Showing posts with label payo. Show all posts
Showing posts with label payo. Show all posts

Monday, March 13, 2017

Kapain

Nasunog pala ang TriNoMa kanina. Waley talagang sinasanto ang sunog, Fire Prevention Month pa man din ngayon. Kaya mga ateng, doble ingat sa mga kasangkapan na nakasaksak. Dahil summer na at super jinit jackson sa labas, 'wag mahihiyang check-up-in ang appliances. Kapa-kapain at baka kailangan pagpahingahin. Kung wit naman ginagamit, hablutin sa outlet. 'Wag pabayaan na naka-standby mode kasi minsan, diyan nagsisimula ang spark keme na umaabot sa pagkatupok ng tinitirhan.

Bantayan din ang niluluto. Minsan napapabayaan dahil nakababad sa TV o busy sa newsfeed. Nako, ipagpaliban muna 'yan at baka wala ka ng kusinang babalikan. KALURQS! Tsaka kung de uling o kahoy pa rin ang ginagamit sa pagluluto, make sure na malayo sa kabahayan. Wag din hahayaan na maglaro ng lighter o posporo ang mga bata. Kayo na lang ni bae ang maglaro ng apoy.

Maiba tayo, noong nangongolekta pa ako ng komiks, malaking factor talaga ang cover lalo na kapag babae at maganda ang pagkaka-drawing. Isa sa paborito ko ang Kamandag ni Margarita na lumabas sa pahina ng Pilipino Komiks. May pa-teaser pa para pukawin ang atensyon ng mga mambabasa...

Isa ako sa mga na-intriga sa nobela ni Rod Santiago. Siya din ang dibuhista kaya hindi ko pinalampas ang unang labas nito. Hindi ko man ito nasubaybayan, naisapelikula naman ito starring Pyar Mirasol at Camille Roxas, mga primera hubadera noong late 90's to early 00's.

Kamandag ni Margarita
Pilipino Komiks
Agosto 15, 1997
Taon 50 Blg. 2779
Atlas Publishing Co., Inc.
(click picture to enlarge)

Saturday, April 11, 2015

Limang Salita

Sa buong tag-araw, Abril na yata ang pinaka-mainit na buwan. Zero chances of rain at kung meron man, sandaling sandali lang. 'Yung bago pa makababa ang ulan sa langit, natunaw na sa sobrang init ng paligid.

Umpisa na rin ng bakasyon ng mga estudyante kung saan umuuwi sila sa kani-kanilang probinsiya o magbabakasyon kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Boracay, Palawan at Puerto Galera ang madalas puntahan. Kung ayaw lumayo sa siyudad, nandiyan ang Loreland at Bosay resorts sa Antipolo

Be sure to be at your best kapag ganitong season dahil malay niyo, makatagpo kayo ng "summer fling". Kapag nasa beach, wear your most sexiest and skimpiest swimwear. Dedma kahit kita ang taba at obvious ang ube halaya sa katawan dahil ang mahalaga, may bitbit na kalandian. 

Kung sa mall at diyan-diyan lang pupunta, ilabas ang makikinis na legs at flawless shoulders. Wear bright colors. May karapatan kang mag-backless at ispageti ngayon. Uso pa rin ang high-waisted puki shorts. 'Wag kalilimutang iwasiwas ang balakang habang naglalakad. Ewan ko lang kung 'di matakam ang mga boys ahahaha!

Laging pakatandaan, daig ng malandi ang maganda. Isa-isip, isa-puso at isa-buhay ang limang salitang 'yan. 

And here's my official summer song, Nicole Scherzinger's Baby Love. Watch niyo kung paano niya hawak-hawakan at amuy-amoyin ang lalaki niya. Perfect da moves this summer!

Thursday, February 19, 2015

Bumabagabag

Kumustasa naman ang Valentines Day niyo? Was it wet like fresh galunggong or was it dry like daing? Ano man ang nangyari sa araw na 'yon, oh well tapos na 'yon. Just make sure na everyday is full of love love love (tone ala-Kris Aquino)!

Natapos ko nang basahin ang Paano Ba 'To?! written by Bianca Gonzalez and it's super worthy. Short, concise, easy to understand and straight to the point answers sa mga katanungan na bumabagabag sa buhay natin. Though ang target readers eh growing up Pinays, I can totally say na makaka-relate pa rin ang grown-ups like us. 

PBT has 151 pages and is divided into 8 topics - Family, Friendship, Love, Career & Money, Failures, Fashion & Beauty, Purpose and Self. The best thing about this book are the advices from the experts and inspirational stories from some of the famous celebrites - Anne Curtis, Iza Calzado, Toni Gonzaga and more. I particularly liked what Marian Rivera shared especially on how she understood her parent's separation. Like ko na siya!

If I'm gonna rate this book, no doubt na ★★★★★ ang ibibigay ko. Personally, ang dami kong na-realize after reading PBT. I have so many favorites and I'm gonna share 3 of them sa inyo mga ateng...


Gusto ko man i-share lahat sa inyo eh hindi pwede. So if you liked what you read, go and grab a copy of Paano Ba 'To?! available in all leading bookstores nationwide.

Saturday, July 19, 2014

Hagupit

More photos at GMA News
Matindi ang hagupit ni bagyong Glenda. Less tubig more hangin ang dinala sa Pinas. Eroplano man o bagong gawang building ay 'di nakaligtas. Buti na lang at kahit papaano ay nakapaghanda ang karamihan sa atin. 'Pag sinabing lumikas, unahan nang makasakay sa sasakyan na maghahatid sa evacuation center. 'Di na nag-inarteng magpaiwan sa bahay.

