Showing posts with label tanong lang. Show all posts

Sunday, November 12, 2017

Repleksyon

Tanong lang:

Kung wrong spelling sila dito...

Photo by Katrina Yamzon via PSN

...hindi kaya wrong din na nasa gobyerno sila?

Madagdag ko lang, parang ASEAN delagates pa 'yung nagwe-welcome sa Philppines sa pagkakabuo ng statement dito. KALOKA! Very basic, very elementary yet hindi alam kung paano gawin nang tama.

Ito ba ang repleksyon ng mga taong nagtatrabaho sa gobyerno?

Saturday, August 26, 2017

Pasada

Tanong lang:

Sino ang tunay na may malasakit kay Juan?

Kanino mo ipagkakatiwala ang kaligtasan para makarating sa paroroonan?

Kung magbabayad ang Uber ng 190 million, tatanggalin ng LTFRB ang suspensyon at balik kalsada na ang mga partner-drivers nito. 'Wag daw mag-alala at sa National Treasury mapupunta ang milyones na 'yan.

Kung ako lang, antayin na lang ng Uber na matapos ang tatlumpung araw at 'wag pumayag sa ganitong kondisyones. OA ang penalty at alam naman natin ang galawang breezy sa gobyerno. 'Wag nga kami. Pero malaking ginhawa naman sa commuters kung balik pasada na sila.

Basta ang alam ko, malayo ang agwat ng Uber sa mga kakumpitensya nito kaya marami ang tumatangkilik. Simbolo rin sila ng tunay na pagbabago na niyakap ng mga Pilipino. Sa panahon ngayon, dapat marunong umisip ng bagong ideya para mag-evolve ang produkto at serbisyo dahil kung stagnant at walang development, tuluyan magpag-iiwanan ng panahon.

Tuesday, July 18, 2017

#WeWantGrabUber

Tanong lang:

Saan nakuha ng LTFRB ang impormasyon na mas safe sa taxi, bus at jeepney?

NAKAKALOKA! Never pa yatang nakasakay ng public transpo ang mga kawani niyan at wit nila alam ang modus operandi ng mga kriminal. Patunay lang kung gaano sila kamangmang sa mga nangyayari sa daan.

For your information po mga ma'am at sir, sa halos araw-araw na byahe ko, lagi kong pinagdarasal na 'wag ko sanang makasabay ang dura gang, laglag barya gang, siksik gang, takip bag gang at kung anu-ano pang gang. Inoobserbahan ko muna ang mga pasahero, baka may kahina-hinalang pagmumukha. Kapag 'di ko bet, dedma na at mag-aantay ako ng iba. 'Yung mga aircon bus, dapat walang kurtina at maliwanag ang loob para kung magdeklara man ng holdap, pwedeng makita sa labas at baka sakaling may sumaklolo. Sa ordinary naman, 'wag dapat tutulog-tulog at baka tabihan ka ng magnanakaw. Masalisihan ka ng gamit mo. Isama pa natin ang mga naglipanang manyakis na walang hiya kung maniko ng dibdib ng babae. Kunwari may kukunin sa bulsa, gusto lang maka-tsansing.

Minsan lang ako mag-taxi pero dapat MGE, R&E o EMP dapat ang sasakyan ko or else, maya't maya ako titingin sa metro at baka simbilis ng gripo ang patak nito.

