Wednesday, April 29, 2026

A-list

Isa sa mga pantasya ko noong ako'y bubot pa lamang ay model-turned-actor na si Leo Rabago. He was the first-ever winner of Bodyshots competition in 1986. Sadly, he passed away 15 years ago due to cancer. Marami-rami siyang nagawang pelikula na karamihan ay may temang kaseksihan. Napadaan din ang alindog niya sa mga pahina ng Chika-Chika. Before acting, he was considered as an A-list model. Hindi naman nakapagtataka with his tisoy looks, talagang mahahalina ka.

In 1999, pinagbidahan niya ang Dumating Ka Lang Ba Para Umalis?, together with Allan Paule and Daisy Reyes. May nakita akong articles about the movie at naloka ako sa titles. Mapupukaw talaga ang atensyon mo para basahin. 

(click the images to enlarge)

People's Tonight
12 March 1999

People's Bagong Taliba
April 1999

Sunday, April 26, 2026

Samu't-Sari 9.0 (Birthday Week Edition)

  • NAPAKAINIT! Ganito daw ang pinaparanas sa atin para chill na lang pagdating sa impyerno. 'Wag naman!
  • Nagugulat pa ba kayo sa mga expose sa impeachment trial ni VP Sara sa kongreso? Ako medyo. Parang hindi mo akalain na magagawa nila 'yon sa dami ng palabas nila. Pero nasa tip pa lang yata tayo eh. Abangan natin ang iba pang pasabog.
  • Sarap sabunutan nung isang panggulo sa impeachment. Wit na siya pangalanan pero obvious na pinapabagal niya ang hearing sa pagtatanong niya. Hindi mo alam kung intentional o sadyang obobs talaga.
  • Bet ko na frozen na ang assets ng mag-asawang Romualdez. Tandang-tanda ko pa ang pagboto nila sa pag-deny ng prangkisa ng ABS-CBN. Karma is real!
  • Pati itong mga ganap kina Mike Defensor at Chiz Escudero, bet na bet ko! Sana naman hindi lang ito puro imbestigasyon, dapat may managot at makulong.
  • Sumasarap sa paningin ko itong si Brent Manalo. Hindi siya ang paborito ko sa PBB Collab pero ngayon, sofer sherep!
  • 41 na ang ateng niyo! Dalawa lang ang hiling ko - bonggang-bonggang kalusugan at nag-uumapaw na salapi. 'Yung tipong kakabugin ko ang mga magnanakaw sa gobyerno. GANOOON!

Tuesday, April 21, 2026

Restoration Project #50: Masahol Pa Sa Kalamidad

 
Masahol Pa Sa Kalamidad
Sinulat ni Dommy Abrigo
Guhit ni Danilo Ramirez



(click the images to enlarge)


Espesyal Komiks
Oktubre 20, 1997
Taon 40 Blg. 2282
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, April 19, 2026

Starlight

Isang taon na ang nakalilipas nang lumisan ang nag-iisang Superstar and to protect the legacy she left, mukhang may inihahandang Nora Aunor Enterprise si Ian De Leon. I hope na mag-materialize ito dahil hindi biro ang mga awitin, pelikula, at TV shows ni La Aunor. Isa sa mga wish ko ay makahanap sila ng negatives ng kanyang mga pelikula tulad ng Paru-parong Itim, Bakekang, Carmela, Ina Ka ng Anak Mo, Bakit Bughaw Ang Langit? at Condemned para ma-restore into 4K. 

At ngayon ko lang din nalaman na siya pala ang original artist ng kantang Starlight na nasa Stay Alive album ni Nina. Isinulat ito ng mag-asawang Bodjie Dasig at Odette Quesada. Hinanap ko online ang lyrics habang pinakikinggan ang kanta at naiyak nang bongga sa part na ito...

♪ Sometimes you forget who was there all along
Sometimes they just seem out of sight
But I know that you'll always be there through my darkness nights ♫

Naalala ko bigla si La Mudra sa mga linyang 'yan. Haayyy, time flies so fast but the pain remains. ☹

Saturday, April 18, 2026

Pirata

Dekada 2000s nang mauso ang mga pekeng CD at DVD. Number one na kalaban ng entertainment industry. Bukod sa mura ay very accessible dahil ibinebenta sa bangketa. Ilang araw pa lang palabas sa sinehan ang pelikula pero meron na agad kopya. Malabo nga lang at dinig na dinig ang tawanan ng moviegoers. Maaaninag mo pa ang silhouette nila.

