Showing posts with label gay indie films. Show all posts
Showing posts with label gay indie films. Show all posts

Friday, June 17, 2022

Pasimuno 2.0

Click here for part 1.

5. Heavenly Touch. Supporting lang si Marco dito bilang isang masahista na drug pusher pero unforgettable ang kangkangan scene nila ni Joash Balejado. Laplapan kung laplapan. Kainggit!

4. Walang Kawala. Eto ang kauna-unahang premiere night na dinaluhan ko sa UP. Waging-wagi ang press release nito dahil first time magpasexy ni Joseph Bitangcol at may pa-frontal si Marco. Ito talaga ang nag-launch sa kanyang karera bilang primero hubadero.

3. Laruang Lalake. Sa lahat siguro ng pelikula ni Marco, eto ang pinaka de-kalibre dahil sinulat ni Lex Bonife at dinirek ni Joselito Altarejos. Umikot ang pelikula sa kung ano ang struggles sa paggawa ng gay indie film. Tawang-tawa ako sa karakter ni Mon Confiado bilang producer at manager ng gay bar. Effective siya sa gay role infairness!

2. Booking. Bet maging artista ni Marco pero hindi siya mahanapan ng project ng kanyang manager na si Emilio Garcia. Kung kani-kaninong producer na nakiusap ang gaga pero wiz tinatanggap ang alaga. Napagod na sa kahihintay kaya nag-solo flight na lang at nainlove kay Mercedes Cabral.

1. Pipo. While watching, napagtanto ko na very Lino Brocka sa pagka-poverty porn ito. Nakakaloka ang setting ng mga bahay na nakalutang sa dagat. Madulas ka lang sa nilalakaran, derecho tubig ka na. Isa sa mga tumatak na eksena ay ang hapag-kainan scene ni Karla Estrada at ng mga anak niya. Walang kuryente, malamok at walang pambayad sa eskwelahan. Very true to life!

Wakas.

Sunday, June 12, 2022

Pasimuno 1.0

Let's continue our Pride Month celebration! 🌈 Sa tuwing matatapos ang shift ko sa trabaho, it's either magbabasa ako ng libro o manonood ng pelikula. Pampawala ng stress dulot ng deliverables at deadlines. Nitong nakaraan, sinipag akong mag-movie marathon ng mga pelikulang pinagbidahan ni Marco Morales. Siya ang pasimuno kung bakit nabaliw-baliw ako sa gay indie films na umusbong noong late 2000s. Halos lahat yata ng pelikula niya ay pinanood ko sa sinehan, 'yung tatlo ay umattend pa ako ng premiere night sa UP Cine Adarna.

Halikayo't balikan natin ang siyam sa naging pelikula niya at iranggo natin hanggang sa pinaka-bet na bet!

9. Pagnanasa. Istorya ng tatlong magkakapatid na nagkahiwa-hiwalay at muntikang makipag-sex sa isa't isa. NAKAKALOKA! Click here para mabasa ang review ko 12 years ago.

8. I Love Dreamguyz.
Mga dancer na gustong makapag-abroad para mapaginhawa ang buhay. Bet ko na tinalakay ang risk sa pagsali sa mga networking na hanggang ngayon ay meron pa rin. Ang cringey lang umakting ni Jao Mapa bilang beki. Bukod kay Marco, napakasarap dito ni Jay-L Dizon.

7. Big Night. Hindi na masyadong tinatao ang bar na negosyo ng isang pamilya kaya nag-decide silang magkaroon ng big night o live show. Saving grace ang pag-akting ni Jaycee Parker. Kahit mahina ang istorya, bigay-todo siya sa pag-arte. 

6. Butas. Misis ni Allen Dizon si Gwen Garci na nakikipaglandian kay Marco. Lahat ng milagro na ginagawa nila ay nakita ni Allen sa mga butas ng kanilang tagpuan. Maraming frontal nudity ito nang maipalabas sa UP Cine Adarna pero lahat ay nachop-chop nang dumaan sa MTRCB.

Itutuloy...

Monday, January 4, 2021

Anak ng Macho Dancer

Sa dinami-dami ng pelikula na tinalakay o hinapyawan ang buhay ng pagiging macho dancer, wala pa ring makakatalo sa Pinoy quadrilogy ng Macho Dancer (1988), Sibak: Midnight Dancers (1994), Burlesk King (1999) at Twilight Dancers (2006). Lahat 'yan ay sinulat ni Ricky Lee.

At ngayong 2021, may nais humanay diyan, ang Anak ng Macho Dancer.

Nang ilabas ang trailer noong nakaraang buwan, medyo nayanig ang mga pantog sa kaharian dahil havs na havs sa kaseksihan. Limang kalalakihan ang gigiling para tayo ay sairin - sina Miko Pasamonte, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales, at si Sean De Guzman sa title role. 

