Saturday, January 19, 2013

Defrost

Ang haba ng borlogs ko ngayon mga 'teh. Todong nashogod yata ang katawang lupa at utak ko sa dami ng mga bagong termino na pinag-aralan ko sa loob ng limang araw. May mahigit sampung araw pa akong mag-aaral. Wit sana akong matuyuan ng neurons. CHOS! Ang lamig din ng panahon. Na-late yata kasi dapat ganito ang weather kapag magpapasko de vaaahhh?! May nagpapainit ba sa inyo? Pwes ako wala kaya 'wag kayong mang-inggit. Magkukumot na lang akez. ANG PAIT!

Delayed din dumating ang Christmas gifts ko for myself na inorder ko online. Nalerki yata ang QC Post Office sa dagsa ng padala mula sa iba't ibang panig ng mundo kaya 'di magkamayaw ang mga kartero sa dami ng padadalhan ng notice.

Simula umpisa, sinubaybayan ko ang Twilight series. Balak kong kumpletuhin ang DVD copies ng limang pelikula. Todong nadismaya ako sa DVD version na ini-release ng Viva Video para sa unang installment. Hindi kasi widescreen kaya umangkat pa ako sa Amazon. Sulit naman dahil bonggang three-disc deluxe edition ang nakuha ko sa moraytang halaga. Sa eBay ko naman inorder ang DVD ng A Frozen Flower ni fafah Jo In Sung. Kung pinapantasya niyo ang Korean actor na 'to, 'wag niyong palampasin ang pelikulang itech. Made-defrost ang frozen flower niyo sa dami ng kangkingan ditey. SARAP!

Binigyan din ako ni Ateh Paul ng gift. Tekaluk...

Punong-puno 'yan ng piktyurakas at impormasyon tungkol kay fafah Robert Pattinson. Ang gwapo talaga niya. Kung ako din si Kristen, gagawin ko ang lahat 'wag lang siyang mawala sa aking piling... matapos kong tumikim ng ibang putahe.

3 comments:

eric said...

Binibini, ano ang say mo sa a frozen flower?

Melanie said...

Teh eric, very good sa akin ang A Frozen Flower. Maganda na ang istorya, bongga pa ang production!

Anonymous said...

Teh karamihan sa atin eh pinagtawanan ang global warming. Kaya ayan ang epek, beginnings pa lang yan baka dumating yung time na mag-snow na! pero kung nanyari yan maraming magkakasakit dahil hindi tayo snow country. At parehas tayo ng sitwasyon! ehehe patikim din!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...