Thursday, January 17, 2013

JV

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Joseph Victor "JV" Ejercito Estrada
♫ Iba na ang kabataan
May silbi't pag-asa
May pusong nakalaan
Tungo sa ginhawa ng lipunan... ♪

Makuha kaya niya ang boses ng Youth of the Nation?

27 comments:

  1. WIT!!!

    (Teh Melanie, suggestion...imbes "oo" or "hindi" ang ilagay dito, "win" or "wit" na lang! Keribelles? Hihi)

    ReplyDelete
  2. Hindi.

    Mukah kasi syang side-kick ni Satanas. Charaught!

    ReplyDelete
  3. Another Estrada in the politics ang father running for mayor in manila then the two son sa senado. A big NO to this person enough one Estrada in the senate.Ang Father from Mayor to Senator to vice Pres to President then to Mayor...ONLY IN THE PHILIPPINES. MORE FUN IN THE PHILIPPINES...
    EM.

    ReplyDelete
  4. A big NO. Kung sila nga mag stepbrothers nagpaplastikan, what kind of service to the nation can you expect from him/them(2)

    ReplyDelete
  5. Never. Political dynasty of a corrupt family.

    ReplyDelete
  6. a BIG NO HINDI NUNCA

    ReplyDelete
  7. Even me, a big big NO.. hindi tanga ang sambayanang Pilipino para ibalik ang lahi ni "Jose Velarde" noh? (though, malakas sila sa survey), but for me a big big NO. Pumili na lang tayo ng malinis ang pangalan... from Antonia of KSA

    ReplyDelete
  8. kung mahilig lang sana ako sa basura, si jv ang iboboto ko, buti na lang hindi.

    ReplyDelete
  9. YES! basta estrada panalo yan!

    ReplyDelete
  10. hindi naman masama kung buong pamilya ang gustong makatulong.. mas marami nga silang magagawa kapag nagkapit-bisig! OO para kay Rep. JV Ejercito-Estrada!

    ReplyDelete
  11. YES na YES na YES...

    Guys si JV ay isa sa karapat dapat.,at tunay na maasahan.. You can check his track record and achievements mga teh PAK na PAK..:)))

    ReplyDelete
  12. YES!

    Bakit hindi ninyo bgyan ng pagkakataon si JV na patunayan sa inyo na hindi siya gaya ng inaakala ninyo..

    Madam Melanie, sana payagan po ninyong ma post ang comment ko..para po hindi puro NO ang nandito,..tanggaopin din po ninyo sana ang mga taong naniniwala sa kanya.,SALAMT po

    ReplyDelete
  13. A big yes! di hamak na mas maraming tao na ang natulungan ni JV. at kung maka pang husga kayo ng tao akala napaka lilinis nyo.. sabi nyo ayaw ng pol dynasty hehehe wala na kayong iboboto dahil lahat halos ng kandidato ay galing sa pamilya ng mga politico... ang pinagkaiba lang ay ung may nagawa na at ung iba mangangako pa lang..-Cathanna

    ReplyDelete
  14. yeS SEMPRE kasi kmi updated kmi kung sino yung mga totoong mga nagwowork as a government official at ndi yung basis lng ay yung mga past na pangyayari :) tsk kaawaawa kayo :)

    ReplyDelete
  15. HAhaha mga bitter oh.ako yes sempre alam ko at nkita ko na mga kya at ngwa ni Cong. JV sa san juan kya no doubts about it :) mga looser mga nag NO. kasi wla kau alam sa mga current events haha.your basis is still the past record of his dad :) kaawaawa nmn kayo :))

    ReplyDelete
  16. ako yes sempre. you can check the track record of JV Ejercito at mkkta nio lhat ng mga napasa nia na batas mas madami pa nga ang nagwa nia batas kaysa sa presidente nten ngaun ee :)))

    ReplyDelete
  17. Hoy!bat nio inaaway idol ko mga ungas tong mga to!paguupakan ko kau ee.hanap kau ng kausap nio naturingan may pinagaralan kau ndi kau marunong gumamit ng google pra magresearch huh. ako yes na yes pa sa yes ang sagot ko jan .!

    ReplyDelete
  18. Aba.nmn tlga oh dami JV Haters dito?sorry JV Lovers kmi ee :)YOU PEOPLE SUCK THOSE WHO SAY NO!

    ReplyDelete
  19. hahaha... na-informed ko lang ito sa fb account ni JV, nag-YES-comment na lahat ang kanyang mga followers at "tagapagtanggol" (anak, pamangking, barkada ng anak, pinsan, etc.).. BIG NO TO TRAPO...

    ReplyDelete
  20. marami na nagpapatunay na malinis ang hangarin ni cong jv hindi lang mga kaibigan at ka pamilya mga nakakarami sambayanang pilipino...bakit d nyo tingnan mga marami nagawa ni sir jv estrada ng marealized nyo na mabuting tao sya..

    ReplyDelete
  21. hindi trapo si cong jv marami na xa napatunayan at natulungan dahil sa ugali nyan na makamasa at maka pilipino..namana nya sa ama na si pangulong estrada mga estrada subuk na ng sambayanang pilipino kaya..kaya nga ang ama nya ay tinawag na ama ng masa sa dami na ngmamahal sa kanila..

    ReplyDelete