- Sunud-sunod ang sakuna mula lindol at pag-alburoto ng mga bulkan. Mother Nature, please lang tama na. Pero kung galit pa kayo, kindly spare the hospitals and schools. Doon na lang po kayo mag-focus sa bahay ng mga pulitikong kurap.
- Bakit hindi naka-publiko ang imbestigasyon ng ICI? May pinoprotektahan ba sila? Sana kung may managot man, dapat kasama ang malalaking pangalan. Dahil kung hindi, uulitin lang nila ang pagnanakaw, mauulit lang ang mga substandard na proyekto, at mga ordinaryong Pilipino pa rin ang babahain.
- Dapat lunurin sa tubig baha na kulay grey ang mga kurakot. 'Yung tipong papasok sa bunganga nila ang mga dagang kanal at lalabas sa pwerta. Kung hindi man sila mamatay sa pagkalunod, kahit sa leptospirosis na lang, mga hayuff sila!
- Nasa kalagitnaan na tayo ng October pero malamlam pa rin ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Wala sa mood ang mga tao na magsaya dahil pare-pareho tayong nahihirapan dahil sa panggagago sa atin ng mga pulitikong magnanakaw. Isama mo pa ang bangayan nina Sara at BBM.
- Paborito ko ang Sbarro pero ramdam ko na nagbago ang serbisyo at kalidad ng pagkain nila.
- Walang ka-showgirl-showgirl sa bagong album ni Taylor Swift!
- Bigla akong naging excited sa Love You So Bad nina Will Ashley at Bianca De Vera. Baka manood ako kapag sila ang endgame.
Monday, October 13, 2025
Samu't-Sari 4.0
Sunday, October 5, 2025
CineSilip
Oohhh todong excited ako sa first ever CineSilip Film Festival ng VMX aka Vivamax. Pangalan pa lang ng festival, alam na kung anong ma-expect! Tama lang din naman na bigyan ng chance ang ganitong klaseng tema dahil simula nang ipagbawal ng SM Cinemas ang bold movies, unti-unti na itong namatay. Buti na lang at resuscitated na ng Viva, thanks to their spicy platform na umarangkada noong pandemya.
Friday, December 29, 2023
Kaharapin
2014 pa pala noong huli akong manood ng pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Magsasampung taon na! Oh well, daming factors why pero ang pinaka diyan ay ang pagkamahal-mahal na presyo ng ticket. But this time, lumabas ako ng lungga at nagtungo sa Gateway Cineplex para panoorin ang pelikulang isinulat ni Archie Del Mundo mula sa orihinal na istorya ni Lex Bonife, ang Broken Hearts Trip...
Broken Hearts Trip (2023)Screenplay by Archie Del Mundo and Lemuel Lorca
Starring Iyah Mina, Marvin Yap, Teejay Marquez, Petite, Andoy Ranay, and Christian Bables
Kwento ito ng limang broken hearted na sumali sa isang travel reality show. Kada lugar, may challenges na kailangang kaharapin, whether physical or emotional, at ang magwawagi ay mag-uuwi ng isang milyong piso. Ang mga kasali ay sina...
Mark (Petite) - isang transgender woman na tumayong ina sa anak ng kanyang jowa
Alex (Ranay) - tinakasan ng jowa matapos kubrahin ang limang milyong piso na investment sana sa isang negosyo
Ali (Yap) - ipinagpalit ng afam sa iba at nalugi ang negosyo
Bernie (Mina) - 'thank you girl' o palaging runner-up sa mga beaucon, never naging winner pati sa puso ng jowang kinupkop at inalagaan
Jason (Marquez) - la ocean deep na ta-ar-tits at nangangailangan ng pangalawang pagkakataon na sumikat
Unique ang plot pero relatable ang bawat background ng mga bida. Mabilis ang pacing at walang filler scenes. Pinakamaganda sa lahat ang cinematography dahil iisipin mong mag-book agad ng bakasyon sa mga lugar na kanilang pinuntahan. I personally want to experience the boat ride at 'yung pagtalon sa falls.
If you want to feel good, be entertained, at manood ng kakaibang istorya this MMFF season, I recommend you to watch this film kahit na palabas na lang ito sa piling sinehan. Yesterday, it was only screened sa SM Megamall at Gateway sa Metro Manila. Like ika-apat na araw pa lang ng MMFF pero ganito na ang trato sa ilang entries. I hope MMDA can do something about it like entries have guaranteed number of cinemas for their entire run.
