Thursday, October 6, 2011

Hollywood

Tulad ng ibang bekling, pinantasya at patuloy na pinapantasya ko ang ilang Hollywood stars. Sino ba naman kasi ang makakaresist sa mga mata nilang makukulay? Sa mga braso nilang parang hamonado sa laki? At sa kanilang malalaking... malalaking... pangangatawan.

Ryan Phillippe
Never ko yatang pagsasawaan kahit pa ul-ul kong panonoorin ang Cruel Intentions at Studio 54. Grabe naman kasi ang nakakahalina niyang ngiti na sinabayan pa ng nag-uumapaw na kaseksihan. Hindi rin siya nagmaramot sa ating lahi dahil pinakita niya sa mga pelikulang nabanggit ang kanyang yum yum na tapur.

Josh Hartnett
Nene pa lang ako eh mahal ko na siya. Nagpabili pa ako sa mudrakels ko ng VCD ng Black Hawk Down dahil sa kanya. Witchells ko naman naintindihan ang pelikulang 'yon. Puro barilan at putukan. Kung ibang putukan sana, baka naappreciate ko pa. CHOS! 

Chris Evans
Kung napanood niyo ang Captain America, siguradong alam niyo na kung bakit siya ang latest fantasy ko. Kung bakit naman kasi ang lakas ng dating niya. Mala-Pedring sa lakas na pati puso(n) ko eh natangay. 

Wednesday, October 5, 2011

World Teachers' Day

Sa lahat ng guro na matiyagang nagtuturo kahit na...


Walang bubong at pader ang silid aralan,
Ubos na ang yeso sa loob ng lalagyan,
Basa ang blackboard dahil naulanan,
Baha sa loob ng paaralan,

MABUHAY KAYO! Walang makahihigit sa pinili niyong propesyon. Hindi biro ang humubog ng kaisipan ng kabataan. Isa kayong tunay na bayani ng ating bayan. 

Tuesday, October 4, 2011

Sinaksak

Kapag pelikulang tungkol sa kabit ang pag-uusapan, paniguradong una sa listahan ang Relasyon ni Ate Vi. Well, mukhang sa henerasyon ng iPad at BBM, No Other Woman na ang mangunguna.

So far, ito ang pinakamagandang movie na aking napanood sa taong ito. Plantsado lahat mula sa istorya hanggang sa mga artistang gumanap. Ilang beses ng bumida si Derek Ramsay sa mga teleserye at ito (yata) ang una niyang pagkakataon na maging leading man sa pelikula. Refreshing ang kanyang dating.

Baliktad ang unang impresyon ko sa karakter na ginampanan nina Cristine Reyes at Anne Curtis. Madalas kasi na mabait ang role ni Anne samatalang todong palaban at matapang naman ang kay Cristine. Pero napatunayan ng dalawa na kaya nilang maging versatile sa aktingan. Angat lang talaga ang dating ni Anne sa pelikula. Wala yata siyang eksenang pangit ang kanyang itsu. Dyosa talaga!

Matindi ang pundasyon ng istorya. Halatang ni-research ng husto ang bawat detalye kaya bawat bitaw ng linya, may impact sa manonood. Para nga akong sinaksak sa loob ng sinehan eh. Naka-relate kasi ako ng husto. Buti na lang at hindi ako naiyak.

Saturday, October 1, 2011

Tala

Boom na boom ang TV appearances ni Franco Daza sa Kapamilya Network. Matapos niyang gumanap na kontrabida sa Minsan Lang Kita Iibigin at maging love interest ni Melai Cantiveros sa 100 Days to Heaven, heto't isa siya sa bonggang lead casts ng Nasaan Ka Elisa?

Medyo bagito pa sa larangan ng aktingan pero infernezzz, hindi siya nagpapahuli sa mga co-actors niya. Konting hasa pa at siguradong bright future ang matatamasa niya sa showbizness. 

Visible din ang kanyang seksing pigura sa mga tindahan ni mama Ben Chan. Isa siya sa pinakabagong endorser ng Bench Body at noong nakaraang Philippine Fashion Week ay rumampa siya na ang tanging suot ay ito...

Franco Daza
Bukas, luluhod ako sa tala. CHOS!

Friday, September 30, 2011

Inuulan

Sa ika-5 ng Oktubre na ipapalabas ang pelikulang magpapainit sa inyong inuulang life.

Kape Barako stars Johnron TaƱada, Marcus Aboga, Allan Stevens and  Miko Pasamonte. Also starring Afi Africa, Joyce Acorda and 'the' Frederick Peralta. This indie film is produced by Avel Bacudio, written by Lex Bonife and directed by Monti Parungao

Tikman ang kakaibang lasa ng kape sa mga sumusunod na sinehan:
  • Robinsons Galleria
  • Metropolis Alabang
  • Ever Gotesco Caloocan
  • Isetann Recto
  • Remar Cubao
  • Roben Manila
  • Eden Cinema Cebu

Thursday, September 29, 2011

Subsob

Mamaya na ang concert ng Westlife sa Smart Araneta Coliseum. Gustong gusto ko sanang manood kaya lang may pasok sa trabaho. Limas na rin ang VL credits ko kaya no choice watashi kundi isubsob ang sarili sa trabaho. Mabuti sana kung sa ibang bagay ako nakasubsob eh. CHARAT!

Dahil diyan, pag-uwi ko mamaya ay isasalang ko sa cassette player ang isang bala nila at pakikinggan ang kanilang musika hanggang sa ako'y maka zzzzzzzz...

So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue, to see you once again... my love
All the seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green, to see you once again... my love




My Love is Westlife's first single from their sophomore album Coast to Coast released on November 6, 2000.

Wednesday, September 28, 2011

Concert

Bonggang bongga ang concert ni Pedring yesterday. Lahat tayo at namesmerize sa kanyang kakaibang tinig na halos buong Luzon ang nakarinig. Magdamag niya tayong inawitan na may kasamang wetness. 

Nauna ang Bicol region sa kanyang Philippine Tour na sinundan naman ng Aurora, Isabela, Metro Manila, Baguio, Ilocos at iba pang karatig probinsiya. Walang hindi nakarinig sa mataas niyang boses. Kahit borlogs ka eh walang habas ka niyang kakantahan hanggang sa ika'y magising. Ganyan ang nangyari sa akin kahapon.

Kaakibat niya si high tide sa kanyang arrive at dahil dito, nawala panandalian sa mapa ang todong kahabaan ng Roxas Boulevard. Hindi pinalagpas ang US Embassy, ang shalang Sofitel Hotel at ang gigantic MOA.

Buti na lang at medyo napagod na siya ngayong araw at panaka-naka na lang ang kanyang himig. Nawa'y hindi na muling magconcert ang mga tulad niya sa Pilipinas.