Showing posts with label balita. Show all posts
Showing posts with label balita. Show all posts

Sunday, March 8, 2026

Samu't-Sari 7.0

  • Kadiri ang pag-iisip ni Bong Suntay. Manyakis na naka-barong at nakaupo sa kongreso. YUCK!
  • Ang powerful ng statement ni Anne Curtis ukol dito. Kung ako ang asawa't anak ni Suntay, mahihiya na ako habang buhay.
  • Umiikot talaga ang mundo 'no? Natatandaan niyo ba kung paano sinawsawan nina Nikko at Nico ang pambabatikos ng netizens kay Vice Ganda sa diumano'y pamamahiya nito sa It's Showtime guests? Grabe ang panlilibak na tinanggap ni meme noon but look who's on the spotlight now? Paiyak-iyak pa sa interview 'yung isa pero laugh reactions naman ang nakukuha online. DASURV mapahiya ng mga gunggong!
  • Napanood niyo ba ang latest interview kay VP Sara? My gosh hindi ko matagalan! Like naririnig ba niya at naiintindihan ang mga pinagsasabi niya? Makikilala na daw natin si "Mary Grace Piattos". Ang tanong ko lang... 

Saturday, January 31, 2026

Samu't-Sari 6.0

  • Sa mga senador at influencers na kumakampi sa Tsina kahit binobomba na ang ating mga mangingisda, hindi niyo deserve ang Pilipinas. Hindi lang kayo nakakahiya, para kayong mga tuta na humihimod sa pwet ng mga Instik. KADIRI!
  • Ang dali husgahan at magalit ng netizens kina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio laban sa manyakis na driver na nagnakaw ng hindi niya pagmamay-ari. Okay lang ba kayo?
  • Itong mga Pilipino na kampi sa ICE at kay Trump, hinding-hindi kayo magiging kapantay ng mga puti. Purihin, palakpakan, itangi niyo man sila, hindi nila kayo ituturing na kauri. Mananatili kayong third-class citizen sa paningin nila dahil pango at kayumanggi kayo. Darating ang panahon na kayo naman ang pagtutuunan nila ng pansin.
  • Sumakit ang ulo ko sa mga transwomen na nagsasabing transwomen are not women. Eh ano kayo? Bakit transwomen ang tawag niyo sa mga sarili niyo? Ang daming SOGIE 101 resources online para ma-educate kayo pero pinili niyong maging timawa. JUSKO! Doon kayo sa faraway, please lang. Kung bukas naman ang isipan niyo para matuto, panoorin ito:
  • To be fair sa Enero, hindi masyadong mahaba sa feels unlike the previous years. Enjoyable pa ang malamig na simoy ng hangin. Sarap maglakad tuwing umaga, hindi masakit sa balat ang araw at fresh sa pakiramdam!
  • Sa palagiang paglabas ni Leandro Leviste sa balita pati na mga presscon niya, patawarin niyo ako mga ateng, naging crush ko siya. NAKAKALOKA! Silang dalawa ni Kiko Barzaga ang fantasy ko ngayon. Pinag-aagawan daw nila ako. Pero bakit kailangan mag-agawan kung pwede naman akong i-dp. MIYAW!
Images from Facebook and Daily Tribune

Monday, September 29, 2025

Samu't-Sari 3.0

  • I do not trust Mayor Magalong and the Remulla brothers. They are heavily associated sa mga Duterte so NOPE!
  • Marcoleta is not just annoying to watch, 'noh? Ang lakas niya makasira ng araw. Like you need therapy after seeing his face and hearing his voice.
  • Manatili tayong galit sa mga corrupt hangga't walang napaparusahan. At kapag sinabi natin na galit tayo sa corrupt, hindi pwedeng paghiwalayin ang UniTeam. Pareho lang naman sila lol!
  • May mga times na bet ko si Shuvee noong sinubaybayan ko ang PBB Collab pero may feels ako na inauthentic ang character niya. 'Yon naman pala, two-faced ang gaga! Ang kalat ng mga digital footprints niya bago pumasok sa bahay ni kuya. YIKES!
  • Congratulations kina Veejay Floresca at Jessica Sanchez for winning Project Runway and America's Got Talent!
  • Proud ako na nanalo tayo sa Mister International but I am not 100% sold kay Kirk Bondad. Hindi ko kasi ramdam sa kanya 'yung Filipino pride. Parang sumali siya to showcase his self than representing the country. Still, masarap siya so aarti pa ba?
  • In 2 days, we're down to the last quarter of the year. Pagpasok pa lang ng unang ber months eh nagpapatugtog na ako ng Christmas songs pero I really really love the Yuletide season. Sana mas maraming magsabit ng parol sa labas ng kanilang mga tahanan. I wanna see more blinking lights and decors!
  • Sabay-sabay na nag-release ng albums sina Mariah Carey (Here For It All), Kylie Minogue (Tension Tour Live), Zara Larsson (Midnight Sun), at Doja Cat (Vie). Kung meron pa sanang Odyssey XL o Astrovision, baka namulubi ako noong 26th char! Tara't magkaraoke na lang tayo ng Sugar Sweet ni Mimi...