Rating: 3.5/5 stars
Wednesday, August 25, 2021
Kakarampot
Tatakbo daw na VP si Tatay Digz sa susunod na taon. Sakripisyo daw niya dahil sa kagustuhan ng mga tao. WOW! Gaano karami kaya ang tinutukoy niya? CHAR! Bali-balitang ang pambansang alalay ang ka-tandem niya at tatakbo sila under PDP-Laban. May confirmed din na limang senatoriables ang partido. Wit ko na babanggitin at baka uminit lang ang ulo niyo. Hindi nila daserb masulat sa ating kaharian.
Araw-araw tayong nanonood ng balita at araw-araw din tayong nababahala sa dami ng bagong kaso ng COVID-19. Noong isang araw lang ay lumagpas tayo sa 18 kwit kahit nagdalawang linggong ECQ ang NCR at ilang piling lugar. As usual, kakarampot na ayuda ang nakuha ng mga tao samantalang bilyong piso ang hindi nagagamit at nilulustay ng ibang sangay ng gobyerno. Salamat sa COA at nalalaman natin kung paano ginagasta ang pera ng taumbayan. Underpaid pa rin ang healthcare workers samantalang sa hardware bumili ng napkin ang OWWA. Moldex yata ang brand. CHAR!
Sunday, July 11, 2021
Pintuan
![]() |
| Paolo Gumabao |
Thursday, October 29, 2020
Paningin
Pasavogue itong bratatat ni Gen. Parlade sa mga merly na tumatayo sa kanilang karapatan particularly kina Liza Soberano at Catriona Gray. 'Wag daw um-associate sa tulad ng Gabriela na isa raw komunista. Infairness sa Gabriela, simula nang maupo sila as a party-list sa kongreso, wala silang pagod sa pagtaguyod sa karapatan at boses ng kababaihan. Ang mas malakas na pasavogue ay deretsahan niyang pinaratangan na NPA member ang kapatid ni Angel Locsin. Naglabas tuloy ng ebidensya ang Darna natin upang baliktarin ang paratang ng heneral. Pati sina Cavite Governor JonVic Remulla at House Speaker Lord Velasco ay imbey na "red-tagging" niya.
Sa trulili lang, mala-Shrekty Fermin itong si Parlade. Puro kuda pero walang maipresentang ebidensya. Kung meron man, idaan sa legal na proseso at hindi sa FB. Kahihiyan sa AFP itong si ser.
Tama na ang stress! Tara't manood tayo ng isang masarap na pelikula...
Kurap (2008)
Silangan Pictures
Directed by Ronaldo Bertubin
Starring Sherwin Ordoñez, Jojit Lorenzo and Ashley Rhein Arca
Sa pagnanakaw binubuhay ni Ambet (Ordoñez) ang kapatid na si Luchie (Arca). Hindi ito alam ng huli na masipag sa pag-aaral pero unti-unting nawawala ang paningin dahil sa glaucoma. Upang mapaopera ang kapatid, tinanggap niya ang offer ng amateur videographer na si Marlon (Lorenzo), na ituro ang mga illegal na gawain sa paligid ng Quiapo. Kasama sa mga nilaglag niya ang pinagbebentahan ng nakaw na cellphone at mga kasabwat sa pandurukot.
Pero 'ika nga nila, walang lihim na 'di nabubunyag. Nang nalaman ito ng mga trinaydor niya, siya naman ang binalikan at dito na nagkaroon ng bugbugan galore.
Diyan nagtapos ang pelikula. Ang iksi, 'di ba? Para lang siyang Maalala Mo Kaya. Just don't get your hopes high because this is another poverty movie. But I'm fine with it kasi na-establish naman ang istorya at naihatid na hindi bitin sa pakiramdam.
Ang direktor nito na si Ronaldo Bertubin ang siya rin nag-direk ng Sikil at Loverbirds na pasado din sa kaharian natin.
Rating: 3/5 stars
Friday, September 18, 2020
Suwapang
ALV Productions
Directed by Gil M. Portes
Story by Gil M. Portes and Eric Ramos
Starring Marco Alcaraz, Victor Neri, Rubi Rubi, Cecil Paz and introducing Paloma
Dakilang ekstra sa action movies si Angelo (Alcaraz). Simula nang mamatay ang idolo niyang si FPJ, nahirapan na siyang makakuha ng trabaho. Sinubukan niyang mag-audition para sa isang gay indie film pero waley din. Imbey na sa kanya ang asawang si Kara (Paloma) na nagta-trabaho bilang takilyera sa isang lumang sinehan sa Quiapo.