Courtesy of The Straight Times
Kung 'yung iba eh kinakatakutan ang pagbaha, eto naman nagliliparang yero at punong nagsibagsakan ang ginawa. Maski na 'yung mashoshondang puno eh 'di pinatawad. Kokonti na nga lang 'yan, todong napatumba pa. Sayang. Malaking porsyento din ng Kamaynilaan ang nawalan ng ilaw dahil sa mga nagsibagsakang linya ng kuryente. Sa Cavite nga daw pati tubig wala. AMP!

Image from Inquirer.net
Ilang oras lang siyang nagpahangin ngunit malaking perwisyo ang iniwan. At dahil rainy season na, dapat laging handa ang bonggang payong, kapote at bota. Bukod sa kikay kit eh mag-prepare na rin ng first aid kit. Siguraduhing may stock ng pagkain na ready to eat at easy to open. Importanteng mag-imbak ng malinis na tubig at 'wag kalimutan ang magdasal. Ingat lagi!

Sunday, July 6, 2014

Peligroso

Sa Setyembre ay ise-celebrate ko na ang aking ika-walong taong pagtatrabaho sa BPO industry. Mula Eastwood, Makati at ngayon sa Taguig, parte ng aking araw-araw na pagba-biyahe ang pagsakay ng bus. 2010 pa nang simulan kong maghain ng mga karanasan ko sa tinaguriang Hari ng EDSA. As I celebrate my 8th year anniversary, let me share to all of you the top 5 risks in riding a bus and tips on how to avoid it. Shala oh! Umi-English na naman si bakla!

Image from Remate
Trapik
May araw man o wala, expect mo ang bonggang traffic. Sa umaga at hapon kapag rush hour, sa gabi dahil may aksidente o bumaha at walang masakyan. Ang resulta: late sa trabaho. Peligroso kung talakitok ang boss mo. Maliligo ka sa laway kakasermon. Magpayong kung kinakailangan. Goodbye din sa perfect attendance bonus. Ang solusyon: mag-allot ng sangkatutak na oras para dito. Gumising ng maaga. As in maagang maaga!

Image from Favim.com
Karera
Ganito ang eksena kapag kokonti ang sasakyan sa kalsada. Guilty pleasure ko 'to kasi kapag si manong driver eh hindi takaw pasahero at todong nakikipag-unahan sa ibang bus, paniguradong makakarating ako ng maaga sa opisina. Literal na fly sa flyover itech. Ngunit kadalasan ito rin ang sanhi ng...

Image from DZMM
Aksidente
Kung hindi mababangga eh malalaglag sa Skyway. Kamakailan lang eh nawalan ng prangkisa ang Don Mariano bus company dahil dito. Dapat pipiliin ang bus na sasakyan lalo na't madulas ang daan because rainy days are here.

Image from Twitpic
Antok
Kulang ba sa tulog at mala-pagong ang daloy ng trapiko? Don't worry dahil pwede kang bumorlogs sa iyong upuan. Kung masharap ang katabi mo, aba eh sumimple ka nang dumantay sa balikat niya. 'Wag lang tulo laway ah! Make sure idlip lang at 'di tulog mantika at malamang lumagpas ka. Worst baka mabiktima ka ng mga...

Image from Pinoyparazzi
Kawatan
Sa lahat ng nabanggit ko, dito talaga ako ninenerbyos. 'Di mo alam nalaslas na pala ang Secosana mo. Andiyan din 'yung magnanakaw sa may Buendia area at ang 'di mahuli-huling Ipit Gang. Para 'di mabiktima, kailangan laging alerto. Itago ang mahahalagang gamit. 'Wag masyadong showy you know.

Working in the BPO industry is not that easy. I've had my ups and downs, experienced various challenges, shifting schedules etc. Kumbaga sa puno eh inuugat na ako sa larangang ito. I think this is the best work for anyone who wants to be flexible with anything. You may take calls, do paper works, review recordings, check the quality of your team members etc.

If you're interested, just click this link >> Sykes E-Recruitment Site and you may apply online.

Thursday, May 15, 2014

Palikuran

Isa nating ateng ang buong pusong nagbahagi ng kanyang nalalaman at personal na karanasan sa pang-aabuso ng ilang kalalakihan sa ating kahinaan. Halikayo't ating alamin ang misteryo na nangyayari sa loob ng mga pampublikong palikuran...

***
Originally posted in 300 (final part)
By Anonymous May 12, 2014 at 7:38 AM

Image from group4project-palikuran.blogspot.com
Just to share some of my experiences sa mga so called callboy. Sa akin naman 'di sila nagpapakilala as callboy. Aminin natin na we are gays and yes we have Restroom Cruisin. In Tagalog, kati sa pampublikong palikuran.

Sa Monumento malapit sa LRT (Jollibee pa noon at lately KFC) may isang pangit na lalake na madalas nagkukunyari na umiihi. So ang siste, kikindatan ka nya at pag 'di mo sya pinansin akma nyang ilalabas yung ari nya na matigas na. So mapapalingon ka talaga kasi gumalaw siya. 'Pag lalabas ka na ng CR, sasabihin niya na lumapit ka kasi nakita daw nya na sinisilipan mo siya. So idedeny mo at tatakutin ka na "gusto mo mag-iskandalo ako". Siyempre kakalma ka kasi madami kumakain na tao. Hihinahon din sya at ang siste, hihingiian ka niya ng pera kasi nagugutom sya at 'yun na lang bayad. Nung panahon ko, binigyan ko na lang ng 100 para matapos na. Ang siste, matalas ang memory ng lokong ito at madalas sya makikita na nakatambay sa labas ng Fairy Mart, aakbayan ka na lang. Iniiwasan ko na ang lugar na yun.