Palaging laman ng balita ang Optical Media Board (OMB) heads na sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts dahil sa mga raid na isinagawa nila para labanan ang pamimirata. Madalas sila sa Quiapo at Baclaran. Ang mga nakumpiska ay sisirain usually gamit ang road rollers.

Naalala ko lang 'yan dahil dito sa isang artikulo na nabasa ko sa National Library. Raid din tungkol sa illegal replication and one of it is an uncensored movie starring Josephine Manuel. Hindi ako familiar sa kanya pero featured sa Wish Ko Lang ang talambuhay niya.

(click the image to enlarge)

People's Bagong Taliba
April 25, 1985

Wednesday, April 15, 2026

Doors


Opening of Cultural Center of the Philippines (CCP) print ad

The Evening News
September 5, 1969

Monday, April 13, 2026

Restoration Project #49: Dra. Alicia Marasigan... Dalubhasa


Dra. Alicia Marasigan... Dalubhasa
Story by Ed Green
Illustrated by Adora Ramos 



(click the images to enlarge)


Pinoy Klasiks
Abril 17, 1997
Taon 34 Blg. 1940
Graphic Arts Services, Inc.

Sunday, April 12, 2026

The Drama

Galing ako Trinoma at hinabol ang night screening ng The Drama starring Zendaya and Robert Pattinson. Ay nako, ang ganda mga ateng! Refreshing ang atake sa relasyon at pagtitiwala sa isa't isa. Sakto din sa karumal-dumal na isyu sa America.

Panahon pa ng Twilight at mahal ko na si Rob (si Rob???) kaya nang mabasa ko sa isang forum na maganda ang pelikula ay naintriga ako. 'Yun nga lang, binasa ko na agad ang plot sa Wikipedia kaya na-spoil ko na rin ang sarili ko. JUICE KOH! Tuwing naka-focus kay Rob ang camera, naglalawa ang tilapia ko. Pakagwapo! Isyu ko lang na ang dilim ng ilang eksena. Kulang yata sa bumbilya ang lighting team at halos aninagin ko kung anong nangyayari. O baka naman din sa sinehan? Ewan. Ang mahal pa man din, 420 pesosesoses na may kasamang popcorn.

Rating: 4/5 stars

Friday, April 10, 2026

Ang Hirap sa Pelikulang Aksyon

(click the image to enlarge)

Movie Review: Ang Hirap sa Pelikulang Aksiyon
Sulat ni Justino Dormiendo
Manunuri ng Pelikulang Pilipino

