng kalooban, nagbigti ang kanyang ina samantalang sa ilalim ng tulay pinulot si Sammy. Hindi na rin niya tinanggap ang pag-ibig ni Ador dahil hindi na siya ang Josie na minahal nito.
![]() |
| Stella Suarez Jr. (center) with SOFIA officials |
Panned by critics ang pelikula noon. I can understand why kasi gulo-gulo ng emosyon ng mga karakter. One scene, maaawa ka kay Toyang, another scene mabwi-bwisit ka. Ang dami din inconsistencies. Lovelife lang nina Sammy at Toyang ang consistent! Hindi rin makatotohanan ang ibang linyahan pero aliw talaga. Para siyang Insiang na makalat version ahahaha!
Rating: 3/5 stars
Tuesday, April 4, 2023
Aparador
Isang matagumpay na mining engineer si Laila (Cruz) na may madilim na nakaraan. Anak siya ng isang mapang-abusong sundalo. Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ng kanyang ina (Mendez) ay kanyang nasaksihan. Naging parte pa siya nito kapag pinagkikilos at pinag-aayos lalaki siya ng kanyang ama.
Asawa niya si Manny (Calma) na isang artist. Dahil mas malaking kumita si Laila, ito ang nakatokang mag-asikaso sa bahay. Subalit lubos na selosa si Laila na konting kibot lamang ni Manny ay nagwawala na ito. Kadalasan ay nauuwi pa sa pambubugbog. Yes, battered husband si Manny. Hindi niya magawang iwan si Laila dahil bukod sa tunay naman niyang mahal ito, tumutulong din ito sa pagpapaaral sa kanyang kapatid at bigay-todo din sa mga hiling ng kanyang ina. Tatay niya lamang ang hindi sumasang-ayon dito.
Thursday, September 8, 2022
Macho Dancer 4.0: Burlesk King
Isa sa pinaka-iconic na '90s movies para sa akin ang Burlesk King nina Rodel Velayo, Nini Jacinto at Leonardo Litton. Katorse pa lang akiz nang ipalabas 'yan sa mga sinehan. Dahil may gatas pa sa labi, hanggang showbiz talk shows at diyaryo lang pwedeng ma-update tungkol sa pelikula. May rasyon kami ng Abante tuwing umaga noon at doon ko binabasa ang mga nakakakiliting artikulo ng mga bida. Pare-parehong introducing ang tatlo although aktriz na si Nini noon sa ngalang Apples ZuƱiga.
![]() |
| Clasikong Collection ni LL |
College na ako nang ilabas ng Video Flick Productions, Inc. ang VCD copy ng pelikula. Sa kahabaan ng Hidalgo Street sa Quiapo ko nabili ang pekeng kopya. Nasa dilaw na plastic case sa halagang 35 pesosesoses! Nang makapagtrabaho, saka na ako bumili ng original copy. Matapos ang ilang taon, umangkat ako ng DVD copy mula France para mas malinaw kong makita ang kakisigan ni LL. CHAR!
Halikayo't balikan natin ang kanilang kwento...
![]() |
| DVD copy from France |
Seiko Films
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Rodel Velayo, Leonardo Litton, Nini Jacinto, Elizabeth Oropesa, Joel Lamangan, Raymond Bagatsing, and Cherry Pie Picache
Laking 'Gapo sina Harry (Velayo) at James (Litton). Bantay sila sa isang pasugalan nang masangkot sa isang gulo. Lumuwas sila ng Maynila at pumasok sa bar ni Mama Odette (Lamangan). 'Di tulad ni James, hindi nagpapa-take home si Harry at ayaw niya sa mga Amerikanong customer dahil naaalala niya ang pagmamalupit ng tatay niya sa kanila ng kanyang nanay. Nakilala niya sa bar si Mario (Bagatsing) na isang pocketbook writer. Bagong hiwalay sa jowa at nangangailangan ng kausap. Mula noon, naging magkaibigan na sila.
