Thursday, April 7, 2011

Sampung Binibini

Sa linggo na ang pinaka inaabangang beauty pageant ng bansa at excited na ako kung sino ang magwawagi ng mga koronang mala-timba sa laki. CHOS! Though nabawasan ng isa dahil ipinasa ni lola Julia Morley kay Cory Quirino ang Miss World franchise, hindi ito nakabawas sa popularity ng Binibining Pilipinas. Mas bumongga pa nga dahil kwarentang babaita ang maglalaban-laban na dati ay mahigit sa bente lamang. Kaya naman here are my bets for the two crowns:

BB. PILIPINAS - UNIVERSE

Jenette Noguchi
Brainy, confident and fluent. She is my top choice kung pagalingan lang sa pagsagot in straight English. Hindi ko nga lang bet ang physical beauty niya since wala akong makitang bakas pagiging Pilipina. Half-Japanese kasi siya.

Luzelle Felipe
Pinay na Pinay sa anyo at pagsasalita. Dusky Filipinas are proven when it comes to beauty pageants. Sila talaga ang stand out kesehodang si Venezuela, USA at Colombia pa ang itabi niyo. If you want someone who can please the judges with her physical beauty, siya ang perfect na kandidata.

Shamcey Supsup
Siya ang pinagsamang brain and beauty. Aminin natin na kumpara sa ibang kandidata, manipis ang kaha niya ngunit kung gusto natin ng isang representante na may utak sa pagsasalita at panalo ang ganda, it's her already. Ikaw na Shamcey. IKAW NA!

Mga alternatibo:
Sabrinne Al-Tawil and Paula Figueras

***

BB. PILIPINAS - INTERNATIONAL
 
Jean Lastimosa
Kurba at rampa pa lang ni ateng, bongga na! Medyo nilalait ang horsey teeth niya pero wala akong paki dun. Wala akong issue sa malaki niyang penpen dahil sa beauty pageants, hindi uso ang ipin na katulad ng kay Frijolito.

Diana Arevalo
Isa pang gandang Pilipina. Dark lipstick lang ang kailangan, usbong na agad ang byuti niya. Idagdag mo pa ang kanyang ngiti na nakakatunaw at nag uumapaw na fierceness, todong aangat siya sa Miss International sure yan.

Kathleen Subijano
Hindi siya heavy favorite unlike the other candidates. Mala-monay daw ang fes at kapatid pa ni 1994 Bb. Pilipinas-World Cara Subijano. Alam naman natin na ang korona ng MI ay ipapatong sa ulo ng babaeng na-express ng maigi ang kanyang gagawin if ever na mananalo siya at sa tingin ko, sa diction at choice of words na gagamitin niya ay baka sakaling masungkit niya ito. Deadma sa physical beauty niya (si Ms. China nga eh naging 1st runner up), ang mahalaga mabola niya ang mga hurado sa MI. CHOS!

Mga alternatibo:
Dianne Necio and Elizabeth Clenci

Abangan na lang natin sa Linggo ng gabi sa Kapamilya network kung makakasama ba ang mga betchina ko sa finals night.

3 comments:

Anonymous said...

"Teh..balik kapamilya na ba ngayon ang Binibining Pilipinas?.."

Melanie said...

Yes 'teh! Balik Kapamilya si Mama Stella Araneta.

Anonymous said...

Ateng...nahihirapan din ako pumili ng bet ko kc sobrang gaganda nila lahat. Nangunguna sa lista ko for the titles sina, Supsup, MJ Lastimosa at Tumulak.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...