Sunday, April 29, 2018

Mapakali

Bukas na ang grand finals ng Mister International 2018 at hindi akiz mapakali sa sarap ng mga kandidato. LAHAT MASARAP! Myanmar ang host country this year and so far, okay naman ang coverage. Pero hindi ko maiwasang ikumpara nung tayo ang nag-host 3 years ago. Mas maraming fans at mas bongga ang pre-pageant activities. Bukod diyan ay marami ang sponsors at maraming lugar ang pinuntahan at pinasyalan. Sana ay dito ulit ganapin in the future lalo na't supportive ang Department of Tourism dahil exposure 'yan sa ating bansa. Basta 'wag lang i-advertise sa show ng Tulfo Bros. at baka kung ano pang anomalya ang masilip ng COA. KALOKA!

Tatlumpu't anim na kalalakihan all over the world ang maglalaban para sa titulo. Kilalanin natin ang mga otokong pwedeng pumasok sa ating karinderya:

Poland (siya ang itinitibok ng puson ko)

Brazil and Colombia

Czech Republic (basta Czech, masarap!)

Mexico and Japan

Nicaragua (may pagka-Sam Milby ng very very light)

 Belgium and China

Vietnam (the karug huh!)

 India and Spain

Puerto Rico (mukhang masasamid tayo dito)

 Philippines and Singapore

 Venezuela (sexy latino)

Thailand and Hong Kong

 Lebanon (pabuka pa po ng konti char!)

El Salvador and Finland

 South Africa (yummy!)

Peru and Panama

Korea (super oppa!)

France and Indonesia

 Malta (the best talaga mga Europeans)

 USA and Dominican Republic

Switzerland (nanamnamin ko talaga ang switness niya hihihi!)

Masaya na malungkot na bukas na ang finals. Masaya kasi malalaman na natin kung sino ang magwawagi at malungkot kasi matatapos na ang 'sangkatutak na pictorial in their sexy and formal outfits. Medyo teary eyed na ako, mga ateng. CHOS! 

Sino kaya ang mag-uuwi ng titulo? Mula kaya sa America, Europe, Africa o Asia? 'Yan ang ating abangan!

Sunday, April 15, 2018

Smoking Area

Last month (March 9) ay rumampage ang byuti ko sa gala screening ng Sinag Maynila entry na Tale of the Lost Boys. Bida dito sina Oliver Aquino at ang Taiwanese actor na si Ta Su. Ito ay sa direksyon ni Joselito Altajeros na siyang nagbigay-buhay din sa mga acclaimed gay indies such as Kasal, Ang Lihim ni Antonio, Ang Lalaki sa Parola and Unfriend.

Umani na ng iba't ibang parangal at papuri ang pelikula sa labas ng bansa bago pa ito mapasali sa Sinag Maynila. Kaya wit nakapagtataka by Rachel Alejandro kung bakit nag-uwi ito ng apat na parangal noong March 11 during the awards night - Best Picture, Best Screenplay, Best Editing at Festival Box Office award. BONGGA!

Ang kwento ay gumora si Alex (Aquino) sa Taiwan para makita ang ina. Habang naghahanap ng smoking area ay nakilala niya si Jerry (Su) na isang bartender. Nilibre siya ng drinks at nashock ang byuti niya nang makipaghalikan ito sa kapwa lalaki. Confirmed ang lolo mo! Infairness, ampogi ng jowa na ginampanan ni Joe Black Chou. Follow niyo siya sa IG, tuney ne mesherep!

with Joe Black Chou
Member ng isang tribo si Jerry na may konserbatibo at traditional na paniniwala. Siya ang magmamana ng posisyon ng kanyang ama at balang araw ay ikakasal sa isang bilatsina. Siyempre, ayaw niya. Hindi masarap eh. CHAR! 'Kala niya eh walang nakakaalam pero amoy pala siya ng kanyang sisteret. Umamin siya sa nanay niya pero wit pa sa ama. Siguro balang araw.

Box-office hit during the gala screening
Si Alex ay pinuntahan ang tirahan ng nanay at dito niya nalaman na may sarili na itong pamilya. Todo iyak si mudra nang pagbuksan siya ng pinto at na-guilty sa pag-iwan sa kanya. Bago umalis ay binigyan siya nito ng bulto ng pera. Tinanggap naman niya pero ang sakit. Ikaw ba naman abandonahin ng nanay mo eh. 

with Direk Joselito Altarejos and Joe Black Chou
Ganyan ko naintindihan ang pelikula but it's deeper than that. I thought it's a love story na usual plot ng mga gay indies. I'm happy that it focuses on friendship and issues of identity na kahit sinong manonood ay makakarelate. Informative pa tungkol sa Taiwanese culture and places. Parang sarap mag-travel doon.

Congratulations to Direk Joselito, to cast and crew of Tale of the Lost Boys. Such a fantastic movie!