Hindi ako madalas mag-Uber o Grab dahil budget diva ang ateng niyo. Pero kung nagmamadali ako, sa Uber at Grab na ako. Mura na, safe pa, mabango pa at marami pang magagandang pa. GANON! Kung hindi alam ng LTFRB, isa-isahin natin ang advantages ng ride sharing apps na 'yan:
  • Safe dahil dumaan sa mabusising proseso ang pagpili ng drivers
  • Book anywhere basta may data connection ka at sakop pa ng geofence nila
  • Hindi choosy sa pasahero
  • Hindi pwedeng tanggihan ang drop-off location mo. Big NO NO NO 'yan sa kanila.
  • Kapag booked na, ibibigay sa'yo ang pangalan ng driver, type of vehicle at plate number nito
  • Susunduin ka sa pick-up location mo. No need rumampa sa daan para makarating sa sakayan. Nakaka-fresh!
  • Komportable at makakahinga ka. Hindi 'yung ipagsisiksikan mo ang puwitan para lang makaupo. Sabi kasi ni kuya barker, isa pa. Isang hita lang pala ang kasya. NYETA!
  • Pwede kang mag-book para sa iba. Eto ang ginawa ko dati sa tuwing may dialysis si mama. Kahit hindi ko siya masamahan, I know safe ang travel niya. I miss her everyday :'(
  • Garantisadong malinis ang sasakyan
  • Pwede mong i-rate ang serbisyo from 1-5 stars
  • Magagalang ang drivers. Tatanungin ka kung okay lang ang lamig ng aircon. 'Yung mga taxi, jusko parang pugon. Ayaw pa lakasan ni mamang driver ang aircon at kakain ng gasolina.
  • May navigation system. Automatic na iiwas ka sa traffic.
  • Bawal humingi ng dagdag bayad or else, pwede mo silang i-report. Sa taxi, 'di ka pa nakakasakay, nanghihingi na eh.
  • Kung suswertihin, may palibreng kendi o tubig sa loob
  • Kung mag-uberPOOL o Grabshare ka, may chance na makasabay mo si forever. CHOS! 
  • Mababango ang drivers. Hindi nanlilimahid. Walang amoy baktol. Kadalasan, ampopogi pa!
  • Hindi ka mapa-praning na baka bigla ka na lang pasukin ng masasamang loob sabay holdap kasi gumagana ang lock ng sasakyan. 
  • Ang pinakamaganda sa lahat, may customer service na pwedeng tumulong sa kung ano man ang issue mo. Agad-agad ang aksyon nila. Siyempre, exclusive lang sa ride experience mo. Hindi nila kayang sagutin kung bakit wala ka pang jowa. ARAY! POTAH! ANG SAKIT HUH!
Oh di ba, ang dami! Bakit hindi nila alam 'yan? Have they tried using the apps at naikumpara na ba nila sa ipinagmamalaki nilang jeep, taxi at bus? Questionable talaga ang panggigipit nila kaya wit mo rin maiwasang mag-isip ng kakaiba. Naiisip mo ba ang naiisip ko, ateng? Sa palagay ko nga.

Ang alam ko lang, we just don't want Uber and Grab, we need them to survive the road problems we face everyday.

Sunday, March 26, 2017

Tungkulin

Tanong lang:

Ano ang una niyong napansin sa mag-asawang Pacquiao?

BTW, 'yung nasa gitna ay asawa ni Solenn Heussaff (daming double letters) na si Nico Bolzico. Ginetlak ko ang larawan na 'yan sa IG account niya. Follow niyo siya because he is so funny. Good vibes ang photo captions at hashtags niya.

Mabalik tayo kay Manny Pacquiao. Siguro ay napanood niyo na ang batuhan nila ng linya ni Sen. Franklin Drilon sa senado. Parang Maricel Soriano at Zsa-Zsa Padilla ang peg. Kung hindi pa, eto at namnamin ninyo...

Nakangiwi ako habang pinapanood 'yan. Kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawang senador. As usual, may tagapagtanggol si Manny. Daming fans niyan noh! Kesyo ang tagal na daw sa senado si Drilon at walang nagawa samantalang ang Pambansang Kamao, marami nang natulungan at nagbigay karangalan pa sa bansa. Ang akala yata nila sa senado eh charity. 

Tapos may consultant o staff pa yata si Manny sa tabi niya na ewan kung nagdidictate o nagtuturo ng kung ano ang sasabihin. Hindi tuloy niya matapatan ang kuda ni Drilon. Ganitey na lang, kung ako eh nangangarap magsilbi sa bayan at pagiging senador agad ang dream ko, I will evaluate myself if I'm fit for the post. ABA! Hindi naman pwedeng bet ko lang idikit ang title na Senator sa pangalan ko pero nganga naman sa trabaho. Sayang ang kaban ng bayan sa akin. May pork barrel pa naman na nakalaan sa mga proyekto ko. Kung wit pa akez handa, well, magpupursige ako na mag-aral hanggang sa ma-achib ko ang confidence na keri ko na gawin ang mga tungkulin. Well, hindi ako si Manny at si Manny ay hindi ako. Wish ko lang para marami akong andalusha pambooking. CHAROT!

Sunday, September 14, 2014

Lansangan

Tanong lang:

May nangyari ba sa pag-iinarte ng MMDA sa sexy billboards ng Bench, The Naked Truth? Kesyo malaswa daw sa mga batang makakakita. Parang si ex-mayor-now-representative Sherwin Gatchalian lang ang peg. Kesa 'yan ang pagtuunan nila ng pansin, bakit 'di na lang sila gumawa ng mas epektibong plano kung paano mapapagaan ang bigat ng trapiko sa lansangan. Kung dati eh 1-2 hours lang ang kelangan mong ilaan para makarating ng maluwalhati sa pupuntahan, ngayon yata kelangan mo nang dagdagan 'yan. NAKAKALOKA!!!

