Saturday, January 18, 2020

Kinse

Isang linggo matapos pumutok ang bulkang Taal, surviving pa rin ang mga Pilipino lalo na ang mga ateng natin na nasa Batangas at Cavite. Although pinangangambahan na maaaring itong pumutok muli, nawa'y lahat ng mga nasa 14-kilometer danger zone ay handa sa paglikas. Magdasal tayo na sana'y hindi maulit ang pag-alburoto nito. Bukod sa paghahanda, 'wag din magpapaniwala kina Ramon Tulfo, Tito Sotto, Mocha Uson and the likes. JUICE KOH, kakainit sila ng ulo!

I've heard so much of Kalel, 15 on the internet. Maganda ang feedback at tungkol daw sa batang may HIV which made me more curious. Kahit 'yan lang ang alam ko at wiz pa napapanood ang trailer, gora agad ako sa Cinema '76 sa Anonas to experience it.

Kalel, 15 (2019)
The Ideafirst Company, Octobertrain Films and Cignal Entertainment
Written and Directed by Jun Robles Lana
Starring Jaclyn Jose, Eddie Garcia, Gabby Padilla, Elora Españo, and Elijah Canlas

The movie started in the hospital with Kalel (Canlas) and his mother (Jose) confirming na may HIV si bagets. Hindi nabanggit sa pelikula kung paano siya nagkaroon nito pero mukhang internet star ang lolo niyo dahil umaabot sa 1000+ likes ang Facebook posts, mahilig mag-post ng sexy pics at may alter account sa Twitter.

Dysfunctional ang pamilya ni Kalel. May ate (Españo) siyang malandi na nagpalaglag at magkaiba ang tatay nila. Ang kaibahan ay kilala ni Kalel ang kanya - isang pari (Garcia) na siyang nagpapa-aral sa kanya sa isang private Catholic school.

Bet na bet siya ng schoolmate niya na si Sue (Padilla) na ubod nang kiri. Kating-kati sa kanya kaya tinake home siya at pinosasan pa. Kinagat ang labi habang naglalaplapan at sinipsip ang dugo na parang bampira. Bago pa tuluyang may mangyari sa kanila ay nakatakas siya. Tama lang na layuan niya ang malanding 'yon!

Elijah Canlas and Eddie Garcia
Nakakadalawang malandi na tayo so let's go to the third one, ang nanay niya. Kabit ng isang tricycle driver na piniling iwanan sila ng ate niya para sa pansariling kaligayahan. Dito na nagkandaleche-leche ang buhay nila. Inuwi ng ate niya ang adik na jowa, nalugi ang karinderya, hindi nakabayad ng renta, naputulan ng ilaw saka nakulong. Para matulungan ang ate niya, humingi siya ng tulong sa kanyang tatay. Binigyan lang siya ng pera pambayad utang pero hindi para pampiyansa. Sa murang edad na kinse, nagdesisyon siyang kumapit sa patalim para matulungan ang kapatid.


This is the fourth movie of Jun Lana na napanood ko. First was Die Beautiful (director) then Born Beautiful (writer) followed by the Panti Sisters (director). I think this is his next best after Die Beautiful. Napapanahon dahil pabata nang pabata ang nagkakaroon ng HIV. Buti na lang at sa Republic Act 11166, pwede na magpa-HIV test ang mga bata mula 15 to 17 kahit walang parent or guardian consent.

Aside from Kalel's health case, relatable din ang pamilya niya. Although madalas silang magtalo ng ate niya, they love and care for each other. Akmang-akma naman sa pagiging nanay si Jaclyn Jose. I don't know pero she's always relatable sa role niya, 'noh? Hindi niya kailangan sumigaw-sigaw, magwala at todong magdrama para maging effective na aktres. Tapos, nakakatawa 'pag nagbitaw siya ng ibang linya. Napaka-natural na parang naririnig mo lang sa bahay o kapitbahay mo.

Gabby Padilla, Elora Españo, and Elijah Canlas doesn't feel like newcomers. Ang gagaling umarte especially Elijah. Ramdam mo 'yung ka-inosentehan, naughtiness, at pagiging no choice ni Kalel without being over dramatic. Sometimes, he just stares and it hits your heart.

The movie is dark and quite depressing pero alam mong totoong nangyayari. It feels like para kang parte ng pelikula - either ikaw ang naka-relate o may kakilala ka. I highly recommend you watch it, mga ateng. Ihanda niyo lang ang inyong mga puso sa mapapanood.

Narito ang schedule sa Cinema '76:


Rating: 5/5 stars

Friday, January 3, 2020

Kalawak

Sa simula ng taon, nag-deactivate muna ako ng Facebook at Instagram. Bukod sa masyado na akong affected sa isyu ng ibang tao, I feel like I'm giving too much data to Mark Zuckerberg and his team. Mag-search lang ako ng isang item, ang dami na nilang ire-recommend. Ayun, panay scroll ang beauty ko hanggang sa may matipuhan. Buti na lang talaga at malakas ang self-control ko or else, poorita mirasol ako pagpasok ng tweyni-tweyni.

Isa sa mga goals natin this year ay makapagbasa ng maraming libro at makapanood ng maraming pelikula. Una sa pila ang When A Gay Man Loves... starring Romano Vasquez and Brew Bondoc.

When A Gay Man Loves... (2007)
Outline Digital Films
Directed by Jowee Morel
Starring Romano Vasquez and Brew Bondoc

The film started like a documentary. May interviews with some religious leaders and their POV sa LGBTQIA+ community. Then we have some celebrities like Pretty Trizsa, GA Villafuerte and John Lapuz. Tapos biglang pasok ang intense acting nina Anthony (Vasquez) at ng jowa niya na palayas na sa kanilang bahay. Pang-Oscars sa tindi ng batuhan ng mga linya. CHOS! Devastated ang ateng natin sa hindi magandang breakup. May mga solo sad moments, confide with friends and chat sa internet. Dito niya nakilala si Brian (Bondoc) na isa ring heartbroken. Hindi muna naging sila kasi pareho pa silang may hangups. 

Hindi tanggap ng religious ate ni Anthony na bekbek siya samantalang hindi pa nakaka-move on sa past relationship si Brian. Insert some interviews again then balik sa istorya. Ganyan uminog ang pelikula hanggang sa matapos. Na-gang rape muna si Brian at nabiktima ng magnanakaw si Anthony bago nila na-realize na pwede sila sa isa't isa. The end.

 "Mahirap mahalin ang isang taong hindi mahal ang sarili."
Wiz ko bet ang execution ng love story nina Anthony at Brian. Madaming cringey parts at si Romano Vasquez lang ang marunong umarte. Nagmukha tuloy siyang OA dahil underacting ang mga kasama niya. Medyo pilit din ang mga English dialogues. Very unnatural ang dating. 

Infairness naman sa pelikula/docu, it tried to educate its audience. Saving grace ang interviews nina Pretty Trizsa and Sweet Lapuz. Matalino at may punto ang mga kuda nila. May matututunan ang 'sangkabaklaan although hindi na-differentiate ang transgender woman sa gay. 2007 yata ito na-shoot so hindi pa siguro ganun kalawak ang kaalaman sa SOGIE. Nevertheless, their personal experiences were relatable.

Sa mga religious leaders naman, kanya-kanya silang interpretation ng Bible verses at salita ng Diyos. May tanggap at meron may inhibitions. Ganoon pa rin naman hanggang sa ngayon. Oh well...

Rating: 2/5 stars