Sa kaso naman ng kaibigan ko, ito ang nangyari...

Sa may McDonalds sa LRT EDSA station malapit sa sakayan ng Taguig, nag-CR ang kaibigan ko na umamin sa akin na kinakati ng mga oras na 'yun. Ang nangyari base sa kwento sa akin, may umiihi kunyari sa cubicle pero matigas ang ari. 'Yun pa ang nagyaya na magcheck in daw. Na-sense niya na todo hayok daw ang lalake. Hanggang sa kinabahan, lumabas sya ng Mcdo at hiningiian siya ng pera kasi may bayad na din daw ang paghawak sa ari. Dumerecho daw sya papuntang sakayan ng Tagaytay para lang makatakas. Kaso ang jeep 'di naman umalis kaagad, iniskandalo sya ng lalake sa public na puno na halos ng pasahero. Minura mura siya by saying "p@$&na mong bakla ka pipiliin mo yung lalandiin mo. Papahawak mo yung ___ mo". 'Yung mga tao nagtitinginan at ang nakakatakot daw na part is baka pababain sya ng driver ng jeep. Buti na lang at umalis na din sa wakas yung jeep. Sa takot na sumunod since alam nung nageskandalo yung destination nya, nagpalipat lipat sya bus para lang umiwas.

So ingat lang sa mga kakatihin sa restroom.

***

Isa sa kinatatakutan nating mga beki ang maiskandalo in public lalo kung tungkol sa isyung sekswal. Sino ba naman ang gustong maparatangan ng manyakis sa harap ng madlang pipol na lumalafang ng spaghetti at chicken joy? Sa kamalasan ay nakita itong oportunidad ng mga mapagsamantala upang tayo ay kikilan. Totoo ang sinabi ni ateng na ang ilan sa atin ay may tinatagong kakirian kapag pumapasok ng public CR. Puro kaya nota 'dun! Pero sa panahon ngayon, todong pagtitimpi ang dapat maghari. Ilagay sa tamang lugar ang pagkasabik sa kapirasong laman.

Kung natuloy man sa pag-e-eskandalo, aba itodo mo na! Matutong lumaban at ipahiya mo rin. Sindakan pala ang gusto niya, ibigay mo. Ilabas muna si Bonifacio at ibandera ang pulang bandila. Hindi ka sasaktan ng mga 'yan at maraming makakakita. Tumawag ng guard at sabihin ang nangyari. Wit sila titigil hanggat may nabibiktima. Kailangan manggaling sa atin ang unang aksyon upang kahit papaano sila'y mabawasan.

Sunday, November 17, 2013

Birada

Saturday, November 9, 2013
11:38 PM

Hi Miz Melanie!

I'm Ares and I've been an avid reader of your blog since 2010 & I have to say that you always made my day. Whenever I go online, isa ang blog mo sa lagi kong bini-visit to make sure di ko mamimiss ang sarap at katuwaan mong hatid. I admire your sense of humor and personality. You're actually one of the reasons kung bakit gusto ko din mag-blog.

Mahilig kasi ako sa fashion ever since bata pa ako. I love to watch fashion shows & I always make comments about them. I love how designers make exciting clothes & I really would love to share my passion for fashion sa pagba-blog.

Gusto ko lang humingi ng opinion mo. Last month, na-invite ako manood ng ilang shows sa Philippine Fashion Week. I really love the experience especially sitting there & watch the clothes in real life. Some of the designs are good, some of them... hmmm... I have to say are bad or needs improvement. 

Sunday, May 12, 2013

Malinaw

Kung wala pa kayong malinaw na listahan ng mga kandidatong inyong napupusuan, narito ang sampung tips na paniguradong makakatulong para kayo'y makapagdesisyon na...

Bukas na ang halalan kaya habang may isang araw pa, pag-isipang mabuti kung sinu-sino ang iboboto. Kinabukasan ng bayan natin ang nakataya dito kaya hindi dapat gawing biro, ibenta at madala sa awa.

Monday, April 1, 2013

Tisod

Second quarter na agad ng 2013 at nakakaloka ang todong init na hatid ng tag-araw. Sarap maglunoy sa dagat at isuot ang paboritong swemsut. Bet kong mag-one piece ala-Rachel Lobangco. 'Yung high cut para sight ang singit. Maglalakad sa buhanginan, ilalatag ang tuwalya, uupo tsaka magpapahid ng tanning lotion habang nililipad ng hangin ang aking crowning glory. Dadaan ang mga boys at hindi nila maiiwasang ako'y lingunin. Ngingiti ako at sila'y mahihimatay sa taglay kong kariktan. OHA! Lakas tama lang!

Pero hindi biro ang temperatura ngayon. Alas-nueve pa lang ng umaga pero mala-impyerno na ang init. Dapat laging may bitbit na tubig para ma-hydrate ang natutuyong wankata. Mahirap na't baka atakihin tayo ng heat stroke. Traidor ang sakit na 'yan! Kung ang tinitirhan niyo eh walang kisame at diretso bubungan agad, JUICE KOH pumunta ka na lang sa SM at magliwaliw. Libre air-con with matching tingin sa boys. Isuot ang pinakatago tagong diamond-studded kepyas shorts, ternuhan ng pastel-colored razorback at magsapin ng thick Havayanas. Isukbit ang bulaklaking shoulder bag at saka magpabalik-balik sa loob ng mall. Summer na summer ang outfit! Pwede na akong maging fashion expert. CHAREEENG!