Maraming bagong endorsers ang Bench especially for its underwear line. Bukod sa mainstay like Jake Cuenca, Vince Ferraren and Tom Rodriguez ay kasama na rin sa bonggang pamilya ni manay Ben Chan sina Martin del Rosario at Arnold Van Opstal na varsity player ng La Salle. SHURAP! Common denominator ng dalawa - they're both mabalbon. AYLABET!

Catch Bench, The Naked Truth, denim and underwear fashion show this coming FridaySeptember 19, 2014 at the Mall of Asia Arena. Tickets are free. Just shop to any Bench stores or do it online via shop.bench.com.ph.

Saturday, January 18, 2014

Retiro

The Past and the Present
NAKAKALOKA! Limang araw na sarado ang karinderya ko dahil ang Sun Broadband stick eh nag-o-overheat kapag sinasaksak. Nag-retiro na sa halos dalawang taon na pagsisilbi sa akin. Kaya bago pa tuluyang mapanis ang tinda ko eh sumugod ako agad sa Sun Shop para bumayla ng pocket Wi-Fi. Infernezzz may bonggang promo sila for unli users. Pay mo lang ng wanpayb ang gadget then every month 699 lang ang bill with no contract. PAKAK! Ayan back to business na tayez.

Sana lang kasing fresh kita araw-araw
Aktwali eh nakaramdam ako ng todong kalungkutan these past few days. Tungkol ito sa trabaho at kung gaano ito kabigat pasanin. Halos araw-araw, oras-oras, minu-minuto iniisip ko kung paano papasa sa panlasa ng nakatataas. Semplang ang statistics ng byuti ko ngayon sa kumpanya. Minsan nga naisip ko na lang magpokpok. Maligaya ka na, may pera ka pa. CHAREEENG LANG!!!

Siyempre 'di ako papayag na kainin ng lungkot kaya nag-undergo ako ng therapy. SUSYAL! May pa-ganyan ganyan pa eh nag-browse lang naman ko ng masasarap na lalaki sa FB. Tanong lang: Paano ba makakapunta ng Slovenia na ang tanging laman lang ng bank account eh tupayb? AMP! Baka papasok pa lang ako ng embassy eh sipain na akez. Habang 'di pa nangyayari 'yan eh papantasyahin ko muna si koya Blaž Zaplotnik at ang kanyang makinis na kili-kili...

Tuesday, May 7, 2013

Resulta

ETO NA! Opisyal ko nang isasambulat ang resulta ng ating kauna-unahang sarbey. At talagang national isyu ang ating tinalakay, patunay lang na may boses ang 'sangkabaklaan pagdating sa ikagaganda ng bayan at pamahalaan. Narito ang labindalawang kandidato sa pagkasenador na soksi sa banga ng Tanong Lang: The Halalan 2013 edition...

Tie sa unang pwesto sina Edward Hagedorn (Independent), Dick Gordon (UNA) at Jun Magsaysay (Team PNoy) na pare-parehong nakakuha ng 'sandaang porsiyentong suporta mula sa mga vekla.

Sunod diyan si fafah Sonny Angara (Team PNoy) na may 80% na boto. Infernezzz, gusto ko rin maging senador tapos tabi kami ng upuan. Hihihi...

75% sa inyo ang bet ang byuti ni Risa Hontiveros (Team PNoy). Siya ang nanguna sa lahat ng mga babaeng tatakbo to think sa mga survey na lumalabas sa TV eh lagi siyang kulelat.

Animnapu't tatlong porsiyento naman ang nakuhang suporta ni Bam Aquino (Team PNoy). Wala ako masyadong alam sa kanya bukod sa kamag-anak niya ang pinuno ng ating bansa. I have to research more about him.

Rambol sa ika-pito hanggang ika-siyam na pwesto sina Grace Poe, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano na nasa iisang partido (Team PNOY). Tigsi-60% sila. Lakas ng partidong 'yan ah! Dinodominate ang survey natin.

Ayaw paawat sa 10th at 11th spot sina Migz Zubiri (UNA) at Jamby Madrigal (Team PNoy) na parehong may 50% na OO mula sa inyo. Basta ang alam ko, ex-jowa ni Vina 'yung isa at masarap ang jusawa ni madam. Sana sa akin na lang niya ibigay ang iPhaaad. CHARUT!

Sabit sa dulo nang ating sarbey ang junakis ni Erap na si JV Ejercito (UNA) na may cuarenta y ocho porsiyento na boto. From Erap to Loi then Jinggoy and now JV, ganyan kaya ang pattern na magaganap sa senado?