Pamilyar ang ilan sa kanila dahil si Ricky Gumera ay naging pambato natin sa Mister Global 2019. Si Charles Nathan ay na-introduce sa Beki Problems bilang Ardel Presentacion. At may hindi pa ba nakakakilala kay Miko Pasamonte. Pinafresh ang fez niya huh!

Kasama rin dito ang dalawa sa original cast ng Macho Dancer, sina Alan Paule at Jaclyn Jose. Kung may 80s represent, meron din galing 90s dahil join ang nag-iisang Titilating Queen, Rosanna Roces at si Totoy Mola Jay Manalo. Wish ko lang sinama na din nila si Cherry Pie Picache bilang suki siya ng macho dancer movies. This is directed by Joel Lamangan. May role din kaya siya dito?

Marami akong questions nang malaman kong magkakaroon ulit ng ganitong klaseng pelikula. Una, uso pa ba ang macho dancer sa panahon ngayon? Paano nila gagawing relevant ang istorya ngayong digital age na? Nakatahi kaya ang kwento nito sa Macho Dancer (1988) dahil iba ang sumulat nito? Well, malalaman  natin 'yan the soonest dahil sabi sa trailer, ipapalabas na ngayong Enero.

Are you ready, mga ateng?

Thursday, October 29, 2020

Paningin

Pasavogue itong bratatat ni Gen. Parlade sa mga merly na tumatayo sa kanilang karapatan particularly kina Liza Soberano at Catriona Gray. 'Wag daw um-associate sa tulad ng Gabriela na isa raw komunista. Infairness sa Gabriela, simula nang maupo sila as a party-list sa kongreso, wala silang pagod sa pagtaguyod sa karapatan at boses ng kababaihan. Ang mas malakas na pasavogue ay deretsahan niyang pinaratangan na NPA member ang kapatid ni Angel Locsin. Naglabas tuloy ng ebidensya ang Darna natin upang baliktarin ang paratang ng heneral. Pati sina Cavite Governor JonVic Remulla at House Speaker Lord Velasco ay imbey na "red-tagging" niya. 

Sa trulili lang, mala-Shrekty Fermin itong si Parlade. Puro kuda pero walang maipresentang ebidensya. Kung meron man, idaan sa legal na proseso at hindi sa FB. Kahihiyan sa AFP itong si ser.

Tama na ang stress! Tara't manood tayo ng isang masarap na pelikula...

Kurap (2008)
Silangan Pictures
Directed by Ronaldo Bertubin
Starring Sherwin OrdoƱez, Jojit Lorenzo and Ashley Rhein Arca

Sa pagnanakaw binubuhay ni Ambet (OrdoƱez) ang kapatid na si Luchie (Arca). Hindi ito alam ng huli na masipag sa pag-aaral pero unti-unting nawawala ang paningin dahil sa glaucoma. Upang mapaopera ang kapatid, tinanggap niya ang offer ng amateur videographer na si Marlon (Lorenzo), na ituro ang mga illegal na gawain sa paligid ng Quiapo. Kasama sa mga nilaglag niya ang pinagbebentahan ng nakaw na cellphone at mga kasabwat sa pandurukot. 

Pero 'ika nga nila, walang lihim na 'di nabubunyag. Nang nalaman ito ng mga trinaydor niya, siya naman ang binalikan at dito na nagkaroon ng bugbugan galore. 

Diyan nagtapos ang pelikula. Ang iksi, 'di ba? Para lang siyang Maalala Mo Kaya. Just don't get your hopes high because this is another poverty movie. But I'm fine with it kasi na-establish naman ang istorya at naihatid na hindi bitin sa pakiramdam.

Maayos ang shots na kinunan sa paligid ng Quiapo. May obvious na umuusyoso kaya minsan, nasa itaas ang camera angle para hindi agaw-pansin. Masherep ang mga sexy scenes ni Sherwin Ordonez dito huh! May mga pa-santolan station siya na magpapabaha sa estero natin. CHOS!

Ang direktor nito na si Ronaldo Bertubin ang siya rin nag-direk ng Sikil at Loverbirds na pasado din sa kaharian natin. 

Rating: 3/5 stars

Wednesday, October 21, 2020

Malamlam

Dalawang buwan na lang at Pasko na! Naghahanda na ba kayo, mga ateng? Bumayla na ako ng bagong Christmas lights at ikinabit na sa labas ng balur para naman may kumukuti-kutitap kapag gumabi. Medyo malamlam kasi ang celebration ngayon gawa ng COVID-19. Bawal ang malalaking gatherings pati na ang pangangaroling. Punta na lang tayo sa Dolomite Beach para hindi tayo malukring. CHAR!

