Monday, March 28, 2016

Kutitap

Back to work work work work work tayo this day. Pwede bang hindi na lang? Kaya lang, baka gutom ang abutin natin. Magpasalamat tayez at may work work work work work tayo na pinagkukuhanan ng kaperahan. Lakas maka-LSS nitong si Rihanna eh.

Matatapos na ang 1st quarter ng 2016 at sure na ang pagpasok ng summer with El NiƱo. Todong magpapawis ang kili-kili at kasingit-singitan natin so make sure you add extra layer of deodorant at more pulbo sa fes. Baka mapagkamalang Petron ang mukha natin. KALOKA! 

The cocktail glamshots of Binibining Pilipinas 2016 are out and as expected, ang daming magaganda. Parang inihalintulad ang konsepto sa Fadil shots noong Miss Universe 2015. Makinang at kumukuti-kutitap. May budget! Kung laging ganito ang handa mo sa amin, Madame Stella, talagang mamahalin ka namin at bonggang papalakpakan sa finals night. Wala nang magbu-boo. 

 Kylie Versoza and Nichole Manalo

 Nicole Cordoves and Christianne Ramos

 Dindi Pajares and Paula Bartolome

 Kim Penchon and Maxine Medina

Kristine Estoque and Apriel Smith

From swimsuit to cocktail shots, consistent ang ibang girls sa aurahan like Nichole Manalo, Maxine Medina, Kylie Versoza at Nicole Cordoves. Balita ko nga ay pitong korona na ang paglalaban ngayong taon. Of course, pinaka-title pa rin ang Miss Universe-Philippines. Isa kaya sa mga babaeng nasa itaas ang makakapag-uwi niyan? 

Sunday, March 27, 2016

Istrikto

Last week ay kinaray akez ni super friend Chari para samahan siya sa Cosmo Summer Party 2016 na ginanap sa The Palace Pool Club. First time naming aapak sa sosyal na club na itey kaya dapat bongga ang arrive. Alas-cuatro ng hapon ang umpisa kaya bago mag alas-tres ay nagkita na kami sa TriNoMa. Nag-MRT at bumaba ng Guadalupe station. From there, sumakay ng jeep papuntang Gate 3 at bumaba sa tapat ng venue. Ang shala di ba?!

Medyo mahaba ang pila pagdating namin dahil sa istriktong verification ng mga inimbitahan. Akala ko nga ay wit ako makaka-enter dahil sa discrimination ek-ek last year sa Valkyrie. Pagpasok pa lang ay todong bumulaga na sa amin ang mga hot hunks. Nangati agad ang perlas ko. Sana pala pinakamot ko sa kanila ahahaha!

May pagkamangmang ako sa ganitong lugar dahil ten thousand years ago pa yata nang huli kong maranasang mag party-party. Ang eksena pala sa loob ay may isang pool sa gitna at may stage sa dulo. Andun si DJ at nagmi-mix ng kanta. Pwede yatang maligo pero mga models lang ang nakita kong lumangoy. 'Yung ibang naka-swimsuit, umaura-aura lang at nagpicture. Para siguro may mai-post sa IG.  May Kojie.San, Palmolive at Okamoto sponsors.

Ang talagang ipinunta ko doon ay para magpa-pica sa mga otoko. Ang she-sherep nila lalo na kapag umaahon mula sa pool. Ay nako mga 'teh! Halos lumuwa ang mata kez kakatingin sa abs at maskels nila. KALOKA! Hindi ko na kayo bibitin pa at eto na sila...

Henrique Soriano

Philippe Escalambre and Mel Cardiente

Cas Winters and Yuki Sakamoto

Super crush Charlie Sutcliffe

Jeremy Blake and Bryann Foronda na tinawag kong Kyle.
He had to correct me for that. Dyahe! 

Erie Obsena

Nakalakihan

Happy Easter Sunday, mga ateng! Anong ganap niyo this Holy Week? Akez, nag-Visita Iglesia noong Good Friday at nag-staycation lang muna. Ganun kasi ang nakalakihan ko at hindi 'yung mag-bakasyon or swimming somewhere. Wala namang masama sa ganun basta hindi kakalimutan ang totoong rason why we have this holiday.

Sa susunod na buwan na malalaman kung sino ang papasahan ni Pia Wurtzbach ng korona para maging Bb. Pilipinas 2016. Pwede din bang ipasa ni Pia sa atin ang jowa niyang si Dr. Mike? Kahit quickie lang?  CHOS! Dahil nasa atin ngayon ang korona ng Miss Universe, kavogue na kavogue ang mga merlat this year. Repeater man o first timer, talagang palong-palo sa tindig at ganda. I must say that this is one of the strongest batch of Binibini. Good job, Madame Stella!