Don't forget na magdala ng payong panangga sa harmful UV rays. Magpahid din ng sunblock with highest SPF ever. Huwag papayag na si La Greta lang ang young looking. At hindi na yata mawawala sa uso ang bubuyog shades. The bigger, THE BONGGA! Para kalahati ng fes, may takip. Mas mainam din kung iiwas muna lumabas mula alas-dies ng umaga hanggang alas-tres ng hapon tutal wala namang ohms sa daan. Sa gabi na lang tayo rumampa. Baka sakaling maka-tisod pa ng masaraaaap na "hapunan".

Monday, September 17, 2012

Pag-ibig na ba ito?

maygan2000 commented...

Ditse maiba ako, pashare lang kasi wala akong mapagkwentuhan eh. I’m 45 pero alaga ko physical body ko kaya malayo sa 45 ang chura ko. Hindi gwapo lalong never na ngetpa. Sabi ni ermat kamukha ko si Edu Manzano. Tama na ang intro, at 45 eh virgin pa ako sa sex. Straight ako tingnan, chickboy ako at alam ng mga tropa ko. Tama na ang kweto basta bi ako. Sa tagal ng panahon mula pagkabata, itinago ko ang feelings ko. Hindi ko naranasang magmahal. Nagkaroon ako ng mga GFs pero front lang sila para sa aking identity.

Until last week lang may naka-chat ako na tulisan. Sabi niya for hire daw siya at inisip kong subukan kasi tumatanda na ang lolo mo. Baka hindi na gumana si junjun. Nagkita kami. Natatakot talaga ako kasi baka may makakita at hindi ko alam ang gagawin. Along the way ay ipinagtapat ko sa kanya na wala pa akong alam. Ni hindi ko alam paano mag check in sa motel. Natawa si mokong at sinabing siya na ang bahala sa akin. At nangyari  ang lahat pero never ko pinagkaloob ang puri ko sa kanya. Hindi ko talaga kaya.

Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, buong magdamag, hanggang sa gabi, pati sa trabaho ay siya ang nasa isip ko. Napapangiti ako mag-isa kapag naiisip ko siya. Nag-text ako sa kanya ng “kamusta ka” at “ok lang” ang maikling sagot niya pero parang nobela na ito sa akin. Ang saya-saya ko! Namimiss ko siya. Gusto ko siyang makausap palagi, gusto ko siyang makita palagi. Hindi siya maalis sa puso ko. Pag-ibig na ba ito? Hindi ko alam, tulungan mo ako parang mababaliw na ako kakaisip sa kanya.

***

Hi teh maygan2000!

Maraming salamat sa iyong suporta. Matagal-tagal ka na ring nagtiyatyaga sa mga putahe ko kaya naman imbes na sa comment section ko lang ito i-post eh ginawan ko na ng solo entry.

Well at your age I'm glad na sinubukan mong gawin ang isang bagay na I guess ikinatakot mo... ang gay sex. I don't know kung anong pumigil sa'yo sa loob ng ilang dekada pero welcome to the club!

Hindi ako si Dra. Margie Holmes na eksperto sa ganyang paksa pero I'll tell you my opinion. Sa aking palagay, hindi pag-ibig 'yang nararamdaman mo kundi aftershock ng namagitan sa inyo ni ohms. Siya ang unang nagpatikim sa'yo ng paraiso ni adan kaya ispesyal kung ituring mo 'yon. Infatuated ka sa nangyari at hindi mismo sa kanya. Bago kasi sa'yo ang experience kaya punong puno ka pa ng emosyon.

Hayaan mo rin ang iba pa nating mga shupatembas na magkomento at isiwalat ang kanilang opinyon sa iyong sitwasyon.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Monday, March 5, 2012

Sunshine In The Sky

Image from travelingthephilippines.blogspot.com
Nakakalungkot mabalitaan ang sunud-sunod na krimen na nangyayari sa kabataang estudyante ngayon. Una diyan si Given Grace Cebanico ng UP Los Baños na ginahasa at karumal-dumal na pinatay. Sumunod si Marvin Reglos ng San Beda. Sa kagustuhan na magkaroon ng kapangkat at kakampi, buhay ay maagang nabawi.

Mabalik tayo sa Los Baños. Noong isang linggo, si Rochel Geronda, isang katorse años na nasa high school at nagtitinda ng sampaguita ay walang awang hinalay at pinatay din. TSK! At ang pinakahuli, kahapon lamang naganap, ang panghoholdap at pagkakapatay kay Ray Bernard Peñaranda, isang 3rd year BS Agriculture student ng UPLB. JUICE KOH! Isang taon na lang, magtatapos na 'yung bata. Hindi man lang pinatawad ng mga walanghiya.

Todong nakapanghihina ang ganyang mga balita. Sa murang edad, hindi lamang buhay nila ang ninakaw kundi pati na rin ang kanilang mga pangarap. Hindi ko lubos maisip ang pighating nararamdaman ngayon ng kanilang magulang at kamag-anakan.

Mula pagkabata ay inalagaan at inaruga sila. Tinustusan ang kanilang pag-aaral upang mahinang ang kanilang isipan. Sa isang iglap, sila'y nawala dahil lamang sa maiitim na budhi na naglipana kung saan man.

Since naging isa rin naman akong estudyante, magbibigay ako ng ilang payo. Tulad ng kahit sino sa inyo, inaabot din ako ng madaling araw sa pagsusunog ng kilay noon. Kapag alanganing oras na ako natapos, sinisiguro kong umuuwi ako sa balur ng may sunshine in the sky na. May mga tao na sa daan para may makasabay sa paglalakad. Kakampi ng masasama ang kadiliman kaya dapat iwasan 'yan.