![]() |
| Gustung-gustong magkaanak ni Brenda |
Mula sa pagiging GRO, nahikayat maging macho dancer si Harry. Naging instant hit, mapa-matrona man o bading na customer. Nagsimula na rin mag-live in ang dalawa at naging mag-partner sa kaputahan. Samantala, binalikan ng mga nakaaway nila sa 'Gapo si James at napuruhan. Sobrang naapektuhan si Harry dahil wala siyang nagawa para sa kaibigan.
![]() |
| The shocking threesome live show |
Sa lahat ng macho dancer-themed Pinoy movie, eto talaga ang todong paborito ko. May tamang timpla ng drama, action at kaseksihan. Mas mapangahas pa nga daw ang uncut version nito pero na-chop-chop ni Manay Armida ng MTRCB. Sana buhay pa ang negatives nang ma-restore, 'di ba?
![]() |
| VCD copy from Video Flick |
Dahil nauuso ang mga restoration ng mga lumang pelikulang Pilipino, sana magkaroon ng tsansa ang bagong henerasyon ng LGBTQIA+ community na ma-appreciate ang Burlesk King. Isa ito sa pinaka-importanteng pelikula na humubog sa kamalayan ng Pinoy LGBTQIA+.
Rating: 5/5 stars
Saturday, February 12, 2022
Histerikal
| "Totoo nga pala na dalawa ang pisngi ng pag-ibig. Isa 'yong tunay na pagmamahal, tunay na kaligayahan. At ang isa naman ay pagkukunwaring pagmamahal at kaligayahang dala ng karangyaan." |
Sunday, December 5, 2021
Toro
A few days ago, may nakita akong posts sa Facebook at Carousell na nagbebenta ng VCDs. Filipino sexy movies na ang karamihan ay naipalabas noong late '90s to early 2000s. Dahil fan akiz ng mga pelikulang 'yan at morayta lang ang bentahan, binayla ko ang ilan. Isa sa mga nakuha ko ang kontrobersyal na pelikulang Live Show.
Toro ang original title nitey pero wiz pumayag ang MTRCB noon. Una ko itong napanood nang mag-leak ang director's cut o international edition sa pirata. Nakakaloka ang sex scenes dahil give na give sa torohan ang mga bida. Ang karakter ni Gigi na ginampanan ni Klaudia Koronel ang pinakapaborito ko sa lahat. Paano ba naman, bungangera, ambisyosa, pero matulungin sa pamilya at mapagmahal na kaibigan. I can relate CHOS! Back to sex scenes, na-shock talaga ako sa helicopter position na wala sa official release. Tandang-tanda ko na sinabayan 'yung ikot ng elisi ng ceiling fan. PAK NA PAK!
Regal Films and Available Light Production
Written and Directed by Jose Javier Reyes
Starring Klaudia Koronel, Ana Capri, Hazel Espinosa, Simon Ibarra and introducing Paolo Rivero
Bata pa lang ay mulat na si Rolly (Rivero) sa pagpuputa ng nanay niya para mapakain silang magkakapatid. Pinagputa din ng nanay niya ang kapatid na babae samantalang inaakit ng masasamang gawain ang bunsong kapatid. Manhid na si Rolly sa mga pagsubok ng buhay kaya kahit gaano man kahirap, hindi na siya naiiyak.
Pinamigay ni Rosita (Capri) ang anak sa isang kaibigan na siya namang ibinigay nito sa ibang pamilya. Matapos ang ilang taon, nais niyang makilala at mayakap ito. Hindi na rin kasi siya maaaring magkaanak dahil sa pagpapalaglag. Ilang beses na rin siyang nagtangkang magpakamatay pero ayun, buhay pa ang loka.
Pangarap ni Gigi ang mangibang bansa para makaahon sa hirap. Siya din kasi ang breadwinner ng pamilya. Bukod sa pagtotoro, may jowa din siyang may kaya sa buhay. Hiningan niya ito ng pera pang-Japan na nadispalko naman ng masasamang loob.