Habang papunta sa kaibigan na kanyang uutangan, muntik nang mabangga si Angelo ng dalawang sasakyan na galing pala sa panghoholdap ng bangko. Nahulog dito ang isang bag na naglalaman ng mahigit sampung milyon piso. Dali-dali niya itong inilipat sa sariling bag pero naiwan niya ang kanyang wallet na may ID. Binalikan ng mga holdaper (Neri and Paz) ang lugar at dito nila nalaman kung sino ang tumangay ng pera.
Hindi naman naging suwapang sina Angelo at Kara. Binigyan nila ng tag-dalawang milyon ang dalawang sekyu na napatay samantalang isang milyon sa naka-survive. Pero natunton pa rin sila ng mga holdaper at dito na nagkaroon ng engkwentro. Napatay si Angelo samantalang nakatakas si Kara at umuwi ng probinsiya para makasama ang kanilang anak.
Medyo nababawan ako sa istorya pero aliw ako sa mga artista. Nakaka-miss mapanood sa action movie si Victor Neri tapos maganda ang chemistry nila ni Cecil Paz. Imbes na mainis, nakakatawa si Rubi Rubi bilang pakialamera at chismosang kasera. Paloma reminds me of Ellen Adarna, sexy pero hindi bastusin. Ano kayang nangyari sa kanya after nito? Nagkaroon ba siya ng ibang projects? Not bad naman siya sa acting part. At kay Marco Alcaraz, well, masarap siyang panoorin.
Rating: 2/5 stars
Wednesday, September 16, 2020
Andar
Actually, mas keri pa ang production ng Magpakailanman kaysa sa pelikulang ito. Feel na feel mong tinipid lalo na parang kartolina lang 'yung ginamit sa lapida. Ang cringey din ng linyahan at hindi natural. Paulit-ulit ang "putang ina" para masabing intense ang eksena. Saving grace ng pelikula ang mga artista lalo na si Boots Anson-Roa kaya 1 star sa kanya. The other star came from Raymond Cabral. Inaabangan ko talaga siyang lumabas. May pasabog pa siya bago mag-ending. Ayun, sumabog din ang pantog ko. CHOS!
Saturday, January 18, 2020
Kinse
I've heard so much of Kalel, 15 on the internet. Maganda ang feedback at tungkol daw sa batang may HIV which made me more curious. Kahit 'yan lang ang alam ko at wiz pa napapanood ang trailer, gora agad ako sa Cinema '76 sa Anonas to experience it.
Dysfunctional ang pamilya ni Kalel. May ate (Españo) siyang malandi na nagpalaglag at magkaiba ang tatay nila. Ang kaibahan ay kilala ni Kalel ang kanya - isang pari (Garcia) na siyang nagpapa-aral sa kanya sa isang private Catholic school.
Bet na bet siya ng schoolmate niya na si Sue (Padilla) na ubod nang kiri. Kating-kati sa kanya kaya tinake home siya at pinosasan pa. Kinagat ang labi habang naglalaplapan at sinipsip ang dugo na parang bampira. Bago pa tuluyang may mangyari sa kanila ay nakatakas siya. Tama lang na layuan niya ang malanding 'yon!
![]() |
| Elijah Canlas and Eddie Garcia |
This is the fourth movie of Jun Lana na napanood ko. First was Die Beautiful (director) then Born Beautiful (writer) followed by the Panti Sisters (director). I think this is his next best after Die Beautiful. Napapanahon dahil pabata nang pabata ang nagkakaroon ng HIV. Buti na lang at sa Republic Act 11166, pwede na magpa-HIV test ang mga bata mula 15 to 17 kahit walang parent or guardian consent.
Aside from Kalel's health case, relatable din ang pamilya niya. Although madalas silang magtalo ng ate niya, they love and care for each other. Akmang-akma naman sa pagiging nanay si Jaclyn Jose. I don't know pero she's always relatable sa role niya, 'noh? Hindi niya kailangan sumigaw-sigaw, magwala at todong magdrama para maging effective na aktres. Tapos, nakakatawa 'pag nagbitaw siya ng ibang linya. Napaka-natural na parang naririnig mo lang sa bahay o kapitbahay mo.
