Maagang pamasko din na nakapasa ako sa training at sa wakas ay nakapirma na ng bagong kontrata sa Star Cinema. ECHOS! Tuluy-tuloy ang pagkayod para sa pamilya. Rest day ko ngayon at bilang walang magawa, nanood muna ako ng pelikulang mumu. Pahabol sa undas.
"Kung 'yang lupa na paglilibingan sa'yo pinagseselosan ko! Ayaw kitang ibigay sa lupa, diyan pa sa lalaking 'yan!" |
Thalia: Sa Bawat Lamig ng Gabi... Nandito Ako (1997)
Golden Tower Films
Written and Directed by Artemio Marquez
Starring Amado Cortez, Gloria Sevilla, Leo Rabago and Rita Magdalena
Isang pintor si Leonardo Amorsolo (Rabago) at kasama ang kanyang kapatid ay nangupahan sila sa mala-mansyong bahay ni Dr. Santiago (Cortez). Inabandona ng doktor ang lugar matapos mamatay ang esposa nitong si Thalia (Magdalena). You pronounce it as Tal-ya not Tha-lee-ya.
Leo Rabago as Leonardo Amorsolo |
Sa unang gabi pa lang ng magkapatid ay nagparamdam na agad si Thalia. Pagkagising kinabukasan ay tumambad sa kanila ang bonggang painting ng isang babae. 'Di maalala ni Leonardo na ipininta niya ito pero pagkakita pa lang eh agad siyang nahumaling sa imahe.
Konting back story. Todong mahigpit na asawa si Santiago. Matanda na kasi kaya insecure at seloso. Tumakas si Thalia para makipagbonding sa mga friends. Nahuli siya ng asawa at nakatikim ng sampal. Kinagabihan ay ginapang siya ng dating kaklase at tinangkang halayin. Pinilit niyang manlaban pero napatay siya sa sakal. Dahil sa sobrang pagmamahal ay 'di siya pinalibing ng asawa bagkus ay inilipat lang ng ibang bahay. Dito lang ako nakakita ng bangkay na nakakaupo mag-isa.
Rita Magdalena as Thalia |
Naiwan ang kaluluwa ni Thalia sa mansyon. Natipuhan niya si Leonardo at nilandi ang lalaki sa panaginip. Nakipagsayaw, nakipaghalikan at nakipag-churvahan. Nanalangin si Leonardo na sanay maging katotohanan ang kanilang pag-iibigan. Anong ginawa ng makiring kaluluwa? Bumalik sa kanyang bangkay at ito'y binuhay. NAKAKALOKA! Nalaman ni Santiago ang pagtataksil kaya napasugod siya sa mansyon na may dalang bomba. Tinangka siyang awatin ni Thalia pero nalaglag ang bomba at nasabugan silang dalawa.
Oh de vaaahhh? Kakaiba ang istorya. Shocked nga ako sa ending eh. Parang pla-pla lang 'yung sumabog pero durog silang dalawa. Nakakatawa 'yung ibang eksena lalo na kapag ngumingiti si Rita Magdalena. 'Di mo malaman kung nakakaakit o nakakaloko lang.
Rating: 1.5/5 stars
where on earth is rita magdalena?
ReplyDeletebwhahahah/... superlolo ata teh hindi plapla. ahhahaha
ReplyDeleteHello po, ano po real name ng kapatid ni leonardo amorsolo?
ReplyDelete