Monday, April 18, 2011

Customer

Binibining Melanie goes to...

Direk Monti Parungao and the boys of Barako
...the Barako shoot.

May bagong pelikula si Lex Bonife at nag-imbita siya ng kanyang mga avid readers para masaksihan ang paggawa nito. Naghulog ako ng aking raffle tiket sa tambyolo at swerting nabunot itey. PERFEK! Sampu kaming nanalo ng grand prize ngunit subalit datapwat pito lamang kaming nakarating. Maigi na kesa wala di vaaahhh!?!

Sa pitong nagwagi, ako yata ang naiba. Ako lang kasi ang mujer na mujer ang itsu (ambisyosa!). Naka-EB Advance Two Way Cake ang fes ko, may HBC eyeliner pen pa ang eyelilet ko. Hindi pa ako masyadong handa niyan kasi nakalimutan kong maglagay ng blush-on at lepstek. ECHOS!

Nangailangan si Lexie ng mga extrang tao na pupuno bilang customer sa isang eksena. Dahil wala naman na akong hiya sa katawan, nag-volunteer na aketch kasama ang tatlong iba pa. Nagbigay ng blocking at instruction si direk Monti Parungao kung ano ang gagawin namin. May linya pa watashi. Aba, matutupad na yata ang pangarap kong makamit ang bonggang Oscar trophy. CHAREEENG!

Johnron Tañada
Matapos kong gumanap bilang customer, isang challenging role na naman ang binigay sa akin... ang maging customer ulit. Dito na namin nasaksihan ang tinutukoy ni Lexie na "revealing" act ni Johnron Tañada with company. Witchells kong ispluk ditey kung ano ang naganap. Panoorin niyo na lang nang masaksihan niyo ang eksenang ikinawala ng aking ulirat.

May ilan ding nakakilala sa aking masarap na byuti. Natutuwa ako at kahit papaano ay naaaliw at natatawa sila sa aking mga handa. Hindi ko nakuha ang mga pangalan nila ngunit kung nababasa niyo itech, thank you so much. May Wow! Mali moment pa nga ako. Habang nagte-thank you ako dun sa isang reader, nalaglag sa ngangabash ko ang  ningunguya kong chewing gum. YAK! Kaderder! Dyahe to the todo level! Pero chika lang 'yun. Hindi naman 'yun ang first time. AHAHAHA!!!

Lex Bonife and Bb. Melanie
Nagpapasalamat akong muli kay Lex Bonife sa pagimbita niya sa amin. Natutunan kong hindi biro ang bumuo ng isang pelikula na tight ang budget at oras. I'm glad that the working environment na aking nasaksihan ay very healthy at masaya. Nawa'y maulit ang ganiteng eksperyens.

9 comments:

Anonymous said...

teh, parang ricky lo ang dating! may press visit ang ateh koh??? luvet!

Erick Garcia said...

Ang sarap pa rin ni Johnron.

Anonymous said...

hahaha, kongrats Miss M. ibang level n yan, kakaaliw at isa k sa nagwagi, sana masundan pa yan, hamo at kasali ako sa magiging Fans mo. Nood tayo pag showing na ang ist movie mo huh!

Tidyong

salbahe said...

ang ganda nman... level-up, artista ang bb., luvet... magtatayo na ba ako ng fans club... as in now na.........

Anonymous said...

Hi teh melanie! Musta? Isa aq sa mga kasama mong na invite mag visit sa shoot:) hahahaha katuwa talaga yung experience natin last saturday night:)Nice meeting you:) Celso

Anonymous said...

ey melanie nakita mo na ba ang trailer? grabe close-up ka talaga... hahaha

Danny from Davao

Anonymous said...

si john mark po ba yung nasa gilid ng pivture? nasa movie siya? yung may tatoo

Melanie said...

-Nakita ko na Danny. NAKAKALOKA! :D

-Teh Anonymous April 30, 2011 6:53 AM, Marcus Aboga po yung name nung may tattoo.

horcrux13 said...

ang taray mo naman teh melanie!! ikaw na! :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...