♪ Hate it when you have to leave
But I don't say a thing
'Cause I will absolutely get the ring
No hurry, no worries
Oh, baby, baby, baby, baby, I'm
Gonna use my expertise
I'ma keep it nice, l'ma keep it neat
I'ma keep it sugar, I'ma keep it sweet ♫

Sunday, September 14, 2025

Samu't-Sari 2.0

  • Weird nitong mga hardcore conservative Christians na nakikiramay sa pagkamatay ni Charlie Kirk, isang personalidad sa US na walang ginawa kundi magpalaganap ng hate towards the black and LGBTQIA+ community. Pati na sa mga Palestenians at pop girlies. Anyways, I'm glad they are exposed so I can avoid their projects. We can't support them while they think lowly of us.
  • Although anti-SOGIE bill si Tito Sotto, I think he's better than Chiz Escudero as Senate President. Still, I don't like him unless he pass the SOGIE bill as law.
  • Hangga't mga contractor at district engineers lang ang focus ng hearing, walang mangyayari sa korapsyon sa DPWH at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Dapat panagutin at isama ang mga pulitikong nakikihati sa budget na para sana sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.
  • Nagsisisi ako sa pagboto kay Joel Villanueva noong 2016. Isa sa mga fail ni PNoy itong gunggong na 'to! But I'm glad he's being exposed.
  • Pansin niyo ba, pulitiko man, artista, o simpleng mamamayan, kapag may ginawang kabalbalan, laging bukambibig ang Diyos. Kawawa naman si Lord, laging nagagamit at hindi maipagtanggol ang sarili laban sa mga demonyo.
  • Nakakaloka ang pasavogue na balita ni Robby Tarozza! But again, hindi issue dito kung bakla ka o hindi kundi ang diumano'y talamak na pagnanakaw sa pondo ng mga Pilipino!
  • Grabe pala ang obsesyon ng online haters sa kinaiinisan nila. Nabubuhay sila sa poot at pag-stalk sa bawat kilos ng taong ayaw nila at ipo-post online. Like how can you live like that? Totoo pala na your haters are your biggest fans. KALURKS!
  • I think I'm starting to become a fan of Zara Larsson. Ang ganda ng boses ni girl!
  • Pumunta pala ako sa record fair kahapon sa Trinoma at nakita ang cassette tape na 'to. Ang masasabi ko lang, "Anna Dizon is Anna Dizon"! To be fair ang ganda ng boses niya.

    Anna Dizon
    A Dream... A Reality

Monday, November 7, 2022

Tumuntong

Pagdilat ko kahapon ng umaga, sumakit ang puso ko sa IG post ni Hilary Duff tungkol kay Aaron Carter. Hindi ko pa nga na-gets agad kaya kahit may muta pa, nag-check ako ng profile niya. Ibang profile pa nga ang napindot ko bilang wala pa sa wisyo. According sa TMZ, natapuan siyang walang buhay sa kanyang bahay. Hindi pa kumpirmado pero may balita na nalunod siya sa bathtub.

Isa si Aaron Carter sa mga unang pop artist na nakamulatan ko. I have very special memories about his self-titled album. Binili ni La Mudra ang cassette tape niyan dahil sa request ko. Pa-ul-ul kong pinatugtog Crazy Little Party Girl ang ang version niya ng The Jets original na Crush on You. Pumunta pa siya sa Pilipinas to promote the album. Kahit wala akong kasama, gora ang byuti sa SM North para panoorin siya sa SM Entertainment Plaza, same venue ng Kwarta o Kahon noon. Tandang-tanda ko pa ang pagkukumahog ng tao palapit sa stage nang lumabas siya. Hindi maawat ng mga guardo versoza. Stampede levels! At dahil bubot pa akez, kinailangan kong tumuntong sa lamesa ng foodcourt para makita siya. Ang liit din kasi niya noon.

Umalagwa ang career niya sa US with his other hits like Aaron's Party, I Want Candy and I'm All About You. Naging jowa niya rin ang Disney Princesses na sina Hilary Duff at Lindsay Lohan. Pero tulad ng ibang child star, hindi naging madali ang tinakbo ng kanyang karera. Nagkaroon siya ng health issues and problem with his siblings including Nick Carter of Backstreet Boys. Todong nakakalungkot kapag halos kaedaran mo lang pero grabe ang mga pinagdaanan.

Aaron, thank you for the music you made especially for the '90s kids like us. My childhood is not complete without your songs. We're going to miss you forever.

Saturday, April 2, 2022

Tumatak

Summer na talaga! Ramdam na ramdam ang paghahari ng araw at alingasaw ng kalsada. Although umulan kahapon which is rare kapag Abril na. Sana mas dumalas pa ang pagpatak para naman makadagdag sa tubig sa mga dam. Ang hirap mawalan ng tubig kapag tag-init. KALOKA!

Painit nang painit na rin ang campaign season. Pabonggahan ng drone shots ang dalawang malapit na magkatunggali pero 'di ko maalis sa isip ko bakit ang baba ng resolution ng mga uploads ng isang partido. Ni hindi mo mai-zoom kasi magiging pixelated na. Halata din ang pagkakapareho ng ibang anggulo pero hindi ang hirap patunayan dahil sa resolution ng litrato. Sa panahon ng FHD, parang kuha sa Nokia 7650 ang picture nila. CHAR!

Bukod sa sorties, mag-house to house na rin ang mga volunteers ni VP Leni Robredo para todong makapag-convert ng mga botante. Effective ito lalo na hindi lahat ay may access sa social media. Nagbabalik din ang komiks which makes me very happy. Naalala ko pa noong 1992, ang daming ganito na pinamimigay at tumatak sa isipan ko ang komiks ni Ramon Mitra Jr.

Nitong nakaraang weekend, nakapag-scan ako ng komiks at nakapag-restore ng ilang cover at nobela. Let me share this special restoration I made dahil heavily damaged na ang kopya ko. I never thought na maayos ko pa ang cover but I'm so proud na nadiscover ko ang Curves sa Photoshop na nagpadali ng aking editing life. Heto ang unang labas Narito Ako, Hatulan Mo, nobela ni Gilda Olvidado at guhit ni Joey D. Celerio...

Narito Ako, Hatulan Mo
Tagalog Klasiks
Setyembre 4, 1997
Taon 48 Blg. 2315
Atlas Publishing Co., Inc.

Monday, August 30, 2021

Mitsa

Dalawang araw na lang at matatapos na ang Agosto na siya ring Buwan ng Wika. Natatandaan ko pa noong nasa elementary ako, Linggo ng Wika lang ito. Bida palagi ang imahe ni Francisco Balagtas sa mga programa sa school. Ginagaya pa minsan ng mga guro at estudyante ang mga dahon na nakalagay sa gilid ng kanyang ulo.

