Thursday, March 17, 2016

Sabaw

Hi mga ateng! Nalulungkot akiz dahil hindi ako masyadong makapag-blog dahil todo stress sa trabaho. Nakakaubos ng energy, ganda at sabaw ng utak. Madami pa naman akong kuda lalo na't painit nang painit ang election season.

Wala nang makakapigil pa kay Grace Poe na tumakbo. LSS ako sa ♫ only Binay, only Binay ♪ na jingle. AHAHAHA! Mainit ang palitan ng komento ng mga Marcos supporters at Robredo fans sa social media after ng VP debate. Hindi na daw relevant sa kasalukuyan ang isyu ng martial law noon. May death threat daw mula sa Duterte supporters ang estudyante ng UPLB dahil sa diumano'y pambabastos nito sa pambato nila. Hindi pa rin mawala-wala sa image ni Mar ang MRT at ang bagyong Yolanda. Mukha pa ring mahina ang kalusugan ni Miriam. Alanganin pa rin sa survey si Risa Hontiveros. Minsan pasok sa top 12, minsan laglag parang bala lang.

Luma-lovelife na rin itong si Pia Wurtzbach sa New York. Mukhang matagumpay niyang na-aurahan si Dr. Mike, ang tinaguriang pinaka-seksing doktor ayon sa People Magazine. Jackpot ang lolah natin dahil talaga namang pagkasherep-sherep ni MD. Kung siya ang doktor ko, malamang sagad ang limit ng HMO card kakapabalik-balik sa hospital. Dok, please check my ovaries. Parang makati. AY!

Noong Lunes pala ay pumunta ako sa UP Press sa UP Diliman para i-take advantage ang 50th anniversary nila. Lahat ng UP Press-published books ay half the price. Ang dating 600 peysos, naging 300 na lang. BONGGA! Limang libro nga ang nabuyla ko. Dagdag sa iba pang libro na 'di ko pa nababasa. Need ko talaga ng time management para hindi puro ♪ work work work work ♫ ang gawa everyday. Pati sa restdays, kayod pa rin. Hindi tama ito! Dapat may work-like balance.

4 comments:

Anonymous said...

swerte ni pia kaso feeling ko mas inuuna pa yang lablayp kesa ang mga advocacies nya bilang miss universe

Anonymous said...

Sayang si miriam, gusto ko sana sya kaso obvious na kasi yung health issue niya. So i chose duterte na lang, if di nan si duterte, ill go for mar. Never would i vote for either binay o poe, isang corrupt at isang ambisyosang walang alam.

Anonymous said...

Roxas or duterte teh melanie nakakalungkot si lola mirriam mukhang stress...NO for Binay kawawa ang pinas ilabas nya muna sila baloloy

Anonymous said...

..welcome back Teh!!..namiss kita nang bonggang bongga and bongga pah!!..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...