Matagal nang tinalikuran nina Vio (Ibarra) at Sandra (Espinosa) ang pagtotoro simula nang magka-anak. Pero dahil hirap makahanap ng trabaho si otoko at kakarampot naman ang kita ni merlie sa pagtitinda, wala silang choice kundi bumalik sa dating gawain.
Introducing palang dito si Paolo Rivero pero magaling na umarte. Tunay siyang naging pantasya ng mga milenyal na GBT+. Bumalik tuloy ang aking pagtingin. Hindi rin pahuhuli si fafah Simon Ibarra lalo na doon sa macho dancer number niya. Kilig na kilig ang imaginary kipay ni ateh habang dinudunggol ng notey ang fes niya. SARAP!
Kung marami na kayong napanood na pelikula ni Jose Javier Reyes, napansin niyo na siguro na makuda ang characters niya. Daming ebas bawat eksena at hindi iba diyan ang Live Show. What sets this movie apart from his other works ay smooth ang flow ng script. Hindi may masabi lang.
Relevant pa rin magpasahanggang ngayon ang pelikula. Sa panahon ngayon na madaming negosyo ang nagsara, marami ang nawalan ng trabaho. Hindi naman humihinto ang pagkalam ng sikmura at bayarin kaya ang ilan ay napipilitang kumapit sa patalim. Hindi man sa pagbebenta ng aliw, sa ibang paraan na pinipilit sikmurain.
Rating: 4.5/5 stars
Saturday, August 28, 2021
Preso
Saturday, July 17, 2021
Hagip
I was watching Visions: Cinema - Film In The Philippines documentary last week at hindi ko maiwasang hindi mabilib sa artikulasyon nina Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, at Lino Brocka. Ramdam mo sa mga salita nila ang passion in film making. They were describing the situation and challenges they faced during the time the documentary was made. May paninindigan, matapang sa mga isyu, frustrated sa censorship pero hindi sumusuko sa paggawa ng makabuluhang pelikula.
Isang eksena na tumatak sa akin ay noong ine-explain ni Ishmael Bernal kung bakit gustong-gusto niya ang gabi. Kaya naman nagawa niya ang isa sa kanyang mga obra, ang City After Dark. Imagine making a film without an actual script on hand. What a genius! Need to watch that film ASAP.
Tulad niya, gusto ko rin ang siyudad kapag gabi na particularly 'yung mga spontaneaous na lakad kasama ang mga kaibigan. Magkikita kami sa Coffee Belle sa West Ave. at magkukwentuhan magdamag. Kapag inabot ng gutom, tatawid lang sa kabilang kalsada para bumili ng siopao at siomai sa Kowloon West. Nakakamiss din ang night jog sa UP Oval. Bukas na ba sila sa publiko ngayon?
![]() |
| UP Diliman |
![]() |
| Luneta |
Kapag tapos na ang show, maglalakad muli hanggang sa istasyon ng LRT. Babalik sa dating gawi at maghahanda para sa darating na laban sa susunod na araw.
Monday, April 6, 2020
Macho Dancer 3.0: Sibak
Bilang pamatay-bagot, binalikan ko ang ating koleksyon ng mga pelikula. Isa sa mga isinalang ko ang Sibak, Midnight Dancers. Una ito sa trilogy ng macho dancer trilogy na directed by Mel Chionglo. The other two are Burlesk King and Twilight Dancers na irereview din natin because why not?
Sibak, Midnight Dancers (1994)
Tangent Films International
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Alex Del Rosario, Gandong Cervantes, Nonie Buencamino, Maureen Mauricio, RS Francisco, Soxie Topacio, Perla Bautista and Lawrence David
Tungkol ito ng tatlong magkakapatid na macho dancer - sina Joel (Del Rosario), Dennis (Cervantes) at Sonny (David). Sa Club Exotica sila bonggang sumasayaw at tume-table sa mga customers. Kapag bet sila i-booking, may mga kwartong avail sa second floor. Manager nila dito si Dominic (Topacio) na pinatalsik si Dennis dahil palaging late. Ayun, napabarkada sa mga magnanakaw. Si Joel ay may asawa (Mauricio) at anak na, may jowang sisteret pa (Buencamino). Open naman ang dalawa sa setup nila. Mahal nila si guy eh. Bunso ng pamilya si Sonny na naging ka-MU si Michelle (Francisco), isang transgender woman na nagtatrabaho din sa parehong club.