Bago dumating ang selebrasyon, ina-anunsyo muna ng eskwelahan ang mga paligsahan na pwedeng salihan. Nariyan ang sabayang pagbigkas, pagtula, at pagsusulat ng sanaysay. I do not remember joining any competition pero nakatatak talaga sa isipan ko ang libro na may malaking WIKA sa cover at may drawing ng mga hayop sa ibaba. Nakatutuwang alaala.

Ngayong araw, ika-30 ng Agosto, ang Araw ng mga Bayani. Tinuturing na modern heroes ang ating mga healthcare workers apero tila ba pinaglalaruan sila ng gobyerno. Todong atrasado ang kanilang benepisyo na dapat ay last year pa pero pautay-utay na binibigay sa kanila. Mitsa ito ng kanilang protesta laban sa DOH at baka maging dahilan pa ng mass resignation. Maiiwasan sana ang eksenang 'yan kung alam ng mga namumuno ang prayoridad ngayon. Eh sa tuwing kukuda itong si Tatay Digz sa kanyang weekly midnight show, puro pagtatanggol pa sa mga incompetent appointees niya ang maririnig natin. Samu't sari pa ang kontrobersyang hinaharap dahil sa mga maanomalyang overpriced transaction. NAKAKALOKA! Kilabutan naman kayo sa ginagawa niyo!

Nakakainit ng ulo itong mga 'to kaya bilang pampakalma, heto ang isang nobela ni Helen Meriz na lumabas sa mga pahina ng Love Story Komiks noong 1983...

Paano Kung Hindi na Kita Mahal
by Helen Meriz & Ben Maniclang
Love Sory Komiks
Blg. 602, Abril 4, 1983
Adventures Illustrated Magazines, Inc.

Wednesday, August 25, 2021

Kakarampot

Tatakbo daw na VP si Tatay Digz sa susunod na taon. Sakripisyo daw niya dahil sa kagustuhan ng mga tao. WOW! Gaano karami kaya ang tinutukoy niya? CHAR! Bali-balitang ang pambansang alalay ang ka-tandem niya at tatakbo sila under PDP-Laban. May confirmed din na limang senatoriables ang partido. Wit ko na babanggitin at baka uminit lang ang ulo niyo. Hindi nila daserb masulat sa ating kaharian.

Araw-araw tayong nanonood ng balita at araw-araw din tayong nababahala sa dami ng bagong kaso ng COVID-19. Noong isang araw lang ay lumagpas tayo sa 18 kwit kahit nagdalawang linggong ECQ ang NCR at ilang piling lugar. As usual, kakarampot na ayuda ang nakuha ng mga tao samantalang bilyong piso ang hindi nagagamit at nilulustay ng ibang sangay ng gobyerno. Salamat sa COA at nalalaman natin kung paano ginagasta ang pera ng taumbayan. Underpaid pa rin ang healthcare workers samantalang sa hardware bumili ng napkin ang OWWA. Moldex yata ang brand. CHAR!

Kasalukyang palabas sa KTX.ph ang Love and Pain in Between Refrains, ang bagong pelikula ni Direk Joselito Altarejos na nagbigay sa atin ng mga obra maestrang Ang Lihim ni Antonio, Kasal at Ang Lalake sa Parola. Parte ito ng Cinemalaya 2021 at mapapanood hanggang Sabado, August 28.

Kwento ito ng childhood sweethearts na sina Adelle (Elora Españo) at Noel (Oliver Aquino) na nagkita after 10 years. Nagkabalikan at nagmahalan muli pero may kasamang cariño brutal. Very close to reality at maraming ganyan sa paligid natin. KALOKA! Saan kaya sila dadalhin ng marahas nilang pag-iibigan?

Narito ang trailer...


Wednesday, June 30, 2021

Laso

Taken from Pride March 2018
It's the last day of Pride Month and I just want to say MABUHAY ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community na patuloy na nakikipaglaban para sa pantay na karapatan. Malayo pa ang tatahakin natin lalo na kung iboboto natin ang mga tulad nina Pacquiao at Tito Sotto sa susunod na halalan. Ilang beses ko na yata nasabi 'yan lol!

I have no words for the death of PNoy. Patunay ang kamatayan niya na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa demokrasya at sumusuporta sa kanya. Lumabas sila sa kani-kanilang tahanan para makiramay. May iba pa na nagsabit ng dilaw na laso, simbolo ng kanilang pakikidalamhati at pasasalamat. Siniraan man at binaboy sa loob ng halos limang taon, hindi mabubura ng mga trolls ang magagandang ginawa niya para sa bansa. The work speaks for itself. Manigas kayong mga paid at unpaid trolls. Babalik din sa inyo ang ginagawa niyo.

Images from Google (ctto)
So far, nagsabi na sina Ping Lacson at Dick Gordon na tatakbo sila sa pagkapangulo sa 2022. Si Tito Sotto pa lang ang vocal sa pagka-VP while hilong talilong tayo sa iba't ibang pahayag ni Tatay Digz. Minsan sasabihin ni tatay na gusto na niya mag-retire, the next day iba na. Parang pinaglalaruan ang taumbayan. Well, since 2016 pa naman. Pinipilit din ng ilan na magpahayag na si VP Leni sa kanyang mga plano pero tikom ang bibig ng busy presidente natin at focus muna ang pagtulong sa bayan. Tama lang 'yan dahil kung maaga nga naman siyang magsasalita, maaga din gagawa ng paninira ang mga kalaban niya. Just like PNoy, let her work speak for her kind of leadership. Kung ayaw niyo, eh di doon kayo sa kabila para unli quarantine. Walang halong char.

