Thursday, January 31, 2013

Preserve

Bukas ay buwan na ng mga puso. May ka-date na ba kayo? Ako, waley pa! Pero kung bibigyan ako ng chance ni Inang Dyosa, sa dinami-dami ng otokong pinagpapantasyahan ko, siya muna ang pipiliin ko...

Vince Ferraren for Bench Summer Break 2013
Ang wholesome kasi ng image niya kahit nakajubad. Bagay lang sa pagkakonserbatibo ko. Kumbaga, magka-candlelight dinner kami tapos ihahatid niya ako sa bahay bago mag-10 o'clock PM. Bawal hawakan ang kamay ko lalong lalo na ang halikan ako. I preserve myself to someone I will marry kaya magtiis muna siya.

Siyempre lahat ng sinabi ko eh hindi totoo. Makakaya ko ba naman 'yon eh ang sarap niya. Kili-kili pa lang, nanginginig na ako. What more kung naka-bripang na lang...

JUICE KO 'DAY! Nag-juice ang flower ko

Wednesday, January 30, 2013

Pintig

May kwento ako sa inyo mga 'teh. Kakauwi ko lang galing trabaho. Nakasabay ko 'yung crush kong Arabo na estudyante sa hindi ko pa alam na school. Basta pareho kaming sumasakay sa Ayala station pero nauuna siyang bumaba sa Cubao. Mga ala-siete ng umaga. Nakasakay ko na siya dati kaya ikalawang beses na 'to. Noong una, nakaupo siya habang nakatayo ako. May merlat siyang katabi na super takip ng ilong kasi umaalingasaw ang amoy niya. Hindi baktol pero parang putok. Nakayuko lang siya hawak ang kanyang bagelya. Nakasuot siya ng salaming pangbasa. Una kong napansin ang matangos niyang ilong. Sunod ang makinis niyang balat at ang patubong balbas sa kanyang mukha. At huli kong nakita ang kanyang mga mata... mga matang nagpabilis sa pintig ng aking puso. Tila nangungusap na siya'y aking ibigin. Sa tuwing siya'y kukurap, ang kanyang mga pilik-mata ay para bagang pumapaypay sa aking pepe. WET! Naputol ang pantasya ko nang siya'y bumaba na.

Photo courtesy of blog.neilrara.com
Naka-getover naman akez agad. Eto nga, kanina eh kasabay ko na ulit siya. May kasabay akong dalawang beki at napansin ko na nagsikuhan sila. Pagtingin ko sa aking likuran, siya pala ang tinutukoy nila. Kinilig atashi. Dumating ang tren. Punuan. Bumukas ang pinto. Lumabas ang ilang pasahero. Pumasok ako. Naghanap ng pwesto sa kaliwa. Sa kanan ang dalawang beks. Paglingon ko, sa kasunod ko siya. Eeeehhhh!!! Magkatabi kami. Humarap siya sa akin at humawak sa safety handle. Para akong sinampal sa amoy pero okay lang. Pogi naman siya. Ginawa kong air freshener ang aroma. Nakatagilid ako sa kanya kasi nahihiya me. Virgin kaya ako. CHOS! Tapos umayos na kami ng pwesto. Kahit hindi masyadong siksikan, nararamdaman ko ang pagbabanggaan ng aming mga braso. Minsan sinasadya ko kasi malandi ako tapos tinitingnan ko siya sa fes. "Kapag lumingon ka, akin ka" pahiram muna ng linya Aga Muhlach. Malakas ang loob kong tingnan siya kasi panay borlogs ang mga ohms sa tren. Hindi nakakahiya. Nakangiti pa ako para warm ang dating. Buendia. Guadalupe. Boni. Shaw. Ortigas. Santolan. Waley. Ayaw niya tumingin. Baka nahihiya. Crush siguro ako. Then Cubao. Fail.

Ang haba noh pero walang kwenta. Kapag pinayagan ng pagkakataon, pipicturan ko siya. Hindi lang pwede kanina kasi baka makita ako nung nasa likuran ko. Pero kapag nakasabay ko siya ulit, susubukan ko tapos magpapakasal na kami. AHAHAHAHA!!!

Monday, January 28, 2013

Usbong

Tila isang makahiya sa ating hardin itong si Pancho Magno. Umuusbong na pala nang hindi mo napapansin. Kapag napukaw ang iyong atensyon, iyong lalapitan at hahaplusin. Lalaking-lalaki ang kanyang dating. Ang inosente ng mga mata at kanasa-nasa ang tindig ng wankata.

Dapat pa siyang magkaroon ng maraming projects sa GMA 7 para naman ang mga Kapuso nating shupatemba ay patuloy na ganahan sa kanilang pang araw-araw na buhay. Bet na bet ko ang kanyang mga braso at tiyan. Pero mas bet ko ang kili-kili niya...

Parang ambango-bango de vaaahhh?! Kahit magdamag pa akong matulog diyan, 'di ko pagsasawaan. Magiging adik ako kakasinghot sa sarap! PAKAK!

Migz at Koko

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Migz Zubiri and Koko Pimentel
Muli silang magtutunggali ngayong eleksyon.

Isa lang kaya sa kanila ang mananalo?

Baka naman parehong uupo?

Maulit kaya ang pag-aagawan sa ika-labingdalawang pwesto?

Aray ko kapag parehong talo.

Sunday, January 27, 2013

Kontinente

Kahit nasa kabilang kontinente, todong updated pa rin ako sa paborito kong boyband ever... ang 911. Aktibo sa Twitter ang lead singer na si Lee Brennan. Hilig niya ngayon ang photography. Proud daddy si Spike Dawbarn samantalang madalang naman mag-tweet si Jimmy Constable. Keri lang 'yun dahil ngayong taon, mabubuo silang muli via UK's TV show The Big Reunion.

911
Makakasama din nila dito ang lima sa pinakamalaking pop bands noong 90's to early 2000's...

Friday, January 25, 2013

Fertilizer

Ang aga maghanda ng Bench para sa bonggang summer collection nila ngayong taon. Magrereklamo sana akiz sapagkat ninanamnam ko pa ang hamog sa umaga subalit napaatras ang dila ko nang makita ko ang masasarap na putahe tangan lamang ay kapirasong saplot...

Walang isang saglit eh todong namulaklak ang hardin ko. Tila diniligan at binudburan ng fertilizer. As usual, hindi nagmaramot si Jake Cuenca sa kanyang kasarapan kaya mahal siya ng 'sangkabaklaan. Bagong kinahuhumalingan ng ating lahi si Pancho Magno. Anlakas ng sex appeal niya lalo na kapag ngumingiti. At ang higit na ikinatuwa at ikinabasa ko, ang pagkuha ni Ateng Benchie kay Vince Ferraren. HOMAYGASH! Baka araw-arawin kong magbabad sa Bench stores at tumunganga lang sa posters niya.

Panoorin niyo ang behind-the-scenes at malerki sa iba pang eksena. 'Wag kukurap para hindi mapalagpas ang pagbukaka ni Pancho in his skimpy undies at pagpapa-kyut ni fafah Vince...

Thursday, January 24, 2013

Loren

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Loren Legarda
Olats sa pagkabise pero unbeatable sa senado. Mahalal kaya siyang muli?