Jingle Extra Hot!
Movie Entertainment Magazine
No. 68, May 20, 1982

Sunday, April 5, 2026

Samu't-Sari 8.0

  • May nabasa ako sa Twitter na hindi na daw katulad ng dati ang Holy Week. Maraming bukas na tindahan, marami ang nagbabakasyon o may trabaho. Dati kasi very solemn. Wala halos tao sa daan kung hindi 'yung mga nagpru-prusisyon o nagsisipunta sa simbahan para mag-Visita Iglesia. Well, iba na rin naman na ang panahon ngayon, malayo na sa kinalakhan natin. Nasa sa atin na lang kung pananatilihin ang tradisyon o sasabay sa usad ng mundo. Wala namang masama sa dalawa.
  • Tuwing weekends, lagi akong napapadpad sa Kamaynilaan. Minsa'y naglalakad sa kahabaan ng Recto, kumakain ng banana que sa Paterno Street, bumibili ng masusuot sa Rizal Avenue, inaabangan ang paglubog ng araw sa Manila Bay, bumibili ng DVD at libro sa Booksale, at nagkakape sa Harbour Square. Minsan na akong napadpad sa Pasig River Esplanade. To be fair, maganda siyang pasyalan. Maraming kainan, Instagrammable ang lugar at mukhang safe naman. Sana ma-sustain para hindi lang sa mall nagagawi ang mga utaw.
Mekanizmo by Vic J. Poblete and Steve Gan
Ang Bakla sa Bintana by Rose Tan
  • Walong libro na ang natatapos ko ngayong taon. Karamihan ay nobela ng paborito kong manunulat na si Rose Tan. Nauumay na kasi ako sa mga kabobohang nababasa ko sa comment section at sa Twitter. Puro basura na ang pumapasok sa utak ko kaya nagbabalik-loob tayo sa pagbabasa. Marami-rami din akong naipon nitong nakaraan, salamat sa warehouse sale at iba't ibang bookfair na pinuntahan ko. Nawa'y magtuluy-tuloy at makatapos pa ng maraming libro.
Nina's complete discography
  • Kanina ay bumili ako sa Carousell ng Nina Sings the Hits of Diane Warren CD. Nagkaroon na ako nito dati pero ibinenta ko kasi kinain ng anay yung lower part ng inlay. Honestly, hindi ko ito paborito sa mga record ni Nina (kasama ng All Good). Wit ko bet ang areglo ng mga kanta. Or maybe nasanay lang ako sa original arrangement kaya hindi ko masyadong appreciated lalo na 'yung version ng Saving Forever For You. Anyways, I'm glad to have it back sa collection at muli kong nakumpleto ang discography ni Nina.

Friday, April 3, 2026

Restoration Project #48: Muli Kang Mangarap

 
(click the images to enlarge)
Muli Kang Mangarap
Story by Reden Martin
(uncredited artist)


Pinoy Klasiks
Hunyo 29, 1997
Taon 35 Blg. 1961
Graphic Arts Services, Inc.

Saturday, March 28, 2026

Super Summer Sale!

Standard at 680 Home Appliances print ad

Jingle Extra Hot!
Movie Entertainment Magazine 
No. 68, May 20, 1982

Monday, March 23, 2026

Sabik

For the longest time, walang bakas ng Sabik sa Halik, ang launching movie ni Priscilla Almeda, sa internet. From Abby Viduya, diyan siya pinakilala sa kanyang bagong pangalan at tinaguriang TF Princess ng Seiko Films. Kahit black and white copy ng movie poster ay wala sa Google kaya naman isa 'yan sa mga hinagilap ko sa National Library last week. Hindi naman tayo nabigo dahil ang dating lost media, ngayon ay natagpuan na...


At hindi lang 'yan dahil nag-u-upload na ng clips ang CineMo sa kanilang Facebook page. They tag it as #CineSilip which is part of their daily line up. Dati, tuwing 11 PM sila nagpapalabas niyan but it's now 1 AM. Here's a sample clip...


Bonus pa na may nakita din tayong promotional article about the movie. Sulat ito ni Noel Asiñas at lumabas sa mga pahina ng People's Bagong Taliba noong Setyember 21, 1995, a day after the movie was released. ENJOY!

(click the image to enlarge)

Sunday, March 22, 2026

Restoration Project #47: Pagkat Tanging Ikaw...


Pagkat Tanging Ikaw...
Story by Robert M. Rosales 
Art by Ohrlievee 

(click the images to enlarge)


Universal Komiks
Disyembre 29, 1996
Blg. 2217
Pablo S. Gomez Publications

Saturday, March 21, 2026

Ian or Ina?

(click the image to enlarge)
Ian... Ina... Juggle the letters... Instant rapport

Malaya Newspaper
April 1997

Sunday, March 15, 2026

Thursday, March 12, 2026

Restoration Project #46: And The Winner Is...

 
(click the images to enlarge)
And the winner is...
Story by Zoila
Art by Jimmy D. Flores



Pilipino Komiks
Setyembre 7, 1997
Taon 50 Blg. 2786
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, March 10, 2026

Imprenta

Kung ang ibang batang '90s ay sina Jolina, Claudine, at Roselle ang kinalakihang idols, eto namang mga TF princesses ang fave ko. Nagsulputan sila noong late '90s dahil sa kasagsagan ng karera ni Rosanna Roces. Isa sa pinakamadaling paraan para makilala sila ay ang pag-iimprenta ng kanilang nagseseksihang larawan sa frontpage ng tabloids. Minsan ay mas malaki pa sakop nila sa headline. Pagbuklat mo sa showbiz section ay kung anu-anong nakakakiliting artikulo ang sinulat tungkol sa kanila. Pero itong mga nakuha natin ay mga mini-articles sa frontpage mismo ng People's Bagong Taliba noong Mayo 1997.

