Monday, March 31, 2014

Binibining Pilipinas 2014 winners

"I feel I'm one of the stars in the universe and I'm the brightest of them all."

'Yan ang napaka-baklang kuda ni Mary Jean Lastimosa nang una siyang sumali sa Binibining Pilipinas three years ago at itinanghal na 2nd runner-up. Ngunit hindi naging sapat iyon at sumali siya ulit after one year. Napili bilang semifinalist pero wala pa ring korona. Nalungkot ang lola niyo noon at napaka-vocal niya sa Twitter. Pero wit siya tinakasan ng lakas ng loob samahan pa ng todong suporta ng 'sangkabaklaan kaya itinaya niya ang huling baraha at muling sumali ngayong taon. Kahit gasgas at napakaluma na ay muling napatunayan na totoo talaga ang mottong "try and try until you succeed" dahil siya ang kinoronahan Miss Universe-Philippines 2014.

Mangiyak-ngiyak ako sa tagumpay ng ateng natin. Ramdam ko 'yung tunay na ligaya na sumirit sa kanyang puso nang siya ang tawagin at koronahan. Ikaw ba naman kasi ang kumarir sa Bb. Pilipinas at dalawang beses ma-luz valdez, ewan ko na lang kung 'di ka maglupasay sa saya. I'm so happy for you MJ!

Here are the rest of the winners:

Bb. Pilipinas-International: Bianca Guidotti
Bb. Pilipinas-Intercontinental: Kris Janson
Bb. Pilipinas-Supranational: Yvethe Santiago
Bb. Pilipinas-Tourism: Parul Shah
1st Runner-up: Laura Lehmann
2nd Runner-up: Hannah Sison

Eto na yata ang pinakamaraming kinoronahan sa Binibining Pilipinas at mukhang hahakot na naman tayo ng international crowns sa ganda ng mga nagsipagwagi. Bagong dagdag dito ang franchise ng Miss Intercontinental na dati ay Mutya ng Pilipinas ang may hawak.

Ipanalangin natin mga ateng na maipagpatuloy nila ang winning streak ng ating bansa sa larangan ng pagandahan. Basta gandang Pinay... WAWAGAYWAY!

*Images courtesy of OPMB worldwide

9 comments:

  1. ateng melanie akesh yung nagcomment na bet ko si MJ manalo kahit retokada sya. cry me a river din ang peg ko ateng nung sya na ang tinawag na ms. universe-philippines, honestly i wasn't expecting her to get the crown, mga 1st or 2nd runner up lang kasi nga diba baka ang nasa isip ni mamit stella, "ay retokada, no no no way!" pero boom! panalo si ate MJ! malakas ang instinct kong may chance manalo si MJ sa ms. U. ewan ko ba LOL medyo nagulat naman ako na na-luz valdez si pia wurtzbach, daming naninisi kay sen. angara kasi daw bakit tinagalog eh may mga foreign judges. gulat much din ako kina lehmann at yvette, dapat mas matataas ang title nila. kaloka

    ReplyDelete
  2. andaming mga magaganda at matatangkad na kandida this year, pwede silang i-recycle at isa sa kanila manalo hahahaha. sayang si pia, sana naisip nyang half ng juges mga foreigner eh di sana...... anyway may next year pa naman sya at parang si MJ lastimosa, she can rise, chos. deserving si MJ by the way, i really thought yvett will win kasi nga crowd favorite kaso supranational? ano naman yun? kaloka lang, kung anik anik na lang na mga titles, pati intercontinental at tourism international. my gosh hahahahaha

    ReplyDelete
  3. tignan mo next year atey mel, si pia wurtzbach na ang magiging miss philippines universe bwahahahahaha! knowing madame stella, ang bad lang pag si pia ang maging rep ng pilipinas sa miss u, tapos na ang winning streak natin kasi super normal ng itsura nya, typical caucasian woman. pustahan tayo atey? wahahaha

    ReplyDelete
  4. infairness dun sa last pica Bb. melanie, stand out si gabriella isler. ang ganda ganda nya huh or chaka lang talaga ng muk up ng mga binibinis natin? lol deserving si mj kahit halatang retoke masyado ng ilong nya lol love ko pa din sya kasi makikita mong may confidence, palaban.

    ReplyDelete
  5. binasa ko yun una sa predict mu.. ikaw n mela ...isa ka ng BABAYLAN ..TAMA ang hula mu na isa dun ay MU..

    ReplyDelete
  6. nagtaka lang ako teh, hindi man lang nakapasok sa top15 si kim suiza..napakaganda niya at elegante..puede pa nmn siya sumali..ang laki din ng potential niya

    ReplyDelete
  7. -Teh Anonymous 1, dapat sumali ulit si Lehmann. Nanghihinayang ako sa kumikinang niyang ganda.

    -Teh Anonymous 2, maganda ang Miss Supranational. Made in Europe at bonggels ang production. For sure pak na pak ang byuti ni ateh Yvethe dun!

    -Teh Anonymous 3, keri lang kung sasali ulit si Pia. Malay mo dinggin din ni Madam Stella ang hiling niya.

    -Teh Anonymous 4, teka at makabili nga ng Ever Bilena matte lepstek. Parang 'yun ang ginamit ni ateng Gabriela eh ahahaha!

    -Teh Anonymous 5, alam mo 'yan! Bawat taon may kanya-kanyang bets ang mga beks :D

    -Teh Anonymous 6, TREW! Kung ako ang papipiliin, mas prefer ko ang ganda ni Suiza kay Guidotti.

    ReplyDelete
  8. Parang mas maganda yata kung sa Miss World Philippines na lang sasali si Pia since winnerva ang mga mestiza doon.

    ReplyDelete
  9. i agree with most of the comments here.. Pia should try out for Ms.World Philippines, sayang ang freshness nya, pero i must admit, she doesnt have that spark like last year..

    i think Madam SMA is reserving Kim Suiza, Emma Tiglao, Kenneth Santiago & Laura Lehmann for future edtions of Binibini.. we can all see that they have it, pero very raw pa..

    ReplyDelete