Thursday, August 29, 2013

Freeze. Fade out. Black screen.

Aking mga kababayan,

Maghunos dili kayo sa pamimintang sa feborit actor/senator ko. Naniniwala akong si Lizardo ang may pakana ng paninira sa kanya. Porke ba balak niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon eh sisiraan agad siya? Ang aga naman yatang black propaganda niyan!

Anong magagawa niyo kung mahal namin siya? Tandaan niyo, mas marami ang masa sa sushalera. Sa kanya kaya ipinasa ni FPJ ang espada ni Panday. Patunay lang na may kakayahan siyang ipagtanggol kaming mga nangangailangan. MGA WALANG MAGAWA! Para meron, panoorin niyo ang paborito kong pelikula nila ni Lani Mercado... 'yung "TULUMEEE!!!"

Tsaka anong pinagsasabi niyong magkakuntsaba sila ni Janet Napoles? Da who ang babaeng 'yan? Siya ba 'tong nakasleeveless...


HALLER!!! Pwede ba 'wag kayong shushunga-shunga. Eh mukhang fan lang siya na nagpapicture eh. Kilatisin niyo ang pigi ngiti. Kung ako din naman ang makakakita sa kanila sa restawran, 'di ko palalagpasin ang once in a lifetime na photo op with the two of the biggest action stars in Philippine Senate. Kaya lang 'di naman ako nagagawi sa ganyang kainan. Sana minsan maisip nilang kumain sa paborito kong unlimited lugawan. Basta huwag lang silang manghihingi. Eh anong ibibigay ko? 'Di naman pwede 'yung akin dahil personal 'yun, sa pang araw-araw na pagkain. 

Innocent until proven guilty, 'yan ang motto ko para sa kanya. Uhm... motto nga ba ang tawag diyan? Ay basta! Hindi ako maniniwala sa mga tsismis. Walang katotohanan ang mga 'yan!

At sa'yo aking feborit actor/senator, tibayan mo lang ang sikmura mo sa pagsubok na 'to. Paulit-ulit ka man tirahin, alam kong sa bandang huli, ikaw  ang magwawagi tulad sa ending ng mga pelikula mo. Ratratan sa abandonadong gusali kasama ang iyong leading lady. 'Pag tumba na lahat ng kalaban, maririnig ang wangwang sa background. Hudyat na darating ang mga pulis. Freeze. Fade out. Black screen. Cast of characters. Arranged from bida to ekstra. All rights reserved. In short, lilipas din 'to at makakalimutan ng tao sa 2016. Mananaig kaming mga fans sa botohan. Mananalo ka. Sigurado 'yan.

Feeling bilyonarya,
Bb. Melanie

5 comments:

Geosef Garcia said...

*hahahahaha* Lakas ng tawa ko dito. This is a sarcastic entry, right? :)

Anonymous said...

mars. joke ba to o from your heart talaga.

Anonymous said...

hala, ikulong na yang mga yan!

Anonymous said...

cnung lizardo ang tinutukoy Ms. M?

Melanie said...

-Teh Geosef, 'di ako pwedeng maging sarcastic kay feborit actor/senator. Andami niya kayang pera. Baka maambunan ako pampapuke ko ahahaha!

-Teh Anonymous August 29, 2013 at 5:50 PM, galing 'yan sa kaibuturan ng humahalimuyak kong keps. CHAROT!

-Teh Anonymous August 30, 2013 at 10:42 AM, saan mo gusto 'teh? Sa bartolina o sa kwebang puno ng hantik?

-Teh Anonymous August 30, 2013 at 2:59 PM, 'yung kalaban ni Panday hehehe...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...