Wednesday, November 25, 2015

Bad Blood

Finally, Mayor Duterte is now running for one of the highest posts in our land. Matapos magpakipot, magpabebe at magpapilit eh tatakbo din pala. I just didn't like his reason to run... Grace Poe. Wit daw niya bet na Kano ang mamumuno sa ating bayan. Ako'y naguguluhan. Baket? Kasi noong kakadeklara palang ng PoeChiz tandem, napanood ko sa TV na sinabi niyang gwapang pareha daw ang dalawa. Ngayon, bakit parang may bad blood na between them?

'Cause, baby, now we got bad blood
You know it used to be mad love
So take a look what you've done
'Cause, baby, now we got bad blood
Hey
Now we got problems
And I don't think we can solve them
You made a really deep cut
And, baby, now we got bad blood
Hey

Sakto 'yung kanta ni Manay Taylor sa kanila. Kuda ni Grace Poe, according to Mommy Susan eh 'wag daw pumatol sa matatanda. I agree! Siyempre, bilang lalaki, dapat lang na ipagtanggol ni Chiz ang kapartner. 'Wag daw gawing dahilan ni mayor si senadora sa pagtakbo. Tama rin!

I'm not really against Mayor Duterte. Silang tatlo lang nina Mar at Miriam ang feel ko kung pagiging lider lang ang pag-uusapan. Pero sa dinami-dami ng rason, talagang si Grace Poe lang? Hindi ba pwedeng may maganda siyang plano for our country? Hindi ba pwedeng gusto niyang maging kasing disiplinado ng mga taga-Davao ang buong Pilipinas? Hindi ba pwedeng pinakinggan niya ang hiling ng mga bonggang supporters at naniniwala siyang kaya niyang pamunuan ang ating bansa? Si Grace Poe talaga? Paulit-ulit ako? CHAR!

Hay nako, less than 6 months na lang at eleksyon na naman, Totodo na ang siraan at batuhan ng tae sa kanilang mga mukha. This is going to be dirty, I can feel it! Parang ito lang...

8 comments:

Edgar Portalan said...

Hay naku , like ko sana si Duterte kaso sa kapapalit palit ng utak niya at walang isang salita para siyang babeng hindi alam kung ano unahin niyang gawin iihi siya o tatae when in fact pwede naman niya sabay gawin hayzzz

AnonymousBeki said...

Honestly nababawan ako sa reason niya pero hindi naman nabawasan respect ko sa kanya. Keber na ako sa kaniyang rason sa pagtakbo dahil sure naman ako na kaya niyang ayusin ang Pilipinas 'pag siya ang naging presidente.

Anonymous said...

im going to vote for duterte, dati nung ayaw ni duterte, si miriam na ang next kong choice. kung sakaling hindi din si miriam. kay roxas ako. then kung wala din si roxas, waley ako iboboto. ive never eva like binay, na-turn off at two face naman si poe at waley pa experience masyado kaya big no.

Panjee Gonzales said...

Ate Mimilanie, the president is NOT the highest post of our land.

We are a democracy and there are 3 co-equal branches of government - Executive (President Abnoy), Legislative (Speaker of Senate/Congress) at Judiciary (Supreme Court).

Pantay-pantay ang mga hitad na yan.

Anonymous said...

kasalanan ni keso bakit meron tayong, nognog pandak ek ek na vise...

Anonymous said...

hmm, okay na sana si Duterte kahit na noong hindi pa siya nagdedeclare at parang nagpapakipot-pabebe pa lang, kaso itong parang ginawa niya na lang dahilan si Poe -- ang labas kasi parang ginagamit niya lang din ang isyu ni Poe for media mileage at dati pa naman talaga niya balak tumakbo, kailangan lang ng dagdag spotlight sa pagdeclare niya para maingay at makahatak pa ng mga botante kaya naturn-off ako kasi akala ko LALAKENG_LALAKE siya kaso sa ginawa niya... haaayyy


pero hindi ko pa rin iboboto si Binay hahaha


Nagmamahal, Elphaba

Anonymous said...

Ok sya sakin before teh kaya lang now na nag file na sya finally nayayabangan na ko sa knya humble lang dapat eh si grace poe tinitira na nya eh

Melanie said...

-Teh Edgar, we share the same sentiments. Mahirap ang ganyan sa gobyerno. Sala sa init, sala sa lamig.

-Teh AnonymousBeki, sana maging kasing disiplinado ng mga taga-Davao ang buong Pilipinas if ever na siya ang manalo.

-Teh Anonymous 1, I like your choices. PAK!

-Teh Panjee, thanks for reminding me. Papatayin ako ng Social Studies teacher ko kapag nabasa 'to ahahaha! Ayan, binago ko na *kisses*

-Teh Anonymous 2, sinabi mo pa! Kaya wit ko talaga siya feel!

-Teh Elphaba, what a weak reason to run for presidency, di vaahhh?!

-Teh Anonymous 3, hindi ko nga rin ma-gets kung bakit niya tinitira si ma'am eh bet naman niya dati. KALOKA!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...