Habang nagkakalkal ako ng mabibili sa CDs Atbp. last month ay nakita ko ang DVD ng Hikbi, isang gay indie film na ipinalabas noong 2009. Wiz ako aware na may ganitey pala so may I buy agad.

Hikbi (2009)
Hikbi Ko Film Productions
Written and Directed by Felbert P. Go
Starring Felbert Go, Adrian Landicho and Carme Sanchez

Habang kumakain sa Angel's Burger kasama ang mga kaibigan, nakita ni Ram (Go) ang tricycle driver na si Jay (Landicho). Na-love at first sight si ateng at hindi tinantanan si kuya hanggang sa mag-date sila on the same day. Bilis 'di ba? Hindi nagtagal ay naging sila.

Loyalty award si Ram kay Jay na pabooking din pala sa iba. Hindi ito matanggap ni Ram at dito na nagsimula ang dramarama sa umaga, hapon at gabi. Nagkabalikan, nag-away, naghiwalay. Pajuliet-juliet hanggang magsawa si Jay. 

Hindi maka-move on si Ram at kung anu-anong ginawa - nag-droga, nakipag-orgy sa bakuran, naging lasenggo at sinusugod si Jay para sumbatan. Nagkaroon ng anak si boylet at ginawa siyang ninong. Simula noon, umayos na ulit ang kanyang buhay.

Kung akiz ang tatanungin, maganda sana ang istorya pero hindi na-execute o na-edit nang maayos. Madaming unecessary scenes na dragging panoorin. Nakakaumay ang pagda-drama ni Ram to the point na maiinis ka na sa kanya. But I guess ganoon naman yata sa totoong buhay, matagal maka-move on lalo na kung todong tinamaan ang puso mo. Awkward din kapag nag-i-English siya. Hindi akma sa mother (Sanchez) and son scenes.

It was refreshing to see Felbert Go playing the lead role. Hindi ka lulunurin sa ilusyon na dapat physically attractive kapag bida. Ang daling maka-relate sa kanya.

First time ko din mapanood sa pelikula si Adrian Landicho and I must say na mas magaling siyang umarte kaysa sa ibang indie actors na ilang beses nagkaroon ng pelikula. Maraming mahahabang eksena na parang one shot lang pero naitawid nila ni Felbert Go. My favourite was their love making scene which was very passionate but tastefully done.

Rating: 3/5 stars

Sunday, September 20, 2020

Dinaig

From late 2000s to early 2010s, marami tayong napuntahang premiere night ng mga gay indie films. Naging suki tayo ng UP Film Center at Robinson's Galleria. Medyo tuma-thunders na yata akiz kasi hindi ko naalala na umattend pala ako ng premiere night ng Lagpas: Ikaw, Ano'ng Trip Mo? Buti na lang at na-upload ko pala sa FB ang mga pictures na nakunan ko.

Lagpas (2010)
Cody Entertainment Production
Directed by Hedji Calagui
Screenplay by Paul Singh Cudail
Starring Dennis Torres, Rob Da Silva, Dustin Jose, Kim Allen and Miko Laurel

Tiyahin ni Roy (Laurel) ang may-ari ng boarding house kung saan nakatira sina Orlando (Torres), Diego (Da Silva) at Sandro (Allen). Si Orlando ay gitarista na nagbabalak umalis dahil siya ay HIV positive. Si Sandro ay nagtutulak ng droga kasama si Winston (Jose). Waiter naman si Diego na lihim na nagmamahal kay Orlando kaya panay ang attitude. Siga-sigaan, galit-galitan ang peg, 'yun pala bet si kuya. ECHOSERA!

Balak ni Sandro na i-setup si Diego para makatakas at makapag-bagong buhay. Nalaman ito ni Roy at sinabi kay Orlando. Agad itong sumugod para maging knight in shining armour kaya lang dinaig siya ng lakas at baril ni Winston. Habang nakatali sa isa't isa, nagtapat ng kanyang pag-ibig si Diego. Nakawala sila sa pagkakatali pero nahuli ni Winston. Nanlaban pero nabaril din si Orlando. The End.

Dennis Torres and Dustin Jose

Honestly, walang katorya-torya itong Lagpas. Umeffort naman sila sa pag-arte pero hilaw na hilaw. Maliban kay Miko, lahat ng ohms ay may eksenang naliligo at may frontal nudity. Mabilisan nga lang or malayo ang kuha para siguro hindi chop-chopin ng MTRCB.

Rating: 1/5 stars

Wednesday, September 16, 2020

Andar

Simula noong Marso, ngayong buwan lang ulit ako nakasakay ng MRT para pumunta sa tindahan ng CDs atbp. na nasa Libertad, Pasay. Wala pa rin pinagbago dahil kahit kokonti lang kaming sakay eh makupad pa kay Pong Pagong ang andar. Kailan ba ito maa-upgrade? KALOKA! Anyways, nagpunta ako sa Libertad para mamili ng DVDs na mapapanood. Nangongolekta pa rin kasi ang byuti ko kahit umaariba na ngayon ang Netflix, HBO Go, iFlix at iba pang streaming services. Heto ang isa sa mga nabili ko...