Klaudia, Ramona o Izza? Choose your fighter, mga ateng...

(click the images to enlarge)
Klaudia Koronel
'Dapa' at... 'Ididiin Ko?'

Ramona Rivilla
Pagandahan ng boobs, laban kayo?

Izza Ignacio
Di malandi ang dating

Sunday, March 8, 2026

Samu't-Sari 7.0

  • Kadiri ang pag-iisip ni Bong Suntay. Manyakis na naka-barong at nakaupo sa kongreso. YUCK!
  • Ang powerful ng statement ni Anne Curtis ukol dito. Kung ako ang asawa't anak ni Suntay, mahihiya na ako habang buhay.
  • Umiikot talaga ang mundo 'no? Natatandaan niyo ba kung paano sinawsawan nina Nikko at Nico ang pambabatikos ng netizens kay Vice Ganda sa diumano'y pamamahiya nito sa It's Showtime guests? Grabe ang panlilibak na tinanggap ni meme noon but look who's on the spotlight now? Paiyak-iyak pa sa interview 'yung isa pero laugh reactions naman ang nakukuha online. DASURV mapahiya ng mga gunggong!
  • Napanood niyo ba ang latest interview kay VP Sara? My gosh hindi ko matagalan! Like naririnig ba niya at naiintindihan ang mga pinagsasabi niya? Makikilala na daw natin si "Mary Grace Piattos". Ang tanong ko lang... 

Friday, March 6, 2026

Wednesday, March 4, 2026

Restoration Project #45: Huwag Kang Matakot, Mahal

 
Huwag Kang Matakot, Mahal
Story by Ed Tuboran
Art by Dan Barren



(click the images to enlarge)


Pilipino Komiks
Setyembre 16, 1997
Taon 50 Blg. 2788
Atlas Publishing Co., Inc.

Monday, March 2, 2026

Miss Charming International Philippines - Milagros 'Mila' Gutierrez

(click the images to enlarge)
Today's Tempo: Two Trophies to Bring Home
by Flora Zaide Valencia

Miss Charming International
Winner: Miss Norway
Runners up: Miss Alaska, Miss Thailand, Miss California, and Miss Philippines

The Manila Evening News
January 1972

Saturday, February 28, 2026

Pinalaki

The first ever Cosmopolitan Philippines I owned was the September 2002 issue na si Rufa Mae Quinto ang cover. I remember I bought it from National Bookstore in Rizal Avenue corner Soler Street in Manila. Dumaan ako diyan after ng classes ko sa PUP. At ang tanging rason bakit ko binuyla 'yan ay dahil sa Centerfolds supplement featuring 69 of the hottest bachelors in the country. Since then, every year ko na inaabangan ang September issue. All these years, akala ko ay nakumpleto ko ang mga kopya niyan. Meron palang prior issue na si Christian Vazquez ang cover. Sayang at na-miss ko.

Kung ang ibang batang millennial ay pinalaki ng Sexbomb, ako naman ay laking Cosmo. Naging parte ng college life to adulthood ko ang pagbabasa nito at ang dami kong natutunan mula relasyon, sex, trabaho, at usaping pinansiyal. Pero alam niyo ba kung paano nagsimula ang magazine sa bansa? Here's an article about it's launch in 1997...

(click the image to enlarge)
Pinoy Readers Meet The Cosmo Girl
by Rowena C. Burgos

Malaya Newspaper
April 1997

Thursday, February 26, 2026

Restoration Project #44: Clan Feud


Fiscal Rubio Covenar: Rampador
Clan Feud
Series by Orly Aquino
Art by Rol Enriquez

(click the images to enlarge)


Pinoy Komiks
Hulyo 14, 1997
Taon 33 Blg. 1934
Graphic Arts Services, Inc.