Quarter 3 na tayo bukas, mga ateng. In 2 months, BER months na ulit. I just wish we will have a better country when the Christmas season comes. Sana makapaglamyerda na tayo muli na hindi natatakot magkasakit, makapagyakapan at makipag-beso-beso, at makalanghap ng hangin na walang nakatakip sa mga fez. Miss ko na rin ang midnight escapades pero makapag-hihintay naman 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan natin laban sa COVID-19 at variants nito.

Thursday, January 14, 2021

Napantig

Marami sa atin ang napantig ang tenga sa sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagpili ng bakunang bibilhin ng gobyerno...

Related article on BaliTamBayan
SUPLADAAAH!!! Hindi pala pwede maging choosy ang mga Pilipino. Sa jowa nga, ang dami-dami nating qualifications. Ano 'yon, kung ano gusto nila, 'yon ang masusunod? Sinovac kasi ang preferred brand nila na gawang China at ayon sa isang late-stage trial sa Brazil, less than 60% ang efficacy rate nito. At 'wag ka, mas mahal pa 'yan kumpara sa bakuna ng Pfizer at AstraZenica.

Related article on Inquirer.net
Ewan ko ba kung bakit taeng-tae ang gobyernong ito sa China? Bukod sa POGO na makalat eh ang daming kidnappers na Chinese sa Pilipinas. Tsaka alam naman ng karamihan na basta Made in China ay substandard ang kalidad. Hello Divisoria! CHAAAR!!! 

Mga ateng, patuloy tayong mag-ingay at umalma sa kagustuhan nilang ito dahil kalusugan at pera ng bayan ang nakataya dito. Sabi nga ng makakating dila, baka may kickvac sa Sinovac. Totoo kaya?

Monday, January 11, 2021

Las Opiniónes 4.0

Image courtesy of Inquirer.net
Trending ang pagkamatay ni Christine Dacera. Nang una itong ibinalita, nagahasa daw ito at ang mga suspek diumano'y mga beki friends niya. Nabulabog ang netizens at agad-agad na nag-react at isa na ako doon. Pero bilang miyembro ng komunidad, may reservation ako agad sa anggulong rape. Kung merly ka na may kaibigang beks, I'm sure na sila ang unang-unang magpo-protekta sa iyo.

Nang mag-leak ang autopsy report, diumano'y negative sa rape at aneurysm ang lumabas na dahilan ng pagkamatay. Pero may mga tao na nasa posisyon na iginigiit ang rape kahit ongoing pa ang imbestigasyon. KALOKA! 'Di ba pwedeng antayin ang final result? Atatchi case much!

Related article on Philstar.com
Habang hot na hot ang netizens sa isyung 'yan, nag-plead ng not guilty si Jonel Nuezca, ang pulis na nakapatay sa mag-inang Gregorio. Kuhang-kuha sa video ang walang havs na pamamaril sa mismong harap ng anak niya tapos not guilty. Ano 'yooon?!?

Teka, mag-refresher course muna tayo sa mga bukas na isyu ng bayan:

  1. 15 billion PhilHealth scam
  2. Construction worker na pinatay ng pulis dahil napagkamalang holdaper
  3. Naunang bakunahan kontra COVID-19 ang PSG at mga sundalo
  4. Walang travel ban sa China para mapigilan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19
  5. Patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases
  6. Naka-quarantine pa rin tayo!

May idadagdag ba kayo?

Thursday, October 29, 2020

Paningin

Pasavogue itong bratatat ni Gen. Parlade sa mga merly na tumatayo sa kanilang karapatan particularly kina Liza Soberano at Catriona Gray. 'Wag daw um-associate sa tulad ng Gabriela na isa raw komunista. Infairness sa Gabriela, simula nang maupo sila as a party-list sa kongreso, wala silang pagod sa pagtaguyod sa karapatan at boses ng kababaihan. Ang mas malakas na pasavogue ay deretsahan niyang pinaratangan na NPA member ang kapatid ni Angel Locsin. Naglabas tuloy ng ebidensya ang Darna natin upang baliktarin ang paratang ng heneral. Pati sina Cavite Governor JonVic Remulla at House Speaker Lord Velasco ay imbey na "red-tagging" niya. 

Sa trulili lang, mala-Shrekty Fermin itong si Parlade. Puro kuda pero walang maipresentang ebidensya. Kung meron man, idaan sa legal na proseso at hindi sa FB. Kahihiyan sa AFP itong si ser.

Tama na ang stress! Tara't manood tayo ng isang masarap na pelikula...

Kurap (2008)
Silangan Pictures
Directed by Ronaldo Bertubin
Starring Sherwin Ordoñez, Jojit Lorenzo and Ashley Rhein Arca

Sa pagnanakaw binubuhay ni Ambet (Ordoñez) ang kapatid na si Luchie (Arca). Hindi ito alam ng huli na masipag sa pag-aaral pero unti-unting nawawala ang paningin dahil sa glaucoma. Upang mapaopera ang kapatid, tinanggap niya ang offer ng amateur videographer na si Marlon (Lorenzo), na ituro ang mga illegal na gawain sa paligid ng Quiapo. Kasama sa mga nilaglag niya ang pinagbebentahan ng nakaw na cellphone at mga kasabwat sa pandurukot. 

Pero 'ika nga nila, walang lihim na 'di nabubunyag. Nang nalaman ito ng mga trinaydor niya, siya naman ang binalikan at dito na nagkaroon ng bugbugan galore. 

Diyan nagtapos ang pelikula. Ang iksi, 'di ba? Para lang siyang Maalala Mo Kaya. Just don't get your hopes high because this is another poverty movie. But I'm fine with it kasi na-establish naman ang istorya at naihatid na hindi bitin sa pakiramdam.

Maayos ang shots na kinunan sa paligid ng Quiapo. May obvious na umuusyoso kaya minsan, nasa itaas ang camera angle para hindi agaw-pansin. Masherep ang mga sexy scenes ni Sherwin Ordonez dito huh! May mga pa-santolan station siya na magpapabaha sa estero natin. CHOS!