Hindi ako naging member ng kahit anong frat noong college. Hindi ko knows ang feeling kung nakakabuti ba 'yan o hindi. Napanood ko sa TV ang testimonial ng isang frat member. Kapag miyembro ka daw kasi, mas madaling makahanap ng trabaho dahil mga ka-frat mo rin ang tutulong sa'yo. ANSABEEEHHH!?! Ang iba naman, sense of belongingness ang hinahanap lalo na 'yung mga kapamilya eh malayo sa kanila. Kung gusto mo talagang sumali at hindi ka na mapipigilan, eh bahala ka. Timbangin mo na lang kung talagang makakatulong sila sa'yo.

Saturday, February 25, 2012

300 (final part)

Narito na ang huling bahagi sa isang yugto ng buhay ni Ateh Lucas. 

Basahin dito ang part 1.

Inside the motel, we just got 3 hours. I dont want to detail kung anu ang nngyari basta ang pangit ng experience ko sa kanya while we were having sex. He gave me blowjob pero ako, wala lang. Di kasi pwede kasi sa partner ko lang yun ginagawa. Lalaki tlaga siya siguro kasi di tumigas ang tool niya the whole session and I know pinipeke niya ang ungol niya hahhahha so pinabayaan ko lang. Mabait naman kasi ako, di ako mapilit. I'm just wondering lang kasi parang pinapabilis niya na labasan ako. Nung nilabasan ako, nagsabi siya ng "ewwwww" at nagbihis agad. Siyempre alert din ako at nagbihis kasi nung narinig ko yun, I know something will happen na masama. Then nagsabi siya agad na "pre, may extra bayad ung pag blowjob ko sayo ha". Siyempre nagulat ako. I asked him how much, he said 1,500 daw. Parang nahigh blood ako. We argued dun sa loob ng room. Kung 1500 ang extra then 300, mga 1800 pala lahat. Wow! Medyo tumaas ang boses ko pero sa bandang huli naging mahinahon naman ako. Siguro mga kalahating oras ang usapan namin sa loob, pawisan na ako sa takot kasi pinapakita niya na sakin ang patalim niya. May patalim pala ang gago at akmang tinututok sakin. That was so traumatic. Sinabihan ko siya na 1,100 lang pera ko, may kulang pa na 800. Sabi niya di daw pwede. So niyaya ko siya na samahan ako sa ATM para makapagwithdraw para matapos na. Wow! Di pwde daw baka tumakbo ako sa labas. Hay, I know I was trapped that time. Tinignan niya ang wallet ko, wala na nga siyang makuha. He suggested agad na iwan ko daw ang cellphone ko para balikan ko daw siya at mag withdraw ako. Siyempre di ako pumayag kasi baka siya naman ang umalis pagbalik ko at yun nga tinutukan niya ulit ako ng patalim sabay sabi na labas pasok daw siya sa bilangguan at may problema daw siya sa family niya at huwag ko na daw dagdagan. After 10 minutes ulit, binigay ko na lang kasi natatakot na ako. Pinalabas niya ako sabay sabi huwag magsumbong sa counter. Nung nakalabas na ako, tinitignan niya ako. Nahalata ng counter boys na balisa ako at tinignan yung kwarto. Nagsumbong nga ako sa kanila. Biglang lumabas yung callboy at parang galit pa sakin. Sabi ng counter boys, dun lang daw ang callboy with my cellphone sa kanya sa counter at babantayan daw nila. Bumaba ako para makahiram muna ako sa mga stores outside ng motel. I even left my shoulder bag with my iPad2 inside para makahiram lang ng pera kasi ang layo pa ng BPI ATM which is located sa Isetann. Pagbalik ko ng motel, wala na siya and I asked the personnel of the motel bakit pinakawalan nila. Sabi nila, nagpaalam daw ito at susundan daw ako. So ibig sabihin, wala na ang Nokia N8 series ko.

Lesson learned: Huwag masyadong magtiwala sa taong di mo kilala. This was my first time to hire a callboy at ito pa ang kinalabasan. OK lang naman sa akin. Its a matter of having my life back. Its a wake up call to learn to love ourselves and be true to our partner all the time. I'm bringing this to gay community para alam ng lahat ang nangyayaring modus sa loob ng Isetann mall at Recto areas. I know i need to file and report sa police kaso nga ayoko ko na ng gulo pa and as I mentioned baka ma expose pa ang identity ko sa public. 

Right now, my phone was already blocked by NTC. He can still use the camera and music pero sa commuincation di na. Im still thankful na walang nangyari sakin. Material and worldly things lang yun at mapapalitan din agad. Thank you po. God bless!

Thank you Ate Charo,

Lucas

***

Maraming salamat 'teh Lucas sa matapang mong pagbulatlat ng iyong karanasan na marami sa ating lahi ang makakarelate. Hindi kita masisisi kung hindi mo napaglabanan ang temptasyon ng kalibugan lalo na't sila ang lumalapit at kung minsan ay nagmamakaawa pa. Marupok tayo diyan pero hindi ibig sabihin na hindi natin kayang paglabanan. Let's look at the brighter side of the story: nawala man ang ketay mo, at least buhay ka. Alam mo na rin ang kahalagahan ng salitang "loyalty" kapag may jowa ka.

At sa ilan pa nating shupatid na bet talaga ang pagha-hire ng sholbam, hindi ko kayo mapipigilan diyan. Ang tanging maitutulong ko ay basahin niyo muna ang bonggang tips ko dito. As much as possible, iwasan ang mga lugar kung saan madami sa 'sangkabaklaan ang nabiktima na. Mag-research sa malawak na mundo ng Internet o di kaya magtanong-tanong sa mga beki friends.

