Tuesday, September 20, 2011

Paano na lang?

Nakipag-bondingan ako sa aking pamilya at mga kaibigan nitong nakaraang dalawang araw. Ang sarap sa pakiramdam na makipaghalakhakan at makipagdiskusyunan sa kanila. Iba pa rin talaga ang pakikipag-interact sa totoong buhay kaysa sa internet lang.

Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko nung linggo. Sakto at nandun din ang isa pa naming kachokaran. Kwentuhan habang palipat-lipat sa replay ng Miss Universe at coronation night ng Miss World. Medyo sensitive ang ibabahagi ko sa inyo kaya itatago ko ang kanilang tunay na pangalan.

Mariah: Nako, itinigil ko na nga 'yang pag-eemo sa Facebook.

Melanie: Bakit? Tanggap mo na bang dalawa kayo sa buhay ni Ricky?

Mariah: Hindi lang dalawa. Marami kami.

Melanie: Oh my! Hindi ba siya natatakot na magkaroon ng AIDS?

Naikwento ko sa kanila ang picture ko sa promotion ng The Love Yourself Project.

Shania: Since advocate ka na, pwede na siguro naming sabihin sayo...

Mariah: Si Ricky ay HIV positive.

Melanie: HUH! Eh di baka ikaw rin?

Mariah: Never naman kaming nag-do noh!

Melanie: Kailan niya nalaman? Saan?

Mariah: Few months ago. Nagpatingin silang magbabarkada sa San Lazaro. Tatlo sa kanila ang nagpositive. 'Yung isa 19 years old lang.

Melanie: Kailangan siguro niya ng counselling. May kilala ako.

Mariah: Ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Hindi na siya makikinig sa counselling na 'yan. Wala nang direksyon ang buhay niya.

Melanie: Eh anong balak niya?

Shania: Ang manghawa.

Nilukuban ako ng matinding takot ng mga sandaling iyon. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman pero ang tanging nangibabaw ay takot. Hindi ko alam kung para kanino pero natakot ako.

Paano na lang siya?

Paano na lang ang iba pa niyang nakaulayaw?

Paano na lang kapag nalaman ito ng kanyang pamilya?

Paano na lang ang mga inosenteng tao na maaari niyang hawaan?

8 comments:

  1. teh, pahuli mo na yan bago pa mahuli ang lahat.
    alam ko, mahirap pero alalahanin mo na lang ung ibang taong mahahawaan niya. kaya ba ng konsensya mo na maatim na ang iyong kakilala ang dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang listahan ng taong may HIV? teh, isipin mo and ibang tao. pasensya na!

    ReplyDelete
  2. wala naman konsensya yang taong yan!!tama yung unang nagcomment, pahli nyo kesa makapangdamay sya ng iba..

    ReplyDelete
  3. ako hindi. una kasi, how accurate ang hiv test sa bansa natin? no offensement di ba?? saka bakit di ka naman mahahawa sa aids unless makikipag sex ka. kung tatayo ka lang sa tabi nya di naman sipon un or ketong na mahahawa ka agad.
    i think it only boils down to safe sex and being faithful to your partner..

    saka papahuli?? katatawa naman kayo imbes na tulungan nyo ung tao or gumawa ng paraan kung paano nya harapin un ipapahuli nyo.. prangkahan ano ba ang dating sa yo pag sinabing ipapahuli ka?? aber???

    iba iba ang opinyon natin pag dating dito pero ang aids sasabihin ko ulit di makukuha ng basta basta.. unless blood transfer or sex..

    --ken

    ReplyDelete
  4. konsensya na niya un kung manghawa sya..at ang ipahuli sya eh di sagot sa paglaganap ng aids dito sa bansa natin...

    sariling control at pag-iingat dapat..safe at protected sex always...kung inaapply mo ito, kahit ilang libong hiv + pa silang me intensyong manghawa,di ka nila mahahawaan...

    ReplyDelete
  5. You can report the person to the authorities. The virus has been around for more than 25 years. There should be no "innocent victims" anymore. If you don't protect yourself, you are half to blame because you are a willing participant.

    ReplyDelete
  6. sana maging instrumento tayo sa pagpuksa ng sakit na ito. ang bawat nilalang na mahahawaan nito ay papatong sa konsensya ng mga taong nakakaalam.

    ReplyDelete
  7. tanga tangahan mode... sina shania at mariah bay mga babae or babaeng may lawit din?

    ReplyDelete