Bongga ng resulta de vaaahhh?! Salamat sa todong suporta mga 'teh! Ilang buwan din tumakbo ito at talagang overwhelming ang responses niyo. Abangan na lang natin kung sinu-sino sa kanila ang papalarin sa susunod na linggo. Hanggang sa susunod na sarbey mga 'teh!

*Photos courtesy of GMA News Online

Saturday, April 20, 2013

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Dalawampu't lima silang nangangarap na makakuha ng isang upuan sa 'sandosenang pwesto. Sino kaya ang mauuna sa karera? Sino ang makakahabol at sasabit sa dulo? May bago kayang uupo? Meron na kayang magpapaalam sa senado?

Kulang isang buwan at halalan na. Eksakto isang linggo bago dumating 'yan, ilalabas ko na ang bonggang resulta ng ating sarbey. Sinimulan natin noong Disyembre at natapos ngayon buwan. Ngunit bago 'yan, aalingawngaw muna ang aking boses sa ating kaharian upang maiparating sa iba nating shupatemba na makisawsaw bago natin opisyal na isara ang sarbey. Hanggang April 30 pa 'to kaya sali na! Click niyo lang ang mga link sa baba...

Tuesday, April 2, 2013

Teddy at Edward

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Teodoro Casiño and Edward Hagedorn
Walang malakas na partido...

Nangangarap maupo sa senado.

Si Gob na sikat sa Palawan...

Si Cong na madalas sa interviewhan.

Ano kayang kahihinatnan sa susunod na buwan?

Sunday, March 24, 2013

Eddie

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Bro. Eddie Villanueva
Pinuno ng Jesus Is Lord Church...

Dalawang beses sumemplang sa pagkapangulo...

Susubukan naman ngayon ang senado.

"Try and try until you succeed"...

'Yan kaya ang kanyang motto?

Sunday, March 17, 2013

Gregorio at Greco

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Gregorio Honasan and Greco Belgica
Lumang senador na gusto ulit kumandidato...

Laban sa baguhan na muy gwapito.

Big time ang partido ni oldie...

Samantalang si cutie walang ads sa TV.

Kasama ba sila sa listahan niyo?

Sunday, March 10, 2013

Grace at Sonny

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling  CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Grace Poe and Sonny Angara
Mga anak ng kilalang tao...

First time tatakbo sa senado.

Si Sonny naupo na sa kongreso...

Si Grace, sa MTRCB napwesto.

Sapat na kaya ang karanasan para tumaas ang ranggo?

Saturday, March 2, 2013

Jamby at Risa

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Jamby Madrigal and Risa Hontiveros
Parehong sumubok noong nakaraang halalan...

Kulelat sa pagkapangulo 'yung isa...

Samatalang minalas sa numero trese si Risa...

Ngayong taon, makasama na kaya sila sa tuwid na daan?

Saturday, February 23, 2013

Nancy

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Nancy Binay
Totoo kayang gaganda ang ating buhay sa anak ni Bise Binay?

Thursday, February 14, 2013

Chiz, Antonio at Alan

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Chiz Escudero, Antonio Trillanes and Alan Peter Cayetano
Pare-parehong nanalo noong 2007...

Hiling ay isa pang round ngayong 2013...

Mapagbigyan kaya?

O sapat na ang anim na taon sa upuan?

Monday, February 11, 2013

Ernesto, Dick at Jun

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Ernesto Maceda, Dick Gordon and Jun Magsaysay
Tatlong datihan, tatakbo ngayong Mayo...

Isang aktibo sa Red Cross...

Isang anak ng dating pangulo...

Isang ex-senate president...

Kayo, nakanino ang boto niyo?

Tuesday, February 5, 2013

TingTing at Bam

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

TingTing Cojuangco and Bam Aquino
Isang Cojuangco at isang Aquino...

Nasa magkabilang partido...

Iisa ang hangarin...

Ang maging senador.

Sa pula, sa puti...

Sino kaya ang magwawagi?

Monday, January 28, 2013

Migz at Koko

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Migz Zubiri and Koko Pimentel
Muli silang magtutunggali ngayong eleksyon.

Isa lang kaya sa kanila ang mananalo?

Baka naman parehong uupo?

Maulit kaya ang pag-aagawan sa ika-labingdalawang pwesto?

Aray ko kapag parehong talo.

Thursday, January 24, 2013

Loren

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Loren Legarda
Olats sa pagkabise pero unbeatable sa senado. Mahalal kaya siyang muli?

Thursday, January 17, 2013

JV

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Joseph Victor "JV" Ejercito Estrada
♫ Iba na ang kabataan
May silbi't pag-asa
May pusong nakalaan
Tungo sa ginhawa ng lipunan... ♪

Makuha kaya niya ang boses ng Youth of the Nation?