So I watched this interview the other day dahil wala akong magustuhang true crime docu sa Netflix. CHOS! I've been thinking about that topic the past few years kasi ako mismo hindi na active mag-share ng ganap sa social media. Dati, may multiple posts ako in a day from selfies, to movies, music, books, friends, public places, food, inumin etc. Bukod pa 'yan sa halos araw-araw kong pagba-blog. Ngayon, maswerte na kung may post ako in a month. Kung hindi ko pa pipilitin ang sarili ko, wala akong post. Pero why need ipilit now? What haffen, Vella? Probably, nawala 'yung sincerity and fun at napalitan ng consciousness about likes and number of views? I didn't care about this before kaya post lang ako nang post, dedma sa anggulo at kung aesthetic shot ba.
Honestly, parang hindi naman applicable ang topic sa mga Pinoy kasi #1 consumer tayo ng social media sa mundo. Lahat ipo-post baka sakaling mag-trend, i-share, at ma-monetize. Maski sa burol naka-live ang iba. Pero bakit hindi ko na makita 'yung posts ng friends ko at halos lahat ng nasa feed ko eh mga hindi ko kilala o fina-follow? Minsan akala ko picture lang pero pag-click ko, Shopee/Lazada link pala. KALOKA! 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit kinatatamaran ko na mag-scroll ng feed kasi itong mga public pages na ito ang priority ng apps imbes na mga kaibigan ko. More more share na lang sa mga group chats kasi rekta sa kanila. Mas nagagamit ko pa 'yung search history ko kasi nandoon 'yung mga profile na bet ko balik-balikan. Umay sa mga online celebs at promoted pages!
No comments:
Post a Comment