Thursday, January 8, 2026

Pandangal

Taken from The Evening News
June 1970

Sa paghahalungkat ko ng serials sa National Library ay nadaanan ko ito sa mga pahina ng The Evening News broadsheet. Winerva si ateng Susean N. Hernandez as Miss Philippine Independence 1970 habang Mister Philippine Independence 1970 naman si Allan J. Payne. Bongga ang crowning dahil ang nag-iisang Superstar Nora Aunor lang naman ang panauhing pandangal. Hindi siya nagpakabog with her mala-ensaymadang hairstyle at sa titulo bilang Queen of Philippine Movies. PAKAK!

Nakaukit na talaga sa ating kultura ang beauty pageants and titles na 'yan. Mapa-otoko man o mujer, laban na laban sa rampahan. Haaay, napakasarap balikan ang magagandang alaala ng lumipas. 

Monday, January 5, 2026

Restoration Project #40: Favorite Monster

 
(click the images to enlarge)
Mars Ravelo's Lastik Man
Favorite Monster
Illustrated by Lui Antonio



Aliwan Komiks
Hunyo 19, 1997
Taon 35 Blg. 2264
Graphic Arts Services, Inc.

Saturday, January 3, 2026

Celebrate

 
Manuela Department Store and Supermart print ad

Manila Bulletin
January 1990

Thursday, January 1, 2026

Sama-sama

HAPPY NEW YEAR, MGA ATENG!

After a few years of not being so active eh nakarami tayo last year, thanks to the restoration project of old reading materials. Of course, hindi mawawala diyan ang personal kuda natin sa iba't ibang isyu. We just compressed it via Samu't Sari series.

2026 marks our 16 years together. Kung baby lang itey noong 2010, may senior high school na dapat tayo. NAKAKALOKA! But seriously, thank you kasi nandiyan pa rin kayo. I know some may have moved on, some are lurking once in a while, and some are still waiting for new blog entries. The world has changed since then, hindi ko lang makumbinsi ang sarili ko that it changed for the better. Ang hindi lang nagbabago ay ang todong pagmamahal ko kina Matthew Mendoza at Leonardo Litton. CHAR!

Matthew Mendoza for Chika Chika
Volume 1, Number 6
February 18, 1996
I realized din na ang laking parte ng gobyerno sa kasiyahan na ating nadarama. Kapag maganda ang ekonomiya, mura ang bilihin, efficient na transportasyon, makataong pasahod, murang pabahay, maayos na healthcare system: iba ang satisfaction. Like hindi ka lang masaya, proud ka pa maging Pilipino. Sadly, ang tagal ko nang hindi ramdam 'yan. Hopefully, 2026 will be a good year for all. Mas bongga kung may makukulong na mga senador at congressman. Plural huh!

Sama-sama nating simulan ang bagong taon na puno ng pag-asa ang puso. There's always be a challenge, hindi na mawawala 'yan. Pero 'ika nga ni Natalie Glebova, Miss Universe 2005...

"Always look at the glass half full instead of half empty."

Friday, December 26, 2025

Restoration Project #39: Ang Pag-asa ng Bayan

(click the images to enlarge)

Espesyal Komiks
Oktubre 16, 1997
Taon 40 Blg. 2281
Atlas Publishing Co., Inc.

Thursday, December 25, 2025

Hiling

MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG!

Habang nagkaka-edad tayo, tila ba patamlay nang patamlay ang diwa ng Kapaskuhan. Sa akin lang, hangga't ninanakawan tayo nang harap-harapan ng mga pulitiko at hindi natin nakukuha ang dasurv nating paglilingkod mula sa kanila, patuloy tayong mahihirapan araw-araw. Marami ang nangangarap na makaalis ng bansa pero hindi naman lahat kaya 'yan. Panahon na para isipin natin ang iba. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kaya nawa'y sa mga susunod na buwan at taon, may makikita tayong pagbabago. 'Yan ang tanging hiling ko ngayong Pasko.

Naghanda ako ng spaghetti at fruit salad, at bumili ng lechon manok, cassava cake at kaunting pansit. Kayo, anong handa ninyo?

♪ Tayo na giliw magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
'Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko ♫