Ang direktor nito na si Ronaldo Bertubin ang siya rin nag-direk ng Sikil at Loverbirds na pasado din sa kaharian natin. 

Rating: 3/5 stars

Tuesday, October 13, 2020

Las Opiniónes 3.0

Photo from iMPACT Leadership
Naaliw ba kayo sa sarswela nina Cayetano at Velasco para sa Speakership post sa kongreso? Ako hindi. Kasi pera natin ang nasasayang sa agawan nila sa pwesto. Imbes na magtrabaho sila para sa bayan, mga pansariling interes ang inuuna. Eh kung tutuusin, pareho lang naman silang tuta ni tatay. Tapos hindi rin impressive ang legislative work ni Velasco - renaming an airport, postponing an election, at nag-yes sa Marcos Day at Anti-Terror Bill. KASUKA!

Photo from Philippine Star
According to Pulse Asia, 91% ng mga Pilipino ang aprub na aprub sa performance ni tatay. Well, well, well, baka nga naman nakatulong ang Dolomite Beach sa pagganda ng buhay natin. Tsaka siguro hindi naman talaga mahirap bumiyahe araw-araw, 'noh? Okay lang din siguro na may kaltas ang sahod natin kasi kokonti lang ang parokyano. Nakapag-abot din naman siya ng ayuda na sobra-sobra sa loob ng pitong buwang naka-lockdown tayo. Talagang above and beyond ang performance. LOL!

Photo from Latest Chika
Bali-balitang umabot na sa lagpas 2 bilyong piso ang kinikita ng show ni Raffy Tulfo sa YouTube. Hindi ko alam kung nasabi ko na but I am not the biggest fan of the Tulfo brothers. Masyadong bargas for my taste. Taste daw oh?

Anyways, I do not recommend watching his show. Una, hindi siya dapat ang takbuhan kapag may hindi pagkakaintindihan. Pero dahil na rin siguro sa palpak na sistema kaya napipilitan ang iba. Pangalawa, kumikita ang show gamit ang issue ng ibang tao. Minsan, ginagawa pang katatawanan ng iba. Panghuli, binibigyan natin siya ng kapangyarihan sa tuwing sasabihin natin "isusumbong kita kay Tulfo", "ipapa-Tulfo ko kayo" or the likes. 

Pero mahilig tayong makisawsaw sa isyu ng iba, kaya bentang-benta ang mga ganitong palabas.

Tuesday, September 15, 2020

Las Opiniónes 2.0

6th monthsary na natin under quarantine, buhay pa ba kayo? JUICE KOH! Hindi na yata mapupuksa ng gobyerno ang COVID-19 at parang si Juan Tamad lang na nag-aantay mabiyayaan ng bakuna. Samantalang ang karatig-bansa natin eh buma-back to normal na. May puma-party na nga sa Thailand. Dito sa atin, kyorkot pa rin lumabas lalo na ang bumooking. Mamaya mabuking sa contact tracing na dahil sa kalandian kaya nahawa. CHAR!

Kudaan muna natin ang ilan sa mahahalagang isyu ng bayan...

Photo from CNN Philippines
1. Sa panahon talaga ng pandemya naisip ng DENR na maglagay ng white sand o dolomite sa Manila Bay. Pwede na bang mamasyal ngayon para i-enjoy 'yan? I'm sure na katakot-takot na pera ang nawaldas at nabulsa para lang dalhin 'yan mula Cebu pa-Maynila. Mga ma'am at ser, paalala ko lang na maraming nagugutom at nawalan ng trabaho. Baka pwede niyo kaming unahin.

Eto pa, pinagmamalaki nila na malinis na daw ang Manila Bay. Mga gagang 'to! Kahit anong hakot mo ng basura diyan, mabaho at marumi pa rin 'yan. Malilinis lang 'yan kung 'yung pinanggagalingan ay malinis na din.

Photo from Inquirer
2. May bagong pakulo ang DOTr simula kahapon. Every 2 weeks daw ay liliit ang physical distancing rule. From one meter ay magiging 0.75 meters then 0.5 meters hanggang sa maging 0.3 meters sa October 12. Request daw 'yan ng madlang pipol dahil sa pagbubukas ng ekonomiya. Ang payo ng mga eksperto, I mean medical practioners, ay sundin pa rin ang isang metrong layo kasi hindi pa naman nafa-flatten ang curve ni Manay Rona. Nandiyan pa rin siya at kailan lang ay halos limang libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw. Kaya mga ateng, ang payo ko eh the farther, the better. Mahirap itaya ang buhay kaya maigi na mag-ingat.

Photo from One News
3. Isang dagok sa transgender community at mga Pilipino ang pagbibigay ng absolute pardon sa mamamatay tao na si Joseph Scott Pemberton. Matapos ipaglaban ng pamilya ni Jennifer Laude ang kaso at hindi nagpasilaw sa pera, basta na lang itong pinalaya. 'Wag daw kwestiyonin dahil may kapangyarihan ang pangulo na gawin ito. Ang nakapagtataka lang, walang kaalam-alam dito ang mga abogado niya. Wala rin daw kinalaman ang US dito. Itinaon din ang pagpapalaya sa gitna ng init ng PhilHealth scam. WOW! Kung susuwertihin ka nga naman. 

Ayon kay Julita Laude, nanay ni Jennifer, sampung taon na nga lang daw sana ang hinihingi nilang kapalit sa ginawa ni Pemberton pero napaikli pa. Maliit na kabayaran sa pagkawala ng buhay ng kanyang anak. May tarak sa puso ang mga linya ni mother. Syet!

Maliwanag pa sa tubig ng Maynilad na isa itong injustice sa loob mismo ng ating bansa. Tila ba pinatikim sa iyo ang hustisya pero babawiin din pala. Napakasakit. Tayo mismong kapwa Pilipino ang tinalikuran at pinagkaitan ng patas na laban.

