Thursday, January 30, 2014

Apology

Image from www.mytakeondisney.com
Wala na daw visa-free visit ang mga Pinoy officials at diplomats sa Hong Kong. Dahil daw 'to sa hindi naibigay ng ating gobyerno ang hinihingi nilang public apology sa nangyaring hostage-taking noong 2010. Sariwa pa sa alaala ko ang pangyayaring 'yon. I-broadcast ba naman ng live sa TV eh. TSK! Laking damage ang idinulot sa turismo natin. But don't worry sa mga ateng like us dahil wit tayo affected diyan. Basta may dats ka eh makakarating ka pa rin doon kahit waley visa.

Nako, paano na sina mam at ser na diyan mahilig magsha-shopping gamit ang kaban ng bayan? Sana todong higpitan ang pagbibigay sa kanila ng visa. Mas maganda kung ma-deny sila pwera lang ang mga opisyales na tumutulong sa mga kababayan nating OFW doon. At 'wag sana silang magamit ng mga pulpulitiko sa pansariling interes makapamasyal lang sa Disneyland. AMP!

3 comments:

  1. Ateng, paki-clarify lang. Ang mga government officials and diplomats lang ang nangangailangan ng visa? So, gorabels parin ang mga GAYa nating mga normal citizenry ng Felefen nation kahit wit visa? Salamat.

    ReplyDelete
  2. ang mga intsek hindi makalimutan ang mga nangyari sa mga nagdaan taon ayaw humilom ang masakit na nagdaan... hindi kagaya ng mga pilipino second lan limot na ang mga nagawa mu mabuti man o masama o hindi ka na kilala kung sino ka

    ReplyDelete
  3. -Teh Anonymous 1, TUMFAK KA DIYAN! Sila lang ang kailangan mag-apply ng visa at wit tayez.

    -Teh Anonymous 2, true! Madaling maka-move on ang mga Pinoy which is somehow may advantages at disadvantages.

    ReplyDelete