Gabby Padilla, Elora Españo, and Elijah Canlas doesn't feel like newcomers. Ang gagaling umarte especially Elijah. Ramdam mo 'yung ka-inosentehan, naughtiness, at pagiging no choice ni Kalel without being over dramatic. Sometimes, he just stares and it hits your heart.
The movie is dark and quite depressing pero alam mong totoong nangyayari. It feels like para kang parte ng pelikula - either ikaw ang naka-relate o may kakilala ka. I highly recommend you watch it, mga ateng. Ihanda niyo lang ang inyong mga puso sa mapapanood.
Narito ang schedule sa Cinema '76:
Monday, September 30, 2019
Nagkumahog
We wanted to watch a movie - Panti Sisters or Jowable. Dahil hindi ako fan ng Vincentiments series sa Facebook, we chose the former.
The Panti Sisters (2019)
Black Sheep, Idea First, Quantum Films
Directed by Jun Robles Lana
Starring Paolo Ballesteros, Christian Bables and Martin Del Rosario
Nais ni Don Emilio (John Arcilla) na mabigyan siya ng apo ng tatlo niyang baklang anak - sina Gabbi (Ballestero) at Daniel (Del Rosario) na anak niya kay Nora (Carmi Martin), ang legitimate wife, at si Samuel (Bables) na anak niya sa kanyang kabit na si Vilma (Rosanna Roces). Tumataginting na 100 million per head ang at stake kaya naman nagkumahog ang tatlong bakla na mambuntis ng bilatsina.
Kahit kasuka-suka, pinilit kinarat nina Gabbi at Samuel sina Joy (Barcelo) at Chiqui (Antonio) samantalang pinagkunwari ni Daniel na kanya ang anak ng kanyang preggy neighbor. In the end, wala sa kanila ang nagkaanak. Nakunan ang ex-gf ni Samuel, hindi kay Gabbi ang pinagbubuntis ni friend at napa-DNA test ni Don Emilio ang shupitbalur ni Daniel.
I cannot help but compare it sa Die Beautiful na tinuturing kong masterpiece. Nandito rin kasi sina Paolo Ballesteros at Christian Bables tapos si Jun Lana din ang direktor. Medyo na-off ako sa simula. Ako lang naman ito pero hindi ko bet na kinakausap ng character ang moviegoers na parang nagkukwento. Then the plot na dapat nilang bigyan ng apo ang tatay nila for the sake of money is a concept na very 80s or 90s. Marami din namang highlights ang movie katulad na nais nila i-educate ang sitwasyon ng LGBT community sa Pinas especially the relationship with God and same-sex marriage. It could have been more impactful kung hindi na sila gumamit ng salitang "bakla" which is somehow, a generic term for gays, bis and trans women in our country. Sana mas specific ang term na ginamit para mas informative. At least, klaro na "Demigirl" ang character ni Daniel. It's just not clear to me kung trans woman si Samuel at gay si Gabbi, or parehong gay.
![]() |
| The main stars during the premiere night Photo courtesy of GMA Artist Center |
![]() |
| Addy, Mark and Luis |
Wit ko man nagustuhan sa simula at may ibang unnecessary scenes in my opinion, lumabas ako ng sinehan na natuwa't naaliw. It's a feel-good movie!
Rating: 3 stars
Thursday, June 6, 2019
Panlasa
Wednesday, June 5, 2019
Hangarin
Kasalukuyan kong binabasa ang librong sinulat ni Danton Remoto na Happy Na, Gay Pa. Masaya at nakaka-GV ang mga kwento ng bidang si Jon. Nagkaroon din ako ng DVD copy ng Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington. Nakalimutan ko na halos ang istorya kaya naman binalikan ko at sobrang nakakatawa pa rin talaga. Sana magkaroon ng Zombadings 2, 3, 4, 5 and more parang Shake, Rattle and Roll.
![]() |
| Image from Risa Hontiveros' Facebook page |
![]() |
| Image from Interaksyon |
Isa sa pinakamatunog na DDS ang transwoman na si Sass Rogando Sasot. Imbes na ipagtanggol ang komunidad kung saan siya nabibilang, sinisi pa niya si Pia Ranada ng Rappler dahil hindi daw nito naintindihan ang joke ng pangulo. So joke na lang tayo, ganon ba?