Sunday, April 12, 2020

Las Opiniónes 1.0

Kagulo talaga simula nang mag-lockdown noong nakaraang buwan. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Dumarami na rin ang namamatay samantalang mabagal ang usad ng number of recoveries. Kung umaksyon siguro ang gobyerno kaagad, hindi tayo aabot sa ganito. Sa may Pasay-MOA area lang, parang ikaw na ang dayuhan sa dami ng tsekwang makakasalubong mo. Infairness, ang lagkit nilang tumingin, parang pinagnanasaan akiz. Doon na lang ako rarampage after nitong quarantine. Baka sakaling mas malaki ang kita. CHOS!

Sa dami ng ganap, heto ang maikli pero makatas na opiniónes ko sa mga nagbabagang balita:

1. Itinatanggi na ngayon ni Ethel Booba na sa kanya ang Twitter account na kung ako ang tatanungin ay siyang naging daan upang sumikat siyang muli. Nakilala ang account sa maaanghang pero makabuluhang tweets tungkol sa iba't ibang issue. According to Ethel's Instagram account, peke daw ito at ginamit lang siya. After so many years, ngayon niya lang sinabi??? Hhmmm... feeling ko, may gumipit sa kanya. Nakapag-publish pa nga ng libro dahil sa witty charot tweets niya na nagkaroon pa ng book signing tapos hindi pala siya??? I wonder how, I wonder why...

2. While browsing YouTube, sunud-sunod ang recommendation vlogs mula sa members ng Pacquiao family. Na-curious aketch kaya nang i-click ko, wiz naman nakapagtataka na thousands ang followers at milyon-milyon ang views. Isa sila sa prominenteng pamilya sa larangan ng sports at ngayon, sa pulitika. Very active sila mag-shoot at edit kahit naka-quarantine huh! Mukhang taking advantage of the situation bilang karamihan ay nasa bahay at isa sa mga past time ng mga utaw ay mag-internet. Naaliw ba kayo sa pakulo nila? Ako, I smell something being cooked. Parang matitikman natin 'yan sa 2022. ABANGAN.

3. Nakita niyo na ba ang TikTok videos nina Cabinet secretary Karlo Nograles at ex-Presidential spokesperson Harry Roque? NAKAKALOKA!

4. Maraming residente ng Quezon City ang dismayado kay Mayora Joy Belmonte. Medyo hindi kasi ramdam ang presence niya sa panahon ng sakuna tapos nagkalat pa sa social media. To be fair naman, mukhang overwhelmed ang lola natin dahil sino ba ang mag-aakala na aabot tayo sa ganitong sitwayson. Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang inasal at nagpapadala na ng bonggang relief goods. Magkakaroon na rin ng swabbing booth sa ilang ospital para makaiwas sa COVID-19 exposure ang ibang health workers at makatipid na rin sa PPEs o Personal Protective Equipment.

5. Ramdam niyo ba ang 275 billion peysosesoses na budget ng gobyerno para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19? Ako hindi pa pero sana, maambunan na. Mga ateng, pakisindi nga ang kandila sa altar at ulit-ulit nating sambitin "pera ni Tatay, magparamdam ka... pera ni Tatay, magparamdam ka..."

6. Isa ba kayo sa mga bonggang nag-react kay Alma Aquino na isang beneficiary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagsabing pang-isang linggo lang ang 8 kiaw sa pamilee niya? Honestly, na-shock din akiz pero wit muna ako nag-post ng reaksyon. Gusto ko sanang mapanood muna ang buong balita bago kumuda pero hindi ko makita. Sa akin lang, hindi kami pareho ng buhay ni Ate Alma. Maaaring mas marami siyang kapamilya na may iba't ibang pangangailangan. Who am I to judge?

'Yan na muna. BABU!

Monday, September 30, 2019

Kapatiran

Sunud-sunod na biktima ng hazing o may kinalaman sa hazing ang laman ng mga balita nitong nakaraang araw.

Darwin Dormitorio
Binawian ng buhay ang PMA cadet na si Darwin Dormitorio dahil sa broken internal organs. Ayon sa kanyang tiyahin, kinuryente daw ang bayag. JUICE KOH! Ganito na kalupit ang pagpapahirap sa mga bata ngayon para lang mapatunayan na sila'y malalakas at kayang tiisin ang kahit anong sakit. I just cannot imagine the pain he went through. Ayon sa balita, sinipa pa ito at tinamaan sa ulo. Nakakapanginig laman ang mga demonyong gumawa sa kanya nito. 

Isa namang miyembro ng UP Sigma Rho ang kinitil ang sariling buhay dahil sa hazing expose ng fraternity. Screenshots daw ito ng hazing ritual na may kasamang imahe ng paddle at bugbog na katawan at mukha. Ang sakit sa puso! Nakiusap ang Chacellor ng UP Diliman na si Michael Tan na ihinto ang pag-post at pag-share sa social media para na rin sa privacy ng apektadong pamilya. 

Bukod sa bugbog at paso ng kandila, na-stroke at nagka-internal hemorrhage naman si Jonathan Concordia ng Laguna State Polytechnic University. Kusang loob daw na sumali sa Tau Gamma Phi fraternity ang 18-anyos na Criminology student. Inamin ng spokesperson ng fraternity na dumaan nga sa hazing si Jonathan pero nakapasa na daw ito. Ang hindi lang maganda sa pandinig eh parang sinisisi niya ang pag-gym ng bata. Watch niyo...


Nakalulungkot talaga ang ganitong klaseng balita. Karahasan sa ngalan ng kapatiran. Up to now, I still don't get the concept of hazing. Para sa akin, karuwagan ang pagsali sa frat. Masyadong pinahahalagahan na pahirapan ang isang tao para maging miyembro. Napaka-entitled! Nakakasuka! Matapang dahil may kinakapitan pero bahag ang buntot sa totoo lang. 

Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala dahil sa karahasan. Patuloy na mangyayari ito kung hindi magbabago ang bulok na paniniwala sa konsepto ng "kapatiran". We can only hope for the better. And change.