Tutok (2009)
CBC Productions
Story and Directed by Joven Tan
Starring Emilio Garcia, Allen Dizon, Ian De Leon and introducing Raymond Cabral

Si Roman (Garcia) ay nangangarap maging sikat na reporter at para makamit ang ambisyon, kailangan niyang makakuha ang exclusive interview kay Ka Rolan (De Leon) na isang lider ng mga rebelde. Kasama si Zaldy (Dizon) na kumpare at cameraman niya, pinuntahin nila ang kuta ng mga rebelde. Marami silang natuklasan at isa na rito ang bookingera pala si Ka Rolan. May taste naman siya dahil yummy si Lito (Cabral).

Nalaman ni Ka Rolan kay Mr. Delgado (Lloyd Samartino) na hindi pala padala ng network si Roman. Naimbey si mamshie at dito na pinarusahan ang dalawa. Inuring niya si Roman habang vini-videohan ni Zaldy. Ang exclusive interview ay naging sex scandal. CHAR! In the end, namatay si Roman at nakaligtas si Zaldy pero nagkaroon ng mental health issues dahil sa trauma.

Raymond Cabral

Actually, mas keri pa ang production ng Magpakailanman kaysa sa pelikulang ito. Feel na feel mong tinipid lalo na parang kartolina lang 'yung ginamit sa lapida. Ang cringey din ng linyahan at hindi natural. Paulit-ulit ang "putang ina" para masabing intense ang eksena. Saving grace ng pelikula ang mga artista lalo na si Boots Anson-Roa kaya 1 star sa kanya. The other star came from Raymond Cabral. Inaabangan ko talaga siyang lumabas. May pasabog pa siya bago mag-ending. Ayun, sumabog din ang pantog ko. CHOS!

Rating: 2/5 stars

Sunday, February 2, 2020

Macho Dancer 2.0: Mabenta

Matapos ang ilang linggong pagdagsa ng mga Intsik sa ating bansa, isang kumpirmadong kaso ng n-CoV ang naitala ng DOH. Kaya naman todong mabenta ngayon ang face masks at alcohol to the point na nagkakaubusan na ng stocks. Dahil hindi agad nagpahinto ng flights mula China ang gobyerno, marami ngayon ang dismayado. Alam naman natin na bago pa mangyari ito, puno na ang mga pampublikong hospital sa bansa. Paano tayo nakasisigurong handa ang ating gobyerno kung sakaling madagdagan ang confirmed case/s? While this is happening, let's all protect ourselves and follow this precautionary tips from DOH. Umiwas gumala kung saan-saan kung hindi naman kailangan. As much as possible, manatili muna sa balur at mag-Netflix and chill. At sa mga walang pang paylet sa streaming service na 'yan, 'lika'yo't mag-DVD marathon.

Stardancer (2007)
Indi Films International
Directed by Ihman Esturco

I bought this copy last December during my holiday haul. Akala ko indie film ngunit subalit datapwa't ito'y isang dokyu sa buhay ng pitong macho dancer. Kwento muna sila kung paano sila napasok sa pagsasayaw, para kanino sila nagta-trabaho, mga customer na ang kanilang nakadaupang-palad, at plano sa hinaharap. Infairness naman sa mga sagot nila, malaman at may pangarap. Doon lang actually umikot ang dokyu na wala pang isang oras ang itinakbo.

May interview din sa may-ari ng isang gay bar. Kwento siya kung paano sila pumili ng magiging stardancer. Ayaw man natin ay may bilatsinang umeksena at parokyano daw siya ng gay bars. Gumagastos daw talaga siya para sa aliw na binibigay ng mga otokong sumasayaw. Talaga lang huh? Ramdam niyo ba ang pagiging insekyora ko? HMP!

"Hindi habambuhay ay sa gay bar ako nagtatrabaho. 
Kukupas at kukupas ang itsura."
Mabalik tayo sa mga otoksung. Habang tumatagal ang palabas, pakonti nang pakonti ang suot nila habang gumigiling. Hanggang ang ilan ay nakita na ang dapat makita. 'Yun na! Ang experience after mapanood eh para ka na ring pumasok sa gay bar with matching interview portion. Medyo natabangan ako sa laman, parang ginawa lang para kilitiin ang marurupok nating damdamin.

