Tuesday, November 11, 2014

Dutdutin

Kapag araw ng swelduhan, nakakaloka ang pila sa ATM lalo na kapag BDO o Metrobank ang card mo. Gustuhin mo mang gumamit ng ibang bangko eh nakakapanghinayang ang kinse pesos na charge. Minsan made-debit ka pa. Imbey din kapag 'tong nauna sa'yo eh multiple withdrawals ang ginawa. Todong atat ka nang mag-withdraw pero ang daming transaction ni ate! Ambagal pa niyang gumamit ng machine. Naka-relate ba kayo? :D

Buti na lang nitong katapusan, sa Landmark ko pinili makipila. Malamig na, may music pa. During that time, R&B covers ang umeere like Angel of Mine, Officially Missing You and At Your Best. What makes it more interesting eh ohms ang kumakanta at tunog forenjer. Kaya naman pagkatapos kong dutdutin ang ATM eh dumerecho ako kay ateng sales clerk para malaman kung anong CD ang pinatutugtog nila. Eto pala...

Released by Ivory Records in 2012, Soulfully Yours is a collection of soulful covers of the biggest R&B hits. Most of them are from the 90's kaya feel na feel ko. At Pinoy pala ang singer. Akala ko nung una si Thor pero the name is Myke Salomon. Sounds family? Member siya ng The Akafellas at first runner-up sa Mossimo Bikini Summit 2004. Jowa niya yata si Ehra Madrigal. Bumi-beatbox din ang lolo niyo.

Hot! Hot! Hot Myke Salomon ♥
Here's one of my faves from the album, a Shanice original, Saving Forever For You. Grabe, nakaka-inlove ang version niya...


Soulfully Yours is available in all leading record bars nationwide for only 150php.

6 comments:

Anonymous said...

Miss M, patawarin sana ako ng Panginoon pero grabe ang l*bog ko habang nakikinig sa version nya. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Anonymous said...

Miss Melanie, he is also a triathele and a theater actor. His last project was Rak of Aegis. Follow him on IG @mykesalomon for more topless pics lol

PS - thank u for keeping me entertained with your blog. I have 3 words for you - todo sa bongga! Madalas kita makita sa Munoz area but never had the chance to introduce myself or ask for a fansign..wuw! LoL hahaha I am from Proj 8

MC said...

OMG! nagmumura at nakakapagmura ang hotness niya. ahhahaha. Teh, bibili rin ako sa sweldo ko haha :P

Allen Reyes said...

Available po ba for DL tong album n to?

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, naku! Kelangan ipahilot kita kay Mang Kanor. Siya lang ang tanging makagagamot sa iyong nararamdaman ahahaha!

-Teh Anonymous 2, salamat sa more information ;) Madalas nga ako sa Muñoz. Diyan ako namamalengke.

-Teh MC, push mo 'yan! Maganda ang buong album.

-Teh Allen, sa CD lang yata available.

Anonymous said...

baka yung matagal sa atm ay walang nagti trip lang gawing personal ipad ang machine at natutuwa sa touch screen. pagpasensyahan na, pg lang, lol.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...