Maidagdag ko lang, huwag na huwag kayong papayag na ang sholbam ang pipili ng lugar na pagpaparausan. Ipakita sa kanya na todong kontrolado mo ang inyong negosasyon. Ikaw ang magbabayad kaya dapat siya ang sumunod sa iyo. Kapag nagpakita ng kabargasan, iwanan mo na.

Hindi rin masamang magtaka kung bakit sa mahal ng bilihin ngayon eh may mura pang "laman" na kinakalakal. Talagang nakakaakit ang presyong abot-kaya pero isipin muna ang maaaring maging konsikwensiya.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Tuesday, February 7, 2012

Lindol

La Libertad, Negros Oriental
Nakakaloka! As in NAKAKALOKA ang lindol na naganap sa Visayas. Niyanig ng 6.9 magnitude earthquake ang Negros at Cebu bago magtanghali kahapon at ilang beses nagkaroon ng aftershock. Nagkaroon tuloy ng Tsunami alert level 2 na agad din namang binawi. 

Ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa laki ng pinsala. May mga building din na bumagsak at nadamay ang ilan nating kababayan. Ayon sa PHIVOLCS, bago ang faultline na ito at wala pa sa kanilang record. NAKAKALOKA AGAIN! 

Bilang handa, narito ang ilang payo kung ano ang gagawin kapag may ganitong sakuna. Kung nasa loob ng isang gusali, bahay, condo o kahit ano...

  • Yumuko, dumapa at protektahan ang ulo. 'Wag rumampa kung saan-saan.
  • Mas maigi kung tatabi ka sa hamba ng pinto, poste o gilid ng matitibay na bagay. Baka kapag nasa ilalim ka ng lamesa at may bumagsak doon, maipit ka, ikaw rin. 
  • Kung nakahilata sa kama, takpan ng unan ang ulo. 'Yung ulong may mata, ilong at bibig. Baka ibang ulo ang iniisip mo. 
  • Lumayo sa bintana kung ito ay gawa sa salamin para maiwasan ang mabubog kapag ito'y nabasag. Kebs lang kung gawa ito sa kahoy o capiz. Capiz oh!
  • Stay put ka lang sa loob hanggang sa humupa ang uga. Gumamit ng hagdan sa pag-eskapo. Hubarin ang stilletos para sa mas mabilis na pagtalilis.
  • Pindutin ang fire alarm para malaman din ng ibang utaw. Bawal ang madamot.

Kung nasa labas ka naman...

  • Lumayo sa matataas na gusali, poste at billboards. Maghanap ng lugar kung saan langit lang ang pwede mong makita. Dumapa ulit para hindi matumba. Kapag nakita mo ang crush mo, lapitan mo at sabay kayong dumapa. Huwag munang mag-isip ng madumi (pero hindi ko maipapangako).
  • Kapag yamanesh ka at nasa loob ng karu, ihinto agad ang sasakyan mo sa gilid ng kalsada. Lumayo sa tulay, footbridge ng MMDA, at poste ng Meralco
  • Kung mountaineering ang hobby mo at naramdaman mo ang pagyanig ng lupa, tumingin ka sa paligid mo at pakinggan hindi ang huni ng mga ibon kundi kung may komosyon. Baka magulungan ka ng malalaking tipak ng bato at lupa. Malibing ka ng buhay dahil sa landslide. 

Galing sa Red Cross ang mga tips na 'yan. Mas mabuti nang handa at alam natin ang gagawin if ever (huwag naman sana) na mangyari uli ito. 

*Image from Twitter

Monday, January 16, 2012

Possibility

Morning thought:

When you don’t ask, the answer is always NO. When you do, you create the possibility for a YES. --- MGG
So alam mo na ang gagawin mo 'teh.

Wednesday, October 26, 2011

Quota

Usap-usapan dito sa aming opisina ang nakawan at holdapan kahit saan. Sikat na naman ang mga taong may 'magna' degree. May quota yata ang mga hudas kapag dumarating ang kapaskuhan. Nakakasyokot!

Ilang beses na akong nakakita ng mga taong nabiktima ng snatcher. Swerte ako't hindi pa ako nabibiktima at wala akong balak magpabiktima. Wala rin naman silang mahihita sa akin. Baka maging abonado pa sila sa magegetching nila.

Para sa kaligtasan ng ating lahi ay gumawa ako ng ilang tips kung paano makakaiwas sa kapahamakan. Maaari itong makatulong sa inyo dahil ang iba sa mga ito ay tested at approved ko kaya tara at namnamin natin isa-isa:
  1. Huwag maglalakad sa madidilim na lugar. Kakampi nila ang kadiliman.
  2. Maglakad ng mabilis. Huwag isabuhay si Pong Pagong.
  3. Nuncang i-display ang bonggang gadgets. Bawal ang mayabang.
  4. Looks can be VERY deceiving. Ilagay sa tamang lugar ang kapokpokan. Baka ang inaakala mong booking ang gigripo sa'yo.
  5. Gumamit ng ATM sa araw. Go back to #1 and read the second sentence.
  6. Isukbit ng mabuti ang dalang bag. Target 'yan ng 'riding in tandem'.
  7. Sleeping Beauty inside PUV's is a BIG no no! Kapag nasight ka ng magnanakaw na shorlogs, tatabihan ka nila. Lalaslasin ang bulsa o bag na dala mo.
  8. Lahat ng bakat ay masarap. Sa pagkakataong ito ay 'di nota ang ibig kong sabihin. Ito ay ang wallet o ketay na nakabakat sa hapit mong suot. Natatakam diyan ang ipit gang (basahin mo ang karanasan ko dito at dito).
  9. Maging choosy sa sasakyang taxi. Sumakay lang sa trusted brands.
  10. I-lock ang apat na pintuan ng taxi. YES! Pati 'yung kay mamang driver eh pakialaman mo. Babayaran mo siya kaya dapat lang na secure ang byuti mo.
At ang panghuli, kung alam mong wala ka ng ligtas sa dalang armas ni satanas, todong ibigay mo na ang hinihingi niya at 'wag ng magpatumpik-tumpik pa. Mahal magpa-ospital kesa sa materyales na meron ka. Mas mahal ang kabaong at apartment sa sementeryo kapag na teggie agbayani ka.