Rating: 2/5 stars

Friday, January 3, 2020

Kalawak

Sa simula ng taon, nag-deactivate muna ako ng Facebook at Instagram. Bukod sa masyado na akong affected sa isyu ng ibang tao, I feel like I'm giving too much data to Mark Zuckerberg and his team. Mag-search lang ako ng isang item, ang dami na nilang ire-recommend. Ayun, panay scroll ang beauty ko hanggang sa may matipuhan. Buti na lang talaga at malakas ang self-control ko or else, poorita mirasol ako pagpasok ng tweyni-tweyni.

Isa sa mga goals natin this year ay makapagbasa ng maraming libro at makapanood ng maraming pelikula. Una sa pila ang When A Gay Man Loves... starring Romano Vasquez and Brew Bondoc.

When A Gay Man Loves... (2007)
Outline Digital Films
Directed by Jowee Morel
Starring Romano Vasquez and Brew Bondoc

The film started like a documentary. May interviews with some religious leaders and their POV sa LGBTQIA+ community. Then we have some celebrities like Pretty Trizsa, GA Villafuerte and John Lapuz. Tapos biglang pasok ang intense acting nina Anthony (Vasquez) at ng jowa niya na palayas na sa kanilang bahay. Pang-Oscars sa tindi ng batuhan ng mga linya. CHOS! Devastated ang ateng natin sa hindi magandang breakup. May mga solo sad moments, confide with friends and chat sa internet. Dito niya nakilala si Brian (Bondoc) na isa ring heartbroken. Hindi muna naging sila kasi pareho pa silang may hangups. 

Hindi tanggap ng religious ate ni Anthony na bekbek siya samantalang hindi pa nakaka-move on sa past relationship si Brian. Insert some interviews again then balik sa istorya. Ganyan uminog ang pelikula hanggang sa matapos. Na-gang rape muna si Brian at nabiktima ng magnanakaw si Anthony bago nila na-realize na pwede sila sa isa't isa. The end.

 "Mahirap mahalin ang isang taong hindi mahal ang sarili."
Wiz ko bet ang execution ng love story nina Anthony at Brian. Madaming cringey parts at si Romano Vasquez lang ang marunong umarte. Nagmukha tuloy siyang OA dahil underacting ang mga kasama niya. Medyo pilit din ang mga English dialogues. Very unnatural ang dating. 

Infairness naman sa pelikula/docu, it tried to educate its audience. Saving grace ang interviews nina Pretty Trizsa and Sweet Lapuz. Matalino at may punto ang mga kuda nila. May matututunan ang 'sangkabaklaan although hindi na-differentiate ang transgender woman sa gay. 2007 yata ito na-shoot so hindi pa siguro ganun kalawak ang kaalaman sa SOGIE. Nevertheless, their personal experiences were relatable.

Sa mga religious leaders naman, kanya-kanya silang interpretation ng Bible verses at salita ng Diyos. May tanggap at meron may inhibitions. Ganoon pa rin naman hanggang sa ngayon. Oh well...

Rating: 2/5 stars

Sunday, August 11, 2019

Takilya

I wanted to attend the entire Saturday run (August 10) of Cinemalaya 2019 pero sold out na ang John Denver Trending at F#*@bois. Buti na lang at showing rin ang festival sa Ayala Cinemas kaya gora akiz kaninang 9:30 PM to watch F#*@bois.

Fuccbois (2019)
Found Films
Written and Directed by Eduardo Roy Jr.
Starring Royce Cabrera, Kokoy De Santos, Yayo Aguila and Ricky Davao

Punung-puno ang Cinema 4 at lumalaban sa takilya ng Hello, Love, Goodbye ang Cinemalaya entry ni Eduardo Roy Jr. At first, I was intrigued sa 30-second teaser na available sa YouTube. Walang trailer so I don't know what am I going to see. As the movie progress, familiar ang issue. Kung nabalitaan niyo dati ang isang barangay chairman na pinatay ng dalawang cutie bagets, 'yun na 'yon!


Thursday, June 6, 2019

Panlasa

Samu't saring indie films ang muling ipapalabas ngayong buwan kasabay ng selebrasyon ng Pride Month.

Una diyan ang dalawang award-winning movies ni Joselito Altarejos na entries niya sa Sinag Maynila Film Festival. Ang Tale of the Lost Boys ay nanalo ng apat na awards noong 2018 kasama ang Best Picture. This year ay nanalo ng Best Actress si Angela Cortez para sa Jino to Mari. Parehong pinagbidahan 'yan ni Oliver Tolentino kaya mas masarap panoorin. Masarap daw oh! Mapapanood ito at ang iba pang entries ng Sinag Maynila sa UP Film Center (click for the schedule) in Diliman QC.

