Thursday, June 20, 2013

Dalampasigan

Nahuhumaling pa rin ako sa panonood ng mga pelikula noong early 80's. Mga panahong hindi pa tumutubo ang aking bulaklak. Pero hindi lahat ay pinapanood ko. Importante na bet ko ang bida kesohodang chaka ang istorya. Kung dati ay si Ate Guy, ngayon eh si Maria Isabel Lopez ang tinututukan ko. Nauna na ang Silip, sunod ang Isla...

Courtesy of Video48
Isla (1984)
Viva Productions
Directed by Celso Ad Castillo
Screenplay by Jose Javier Reyes
Starring Maria Isabel Lopez, Joel Torre and Anna Marie Gutierrez

Si Isla (Lopez) ay nais makaalis sa isla kung saan siya pinalaki ng kanyang lolo't lola. Gagawin niya ang lahat para ito'y mangyari kahit na magpagamit siya kung kani-kaninong ohms (na hindi masasarap). Winawalangya kasi siya ng kanyang lolo. Ilang beses sumubok tumakas pero wa epek. Hanggang sa dumating sa bahay nila ang grupo ng mga NPA at nakilala ang hikaing si Sonny (Torre). Sa umpisa, hinahagod niya ang likod nito para mapahupa ang sakit pero kinalaunan, siya na ang hinagod nito sa dalampasigan. PARA-PARAAN! Ngunit muli siyang nabigo dahil nabaril ito ng sundalo. Back to the arms siya ni lolo. Dumating ang karnabal sa isla at sumakay sila sa ferris wheel. Ang bilis ng ikot! Eh mahina na ang puso ng lolo niyo kaya after the ride, teggie agbayani. Sa tuwa ni Isla, nagpagulong-gulong siya sa dalampasigan with her whole nakedness.

"Tsaka gusto niya akong pakasalan. Ayoko sa kanya. Mukha siyang tinapa.
Marumi mga kuko niya sa daliri. Maasim ang kanyang hininga.
Madaiti lang ng kamay niya ang katawan ko'y gusto ko nang masuka."
Maganda sana kung malinaw ang kopya ko pero ang dilim. Karamihan ng eksena eh sa gabi pa yata kinunan kaya kailangang itodo ang brightness ng TV. Medyo nakakainip kasi ang haba nung pelikula. Wala masyadong istorya kaya wala na akong masasabi pa.

Rating: 2/5 stars

2 comments:

  1. ateng melanie, alam mo bang si direk joey (jose javier) reyes ang sumulat ng script nyan? hit na hit ang movie na yan sa film center noon. pero wiz. puro mga ngetfa at tanders na mhin ang nagjubad. hahahaha

    ReplyDelete
  2. Teh Anonymous, nung nabasa ko nga sa opening credits 'yung name ni direk, taas agad ng expectation ko sa pelikula. Trew ka diyan sa comment mo sa mga ohms ni Isla. Kaumay sila! :D

    ReplyDelete