Taong 1994 ipinalabas ang Sibak, mga panahong patok pa ang macho dancers at gay bars. Meron pa rin naman niyan hanggang ngayon pero karamihan kasi, online na ang palitan ng transaksyon - massage (with or without extra service), escort, o direktang sex for hire. According to Wikipedia, na-ban daw ito sa Pilipinas. I think the working title was Sibak then Midnight Dancers was the international title. Paki-correct nga ako, mga ateng, if ever mas may alam kayo sa nangyari. 9 years old pa lang naman kasi ako noon so busy pa sa Sailor Moon. CHAR!
Kahirapan ang sentro ng pelikula. Easy money ang makukuha sa pagsasayaw at pagbebenta ng laman. Kahit may option ang magkakapatid na magkaroon ng ibang trabaho, nasanay sila sa madaling kitaan. Pero sabi nga sa ingles, "easy come, easy go". Nagustuhan ko rin na ang daming ganap sa pelikula but not to the extent na dragging na. Hands down pa rin kay Ricky Lee sa paggawa ng makabuluhan at matinong script. Hindi pilit ang mga salitang ginamit.
Mabigat sa damdamin ang istorya kasi kung minsan ka nang nakaranas ng kahirapan, mararamdaman mo ang pinagdaanan ng mga karakter. Hindi mo sila masisisi kung bakit kinailangan nilang kumapit sa patalim. I may not agree na makipagrelasyon sa iba habang may asawa't anak ngunit nangyayari 'yan sa totoong buhay eh. I particularly liked the relationship between Sonny and Michelle. Minsan lang kasi talakayin sa mga pelikula noon ang relasyong man to transgender woman. Iba pa ang pananaw noong 90s eh. Hindi rin nauwi ang relasyon nila sa awayan, hiwalayan at patayan. Mapapa-#SanaAll ka talaga!
If you want to watch the movie, it is available online via YouTube. Sana lang legit itong na-upload. CHOS!
Rating: 4/5 stars
Monday, December 30, 2019
Lamat
Nang mamatay ang kanyang kuya sa pagsusuka ng dugo sa labis na pag-inom, dito niya naramdaman ang tunay na kalayaan. Naging performer siya sa isang bar kasama ang apat na kaibigan - sina Minerva, Anita, Carmen at Sophie. Matapos ang kanilang bonggang dance number, natipuhan sila ng mga Hapon at dinala sa tinutuluyan. Dito nila nalaman na hindi mga tunay na babae ang kanilang mga nauwi kaya ang iba kabilang na si Markova ay nabugbog. Lahat sila ay dinala sa abandonadong lugar at dito todong pinagsamantalahan ng mga sundalong Hapon.
![]() |
| "Pagkukunwari ba 'to o pagtanggap lang natin sa sarili natin?" |
Nang magka-edad na si Markova, naging make-up artist siya sa pelikula. Eto na ang kanyang kinatandaan hanggang sa manatili sa Home for the Golden Gays. Isa sa pinaka matapang na tinalakay ng pelikula ang kahalagahang malaman ang HIV status. Naratay sa San Lazaro Hospital si Anita dahil nagkaroon siya nito. Year 2000 pa ito pinalabas sa mga sinehan at medyo sensitobo pa ang usaping HIV/AIDS.
Nadurog ang puso ko sa buhay ni Markova at ng kanyang mga kaibigan. Ilang taon ang kanyang tiniis bago ibinahagi sa publiko ang kalupitang kanyang dinanas. Napakagaling ng portrayal ng lahat. Dito ko nalaman na magaling pala sumayaw si Eric Quizon. PAK na PAK ang galaw.