May marathon naman sina Mamu; and a Mother too at Bille & Emma sa Cinema Centenario (click for the schedule). Kasama din sila sa Pride line-up ng Cinema '76 (click for the schedule) together with 2 Cool To Be 4gotten and Miss Bulalacao. Siyempre, don't forget our shivolee siblings dahil ipapalabas din ang Baka Bukas, Changing Partners and the classic T-Bird at Ako. PAAAK! Ate Guy and Vilma in one movie plus directed by Danny Zialcita. Ibang level ang kudaan diyan!

Let's go, mga ateng, and support these movies upang mas lalo pang ma-inspire ang local film makers na gumawa ng makabuluhang pelikula na swak sa ating kultura at panlasa. Don't worry dahil wit nila haharangin ang outside fudang na binili natin. Basta make sure na CLAYGO tayiz!

Sunday, April 15, 2018

Smoking Area

Last month (March 9) ay rumampage ang byuti ko sa gala screening ng Sinag Maynila entry na Tale of the Lost Boys. Bida dito sina Oliver Aquino at ang Taiwanese actor na si Ta Su. Ito ay sa direksyon ni Joselito Altajeros na siyang nagbigay-buhay din sa mga acclaimed gay indies such as Kasal, Ang Lihim ni Antonio, Ang Lalaki sa Parola and Unfriend.

Umani na ng iba't ibang parangal at papuri ang pelikula sa labas ng bansa bago pa ito mapasali sa Sinag Maynila. Kaya wit nakapagtataka by Rachel Alejandro kung bakit nag-uwi ito ng apat na parangal noong March 11 during the awards night - Best Picture, Best Screenplay, Best Editing at Festival Box Office award. BONGGA!

Ang kwento ay gumora si Alex (Aquino) sa Taiwan para makita ang ina. Habang naghahanap ng smoking area ay nakilala niya si Jerry (Su) na isang bartender. Nilibre siya ng drinks at nashock ang byuti niya nang makipaghalikan ito sa kapwa lalaki. Confirmed ang lolo mo! Infairness, ampogi ng jowa na ginampanan ni Joe Black Chou. Follow niyo siya sa IG, tuney ne mesherep!

with Joe Black Chou
Member ng isang tribo si Jerry na may konserbatibo at traditional na paniniwala. Siya ang magmamana ng posisyon ng kanyang ama at balang araw ay ikakasal sa isang bilatsina. Siyempre, ayaw niya. Hindi masarap eh. CHAR! 'Kala niya eh walang nakakaalam pero amoy pala siya ng kanyang sisteret. Umamin siya sa nanay niya pero wit pa sa ama. Siguro balang araw.

Box-office hit during the gala screening
Si Alex ay pinuntahan ang tirahan ng nanay at dito niya nalaman na may sarili na itong pamilya. Todo iyak si mudra nang pagbuksan siya ng pinto at na-guilty sa pag-iwan sa kanya. Bago umalis ay binigyan siya nito ng bulto ng pera. Tinanggap naman niya pero ang sakit. Ikaw ba naman abandonahin ng nanay mo eh. 

with Direk Joselito Altarejos and Joe Black Chou
Ganyan ko naintindihan ang pelikula but it's deeper than that. I thought it's a love story na usual plot ng mga gay indies. I'm happy that it focuses on friendship and issues of identity na kahit sinong manonood ay makakarelate. Informative pa tungkol sa Taiwanese culture and places. Parang sarap mag-travel doon.

Congratulations to Direk Joselito, to cast and crew of Tale of the Lost Boys. Such a fantastic movie!

Wednesday, December 6, 2017

Limitahan

Tumataas ang temperatura sa mga mall dahil sa dami ng utaw na nagsha-shopping. Kasabay niyan ang todo pila sa mga terminal ng jeep at FX. Ang bagal kasi dumating ng mga sasakyan gawa ng trapik sa daan. Well, oh well, what's new ba?

Pawala na yata talaga ang lokal na produksyon ng CDs at DVDs. According kay ateng tindera ng Astroplus, nagpapaubos na lang daw ng stock ang Sony kaya mega sale sila last month sa SM North. Some record companies are transitioning to Spotify, iTunes, and other digital format. Sad for collectors like me but we gotta accept it. Nagbabago ang panahon at kahit ayaw, kailangan sumabay or else, mapag-iiwanan. I can still buy pa naman online, medyo pricey nga lang so limitahan na lang sa talagang gustung-gustong kolektahin.

Maaga pa para ma-sad dahil pagpasok ko sa Fishermall, kiosk ng CDs at DVDs on sale ang bumungad sa byuti ko. Waley na akong inaksayang oras at siniyasat agad ang mga paninda. Mukhang lucky day ko, mga ateng, dahil ang mga indie movies na pinanood ko dati sa sinehan ay bonggang binebenta sa moraytang halaga. Gaano kamorayta? 25php sa VCD at cincuenta ang DVD. AYLABET!

