Holy Week is here. Napaka-importante nito para sa mga Katoliko dahil ito isang linggo nating ginugunita ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Nariyang magbi-bisita iglesia tayo at magdarasal ng
Station of the Cross. Sa mga nagta-trabaho sa call center, tine-take advantage nila ng pumasok dahil tiba-tiba sa double pay. At sa mga walang pasok, panahon na para bonggang magbakasyon at pumunta sa beach. Kanya-kanyang trip.
Nung bagets ako, lagi akong naiinip pag dumarating ito. Wala kasing mapanood sa TV. Puro lumang pelikula nina
Charo Santos, Ate Vi, Bembol Roco at
Ate Guy. Nataon pang summer kaya ang init sa pakiramdam. Naalala ko tuloy ang marathon ng
7th Heaven series sa
Studio 23. Feel-good ang pamilyang iyon 'tas ang gwapo nung panganay na lalaki. Ipinasok ko na naman ang kapokpokan.
PAK!
Layong-layo din ako kapag dinadayo namin nina mudraks ang
grotto sa may
Novaliches. Nito ko na lang nalaman na
Bulacan part na pala 'yun. Alay lakad ang peg. 'Di pa masyadong gawa noon ang daan kaya todo lakad. Tustado ka sa init kahit may payong na panabla. Maalikabok pa dahil 'di patag ang daan. Pipila nang pagkahaba-haba at mag-iigib sa gripo ng milagrosang tubig. Last time na punta ko, ang dumi-dumi na nung lugar. Ginawa nang parke at doon nagpi-picnic ang ilan. Tapos na kaya 'yung second floor na simbahan?
'Di rin pahuhuli si mudraks sa dami ng paniniwala niya tulad ng bawal magtrabaho sa
Viernes Santo. Maligo bago mag ala-tres ng hapon. Huwag tumalon at maglaro kasi kapag nagkasugat, 'di na gagaling. Hanggang ngayon bitbit ko 'yan. Wala namang masama kung susundin.
Kayo, anong kwentong holy week niyo?
Bb. Melanie...can you make a short touching story 'bout mother...since katatapos lang ng women' day and mothers day is near to come...gawa ka naman..and i actually requesting you to do that for being a professional blogger...since my mom died last march 18..i wish you to do a lil' but cute and touching stories about mommies..thanks...
ReplyDeleteHeto ang kwentong Holy Week ko.
ReplyDeleteDati, nakakapagbakasyon pa kami ng family tuwing Holy Week --- Baguio, Batangas, Bataan, Tagaytay, La Union, Pagudpod, Cebu, Iloilo, etc. And every Good Friday since 2005, natataon, at hindi ko sinasadya, na may kembot ako tuwing Biyernes Santo! Hook-up talaga, in unexpected vacation places.
This year, nataon na may trabaho ako. Meron kayang booking mamaya? Hmmm, malalaman...
-Teh nekui-demigod, I'm sorry to hear that :( Sige, paghahandaan ko nang bongga 'yang request mo :)
ReplyDelete-Teh Anonymous, NAKAKALOKA 'yang kwentong Holy Week mo! Dilig sa bawat parte ng Pilipinas. CHARUT!!!
Bb. Melanie, eto na ang karugtong ng kwento ko:
ReplyDeleteWala.
Hindi ako nakakembot ng Biyernes Santo 2013, gawa nga nang may trabaho ko.
Pero nag-text ang aking suking masahista mula sa Phoenix (San Juan), tinanong ako kung gusto kong magpamasahe. Umoo ako, tutal ay gusto ko naman talagang magpamasahe.
Ayun na, nangyari na ang inaasahang mangyari. Pero technically, Sabado na yun, since midnight na kami nakapagkita.
Kaya ayan, may kembot pa rin ng Mahal na Araw. Hindi sana ako kidlatan sa mga pinaggagagawa ko :)
Ok lang po ba mag alay lakad ng fri.? Marami po kasing gangster na kasabay tuwing thurs mga nag aaway at nagbabatuhan ng malalaking bato. Thank u po
ReplyDelete