Thursday, March 24, 2011

Kidnap

Matagal ko nang nakikita sa iba't ibang Korean websites ang pelikulang ito. It's one of the (rare) gay films produced in South Korea. Alam niyo naman doon, medyo conservative sila sa paggawa ng pelikulang may bahid kabaklaan. They make sure na de-kalidad at magiging maganda ang kalalabasan. Tatlong araw na paputol putol ko pinanood 'to kasi lagi akong natatalo ng antokyo japan.

Simple lang naman ang istorya. Si Su-min ay isang discreet gay na nanggaling sa bahay ampunan. Nagtrabaho bilang factory worker at suma-sideline bilang driver ng mga lasing. Dito niya nakadaupang-palad si Jae-min. Nalove at first sight ito sa kanya pero dedma siya dito. Suplada lang di vaaahhh?!?

Lee Yeong Hoon as Su-min
Kim Nam Gil as Jae-min
Natanggal sa factory si Su-min dahil sa retrenchment not knowing na anak pala ng boss niya si Jae-min. Bad shot ang byuti ni Jae-min kay Su-min at kahit ibinalik siya nito sa trabaho, hindi na niya tinanggap ito. Sa pagpuputa nauwi ang kasarapan niya. Hinanap siya ni Jae-min at ginawa nito ang lahat para sila'y magmahalan kesehodang maboogie wonderland ito. Sakses naman ang bakla after ilang attempts. PAK!


Akala niyo happy na ang lahat!?! Well, wrong kayo dahil balak palang ipakasal si Jae-min ng kanyang mga magulang sa isang bilat. Eeewww!!! CHOS! Walang magawa si bekbek dahil na rin siguro sa bonggang estado niya sa buhay. Bigla niyang iniwan sa ere si Su-min kung kelan mahal na siya nito. Kainis! At dahil sa sakit na idinulot niya, kinidnap siya ni Su-min at binalak na ilibing ng buhay. Oh di vaaahhh!?! Maldita lang. Pero todong nangibabaw ang lab nito sa kanya kaya na-cancel ang masamang balakin. How sweet naman!

Nakakaantig ng damdamin ang kwento at nakakadala ang akting ng dalawang pangunahing tauhan kaya naman I highly recommend ang pelikulang ito. After niyo 'tong mapanood, "try and try until you succeed" na ang magiging motto niyo. Nakakaloka lang ang ending. Hindi ko na ispluk para maintriga kayo.

At dahil sa pelikulang ito, can I just say...

Lee Yeong Hoon
...mahal ko na siya.

12 comments:

  1. mas bet ko Kim Nam Gil na gumanap na Bidam sa Queen Seon Deok... Parang wild... xD

    ReplyDelete
  2. Pogi din si Kim Nam Gil teh astrodeus. Mas nakaka-inlab lang talaga si Lee Yeong Hoon lalo na yung mga eyes niya.

    ReplyDelete
  3. Sana ganito ka ganda mga GAY FILMS sa Pinas. Puro basura at kalaswaan kasi ang mga gay film na pinapalabas recently na tig 500 pa ang ticket. Kaya nga siguro akala ng ibang tao puro kalibugan lang iniisip ng mga BAKLA.

    ReplyDelete
  4. grabe naman ang balak na revenge, ilibing ng buhay. ang brutal. ahahaha

    ReplyDelete
  5. if you want a Korean gay film na good vibes lang, i suggest you watch "Antique."

    ReplyDelete
  6. Hi Ms. Melanie, meron ba site where I can watch it online? thank you in advance -jayaures

    ReplyDelete
  7. Teh jayaures, try mo sa mysoju.com

    ReplyDelete
  8. bonggah teh ang review muh!!! laveth!

    ReplyDelete
  9. wow... nadownload ko na to s torrent, ganda ng movie,, kaloka nga lang ang ending hehehee, pero ganda tlga ng estorya, ibang level..

    ReplyDelete
  10. kakapanuod ko lang nito kanina bago ko mabasa ang post mo... in fairness, nakakaiyak yung eksena nung tinawag ni su min si jae min. galing.

    ReplyDelete
  11. Hi. Who has copies of No Regret and Antique? Where can I buy? Or if you have can you burn copies for me. I'll just pay you for the cost. Thanks.

    P.S. Ang hirap kasing panoorin ng paputol-putol sa mysoju.

    ReplyDelete
  12. Sa Quiapo ako nakabili ng No Regret 'teh Mike.

    ReplyDelete