Thursday, March 7, 2013

Tinamo

Image courtesy of Events2Images
Ika-limampung taon na ng Binibining Pilipinas ngayong taon at dahil diyan, cincuentang babae din ang maglalaban-laban sa tatlong korona, ang Bb. Pilipinas-Tourism, Bb. Pilipinas-International at Miss Universe-Philippines. Dahil na rin sa tinamong tagumpay ni Janine Tugonon last year kaya siguro naging overwhelming ang numero ng mga dilag na nagpa-screening. Literal na bumaha ng ganda sa Araneta Center. Buti na lang at pinili kong manatili sa bahay or else, lulubog sa ganda ang buong NCR. CHAREEENG! Narito ang kumpletong listahan...

1. Ria Rabajante
2. Ma. Bencelle Bianzon
3. Zandra Flores
4. Nicole Kim Donesa
5. Maria Sofia Gloria Mustonen
6. Yvette Chantal Mildenberger
7. Maria Ivy Kristel Gonzales
8. Abbygale Monderin
9. Katherine Anne Enriquez
10. Anna Carmela Aquino
11. Ana Carmina Antonio
12. Camille Carla Nazar
13. Charmaine Elima
14. Mary Rose Pujanes
15. Pia Wurtzbach
16. Joanna Cindy Miranda
17. Carin Adrianne Ramos
18. Christine Paula Love Bernasor
19. Hannah Ruth Sison
20. Bea Rose Santiago
21. Lourenz Grace Remetillo
22. Ellore Noelle Punzalan
23. Leona Paula Santicruz
24. Cassandra Naidas
25. Merry Joyce Respicio
26. Anna Fernandina Buquid
27. Vania Valiry Vispo
28. Mercegrace Raquel
29. Pauline Quintas
30. Maria Theresa Gorgonio
31. Maria Angelica De Leon
32. Cindy Abundabar
33. Parul Shah
34. Grace Yann Apuad
35. Theresa Marie Fenger
36. Angel May Villafuerte
37. Ma. Teresita Alaine Baccay
38. Mariz Ong
39. Mutya Johanna Datul
40. Jan Helen Villanueva
41. Ariella Arida
42. Jacqueline Alexandra Mayoralgo
43. Rhea Nakpil
44. Gabrielle Monique Runnstrom
45. Imelda Schweighart
46. Amanda Noelle Navasero
47. Aiyana Mikiewicz
48. Angeli Dione Gomez
49. Herlie Kim Artugue
50. Ma. Cristina Ann Pascual

Nagsimula na rin ang activities ng patimpalak. Inumpisahan nila sa Operation Smile na todong suportado ng Bb. Pilipinas Charities. Sa March 9, Sabado, ay magpapakitang gilas ng kanilang bonggang talento ang mga kandidato. Sandamakmak na bekis ang susugod sa Cubao para mapanood 'yan at para na rin makita nang personal ang kanilang betchikels. May lima na akong napupusuan para manalo...

Charmaine Elima
Unang kita ko pa lang sa babaitang itey, Miss Universe na agad ang naisip ko. Perpektong kutis, mabibilog na mata, ngiting may sinseridad at gandang umi-impact. PAK NA PAK! Brainy din ang lolah niyo at ga-graduate yata bilang Cum Laude.

Arielle Arida
Buhok na mukhang ni-Rejoice, kutis Asyana at mapupungay na mga mata. Panalo din ang tindig at hugis ng katawan.

Cindy Miranda
Fragile-looking ang lola niyo. Girlfriend material at mala-anghel ang fes.

Bea Santiago
Sosyalin ang arrive. Amelia Vega ang aura. Penge namang cheekbones!

Lourenz Grace Remetillo
Gandang exotica na biniyayaan ng katangkaran. Siya ang kauna-unahang Pilipina na ipinadala sa Miss Supranational noong 2011. Advantage ang pagkakaroon ng international competition.

Mahaba pa ang lalakbayin ng kumpetisyon. Waiting in vain tayez sa official glam shots at press presentation. Sino kaya ang aangat? Sino kaya ang steady lang? May lulubog kaya? Mga vaks... avangan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...