Aside from Fishermall, pwede din gumora sa sale ng Universal Records na ang office na nasa Quezon Ave. din. It's happening every Friday, Saturday and Sunday at last 2 weeks na lang kaya pwede pa humabol ang mga kolektor diyan. 

Monday, April 10, 2017

Nostalgic

I miss gay indie films so much! Hindi ko na halos matandaan 'yung last na napanood ko. So happy dahil ang Best Picture ng Cinema One Originals Festival 2016 ay nagkaroon ng commercial run sa ilang piling sinehan sa Pilipinas last month. Ito ang 2 Cool 2 Be 4gotten starring Khalil Ramos, Ethan Salvador and Jameson Blake.

2 Cool 2 Be 4Gotten (2016)
Cinema One Originals with VY/AC Productions
Directed by Petersen Vargas
Written by Jason Paul Laxamana
Starring Khalil Ramos, Jameson Blake, Ana Capri and Ethan Salvador

Isang matalinong weirdo si Felix (Ramos) na naging kaibigan si Magnus (Salvador) dahil nilapitan siya nito para magpaturo ng Geometry. Kilig na kilig akez dahil naalala ko ang dalaginding days ko. Wala nang mas sasaya pa na lapitan at kausapin ka ni crush. Kapatid ni Magnus si Maxim (Blake) na kahit kasing gwapo niya eh maaskad ang pag-uugali.

Napadalas ang tutorial session sa bahay nina Magnus hanggang sa unti-unti na silang maging close at magkaroon ng bonding moments like listening to music, yosi and nomo sessions. Bilang may tinatagong landi si Felix, hindi niya mapigilan ang ma-fall kay Magnus. JUSKO NAMAN 'TEH! Kahit sino talaga, malalaglag ang panti sa kanya. Wala yata siyang pangit na eksena sa pelikula.

Naging komplikado ang lahat nang malaman ni Felix na gustong ipapatay ni Maxim si Demetria (Capri), ang nanay nito. Ang dahilan: para kuhanin sila ng tatay nilang 'Kano at dalhin sa Amerika. Wit ko kineri ang twist ng pelikula. SURPRISA! Habang nakahiga silang dalawa sa kama, kinuda ni ateng kay crush ang balak ni shupatemba. Nawala ang amats nito at agad jumuwelay sa balur. Sayang at mukhang chance na sana ni ateng, naka-boxers pa man din si crush.

Ito 'yung tipo ng pelikula na hindi mo namamalayan na patapos na pala. Darang na darang ka sa istorya at todong aabangan ang susunod na eksena. Halos lahat ng artista ay magagaling mula sa mga guro, estudyante, magulang hanggang sa mga bida. Hindi mo aakalain na baguhan sina Ethan at Jameson. Si Khalil, matagal ng artista. Naabutan ko pa siya sa Princess & I ng KathNiel at magaling na siya noon pa man. Pero ang paborito ko sa lahat eh si Ana Capri. Baklang-bakla umarte. Love her talaga!

Late '90s din ang peg ng 2C2B4. Nostalgic nang marinig ko ang tunog ng internet connection via landline. Pati na rin 'yung recording of music to cassette tape, pagrewind nito gamit ang dulo ng lapis at paggamit ng walkman. Can't help but to smile with these details.

Also, feeling ko nanonood ako sa Instagram with the dimension they chose. Parang close to 1:1 ang ratio tapos filtered pa. The most Instagrammable moment was the talahiban scene sa lahar area. May dandelion/confetti effect while Felix is looking at Magnus. Aaaawwww! Feels good to be young again!

You should really watch this, mga ateng. Kulang ang words to describe how good this movie is. It's now on its 4th week and still showing in Cinema 76 and Gateway Cineplex.

Rating: 5/5 stars

Sunday, February 21, 2016

Hamak

Medyo umay na ako sa Pacman vs. LGBT issue na hanggang ngayon ay trending pa rin. Maiba tayez. Sad news para sa mga Pinoy CD at DVD collectors, 'yung original huh! Wala na pala ang Odyssey sa 1st floor, building A ng SM Megamall. Happy news - lumipat lang sa 4th level, building B pero 'di hamak na mas maliit ang pwesto. Wala pa sa kalahati nung dati. 'Wag naman sanang sumunod ang Astroplus na nasa 3rd level.

Image from Universal Records Blog
I-deny ko man o hindi, patuloy na kumokonti ang tumatangkilik ng physical copies. Ang dali na lang kasing i-download sa Torrent ang mga pelikula at unli-streaming naman ang offer ng Spotify at Spinnr. Libre na, easy access pa kumpara sa 199-600 pesos na halaga ng orig.

Bet ko sanang bumayla ng Nine Track Mind ni Charlie Puth bilang pagbibigay-pugay sa bonggang rampa ni Pia sa Miss U pero waley. Kung online ko bibilhin, papatong ang shipping fee at tax sa presyo. Talo sa budget. Insert umiiyak na smiley here. CHOS!

