Showing posts with label pbb. Show all posts
Showing posts with label pbb. Show all posts

Sunday, April 26, 2026

Samu't-Sari 9.0 (Birthday Week Edition)

  • NAPAKAINIT! Ganito daw ang pinaparanas sa atin para chill na lang pagdating sa impyerno. 'Wag naman!
  • Nagugulat pa ba kayo sa mga expose sa impeachment trial ni VP Sara sa kongreso? Ako medyo. Parang hindi mo akalain na magagawa nila 'yon sa dami ng palabas nila. Pero nasa tip pa lang yata tayo eh. Abangan natin ang iba pang pasabog.
  • Sarap sabunutan nung isang panggulo sa impeachment. Wit na siya pangalanan pero obvious na pinapabagal niya ang hearing sa pagtatanong niya. Hindi mo alam kung intentional o sadyang obobs talaga.
  • Bet ko na frozen na ang assets ng mag-asawang Romualdez. Tandang-tanda ko pa ang pagboto nila sa pag-deny ng prangkisa ng ABS-CBN. Karma is real!
  • Pati itong mga ganap kina Mike Defensor at Chiz Escudero, bet na bet ko! Sana naman hindi lang ito puro imbestigasyon, dapat may managot at makulong.
  • Sumasarap sa paningin ko itong si Brent Manalo. Hindi siya ang paborito ko sa PBB Collab pero ngayon, sofer sherep!
  • 41 na ang ateng niyo! Dalawa lang ang hiling ko - bonggang-bonggang kalusugan at nag-uumapaw na salapi. 'Yung tipong kakabugin ko ang mga magnanakaw sa gobyerno. GANOOON!

Friday, January 7, 2011

Karug

Lab lab lab ko na since PBB days pa si Paul Jake Castillo. I even voted for him (na hindi ko madalas gawin sa previous seasons) para hindi mapaalis ni kuya and luckily, he was able to reach the finals night. Ikaw na ang laging naka-half naked sa bahay ni kuya kung hindi ka ba naman iboto ng 'sangkabaklaan. Though hindi siya ang grand winner, he became very popular naman at nagkaroon ng bonggang followers.

Official photo for PBB Double Up
After his PBB stint, he had an episode sa Your Song together with the other housemates. He was featured as one of the 69 Bachelors in Cosmo Hunks 2010. Todong rumampa din siya ng shirtless sa Bench Uncut fashion show at ibinandera ang kanyang oh-so-famous na karug. Water-water ako kapag nakikita ko 'yun! RAARRR!!!

Bench Uncut
Paul Jake, Hermes and Johan for Cosmo Bachelor Bash '10
He is the Cosmo Online Hunk for January 2011 sa website ng Cosmopolitan Magazine. Every week, meron silang interview with him together with new set of photos. Habang patagal ng patagal ang buwan, natatanggal din ang saplot niya sa katawan. I LIKE!

You can watch him everyday in Alyna together with Shaina Magdayao and Sid Lucero sa afternoon block ng Kapamilya network.

See more photos and read his Cosmo interview when you click here.

*some of the photos are from Pinoy Exchange forum.

Wednesday, December 29, 2010

Mega Melai

Power-up to the MAXIMUM level ang ganda ni Melai Cantiveros para sa January 2011 issue ng Mega Magazine. Bonggang bongga ang arrive at look niya sa cover with matching effortless facial expression na pang-alta de society ang dating.

I'm sooo proud of you Melai! Sige at ibandera mo sa kanila kung ano talaga ang tunay na gandang kakaiba at nakamamangha.

Friday, July 23, 2010

Knit Jeans of HerBench

HUWAW! Eto lang ang nasabi ko nang makita ko si Melissa "Melai" Cantiveros sa hanay ng mga endorsers ng Knit Jeans of Herbench. Bonggang bongga ang look ng Prinsesa ng Masa with that tight fitting jeans in super high pumps . Talbog ang mga mestiza at nagpa-mestiza sa Pinay skin tone niya. Perfect di ba!?!

Diyosang diyosa din ang arrive ng ateh Karylle natin. Look naman at her figure na todo sa kaseksihan. Buti na lang at nag-break sila ni Dingdong kasi mas lalo talagang bumongga ang beauty niya.

Heto pa ang ibang models for the newest campaign of HerBench.


Sam Pinto

Georgina Wilson

Carla Abellana

Shaina Magdayao

Wednesday, June 9, 2010

Ejay Falcon for Bench Uncut

Sexy + Fresh + Delicious = Ejay Falcon

He is one good reason to watch Bench Uncut this July 2. Gosh! Todo crush ko talaga siya since lumabas siya sa Katorse. Bongga sa sex appeal at ang ganda ng built ng katawan. Kahit sinasabi nang iba na hindi siya kagalingang umarte, keber ko. Ang importante, masarap siyang panoorin sa TV. Takaw pansin din ang kanyang humongous billboard along EDSA Magallanes.

Juice koh! Kung sa kanya lang, willing akong magkasala over and over again.

Monday, May 31, 2010

Melai for Bench UNCUT

Oh! Sey niyo. Sino nagsabing puro magaganda at diyosa lang ang pwedeng maging model ng Bench. Daig pa ni Melisa Cantiveros si Georgina Wilson sa dami ng lalaki sa billboards niya for the upcoming Bench biennial fashion show na gaganapin sa Araneta Coliseum this July 2.

BONGGA ka Melai! Sige lang at itaas mo nang todo ang bandera nating maririkit at exotic ang ganda.

Tuesday, January 5, 2010

Fink Power!

Ang ating kapatid ay out na sa bahay ni Kuya. Gusto kong magpasalamat kay Binibining Rica Paras sa pagiging isang mabuting housemate. Ni-represent niya tayo ng bongga at todong binago ang pagtingin ng ibang tao sa lahi natin na hindi lang tayo magaling sa pisikal na lakas kundi sa isip din. Isa siya sa matatalinong magdesisyon at may tunay na kakayahan pagdating sa mga task ni Kuya.

Nagawa niyang makapasok sa bahay ni kuya ng walang pagkukunwari. Totoong tao na walang halong kaplastikan at isang tunay na kaibigan sa lahat lalo na kay Melai.


Muli, MARAMING SALAMAT Bb. RICA PARAS!