Sunday, May 26, 2019
Inangat
Second time kong manood sa isang micro-cinema at bet na bet ko ang plasung. Mangilan-ngilan na lang ang bakanteng upuan nang ako'y dumating. Nakatutuwa na ang daming sumuporta.
Mamu; and a Mother too (2018)
Cinema One Originals
Written and Directed by Rod Singh
Starring Iyah Mina, Arron Villaflor, EJ Jallorina, Jovani Manansala and Markus Paterson
Si Mamu (Mina) ay isang pokpok sa Pampanga na may jowang (Villaflor) mas bata sa kanya. May work naman si boylet kaya lang 'di sapat para sa kanila. One day, nategi ang shupatemba ni Mamu na may junakis in the name of Bona (Jallorina), isa rin trans woman. Wala namang choice si Mamu kundi kupkupin ang bagets.
Pangarap ni Mamu na maging susuhan para umangat ang kanyang value sa pokpokan industry. Pero dahil pricey itey, ipon muna sa lata ng floorwax yata. Medyo hirap maka-save more dahil bukod sa dalawang bibig na ang pinapakain, matumal na sa bookingan sapagkat mashonda na't maraming fresh competitors. Para makatulong, bet sanang magtrabaho ni jowa sa ibang lugar pero eks kay Mamu. Masyado daw mahina ang katawan ni ohms at siya na lang daw ang bahalang rumaket. Dito na pinasok ni Mamu ang pagiging cybora. JUICE COH! Relate ako sa mga paasang afam. Gusto performance muna bago padala. Hellooowww! Money down before panty down.
May sarili namang lovelife si Bona at dalawa pa, sina Franco (Manansala) at Kiko (Paterson). AYNAKODAY! Jackpot ang bunso natin at parehong cutie pie - isang purong Pinoy at isang half-breed. Kainggit! St. Bona of Pampanga, please pray for us. GANYAAAN! Super kakilig. Sino ang nagwagi sa puso niya? Nako, hindi ko na ibibigay 'yan. Panoorin niyo para malaman.
I've seen a lot of LGBT-themed movies and Mamu; and a Mother too is on my top 3. Baka nga top 1 pa dahil relate na relate ako sa mga eksena excluding the jowa part bilang waley ako 'nun. Ano ba 'yun? AMP! Like Mamu, may pamangkin akong sinusuportahan at gusto ko rin na makatapos siya ng pag-aaral. After that, he can do whatever he wants to do basta hindi masama.
| Bona with her alkansya and strobe lights |
The cast were perfect for their roles. The surprising ones were Petite and Tonton. Dami naming tawa sa kanila! Supportive na mga kaibigan pero in touch sa reality. Swerte nina Mamu at Bona to have friends like them.
Panoorin ang Mamu; and a Mother too bago mahuli sa chika! Showing pa sa micro-cinemas near you. Here's the schedule:
Saturday, April 6, 2019
Jino to Mari
Black Maria Cinema - April 7 and 9 (6:30 PM), April 8 (1:30 PM)
Cinema '76 Anonas - April 7 (9 PM), April 8 (6:30 PM)
Gateway Cubao - April 6 Gala Screening (9 PM), April 8 (1:30 PM), April 9 (6:30 PM)
SM Megamall - April 7 (9 PM), April 8 (6:30 PM)
Sunday, March 17, 2019
Call Her Ganda
![]() |
| Jennifer Laude and Joseph Pemberton |
![]() |
| Photo courtesy of Cinema '76 |
Sunday, October 7, 2018
Mamu and Barbs
Una diyan ng Mamu; and A Mother Too na kasama sa C1 Originals 2018 Festival. Bida dito si Iyah Mina at ang child star na si EJ Jallorina. Tatlong masasarap na kalalakihan ang kanilang leading men - Ahron Villaflor, Jovani Manansala at ang super cutie na si Markus Paterson. Trailer pa lang ng pelikula, mapapahagalpak ka na sa tawa at mata-touch ang
Palabas na ito mula October 12 to 21 sa mga sumusunod na sinehan - Trinoma, Glorietta, Gateway Cineplex, Powerplant Mall, Santolan Town Plaza, SM Megamall, SM North EDSA, SM Sta. Mesa, SM Manila, UP Cine Adarna, FDCP Cinematheque Manila, Cinema '76, Black Maria Cinema, and Cinema Centenario.
