Friday, September 23, 2011

Barya ni Juan

Taun-taon na lang kung magprotesta ang mga iskolar ng bayan dahil sa walang habas na pagtapyas ng gobyerno sa taunang budget nito para sa edukasyon. 

Kaninang umaga ay nagsipag-walkout sa kanilang klase ang mga estudyante at propesor ng Univeristy of the Philippines upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya. Nakisama din ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines sapagkat hindi man lang umabot sa kalahati ang pondong inilaan sa kanila para sa taong 2012. Nakiisa din ang Philippine Normal University, Rizal Technological University atbp.

Tinaguriang "Plank-U" ang nasabing protesta dahil nagsasama-sama ang mga raliyista sa Mendiola at doon sabay-sabay nag-planking.

Hindi kataka-takang bokya tayo sa school rankings sa buong mundo. Sa liit ng budget eh nagawa pa itong bawasan. Bakit hindi tapyasan ang pork barrel ng mga kongresista? Mas maigi pa nga kung tanggalin na 'yan para mailaan ang pera sa ibang sangay na mas nangangailangan.

Estudyante pa lang ako eh ipinaglalaban na 'to. Aba! Kelan sila hihinto? Kapag barya na lang ang tira para sa kinabukasan ni Juan?

*images from abs-cbnnews.com

No comments:

Post a Comment