Hango mula sa nobela ni Lualhati Bautista ang Bulaklak sa City Jail just like Bata, Bata Paano Ka Ginawa, Dekada '70 at Bakat. Kwento ito ni Angela Aguilar na nakulong dahil sa isang krimen.
Unang eksena pa lang ni Ate Guy sa loob ng kulungan, todong napangiwi na ako sa sobrang sama ng ginawa sa kanya. Pinaglaruan siya ng mga correctional beauties na kahit panti niya eh hindi pinatawad.
Habang tumatakbo ang pelikula, marami kang makikilalang karakter. Ilan sa mga agaw-eksena ay ang nakakasuklam na role ni Mitch Valdez na talaga namang nakakagigil sa galit, ang nakakaawang kalagayan ni Perla Bautista bilang nanay na inilayo sa anak at ang pinaka 'da best sa lahat... si Celia Rodriguez. Mantakin mo, pokpokita ang role niya pero ang shala ng pagdadala niya.
Sa bawat pagtatangka ni Angela (Nora Aunor) na tumakas, kinakabahan ako. Ang lakas talaga ng impact ng akting ni Ate Guy sa akin. Naroong nagtago siya sa likod ng estatwa at nang makakuha ng tiyempo, umakyat ng gate. 'Yun nga lang, nahuli siya ng pulis at bartolina ang ending niya. Pero 'ika nga nila, try and try until you succeed. Nakatakas din siya.
Binalak niyang patayin ang lalaking nanloko sa kanya na ginampanan Ricky Davao pero hindi natuloy.Gumalaw kasi ang beybi sa sinapupunan niya. Nakonsensya siya.
Bongga naman ang ending kasi napawalang sala siya sa kanyang kaso at nakalaya.
As usual, as ever, as a fan, pinabilib na naman ako ni Ate Guy sa performance niya dito. Iba nga lang ang pelikulang ito dahil malaman at madaming tauhan. Lahat naman sila ay importante at may pinakitang relevance sa istorya.
Binalak niyang patayin ang lalaking nanloko sa kanya na ginampanan Ricky Davao pero hindi natuloy.Gumalaw kasi ang beybi sa sinapupunan niya. Nakonsensya siya.
Bongga naman ang ending kasi napawalang sala siya sa kanyang kaso at nakalaya.
As usual, as ever, as a fan, pinabilib na naman ako ni Ate Guy sa performance niya dito. Iba nga lang ang pelikulang ito dahil malaman at madaming tauhan. Lahat naman sila ay importante at may pinakitang relevance sa istorya.
Magaling talaga si Ate Guy, ako rin hanga ako sa kaniya sa acting. SUPER talaga.
ReplyDeleteNapahanga ako sa paraan ng pag halakhak nya nung naka-bartolina sya nung malaman nyang pinatay ang bastonera. Mula noon hanggang ngayon wala pang nakakagawa ng ganong klaseng pag halakhak sa mga artita maliban kay Nora Aunor. She's a genious talaga. Mararamdaman mo sa kanyang halakhak ang kasiyahan at higanti dahil napatay na ang walanghiyang bastonera. Try to watch it again, ang galing ng eksenang yon. Napaka-simple... halakhak lang pero ang lalim ng kahulugan. Ganyan mag-deliver ng akting ang isang Nora Aunor. Sana pag balik nya ng bansa eh me mag offer kaagad sa kanya ng movie o kaya teleserye para hindi na kaagad sya bumalik ng US. Nakaka-miss na kasi ang henyong tulad nya.
ReplyDeleteMelanie, panoorin mo rin ang Condemned. It's a commercial movie pero ang galing ng pagkakagawa. Mario O'Hara movie rin yon. Ang paboritong direktor ni Ate Guy. Don first time nag kontrabida si Gloria Romero. Super hit sa takilya yon.
ReplyDeleteTeh Aonymous May 10, 2011 12:03 AM, napanood ko na ang Condemned at nagustuhan ko ng bongga. Here's my insight about the movie:
ReplyDeletehttp://todosabongga.blogspot.com/2011/03/si-pacita-yolly-at-laura.html