Sources: Rappler, Inquirer and GMA News

Wednesday, June 5, 2019

Hangarin

It's Pride Month, mga ateng! I've never been this excited sa pagpasok ng Hunyo at feeling ko, mas dumadaloy sa dugo ko ngayon ang hangarin na tayo'y pahalagahan kapantay ng mga straight diyan.

Kasalukuyan kong binabasa ang librong sinulat ni Danton Remoto na Happy Na, Gay Pa. Masaya at nakaka-GV ang mga kwento ng bidang si Jon. Nagkaroon din ako ng DVD copy ng Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington. Nakalimutan ko na halos ang istorya kaya naman binalikan ko at sobrang nakakatawa pa rin talaga. Sana magkaroon ng Zombadings 2, 3, 4, 5 and more parang Shake, Rattle and Roll.

Image from Risa Hontiveros' Facebook page
Kahapon ang last day ng 17th Congress. Kasisimula pa lang nito noong 2016 ay pinu-push na ni Sen. Risa Hontiveros ang SOGIE Equality Bill. Nakakalungkot at hindi ito nabigyan ng importansya at kinakailangan muling ihain sa pagsisimula ng 18th Congress. Maging batas kaya ito sa pagpasok nina Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Bato Dela Rosa and the likes? Only time can tell but we will remain optimistic on this as long as we have our champions in the Congress fighting for our equal rights.

Image from Interaksyon
Nagpa-online poll pala ang House of Representatives about same-sex unions. Sa true lang, imbes na ma-excite ako, hindi ko na-bet-an. Bakit idinaan sa survey? Kaya nga sila ibinoto ng mga tao dahil sa mga plataporma nila (talaga lang huh?). I don't really get the point of having this poll dahil hindi naman lahat ay may access sa Internet. The LGBT+ community deserves so much better than this. We need the Congress to believe that we deserve equal rights and not just base their decision on a poll that can be easily manipulated.

Nagamot daw ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkabakla nang makilala ang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman. I can't help but to sigh and do facepalm in my mind. 'Yung inaakala nating umuusad na tayo sa ganyang paniniwala, heto't umatras at pinangunahan pa ng leader ng bansa. It's saddening because he has a lot of supporters from the LGBT+ community at ito pa ang kanyang ibabalik. Pwede bang itaas natin ang ating tingin sa mga babae at 'wag silang itratong gamot sa kabaklaan sapagkat hindi ito sakit na malulunasan.

Isa sa pinakamatunog na DDS ang transwoman na si Sass Rogando Sasot. Imbes na ipagtanggol ang komunidad kung saan siya nabibilang, sinisi pa niya si Pia Ranada ng Rappler dahil hindi daw nito naintindihan ang joke ng pangulo. So joke na lang tayo, ganon ba?

Monday, May 20, 2019

Bulong

Happy Monday, mga ateng! Hindi ko man tanggap ang resulta ng botohan last week, I'm happy na ibinoto ko 'yung mga kandidatong pinaniwalaan ko ang plataporma at nais talaga maglingkod sa mga Pilipino.

Laganap daw ang vote buying pero sa tagal ko nang bumuboto, hindi pa ako na-offeran niyan. Minsan nga, ako na naghahanap sa kanila sa labas ng eskwelahan. Ang sabi, may "bulong" daw para maambunan. KALOKA! Bakit hindi ako binubulungan? Malinis naman ang tainga ko. Nako ha, may discrimination. CHAR!

Hindi ko alam kung bakit down ang website ng DOH but according to this news article from The Philippine Star, tatlumpu't walong (38) bagong kaso ng HIV/AIDS ang naitatala ng DOH araw-araw. Mahigit doble sa 16 cases/a day 5 years ago.

Photo from healthline.com
Ayon sa datos, 1,172 new cases ang naitala noong Marso at 215 dito ay nasa advance stage na ng AIDS. Pakikipagtalik pa rin ang namber wan reason of transmission. 712 ay mula sa male-to-male sex, 154 ay sa male-to-female sex, at 282 ay galing sa pakikipagtalik sa parehong kasarian.

Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang. Although kapapasa lang ng RA 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act, tumulong tayo sa pag-aksyon para makontrol at mapababa ang mga bagong kaso. I believe the most effective way is to educate yourself then pass it to your family and friends. Kung medyo dyahe sa topic dahil aminin natin, taboo pa rin maituturing sa iba ang usaping sex, take the first step and talk about it dahil para naman ito sa ikabubuti nila.

Uulitin ko at hindi magsasawa, the best way to avoid HIV/AIDS is to abstain from casual sex. Kung hindi mapipigilan by the Sexbomb dancers then always bring condom and lube. Naubusan? Then download the Safe Space PH app and look for nearby establishments that can give you free supplies. Wanna know your status? Visit LoveYourself or DOH Treament Hub near you.

News source: New HIV infections recorded daily - DOH

Sunday, March 17, 2019

Call Her Ganda

I cannot believe na limang taon na ang nakalilipas nang brutal na patayin ang sisteret nating si Jennifer Laude.

Jennifer Laude and Joseph Pemberton
Nahatulan na si Joseph Pemberton ng 6 hanggang 12 taon na pagkakakulong pero hindi lubusang makuha ng pamilya ni Laude ang hustisya. Dapat kasi ay sa New Bilibid Prison siya idi-deliver after the trial pero dahil sa presensya ng mga 'kano, sa Camp Aguinaldo ito nakapiit. Ayaw sa masikip at mainit. Ano siya, si Maricel Soriano? Special treatment dahil ba Amerikano? KALOKA!

Last year, ipinalabas sa iba't ibang panig ng mundo ang Call Her Ganda, ang dokyumentaryong sumubaybay sa kaso. Umani ito ng mga papuri at ngayon ay ipinapalabas sa Cinema 76 in Anonas and San Juan. I was able to watch it last night and there was a Q&A with the producer, director and lawyer of Jennifer Laude. Direk PJ Raval said it took them 3 years to complete the film. Ang haba!


