Saturday, January 11, 2014

Dalawang Oras

Sa tuwing tayo ay magkikita
Puso ko ay napupuno ng saya
Paborito kong damit ay isusuot
Iwiwisik ang pabangong manunuot

Bubuksan ko ang pintuan
Patungo sa walang hanggang kaligayahan
Kutis mong pinanabikan
Akin nang madadantayan

Ngunit ang habang buhay na inakala
Sandali lang pala madarama
Ang dalawang oras na aliw
Tapos na pala aking giliw

2 comments:

Edgar Portalan said...

nice poem ateng ... jan ako mahina sa rhyme he he ...

Ponse said...

LIKE!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...