Tuesday, April 21, 2026

Restoration Project #50: Masahol Pa Sa Kalamidad

 
Masahol Pa Sa Kalamidad
Sinulat ni Dommy Abrigo
Guhit ni Danilo Ramirez



(click the images to enlarge)


Espesyal Komiks
Oktubre 20, 1997
Taon 40 Blg. 2282
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, April 19, 2026

Starlight

Isang taon na ang nakalilipas nang lumisan ang nag-iisang Superstar and to protect the legacy she left, mukhang may inihahandang Nora Aunor Enterprise si Ian De Leon. I hope na mag-materialize ito dahil hindi biro ang mga awitin, pelikula, at TV shows ni La Aunor. Isa sa mga wish ko ay makahanap sila ng negatives ng kanyang mga pelikula tulad ng Paru-parong Itim, Bakekang, Carmela, Ina Ka ng Anak Mo, Bakit Bughaw Ang Langit? at Condemned para ma-restore into 4K. 

At ngayon ko lang din nalaman na siya pala ang original artist ng kantang Starlight na nasa Stay Alive album ni Nina. Isinulat ito ng mag-asawang Bodjie Dasig at Odette Quesada. Hinanap ko online ang lyrics habang pinakikinggan ang kanta at naiyak nang bongga sa part na ito...

♪ Sometimes you forget who was there all along
Sometimes they just seem out of sight
But I know that you'll always be there through my darkness nights ♫

Naalala ko bigla si La Mudra sa mga linyang 'yan. Haayyy, time flies so fast but the pain remains. ☹

Saturday, April 18, 2026

Pirata

Dekada 2000s nang mauso ang mga pekeng CD at DVD. Number one na kalaban ng entertainment industry. Bukod sa mura ay very accessible dahil ibinebenta sa bangketa. Ilang araw pa lang palabas sa sinehan ang pelikula pero meron na agad kopya. Malabo nga lang at dinig na dinig ang tawanan ng moviegoers. Maaaninag mo pa ang silhouette nila.

Palaging laman ng balita ang Optical Media Board (OMB) heads na sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts dahil sa mga raid na isinagawa nila para labanan ang pamimirata. Madalas sila sa Quiapo at Baclaran. Ang mga nakumpiska ay sisirain usually gamit ang road rollers.

Naalala ko lang 'yan dahil dito sa isang artikulo na nabasa ko sa National Library. Raid din tungkol sa illegal replication and one of it is an uncensored movie starring Josephine Manuel. Hindi ako familiar sa kanya pero featured sa Wish Ko Lang ang talambuhay niya.

(click the image to enlarge)

People's Bagong Taliba
April 25, 1985

Wednesday, April 15, 2026

Doors


Opening of Cultural Center of the Philippines (CCP) print ad

The Evening News
September 5, 1969

Monday, April 13, 2026

Restoration Project #49: Dra. Alicia Marasigan... Dalubhasa


Dra. Alicia Marasigan... Dalubhasa
Story by Ed Green
Illustrated by Adora Ramos 



(click the images to enlarge)


Pinoy Klasiks
Abril 17, 1997
Taon 34 Blg. 1940
Graphic Arts Services, Inc.

Sunday, April 12, 2026

The Drama

Galing ako Trinoma at hinabol ang night screening ng The Drama starring Zendaya and Robert Pattinson. Ay nako, ang ganda mga ateng! Refreshing ang atake sa relasyon at pagtitiwala sa isa't isa. Sakto din sa karumal-dumal na isyu sa America.

Panahon pa ng Twilight at mahal ko na si Rob (si Rob???) kaya nang mabasa ko sa isang forum na maganda ang pelikula ay naintriga ako. 'Yun nga lang, binasa ko na agad ang plot sa Wikipedia kaya na-spoil ko na rin ang sarili ko. JUICE KOH! Tuwing naka-focus kay Rob ang camera, naglalawa ang tilapia ko. Pakagwapo! Isyu ko lang na ang dilim ng ilang eksena. Kulang yata sa bumbilya ang lighting team at halos aninagin ko kung anong nangyayari. O baka naman din sa sinehan? Ewan. Ang mahal pa man din, 420 pesosesoses na may kasamang popcorn.

Rating: 4/5 stars

Friday, April 10, 2026

Ang Hirap sa Pelikulang Aksyon

(click the image to enlarge)

Movie Review: Ang Hirap sa Pelikulang Aksiyon
Sulat ni Justino Dormiendo
Manunuri ng Pelikulang Pilipino

Jingle Extra Hot!
Movie Entertainment Magazine
No. 68, May 20, 1982

Sunday, April 5, 2026

Samu't-Sari 8.0

  • May nabasa ako sa Twitter na hindi na daw katulad ng dati ang Holy Week. Maraming bukas na tindahan, marami ang nagbabakasyon o may trabaho. Dati kasi very solemn. Wala halos tao sa daan kung hindi 'yung mga nagpru-prusisyon o nagsisipunta sa simbahan para mag-Visita Iglesia. Well, iba na rin naman na ang panahon ngayon, malayo na sa kinalakhan natin. Nasa sa atin na lang kung pananatilihin ang tradisyon o sasabay sa usad ng mundo. Wala namang masama sa dalawa.
  • Tuwing weekends, lagi akong napapadpad sa Kamaynilaan. Minsa'y naglalakad sa kahabaan ng Recto, kumakain ng banana que sa Paterno Street, bumibili ng masusuot sa Rizal Avenue, inaabangan ang paglubog ng araw sa Manila Bay, bumibili ng DVD at libro sa Booksale, at nagkakape sa Harbour Square. Minsan na akong napadpad sa Pasig River Esplanade. To be fair, maganda siyang pasyalan. Maraming kainan, Instagrammable ang lugar at mukhang safe naman. Sana ma-sustain para hindi lang sa mall nagagawi ang mga utaw.
Mekanizmo by Vic J. Poblete and Steve Gan
Ang Bakla sa Bintana by Rose Tan
  • Walong libro na ang natatapos ko ngayong taon. Karamihan ay nobela ng paborito kong manunulat na si Rose Tan. Nauumay na kasi ako sa mga kabobohang nababasa ko sa comment section at sa Twitter. Puro basura na ang pumapasok sa utak ko kaya nagbabalik-loob tayo sa pagbabasa. Marami-rami din akong naipon nitong nakaraan, salamat sa warehouse sale at iba't ibang bookfair na pinuntahan ko. Nawa'y magtuluy-tuloy at makatapos pa ng maraming libro.
Nina's complete discography
  • Kanina ay bumili ako sa Carousell ng Nina Sings the Hits of Diane Warren CD. Nagkaroon na ako nito dati pero ibinenta ko kasi kinain ng anay yung lower part ng inlay. Honestly, hindi ko ito paborito sa mga record ni Nina (kasama ng All Good). Wit ko bet ang areglo ng mga kanta. Or maybe nasanay lang ako sa original arrangement kaya hindi ko masyadong appreciated lalo na 'yung version ng Saving Forever For You. Anyways, I'm glad to have it back sa collection at muli kong nakumpleto ang discography ni Nina.

Friday, April 3, 2026

Restoration Project #48: Muli Kang Mangarap

 
(click the images to enlarge)
Muli Kang Mangarap
Story by Reden Martin
(uncredited artist)


Pinoy Klasiks
Hunyo 29, 1997
Taon 35 Blg. 1961
Graphic Arts Services, Inc.