Tuesday, February 22, 2011

Hanga

Bow na bow ako sa tuwing napapanood ko sa telebisyon at naririnig ang mga bonggang qoutable qoutes ni titah Miriam Defensor-Santiago. Tumatatak talaga sa utak ko. Kapag may sesyon sa senado, inaabangan ko ang mga sasabihin niya. Kung may hearing naman at may iniimbestigahan anomalya o kontrobersiya ang mga senador, feeling ko syokot at nanginginig sa tensyon ang mga imbitado tuwing siya na ang magtatanong. Hindi pwede sa kanya ang aanga-anga dahil tagos hanggang laman-loob ang banat niya.

Kabi-kabila man ang opinyones de peninsula ng mga detractors niya, never na natibag ang paghanga ko sa kanya. Kung siya siguro ang nanalong pangulo noong 1992 presidential elections, iba siguro ang kalagayan ng bansa natin. Subalit datapwat kahit luz valdes ang byuti niya, todong aktibo pa rin siya sa pulitika. Mas pinahanga niya ako ng i-propose niya dati na tanggalin na ang pork barrel ng mga kongresista. TAMA NGA NAMAN! Laking tipid sana 'nun para sa budget ng Pilipinas at magagamit pa ang anda sa ibang sangay ng pamahalaan.

Mataas ang tiwala sa kanya ng mga Pinoy. Ebidensya diyan na sa tuwing tatakbo siyang senador eh pasok sa banga ang kanyang namesung sa top 12. 'Di ba't siya nga ang nangunang female senator last election.

Let me end this topic sa pinaka paboritong kong qoute mula sa kanya. Level-up ang confidence ko mula ng marinig ko 'to sa mga leps niya. Perfect din ito sa inyo mga 'teh kung may mga taong tahasan ang disgusto sa pagkatao niyo. I qoute: 

"If you don't like me... I don't like you DOUBLE".

*The images are from her official website.

6 comments:

  1. Idol mo rin pala siya. I'm just wondering about what her views are about gays.

    ReplyDelete
  2. she's my idol...sayang dinaya ni Ramos...ganda ng legs nyan ng 90's at seksi noong judge pa sa QC...sa UP LAw daming din inggit dyan biro mo iyan lang halos memoryado ang mga RA's, CA's at PD's...at ang mga expression, grabe!!! (Joey)

    ReplyDelete
  3. Number 3 siya last elections!
    It means na maraming may gusto sa kanya!

    Napaka fierce niya at napaka talino!

    Sa personal ang bait niya sa kanyang staff!
    Siguradong lolobo ka sa katabaan kung naging staff ka niya....

    ReplyDelete
  4. Although I adore Miriam Defensor Santiago, we have to set the record straight. She lost in the 2001 senatorial elections. Thus, it is not true that she always clinches a spot in the Senate.

    ReplyDelete
  5. -To Anonymous February 25, 2011 1:20 AM:

    Ateh salamat sa impormasyon. Magreresearch ako ng mas bongga sa susunod.

    ReplyDelete