I-report rin sa kapulisan ang nangyari. Kahit alam naman nating lahat na malaki ang posibilidad na hindi na maibalik pa ang gamit na nanakaw, mas mabuting ipagbigay alam sa kinauukulan ang nangyari. Huwag manahimik at piliing mapabilang sa unreported cases.

Kung kayo ay may karanasan sa iba't ibang krimen at may karagdagang tips kung paano makakaiwas dito, i-email niyo 'yan sa akin. Iisa-isahin ko ang inyong ipapadala at ipo-post sa darating na araw.

Ingat!

Tuesday, June 28, 2011

Read it!

Ngayong buwan ko lang nalaman ang itong pamosong linya ni Mark Twain at gusto kong i-share sa inyong lahat just in case 'di niyo pa alam...

"A person who won't read has no advantage over one who can't read."

Reading materials I recently bought and read
Kaya naman read as much as you can. Mas bongga kung bagong materyales ang inyong babasahin. 'Yung tipong hindi niyo interes before pero medyo curious na kayo ngayon. Lagi akong nagbabasa tuwing sakay ako ng MRT. Nagiging productive ang mind ko during travel time. Pinapakain ko ang aking neurons ng iba't ibang impormasyon mapaluma man o bago.

Start reading now. Kahit ano basta mababasa. Kung ano ang madampot mo ngayon...
READ IT!

Sunday, April 3, 2011

Payungan mo ako (final part)

Ang huling bahagi ng seryeng inibig mo.

Click here for part 1.
Click here for part 2.
Click here for part 3.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

9. Another way para maka move-on ay ang pagbabakasyon sa magagandang lugar.

Breathe some fresh air. Go out with your friends and feel the sun on your skin. Summer na kaya perfect timing para maglunoy sa dagat o pool. Effective 'to dahil nasubukan ko na. Talagang nakakawala ng stress ang mga tanawing bago sa paningin. Ang bonding naman with your friends ang babawas sa bigat na iyong pasan. This is also the perfect time to talk with them. Listen to what they'll say.

Pansin niyo ba na dito ko pa lang sinuggest na makipag-usap sa mga kaibigan at hindi sa mga unang parte ng serye. Useless kasi na kausapin mo sila kung fresh pa ang break-up. Hindi magreregister sa iyong brain ang mga litanya nilang "forget about him", "you don't deserve him" or "there's so many fish in the sea" kung ngumangalngal ka sa kakaiyak at ang gusto mo ay magkabalikan kayo. Sa stage na itech, kahit papaano ay nahimasmasan ka na at maari ka nang makinig sa kanila.

10. Set new goals ang huli kong payo. Alam kong bumuo ka nga mga pangarap kasama siya but now that you're single, panahon na para baguhin 'yan. It's either you go back to your old goals noong hindi pa kayo o bago naman this time.

Kung nag-aaral ka pa, why not dream of graduating with honors or try to be an active member with any school organizations. If you're working naman, aim high. Galingan mo ang trabaho. Magpursigi ka at malay natin, i-promote ang byuti mo. PAK!

Keeping yourself busy will help you forget the pain inside. Hindi mo namamalayan, naka move-on ka na pala sa pinagdaanang heartache.

Dito na matitigbak ang seryeng itey. Nawa'y makatulong ang aking payong upang hindi ka mabasa ng ulan o mainitan ng araw. CHOS! Huwag padadaig sa pusong sugatan sapagkat ito'y maghihilom sa tamang oras.

The End.

Thursday, March 31, 2011

Payungan mo ako (part 3)

Ang ikatlong kabanata ng seryeng tatalo sa Primetime Bida at Telebabad. 

Click here for part 1.
Click here for part 2.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

6. Delete his pre-historic text messages. Oh wag mong i-deny! Alam kong may special folder sa ketay mo na ang laman lang eh mga texts niya. Kahit yung "K" nga, sinave mo pa. Maawa ka naman sa ketay mo. Ang bagal-bagal na dahil sa mga unecessary messages. Yes! Unecessary na dahil ex-lovers na kayo. Aray!

7. Go to your room. NOW!

Re-arrange it. Move your bed to a different corner. Mas maigi kung malapit sa bintana. Maglagay ng halaman sa night table para magkaroon ng kulay ang kwarto. Clean your closets and drawers. Itabi ang mga pinaglumaang damit. May paggagamitan ka nito.

Kung ikaw 'yung tipo ng tao na kahit balat ng kendi na kinain niyo ay itinago mo, 'wag itong itatapon. 'Wag mo din gagayahin ang mga artista sa pelikula na nagpupunit ng mga pictures saka susunugin. Sayang ang memories. Ilagay mo ito sa isang box at iimbak sa basement. Kapag mashonda ka na, pwede mong balik-balikan ang mga nakakakilig na moments. Pwede mo pang i-share sa magiging anak at apo mo.