Samantala, kalalabas lang at mainit-init pa ang trailer ng Born Beautiful, ang sequel sa award-winning movie na Die Beautiful. This time, si Barbs na ang bibida. Although a new actor will play the iconic character, winner pa rin ang arrive! Very timely ang istorya lalo na't kahit unti-unti na tayong natatanggap ng lipunan, may mga samahan pa rin diyan na nagsasabing tayo'y makasalanan at hinihikayat na bumalik sa pagiging straight. As if we were born straight. CHAR!
Thursday, December 7, 2017
Debosyon
Maestra (2017)
Spotlight Artist Center/Dr. Carl Balita Production
Directed by Lem Lorca
Written by Archie Del Mundo
Starring Angeli Bayani, Anna Luna and Ms. Gloria Sevilla
Umikot ang istorya sa tatlong guro ng iba't ibang henerasyon - si Iah (Luna) na bagong graduate at nagnanais makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET, si Gennie (Bayani) na kahit ilang beses nang bumagsak, patuloy pa rin nagsusumikap para makamit ang lisensya, at si Espie (Sevilla) na hindi balakid ang edad para patuloy na makapagturo sa bagong henerasyon.
Kakaiba ang istorya ng Maestra sa lahat ng indie films na napanood ko. Walang hubaran, sampalan, sabunutan at suguran na karaniwang mga eksena sa pelikula. Wala ring masyadong scoring at distracting na theme song. Natural ang dating.
![]() |
| Angeli Bayani deserves an award for her role |
![]() |
| With Archie Del Mundo |
Maestra will have a limited commercial run on the following SM Cinemas on December 8 and 9:
- SM Megamall
- SM Mall of Asia
- SM North EDSA
- SM Fairview
- SM Manila
- SM Sta. Mesa
- SM Southmall
- SM Bacoor
Monday, April 10, 2017
Nostalgic
Napadalas ang tutorial session sa bahay nina Magnus hanggang sa unti-unti na silang maging close at magkaroon ng bonding moments like listening to music, yosi and nomo sessions. Bilang may tinatagong landi si Felix, hindi niya mapigilan ang ma-fall kay Magnus. JUSKO NAMAN 'TEH! Kahit sino talaga, malalaglag ang panti sa kanya. Wala yata siyang pangit na eksena sa pelikula.
Naging komplikado ang lahat nang malaman ni Felix na gustong ipapatay ni Maxim si Demetria (Capri), ang nanay nito. Ang dahilan: para kuhanin sila ng tatay nilang 'Kano at dalhin sa Amerika. Wit ko kineri ang twist ng pelikula. SURPRISA! Habang nakahiga silang dalawa sa kama, kinuda ni ateng kay crush ang balak ni shupatemba. Nawala ang amats nito at agad jumuwelay sa balur. Sayang at mukhang chance na sana ni ateng, naka-boxers pa man din si crush.
Ito 'yung tipo ng pelikula na hindi mo namamalayan na patapos na pala. Darang na darang ka sa istorya at todong aabangan ang susunod na eksena. Halos lahat ng artista ay magagaling mula sa mga guro, estudyante, magulang hanggang sa mga bida. Hindi mo aakalain na baguhan sina Ethan at Jameson. Si Khalil, matagal ng artista. Naabutan ko pa siya sa Princess & I ng KathNiel at magaling na siya noon pa man. Pero ang paborito ko sa lahat eh si Ana Capri. Baklang-bakla umarte. Love her talaga!
Late '90s din ang peg ng 2C2B4. Nostalgic nang marinig ko ang tunog ng internet connection via landline. Pati na rin 'yung recording of music to cassette tape, pagrewind nito gamit ang dulo ng lapis at paggamit ng walkman. Can't help but to smile with these details.
Also, feeling ko nanonood ako sa Instagram with the dimension they chose. Parang close to 1:1 ang ratio tapos filtered pa. The most Instagrammable moment was the talahiban scene sa lahar area. May dandelion/confetti effect while Felix is looking at Magnus. Aaaawwww! Feels good to be young again!
You should really watch this, mga ateng. Kulang ang words to describe how good this movie is. It's now on its 4th week and still showing in Cinema 76 and Gateway Cineplex.
Rating: 5/5 stars
















































