Dahil hapon na at malapit na ang rush hour, ipinagpabukas ko na ang HIV test. On my way home eh 'di ko mapigilan ang kainin ng paranoia. Paano kung positive? Anong gagawin ko? Paano ang mga taong umaasa sa akin? Paano ang trabaho ko? At marami pa. Hanggang sa panaginip eh 'di ako tinantanan niyan. Wala muna akong sinabihan tungkol dito. Sinarili ko muna. Mahirap. Ay! Mahirap na mahirap pala.
Nasa sakayan na ako pasado alas-nueve ng umaga. Halos umabot ako ng alas-diez kakahintay dahil andaming tao 'tas kokonti ang mga sasakyang bumabiyahe. Sa wakas may dumating na FX papuntang LRT Muñoz. Dahil 'di ko alam ang eksaktong bababaan, sinabi ko na lang na sa Baclaran. Sa may bintana ako pumwesto para kita ko ang labas. 'Pag nakita ko ang hinahagilap ko, bababa na ako sa susunod na istasyon. Unfortunately, wit ko natanaw. Alam kong lumagpas na ako kasi Doroteo Jose station na. Bumaba na ako at sumakay ng jeep pabalik.
"Manong, dadaan po ba kayo ng San Lazaro Hospital?"
"Oo."
"Pakibaba na lang po ako doon."
Abot ang kaba ko habang tumatawid at binabagtas ang daan. Ang daming pasyente para sa anti-rabies. Malamang 'di doon ang testing kaya more lakad pa. Ayan na ang entrance.
"Kuya, saan po nagpapa-HIV test?"
"Doon, paglagpas mo sa kainan na 'yun."
Mas lalong umintense ang naramdaman ko. This is it! May nakasabay pa akong dalawang doktor sa paglalakad. Kebs. The earlier na matapos 'to, the earlier na mawawala ang kapraningan ko.
Pumasok ako sa isang clinic sa kanan. Nasa kaliwa kasi ang laboratory kung saan may nakapaskil na doon ginagawa ang HIV test. Walang tao sa reception. Sa kaliwa ko ay may bukas na pinto at maraming tao. Mukhang seminar. Sa kanan ko eh opisina na walang tao pero bukas ang ilaw. Nasa harap ko ang flow chart kung paano magpapa-HIV test. Binasa ko muna hanggang sa may nakapansin sa akin. Mukhang doktor. Sinabi ko sa kanya ang purpose ko. Tinanong niya kung may doctor's request akez. Kumpleto ako ng dokumento so walang problema. Ang problema ay nasa kanila. I can't exactly remember kung ano 'yon pero parang walang available na tao na mag-aasikaso sa akin.
"Kung gusto mo, meron sa tapat. Tatawid ka lang."
Itutuloy...
BITIN! Bb. Melanie part 4 na please? Inaabangan ko itey! PAK! God bless you.
ReplyDelete-KP
I really hope you're non-reactive ateng Melanie.. I had my first HIV test last December 2012 and I felt the same way you did.. good thing it was non-reactive.. Had my 2nd just 2 weeks ago and it was still non-reactive.. Now I have come to a decision that I will really stop casual sex.. take care of yourself..
ReplyDelete-- PersephoNelly
I hope it's negative. Please update us. We will still support your blog site.
ReplyDelete---BARAKO BULL