8. "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay". At dahil binato ang puso mo, magbato ka ng tinapay hindi sa ex-jowa mo kundi sa mga charities at foundation. Nasan na 'yung mga old clothes mo? Tara at i-donate natin.

Isa sa pinakamagandang magagawa mo para sa iyong sarili ang tumulong sa kapwa sa kahit anong paraan. Walang maliit o malaki sa taos pusong pagtulong. Nakakagaan ito ng pakiramdam. 'Ika nga ni Bertha von Suttner:

"After the verb 'to Love,' 'to Help' is the most beautiful verb in the world".

Tatapusin...

Tuesday, March 29, 2011

Payungan mo ako (part 2)

Ang pagpapatuloy ng bagong serye na ikaw ang bida at ako naman ang kontrabida. BWAHAHAHA!!! Pindutin mo dito para sa unang yugto.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

  
4. Nagising ka isang umaga at humarap sa salamin. Bigla kang napasigaw ng "P#+@n& !n@! Sino ka?". Malamang na ikaw 'yun kasi walang multo sa umaga. Ang chaka mo kasi. Ang CHAKA CHAKA mo. Parang pwet ng kawali sa itim ang ilalim ng mata mo. Dry and damaged ang hair at puno ng zits ang fes. Eeewww!!! Pwede ka na ring maging character sa Pugad Baboy dahil sa paglamon mo.

At ano pa nga ba ang pinakaepektibong pampapayat kundi ang mag-exercise. Mag-enroll sa mga fitness center at mamili sa iba't ibang programang handog nila na angkop sa 'yo. Pero kung magkasing-yaman tayo, mag-exercise ka na lang sa umaga. Gabi pa lang eh ihanda mo na ang rubber shoes at razor back para paggising kinabukasan, ready to fight agad. Maigi din ito para maiwasan mong maisip first thing in the morning si ex-jowa. Oh, baka umiyak ka ah! Narinig mo lang yung salitang jowa eh maluha-luha ka na. TSE!

5. Sige na! Hindi naman kita mapipigilan eh. Umiyak ka na nga kung may iluluha ka pa. At habang crayola ka eh maglakad ka papuntang Red Ribbon o Goldilocks. Bumili ka ng pulboron o ensaymada. Instant happiness ang mararamdaman ng mga intestines mo diyan. Pero kung 'di mo bet langgamin dahil sa tamis ng mga produktong 'yan, try mo ang mga pagkaing may Tryptophan. KALOKA! May nalalaman pa akong ganyan.

Ang Tryptophan ay isang uri ng amino acid na kino-convert ng ating bodacious body into a feel-good chemical called serotonin. Wala akong balak agawan ng trono si Kuya Kim kaya i-Google mo na lang 'yan for more info. Tokwa, saging, sunflower seeds, turkey meat at pinya ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa Tryptophan. Moderation is the key to success at hindi gluttony. Gets?

Subaybayan...

Saturday, March 26, 2011

Payungan mo ako (part 1)

Kapag nahihiwalay tayo sa jowa natin, karamihan sa 'tin ay nade-depress at naloloka. 'Yung iba, gusto pang gayahin sina Cristina at Gary ng Mara Clara para makapaghiganti. Lahat ng nabanggit ay hindi maganda sa kaisipan at nakakapangit ng itsu. At sa kadahilanang yan, ginawa ko ang bonggang series of payo kung paano makakalimot sa nagdaang relasyon. I'm not a love expert kaya hindi garantiya kung may bisa ang mga 'to. Nasa sa inyo na kung susundin niyo ang payo ketch.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

1. Unang araw ng kapighatian. Eto ang pinakamasakit. Magang-maga ang eyes sa magdamagang crayola. Nag-iisip ka ng kung anu-ano. Magreregister sa unlimited call & text para kulitin si jowa na ika'y balikan. Madaming katanungan. Nagugulumihanan. Gumagawa ng sariling multo. Tama ba?

Ang payo ko, umiyak ka lang. Sige, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para isalba ang relasyon. Dedma kung magmumukha kang cheap. Mas mabuti na 'yon kesa hindi mo i-try. Lumayo ka rin sa kusina at banyo. Baka kasi maisipan mong maglaslas ng pulso o lumaklak ng Domex.

2. Dahil todo ka sa kakaiyak, kakamiskol at text sa kanya, pwede bang bumorlogs ka? Para mahimasmasan ka naman. Malaking bagay na ipahinga ang katawan dahil inabuso mo ito (emotional and mental side). Kawawa naman ang mata mo. Kulay pula na pati iris mo. Isipin mo na lang, meron pang bukas para umiyak ulit. Ang ganda nung nasa pektyur di vaaahhh?!?

3. Ayan, medyo nahimasmasan ka na pero malungkot pa rin. Kahit na nagsisipag-awitan ang mga ibon sa labas (meron pa ba?), hindi mo sila naririnig kasi feeling mo November 1. Bakit 'di mo dagdagan ang pighati mo? Buksan ang CD player at isalang ang mga tugtuging nakakaiyak. Suggest ko lang, mga kanta ni Nina ang patugtugin mo. Hindi dahil sa gusto kong dagdagan ang lumbay na nararamdaman mo pero alam kong hindi epektibo ang mga kanta ni Gloria Gaynor at ng Destiny's Child sa ganitong estado. Lolokohin mo lang ang sarili mo. Kung 'di mo bet ang makinig, manood ka ng mga pelikula nina Juday at Piolo o Rico at Claudine. Lahat kasi 'yun, mga happy ending. Maiinggit ka for sure.

Itutuloy...