Thursday, November 12, 2015

Trak

Image from GMA News
Ginabi ako ng uwi kanina. Medyo napa-OT sa opisina, naabutan ko tuloy ang mga naglalakihang trak sa kalsada. Patawid na ako para sumakay ng jeep nang biglang may batang sumulpot sa likuran at inaalok ng sampaguita ang kasabayan ko. Lahat kami ay nagmamadali at baka abutan ng red light sa highway. Naiwan siya sa gitna. I had a glimpse of the child. Pasado alas-diez ng gabi, sa kinakalkal na daan, andun siya. Pumasok sa harang na nilagay ng DPWH at nagpaikot-ikot habang sa tabi ay mga naglalakihang sasakyan na nag-aantay ng go signal. Isang eksenang hindi ko ma-take. Mas matangkad pa ang isang gulong ng ten-wheeler sa kanya pero andun siya para maghanap-buhay. Nag-aantay ng taong bibili ng mga bulaklak.

Hindi dapat ganun. Hindi dapat nakikipag-patintero sa mga sasakyan ang tulad niya. Dapat ay natutulog na siya at kinakalinga ng mga magulang. May maayos na pananamit at kung naglalaro man, hindi sa delikadong lugar. Isang pagkakamali lang ng mga driver, maari siyang mapahamak. I've been seeing this scenario almost everyday of my life. Hindi ko tuloy maiwasang maisip, nakikita ba sila ng gobyerno? Kapag binoto ko ba si Mar Roxas, matutulungan kaya sila? Eh kung si Grace Poe o Binay, kokonti kaya sila o baka dumami pa? Hanggang saan ba makakarating ang isang boto ko?

Ang sakit sa puso na makakita ng batang tulad niya.

Ang hirap makapili ng susunod na lider ng bansa.

5 comments:

  1. Di naman dapat umabot pa sa presidente yan. Dapat yung local government o mayor ang dapat nagaasikaso sa mga yan.

    Eh kung ung mayor puro pasikat lang at pagpapayaman ang laman, talagang di mawawala yan,

    ReplyDelete
  2. I feel you Melanie. Masakit sa mata tignan ang mga ganyang eksena. But then yung feeling na hopeless ka at tila walang magawang tulong ay mas masakit sa loob. Ang atin na lang sigurong maiiwang tulong ay iboto ang
    karapat dapat na mamuno sa ating bansa na handang kumalinga sa mga nangangailangang batang tulad nila. But then this too is uncertain dahil hindi natin alam ang.mga nasa isip ng mga pulitikong iyan na magagaling lang kapag election time . Hayzzz

    ReplyDelete
  3. And dami nang naging presidente sa Pinas, ganito pa rin tayo. Hopeless na siguro.

    ReplyDelete
  4. Choosing the next president is a very tough decision to make because the Philippines' prosperity for the next six years is at stake. This serves as a reminder to all of us to vote wisely.

    ReplyDelete
  5. Wag mag aanak kundi kya palakihin ng maayos. Ang hirap kc sa mga taong hirap na nga sa buhay eh anak p ng anak tapos e blame ang goverment.

    ReplyDelete