Isa ito sa pinakamatinong pelikula na tumalakay sa buhay ng isang miyembro ng LGBTQIA+ community. Karapat-dapat niyo itong mapanood, mga ateng.
Rating: 5/5 stars
Thursday, June 6, 2019
Panlasa
Sunday, November 26, 2017
Lutong
![]() |
| Yvonne and Sarsi Emmanuelle |
![]() |
| The original movie poster |
Seiko Films
Directed by Efren C. PiƱon
Screenplay by George Vail Kabrisante
Starring Sarsi Emmanuelle, Myra Manibog, Ronaldo Valdez and Ms. Rita Gomez
Si Rose (Emmanuelle) ay binili ni Mommy Carol (Gomez) sa kanyang ina-inahan para maging artista sa Maynila. Hindi niya alam na gagawin pala siyang bayarang babae. Dahil hindi masikmura ni Rose ang kalagayan, tumakas siya sa tulong ng jowa ng bugaw (Valdez). Naging artista sa mga bomba films bilang Yvonne, nabuntis, naghirap at nalulong sa bisyo.
Napaka-sensual nang pagkakagawa ng Bomba Queen lalo na ang mga sex scenes. Naloka ako doon sa pinilit ipabuka ang bibig ni Rose at dinuraan. Lunukin pa daw. YAY! Tsaka 'yung bonggang eksena na sumasayaw sa harap ng madlang pipol si Lorna played by Myra Manibog. May dala siyang saging, binalatan, pinasok sa kipay at hiniwa-hiwa palabas. Kawawang saging ahahahaha!
On the other hand, Sarsi Emmanuelle has no plans yet to return to showbiz. Gusto muna niyang mag-focus sa kanyang 8-year-old baby. Malay natin, kapag may magandang offer at role, bumalik siya sa akting. She's a great actress, IMO.
Thank you to the Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA), National Commission for Culture & the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines - Media Arts Division for giving the public the opportunity to watch this classic Filipino movie. We are looking forward to your next screening.
Sunday, September 11, 2016
Bota
Mahigit isang taon ko nang gustong tapusin ang panonood ng Andrea, Paano ba maging isang Ina? starring idol Superstar Nora Aunor pero wit ko magawa. Sinave ko sa ketay ang movie so hopefully, makagawa ako ng review the soonest. Also, ang dami ko din pending babasahin na panay sa simula lang ang nabasa ko. Andiyan pa 'yung X-Men, Bewitching at Ang Lalaking Walang Pangalan. I need to finish them dahil ang sangkatutak pa ang nakatambak na libro lalo na 'yung mga nabili ko from UP Press last anniversary nila.
Nakapasok na sa PAR o Philippine Area of Responsibility si bagyong Ferdie so expect julanis morisette to sprinkle her powers again. Don't forget to bring payong and wear fabulous bota. Bago natin siya maramdaman sa ating mga bubungan, let's support these delicious fafahs as they compete for Sta. Lucia Mall's Mr. Sexy Body 2016...
Friday, February 6, 2015
Letra
Siyempre, waley sa kanila ang interes natin kundi kina Gardo Verzosa, Leandro Baldemor, Fernando Montenegro at Jestoni Alarcon na leading men nila. Oh wait kayo! Iba-blog ko din sila. ☺
Palaban ang image ni Osang lalo na sa mga interviews noon (kahit naman ngayon) samantalang sweet and fragile gumalaw si Priscilla FKA Abby Viduya. Sa mga tabloids, mas malaki pa ang litrato nila kaysa sa letra ng headlines. Between the two, mas bet ko si TF Princess. May accent at arte kapag umi-English. YAYAMANIN! Tsaka cute ng face at lagi silang magka-partner ni Leandro Baldemor na crush ko noon. ♥
Naging bahagi din ba sila ng inyong pagdadalaga?











































