As I grow old, I realized na hindi siya nakakatulong ang nega posts ko, bagkus, nakakasama pa. I realized na hindi naman lahat, dapat isinasambulat sa madla. There are things that we need to keep to ourselves. Hindi lahat, dapat pinapakialaman. Mas lalo na kung wala namang tayong konkretong kaalaman sa isang pangyayari o sitwasyon. Kumbaga, abuse of freedom of speech.
So here's what I'm gonna do - as much as I can, I will post feel-good status sa Facebook or social media. Para lang maiba. Para pampagaan ng araw. Para masaya. 'Yun naman ang mahalaga, 'di ba?
I'm not gonna promise na 100% eh ganyan lang ang posts ko pero dadamihan ko. Kung may nega comment man ako, sasarilinin ko na lang or might as well, create another account na private at walang friends - para lang mailabas ko ang saloobin na hindi nangangailangan ng like, views at share. Kumbaga, 'wag nang mandamay sa nega vibes.
Eto ang una - masarap talagang mag-food trip sa palengke. Tabi-tabi lang ang kakainan at mura pa! Nakarami ako ng isaw at baga. Nauhaw ako kaya bumili ako ng buko juice sa plastic. Hindi pa ako na-satisfy kaya banana Q naman ang nilantakan ko. Haaayyyy... sarap kumain. Next year na ako diet. Sayang ang handa sa Pasko at Bagong Taon.
Ha ha kumakain ka rin pala ng street foods just like me he he he ... apir tayo jan Ateng : )
ReplyDeleteLahat tayo ay may ngasngas at nguynguy sa buhay, maliit man o malaki. Ang iilan sa mga arte natin sa life ay maaaring walang sense para sa ibang tao kaya better na sarilinin na lang. Relate ako madame about sa facebook nega posts. Marami din akong nababasang ganyan. Ka-imbyerna yung mga taong kahit ultimong ingrown problem ay ipo-post pa as if naman may pakialam yung mga makakabasa.
ReplyDeleteAko, as much as possible, hindi ako nagsusulat ng may halong galit o uyam sa aking blogey dahil alam ko na people expect to read some light, fun, and entertaining sa internet because that's their way to relax after a stressful day. Kung magpo-post ako ng kanegahan then hindi ako nakakatulong bagkus nakadagdag lang ako sa kanilang mga problema.
There are some constructive ways naman to vent out our anger without affecting anyone. Example na diyan yung ginawa mo madame wherein gumawa ka ng private fb account. Effective 'yan. Ako naman, ang ginagawa ko ay nagsusulat ako ng mga hinaing ko sa phone ko kung saan ako lang ang makakabasa. Then delete na lang afterwards. Ang importante mailabas ang nararamdaman.