Kalalabas lang ng kanilang swimsuit glamshot at sila ang pasado sa ating menu...

Nicole Cordoves and Nichole Manalo

Maxine Medina and Maria Gigante

Lina Prongoso and Kylie Versoza

Jessica Gonzales and Sarah Bona

Paula Bartolome and Kim Penchon

Oh de vaaahhh, mala-Miss Venezuela ang bonggang styling at epek ng photos. Level up talaga! Aktwali, nahirapan akong mamili ng sampu kasi ang dami talagang magaganda. Click here for the complete set of photos. Next natin ang cocktail glamshots nila. 

AVANGAN!

Wednesday, March 23, 2016

Walwal

I was browsing my Facebook feed the other day and saw this shared video...

JUICE KOH, ang dami kong tawa! Ang pagpuputa ay isang uri ng customer service. Isang malaking tsek! Tulad sa mga call center, you need to perform very well para makakuha ng satisfied customer. Kapag may CSAT, may tip. Ika-sampung taon ko na sa Customer Service industry this year at hindi pa naman bilasa ang tilapya ko. CHAROT!

Hindi pa rin pwedeng makagawa ng bagong musika si Ke$ha dahil sa kaso nila ni Dr. Luke. Nakakamiss ang mga walwal at free-spirited songs niya. Medyo kakaiba siya kina Lady Gaga at Rihanna. Wala kang mararamdaman na sense of rivalry sa ibang singers. Basta siya, may sariling style at tunog. Maraming artists ang humihiling na siya ay palayain sa kanyang kontrata at isa na diyan ang si Adele. But legal matters need to stay in court. 

Recently ko lang nakilala sa Youtube si Wendy Williams and I SOOO LOVE HER! Kuda kung kuda si ateng. No-holds-barred opinions at talagang pinapalakpakan ng audience. Infairness, naka-makeup din sila kapag nadaanan ng camera. Mala-Oprah o Ellen ang format. Ang kakaiba, may tasa sa gilid niya na nilalagyan niya ng kendi ba o asukal ba 'yun? Nakakatawa din 'yung facial expressions niya na hindi gumagalaw ang fes. Puro bibig at mata lang. Tadtad ng botox si ateng. At ang suselya, todong umaapaw.

Thursday, March 17, 2016

Sabaw

Hi mga ateng! Nalulungkot akiz dahil hindi ako masyadong makapag-blog dahil todo stress sa trabaho. Nakakaubos ng energy, ganda at sabaw ng utak. Madami pa naman akong kuda lalo na't painit nang painit ang election season.

Wala nang makakapigil pa kay Grace Poe na tumakbo. LSS ako sa ♫ only Binay, only Binay ♪ na jingle. AHAHAHA! Mainit ang palitan ng komento ng mga Marcos supporters at Robredo fans sa social media after ng VP debate. Hindi na daw relevant sa kasalukuyan ang isyu ng martial law noon. May death threat daw mula sa Duterte supporters ang estudyante ng UPLB dahil sa diumano'y pambabastos nito sa pambato nila. Hindi pa rin mawala-wala sa image ni Mar ang MRT at ang bagyong Yolanda. Mukha pa ring mahina ang kalusugan ni Miriam. Alanganin pa rin sa survey si Risa Hontiveros. Minsan pasok sa top 12, minsan laglag parang bala lang.

Luma-lovelife na rin itong si Pia Wurtzbach sa New York. Mukhang matagumpay niyang na-aurahan si Dr. Mike, ang tinaguriang pinaka-seksing doktor ayon sa People Magazine. Jackpot ang lolah natin dahil talaga namang pagkasherep-sherep ni MD. Kung siya ang doktor ko, malamang sagad ang limit ng HMO card kakapabalik-balik sa hospital. Dok, please check my ovaries. Parang makati. AY!

Noong Lunes pala ay pumunta ako sa UP Press sa UP Diliman para i-take advantage ang 50th anniversary nila. Lahat ng UP Press-published books ay half the price. Ang dating 600 peysos, naging 300 na lang. BONGGA! Limang libro nga ang nabuyla ko. Dagdag sa iba pang libro na 'di ko pa nababasa. Need ko talaga ng time management para hindi puro ♪ work work work work ♫ ang gawa everyday. Pati sa restdays, kayod pa rin. Hindi tama ito! Dapat may work-like balance.