Kayo ba nagugulat pa kapag nababalitaan niyong may nagungurakot na pulitiko? O mas nagugulat kayo kapag sinabing malinis ang track record nila? Ako, dun sa pangalawa. Tingnan niyo na lang ang kalalabas lang na balita ng
Comission on Audit tungkol sa diumano'y paggamit ng ilang senador sa kanilang pork barrel sa isang NGO na nagngangalang
Pangkabuhayan Foundation Inc. (PFI).
HUWAW! Parang 'di pinag-isipan ang pangalan ng organisasyon. Kahit grade school maiisip 'yan.
Ayon sa balita, sina Sen. Enrile, Estrada, Revilla at Rep. Velarde ang may milyon-milyong donasyon diyan. Ano kayang programa ng PFI? Pwede kaya akong matulungan niyan? Kung hihingi ako sa kanila ng tulong para sa pangkabuhayan ni fafah, maaprubahan kaya nila ang aplikasyon ko? Wish ko lang noh! Para hindi ako iwan ni fafah! KALOKA!
Ang tawag dyan ay dummy ngo...sa bulsa nila napunta ang pera.
ReplyDeleteNakakaloka at ang masahol pa diyan ay ang Palusot na dinahilan ng mga lecheng Mga senador na yan!
ReplyDeleteKURAK!
ReplyDeleteWag iboto yan si Enrile. Napaka kurakot nyan.
ReplyDelete