Tuesday, June 4, 2013

Pruweba

Nakakaloka ang todong pagsabog na nangyari sa Two Serenda noh?! To think na napakashala ng lugar kung saan nakatayo ang condo na 'yan at Ayala pa ang may ari. Pangarap ko pa namang magkaroon ng unit diyan tapos bigla na lang mababalita na sumabog itey. Tatlo pa ang nateggie. Sumalangit nawa.

Ayon sa bonggang investigayshon, wala daw pruweba na binomba ang lugar. Baka daw gas leak sabi ng tsismosang palaka. Wow! Parang Glorietta 2 lang ang peg. Sa pagkakatanda ko, septic tank yata na puro chemical gas ang sumabog sa mall na nabanggit. Marami din ang namatay at nasugatan diyaan.

Kung wititit bomba, ano ang dahilan at nagiba halos ang pader nung unit? Watusi? Pla-pla? o Goodbye Pilipins? Ay! Ayoko na makialam at baka hagisan na lang ako bigla ng Goodbye Bading. Scared me.

1 comment:

Anonymous said...

Bb Melanie,

Nakaka lowka talaga ang insidenteng yan noh? Sana wag mangyari sa ibang lugar na matao. Or else baka maraming mateggy at masaktan. :(

Olga Luxuria

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...