Thursday, April 14, 2011

Silid Aklatan

Madalas akong pumunta sa library noong one digit pa lang ang edad ko. Ilang lakad lang kasi ito sa dati naming tinitirhan sa may Project 8. Actually, sa plaza talaga ang punta ko para maglaro nagkataon lang na nasa gitna nito ang library. Kapag pagod na sa kaka-swing at slide, magpapahinga na ako sa loob ng silid-akalatan. Maybe that's the reason why I became a book and magazine lover.

Pinakagusto kong basahin ang mga Science books especially kung ang topic eh Astronomy. Pangarap ko kasing maging astronaut dati. Paborito ko ang planet Uranus dahil sa pabaliktad nitong ring. Tapos, nagbabasa din ako ng MOD at Women's Today. Hindi naman ako nakaka-relate sa mga articles kasi pangmatanda na. Tinitingnan ko na lang yung mga pictures sa loob. Weekly yata ang labas ng mga ganitong magasins dati. Naalala ko tuloy ang mga modelo sa cover with heavy make-up at naka-tease ang mga hair.

Last week, pumunta kami dito ng pamangkin ko. Curious lang ako kung paano ito naapektuhan sa panahon ng laptop, iPad at BlackBerry.

Mula nang umusbong sina Google at Yahoo!, feeling ko dinedma na ng kabataang Pinoy ang halaga ng silid aklatan. Dati kasi, mapamayaman o mahirap, kapag kailangang mag-research eh sa library tumatakbo. Go lang sa title card section para maghanap ng libro. Ngayon, isang click na lang ito sa Internet.

Malaking advantage talaga ang access sa world wide web. Bukod sa madaling maghanap, updated pa ang mga impormasyon. Hindi na rin kailangan pang magputol ng puno para sa papel na gagamitin sa paglikha ng libro. Pero may disadvantage din naman ito. Somehow ay tinuturuan nito ang mga estudyante na maging tamad. Kaya nga sikat na sikat si Copy Paste eh.

Sa dami ng libro, wala nang mapaglagyan.

Meron pa palang Salaguinto

Encyclopedias

More encyclopedias

Noon: Atlas 
Now: Google Earth

Storage ng newspaper clippings

Holy Bibles

Pero sino nga ba naman ang pupunta sa isang silid aklatan kung ang mga referensyang mababasa mo eh nung 1963 pa inilimbag?

Parte ng pag-inog ng mundo ang pagbabago. Ang mga bagay na nakasanayan ay kailangang palitan upang upang hindi mapag-iwanan.

Tanong lang: Kasama ba ang silid aklatan sa dapat palitan?

6 comments:

  1. teh, ang hirap naman ng tanong mo

    ReplyDelete
  2. salamat sa impormasyon mam mila, mam milanie:)

    ReplyDelete
  3. Ma'am Melanie,
    masarap talagang magbalik tanaw sa simple ngunit masayang kahapon.

    Maglaro sa daan, makinig ng music nila Britney Spears at Cristina, magkantahan kasama ang mga kaibigan gamit ang "song book na magazine",atbp.

    ReplyDelete
  4. -Teh Froglita, sana 'hindi' ang sagot sa tanong ko.

    -Walang anuman Dean Paul :D

    -Korek ka diyan 'teh Anonymous April 15, 2011 11:21 AM. Kumplikado na kasi ang panahon ngayon. Puro virtual games ang kinahihiligan nila. Wala na yatang nagtu-tumbang preso ngayon eh.

    ReplyDelete
  5. ateh librarian ako.

    i think mas credible ang mga materials na makikita sa aklatan kaysa internet. \

    sa net lahat pwede mag post ng materials. walang control like wikipedia na lang.

    depende yan sa library. public libraries are underfunded kaya luma collection. punta ka sa mga may pondong library, magaganda collection makikita mo.

    ReplyDelete
  6. Tama ka diyan ateh librarian, mas credible pa rin talaga ang mga facts na mababasa sa libro kesa sa Internet. Iba na rin kasi ang kabataan ngayon, masyado ng dependent sa Internet :(

    ReplyDelete