Wednesday, September 28, 2011

Concert

Bonggang bongga ang concert ni Pedring yesterday. Lahat tayo at namesmerize sa kanyang kakaibang tinig na halos buong Luzon ang nakarinig. Magdamag niya tayong inawitan na may kasamang wetness. 

Nauna ang Bicol region sa kanyang Philippine Tour na sinundan naman ng Aurora, Isabela, Metro Manila, Baguio, Ilocos at iba pang karatig probinsiya. Walang hindi nakarinig sa mataas niyang boses. Kahit borlogs ka eh walang habas ka niyang kakantahan hanggang sa ika'y magising. Ganyan ang nangyari sa akin kahapon.

Kaakibat niya si high tide sa kanyang arrive at dahil dito, nawala panandalian sa mapa ang todong kahabaan ng Roxas Boulevard. Hindi pinalagpas ang US Embassy, ang shalang Sofitel Hotel at ang gigantic MOA.

Buti na lang at medyo napagod na siya ngayong araw at panaka-naka na lang ang kanyang himig. Nawa'y hindi na muling magconcert ang mga tulad niya sa Pilipinas.

2 comments:

Aike said...

may next concert daw..parating.

Harvey Assen said...

Oo nga hehe nakakainis siya kasi habang may tinatype ako sa aking kaybords e biglang naputowl ang lenya ng aking eternet, nakikinis hihih.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...