It was my first time to watch a documentary like this. May interview with the lawyers, sa nanay at kapatid ni Jennifer, may news clippings, rally, discussion ng transgender women, at may special participation si PDutz. Naiyak ako sa ilang eksena specially kapag pinapakita si nanay. Sabi nga nila, walang kasing sakit sa magulang ang maglibing ng anak. Ilang beses din siyang sinubukang suhulan. Kahit na mahirap sila at alam naman nating malakas ang tukso ng pera, hindi nila binenta ang hustisya na karapat-dapat sa kanyang anak.

Photo courtesy of Cinema '76
Binuksan din nito ang aking isipan sa mga butas ng VFA o Visiting Forces Agreement. Nakapaloob pala dito na isang taon lang ang palugit para sa kaso or else, fly-la-loo to the US of A na si Pemberton. Sabi ni Atty. Virgie Suarez, it was like a marathon case. Stressful pero kinaya. One of the lawyers who helped as well was the famous Harry Roque. Infairness, na-appreciate ko siya dito nang husto. Sayang at nasira siya kay PDutz.

Mga ateng, I'm inviting you to watch this documentary. Madaming kayong matututunan. Tiyak na ipaglalaban niyo rin ang karapatan at pagkilala na matagal na nating inaasam.

Here are the schedule:

Monday, December 10, 2018

Salamat 9.0

Quarter 4 is considered as pageant season at hindi magkumahog ang fans sa pag-follow nang sunud-sunod na pasahan ng korona all over the world.

Miss Grand International 2018: Paraguay
1st runner-up: India
2nd runner-up: Indonesia
3rd runner-up:  Puerto Rico
4th runner-up: Japan
Una sa listahan ang Miss Grand International 2018. Myanmar ang host country at noong October 25, tinanghal na grand winner si Clara Sosa from Paraguay. Runners-up sina misses India, Indonesia, Puerto Rico and Japan. Wow, 3 out of 5 ay Asian. Loves it!


Pinakabata sa anim na big pageants pero madami na kaagad ang fans ng pageant ni Angkol Nawat. Maaalala mo ang Trump era ng Miss Universe sa format ng kompetisyon. Baklaan kung baklaan din sa rampahan ang mga merlat. Kung dati at suki tayo sa runner-up position, waley tayo this year. Although isa si Eva Patalinjug sa pinakamagandang Binibinis ever, mukhang nakaapekto sa scores niya ang muntik niyang pagkatumba sa preliminaries.

Miss Earth 2018: Vietnam
Miss Air: Austria
Miss Fire: Mexico
Miss Water: Colombia

Photo courtesy of ABS-CBN
Sunod ang Miss Earth 2018 na ginanap dito sa ating bansa noong November 3. For the first time ever, bonggang nanalo ng major crown ang bansang Vietnam. Isa sila sa emerging countries na pak na pak ang performances sa international pageants. Pati mga kalalakihan nila, winners din! Actually mas interesado ako sa kanila. CHOS!

Miss Air si Melanie Mader mula Austria na may dugong Pinoy at Miss Fire naman si Miss Mexico. Third year in a row nang nasa top 4 ang Colombia. Malay natin next year, sila na ang makoronahan. Pasok naman sa top 8 si Miss Philippines Celeste Cortesi na may nakakalokang sagot during the #hashtag round:


Ano daw?!?

Miss International 2018: Venezuela
1st runner-up: Philippines
2nd runner-up: South Africa
3rd runner-up:  Romania
4th runner-up: Colombia
Naiuwi naman ng Venezuela ang ika-walo nilang Miss International title. Hindi ko sinabing korona kasi sash lang ang dala ni Mariem Velazco. Expensive yatang ilabas ng Japan ang Mikimoto crown kaya minsan lang natin makitang suot ito ng mga reyna. Punong-puno ba naman ng perlas eh, talagang mahalya!


Sinwerte naman tayo ditez dahil first runner-up si Ahtisa Manalo. Mala-Barbie sa kaamuhan ang fez ni mamah oh! May resemblance din kay Kylie Versoza. I guess it's too soon for us to win again the title kaya keri na ang pangalawang pwesto. Second runner-up si Miss South Africa na sinundan ni Miss Romania at nasa ika-limang pwesto naman si Miss Colombia.

Miss Supranational 2018: Puerto Rico (middle)
1st runner-up: USA (rightmost)
2nd runner-up: Poland (second to the left)
3rd runner-up:  Indonesia (second to the right)
4th runner-up: Mexico (leftmost)
Last week ay sa parehong December 8 ginanap ang Miss Supranational 2018 at Miss World 2018. Salamat na lang at magkaibang timezone or else, baka nagamit ang split-screen ng ketay para mapanood nang sabay.


Pasok sa top 10 si Jehza Huelar na glowing during the swimsuit at evening gown round. Sinong magsasabing nasira ang zipper ng gown at todong tinadtad ng perdible ang likuran? Dinaan niya sa kavoguerang ikot kaya hindi nahalata during the final night. Hindi naman tayo dapat malungkot dahil may Pinay pa ring nakapasok sa top 5. Remember Bb. Pilipinas-Tourism 2012 Katrina Jayne Dimaranan? Siya ang nag-represent ng US of A at tinanghal na first runner-up. PANALO!

Miss World 2018: Mexico
1st Princess: Thailand
Matapos ang pitong taon na pagmamahal ni Julia Morley sa Pilipinas, mukhang na-fall out of love na siya. Hindi pinalad makapasok sa Top 30 ang pambato nating si Katarina Rodriguez. Na-disqualify pa siya sa BWAP round due to technicalities. Ano ba?!? Kaloka naman 'yan. At least, siya pa rin ang reigning 1st runner-up ng Miss Intercontinental 2017. Talaga ba?

LADIES, WE'RE SO PROUD OF Y'ALL!!!