I miss gay indie films so much! Hindi ko na halos matandaan 'yung last na napanood ko. So happy dahil ang
Best Picture ng
Cinema One Originals Festival 2016 ay nagkaroon ng commercial run sa ilang piling sinehan sa Pilipinas last month. Ito ang
2 Cool 2 Be 4gotten starring
Khalil Ramos, Ethan Salvador and
Jameson Blake.
2 Cool 2 Be 4Gotten (2016)
Cinema One Originals with VY/AC Productions
Directed by Petersen Vargas
Written by Jason Paul Laxamana
Starring Khalil Ramos, Jameson Blake, Ana Capri and Ethan Salvador
Isang matalinong weirdo si
Felix (Ramos) na naging kaibigan si
Magnus (Salvador) dahil nilapitan siya nito para magpaturo ng Geometry. Kilig na kilig akez dahil naalala ko ang dalaginding days ko. Wala nang mas sasaya pa na lapitan at kausapin ka ni crush. Kapatid ni Magnus si
Maxim (Blake) na kahit kasing gwapo niya eh maaskad ang pag-uugali.
Napadalas ang tutorial session sa bahay nina Magnus hanggang sa unti-unti na silang maging close at magkaroon ng bonding moments like listening to music, yosi and nomo sessions. Bilang may tinatagong landi si Felix, hindi niya mapigilan ang ma-fall kay Magnus.
JUSKO NAMAN 'TEH! Kahit sino talaga, malalaglag ang panti sa kanya. Wala yata siyang pangit na eksena sa pelikula.
Naging komplikado ang lahat nang malaman ni Felix na gustong ipapatay ni Maxim si
Demetria (Capri), ang nanay nito. Ang dahilan: para kuhanin sila ng tatay nilang 'Kano at dalhin sa Amerika. Wit ko kineri ang twist ng pelikula.
SURPRISA! Habang nakahiga silang dalawa sa kama, kinuda ni ateng kay crush ang balak ni shupatemba. Nawala ang amats nito at agad jumuwelay sa balur. Sayang at mukhang chance na sana ni ateng, naka-boxers pa man din si crush.
Ito 'yung tipo ng pelikula na hindi mo namamalayan na patapos na pala. Darang na darang ka sa istorya at todong aabangan ang susunod na eksena. Halos lahat ng artista ay magagaling mula sa mga guro, estudyante, magulang hanggang sa mga bida. Hindi mo aakalain na baguhan sina Ethan at Jameson. Si Khalil, matagal ng artista. Naabutan ko pa siya sa
Princess & I ng
KathNiel at magaling na siya noon pa man. Pero ang paborito ko sa lahat eh si
Ana Capri. Baklang-bakla umarte. Love her talaga!
Late '90s din ang peg ng 2C2B4. Nostalgic nang marinig ko ang tunog ng internet connection via landline. Pati na rin 'yung recording of music to cassette tape, pagrewind nito gamit ang dulo ng lapis at paggamit ng walkman. Can't help but to smile with these details.
Also, feeling ko nanonood ako sa Instagram with the dimension they chose. Parang close to 1:1 ang ratio tapos filtered pa. The most Instagrammable moment was the talahiban scene sa lahar area. May dandelion/confetti effect while Felix is looking at Magnus. Aaaawwww! Feels good to be young again!
You should really watch this, mga ateng. Kulang ang words to describe how good this movie is. It's now on its 4th week and still showing in
Cinema 76 and
Gateway Cineplex.
Rating: 5/5 stars