October 18. Huling buong araw namin sa isla. May compli breakfast ang hotel pero good for 2 lang kaya sina
Chris at
Joe na lang ang kumuha. Sa
McDo kami lumafang ni
Jamie at pinasunod 'yung dalawa. Bet daw nila mag-activities bilang last day na. Go with the flow. Una dapat
Banana Boat pero nauwi sa
Island Hopping. While waiting for the availability of bangka, nag-
Helmet Diving muna sina Chris at Joe. 'Di na sumama si Jamie kasi na-experience na daw niya. Wiz ko rin feel kaya sila na lang.
|
Akala mo ang sarap pero ang init ng upuan na 'yan! |
Habang naglalakad sa ilalim ng dagat 'yung dalawa, rumampa muna kami ni Jamie papuntang Station 4. May shala din palang hotel banda sa dulo. Kumpara sa Station 1, medyo malalim agad ang tubig ditey. Upo muna sa reclining chair at pa-picture. Kunwari nagsa-sunbathing pero 'di naman.
|
So sume-selfie kayo... |
|
...kami din ☺ |
Matapos ang non-stop photo op, namahinga muna kami sa tabi ng mga ateng na nag-aantay ng customers. Hindi sila mga pokpok dahil tanghaling tapat ito. Waiting sila sa mga gustong umavail ng activities. Sabi ni ateng naka-iPhone, palagi silang may nakikitang artista. Padaan-daan at 'di masyadong pinapansin. Si
Kris Aquino daw sa
Shangri-La nag-stay kaya 'di nila nakikita.
|
Sino naman 'yang kinakawayan mo diyan Jaime? |
Dumating si
Ate Inday, 'yung contact namin. Andiyan na daw 'yung bangka. Tamang-tama at kararating lang nung dalawa sa paninisid. Sumakit daw ulo ni Chris sa matinding pressure.
YAY! Una naming destination,
Puka Beach. Ang linaw ng tubig kahit nasa gitna na kami. Kitang kita ang corals ang fishes down there. Kalalagpas lang namin sa famous mansyon ni
Pacquiao ng maramdaman naming lumakas ang alon. At patuloy na lumalakas. Nagtilian na kami.
NAKO! Pinaatras na namin at baka bumaligtad ang sasakyan.
|
Shangri-La yata 'to... |
|
...tapos eto 'yung kay Pacquiao |
Binagtas namin ang Station 1 to Station 4.
JUICE KOH! Ang layo pala ng nilalakad namin. Kaya naman pala halos kalyuhin ang paa ko. Ang nagagawa nga naman ng pagha-hunting sa afam oh! Sabi ni kuya bangkero, mag-Snorkeling daw kami.
OMG! Paano na ang sirenang tulad ko na 'di marunong lumangoy? Keri lang daw at may life vest. Lulutang pa rin kami. Sinegundahan naman ni Jamie palibhasa marunong lumangoy.
TSEH!
|
Bakit kulang kami? |
|
Aaahhh busy pala sa kanyang water-proof ketay ahahaha! |
Huminto kami sa isang mini-island malapit sa daungan ng bangka. Dito daw kami sisisid. Nung una eh kyorkot pa akiz pero nung tatlo na silang lumulutang sa tubig, go na ako. Pinahigpitan ko muna kay kuya ang vest sabay suot ng head gear. Head gear oh! 'Di ko alam ang tawag eh ahahaha! Sight sight ng mga lamang dagat sa ilalim. Bongga sa ganda! Ang sasaya ng mga fish while they're eating hinimay na buns. Nakakangalay kumampay ng paa sa dagat. Dapat pala nag-
Skelan muna kami. Dito na kami nagtagal. At dahil lagpas alas-dos na at 'di pa kami nanananghalian eh dito na nagtapos ang activity.
Tatapusin...
wow Boracay talaga ... Todo Sa Bongga si Mel ... at two piece talaga huh ... ikaw na teh
ReplyDeletenasaan ang mga boylets???!!!!!!!!!! nakakaloka!!!
ReplyDeleteHalata ngang mainit yung upuan, parang naninigas yung body mo! Tiis ganda. Pero keribels naman, nagmukha kang Barbie!
ReplyDelete-Teh Edgar, two piece pampaakit sa afam ahahaha!
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, nagkaubusan yata ampucha! Wala akong naharbat :'(
-Teh AnonymousBeki, para akong prinito pagkaupo ahahaha!
Teh! sino yung may hawak ng phone? Curious lang, patingin nga ng Fb parang kilala ko. charoooooot ahhaha :P
ReplyDeleteTeh Mc, siya ba talaga ang titingnan mo sa FB? Alam ko iba ang palagi mong tinitingnan dun eh ahahaha!
ReplyDelete