Kaya bago mahuli ang lahat, nag-hoarding na akez ng mga DVD ng paborito nating gay indie. From 350 ay naging 150-199 na lang. Infairness dito sa Ben & Sam, maganda pala. Malinaw na malinaw ang frontal sa Ang Laro ng Buhay ni Juan. At sa wakas, kumpleto na ang DVD series ko ng mga pelikula ni Marco Morales. Patay na patay ako sa kanya dati.

Masakit man pero kailangan tanggapin. Eto ang downside ng pagbabago ng panahon, nawawala ang mga bagay na kinasanayan na. Wala ibang dapat gawin kundi yakapin at tanggapin.

Thursday, September 24, 2015

Altarejos Cinema Experience

Unfriend poster
Kajujuwelay ko lang mula sa Altarejos Cinema Experience na ginanap sa UP Videotheque. Naabutan kong nagdi-discuss si direk Joselito Altarejos habang pinapalabas ang pelikulang Unfriend. Hango ito doon sa teenager na binaril ang jowa niya sa isang mall bago nagpakamatay. What a tragic movie mga ateng! Hindi kinaya ng puso ko. 

Director Jay Altarejos
May mga estudyante at manonood na kinausap at nakipagpalitan ng opinyon kay direk. Very intimate, entertaining but most of all, educational. Direk Jay is very articulate when it comes to delivering his side. Nga-nga akez! Very deep but understandable.

Ang Lihim ni Antonio poster
International Best Actor awarding
After Unfriend, pinalabas naman ang pinakapaborito kong gawa niya, Ang Lihim ni Antonio. I think kahit tumanders akez, wit ako magsasawa na panoorin itey. Malinis ang pagkakagawa, relatable ang istorya, magagaling ang mga nagsipagganap at ang sasarap ng kangkingan scenes. Dumating pa ang lead actor na si Kenjie Garcia na todong wafu at bango sa personal. Wit na aketch nahiya at nagpa-selfie na. I look familiar daw. AY! Baka napanaginipan niya na ako. CHAR! It was about the LoveYourself photoshoot na pareho naming dinaluhan a few years ago. Iniabot sa kanya ang best actor award na napanalunan sa isang international film festival. 

Nasobrahan sa filter ahahaha!
If you wanna look back to quality gay indie na gawang Pinoy, I highly suggest you attend this bonggang experience. Madami kayong matututunan. Here's the schedule:

September 24, Thursday - Sociopolitics in Pink Cinema
2:30 PM | Ang Lalake sa Parola
5 PM | Ang Laro sa Buhay ni Juan
7 PM | Kasal

September 25, Friday - New Experiments. New Wave. Revaluation
2:30 PM | Kasal
5 PM | Laruang Lalake
7 PM | Preview of New Feature (Siklo)

Ticket price is 100php per movie.

Saturday, August 17, 2013

The Escort

Bonggang news sa mga veklers diyan na supportive pa rin sa gay indie film industry. Madidiligan kayo ngayong tag-ulan dahil ipapalabas na sa wakas ang The Escort starring Miko Pasamonte. Ito ay sa direksyon ni Monti Parungao at panulat ni Lex Bonife na siya rin nagbigay sa atin ng Kape Barako.

L-R: Danniel Deremayo, Miko Pasamonte and Jommel Idulan
Iikot ang kwento sa isang bayarang lalaki na sa unang pagkakataon ay mararanasan ang todong tamis ng unang fag-ivig. WOW NEMEN! Kasama din dito sina Danniel Deremayo at Jommel Idulan na parang pagkasarap-sarap. Sa August 21 na 'to kaya make sure na susugod kayo sa Isetann Recto, Remar Cubao o Roben Manila para manood.

Check niyo ang promo photos at trailer ng pelikula...

Tuesday, February 19, 2013

Gapang

Bukas, February 20 ay mapapanood na sa mga suking sinehan ang latest indie flick made for us by Greendie Film Productions, ang Gapang. Starring dito ang walang kiyeme sa hubaran na si Miguel Alcantara. Sounds family? Baka napanood niyo siya sa Id'nal, Bahid o Kapa. Kasama niya din dito sina Jacob Diaz at Merwin Castro.

Miguel Alcantara, Jacob Diaz and Merwin Castro
Ayon sa press release na natanggap ko, nagtatrabaho ang dalawa sa Heavenly Touch Spa bandang Kamias Road in QC. Hhhmmm... ang kinis nung Jacob. Nakaka-tempt naman siyang tikman. Wizkolang 'di mahalya fuentes. Pero kung kapos sa dats, panoorin na lang natin siya sa big screen. Eto ang trailer...